3063RD POV “Dell!” Malakas na sigaw ni Aaron, kaya agad siyang napatingin dito. Kitang-kita niya naman ang galit nitong mukha. “Kuya! Bakit ba hindi ka makapaghintay?” Inis na wika niya. Ito kasi ang unang pagkakataon, na may nakakaalam sa pamilya niya, sa lugar na ‘to. Hindi sumagot sa kanya si Aaron, habang madilim pa rin ang mukha nito na tumingin sa kanya. “Uuwi naman ako, bakit ba hindi kayo makapag-hintay sa akin?” Muling wika ni Dell, habang napatingin ang kuya niya sa paligid, kaya mabilis niyang hinawakan ang kamay nito, at hinila ito palabas. “Anong tinatago mo rito?” Napakunot ang kanyang noo, habang nag-iwas ng tingin kay Aaron. “Tinatago? Anong tinatago?” “Hindi ka bibili ng ganitong bahay, kung wala kang tinatago?” “Kuya! Ano ba naman ‘yang pinagsasabi mo? At ano ang itatago ko sa inyo?” Irap na wika niya, habang nauna nang sumakay sa kotse. “At bakit ba hindi kayo makapaghintay? Bakit ayaw niyo man lang akong pag-pahingahin?” Muling wika ni Dell, matapos tumab
307 3RD POV “Ito! Bakit mo ‘to kinuha?!” Galit na sigaw nito sa kanya. Agad naman na tinulak ni Dylan, si Noah. Nang makita ang ginawa nito sa anak niya. “’Wag na ‘wag mong sigawan ang Anak ko, sa harapan ko!” Galit na sigaw nito, kaya mabilis na tinutok ng mga tauhan nito ang mga hawak nitong baril. Ganun din ang mga tauhan ni Dylan, kaya malakas na napasigaw si Aira. “Ibaba niyo ‘yan!” Galit nitong sigaw. Suminyas naman si Noah, sa kanyang mga tauhan para ibaba nila ang kanilang mga baril. “Hindi ko kinuha ‘yan! May nagbigay lang sa akin niyan.” “Sinungaling! Alam mo bang ikaw ang pinaka-sinungaling na nakilala ko! Kaya dapat kang makulong!” “Tama na!” Muling sigaw ni Aira. “Mr. Park, siguro naman ay pwede nating pag-usapan ‘to, at pwede bang ‘wag niyong pairalin ang init ng inyong ulo! Lalo kana Dylan!” Wika niya sa kanyang asawa. “Lumabas muna kayo.” Wika ni Aira, kaya gulat na napatingin sa kanya si Dylan. “Bakit kailangan kung umalis?” Inis na tanong nito sa kanya. “D
3083RD POV “Kumusta kana?” Ngising tanong nito sa kanya. “B-bakit g-ganyan ang mukha mo?” Utal na tanong ni Dell, habang napatitig ito kay Noah. “Bakit Princess? Hindi ba siya ang Noah, na sinabi mong kumidnap sa ‘yo?” Taka na tanong ni Evo, sa kanya. “S-siya..” Mahina na wika ni Dell. “P-pero ‘yong mukha niya noong nakita ko siya, h-hindi ganyan… Naging kamukha niya si Noah Park..” Wika ni Dell, kaya napahawak si Aaron, sa noo niya. “Alam mo Dell, ang gulo mo. Ang sabi mo siya si Noah, at alam mo bang lahat ng impormasyon niya, ay tiningnan na namin.” Wika ni Aaron. “Ganito na talaga ang mukha ko Dell, alam mo naman ‘yan ‘di ba?” “Hindi! Alam kung hindi ganyan ang mukha mo! Kaya tanggalin mo ‘yang salamin mo, at ayusin mo ‘yang sarili mo!” “Tama na Dell!!” Malakas na sigaw ni Aaron, sa kanya. “Bro, pwede bang ‘wag mo siyang sigawan!” Inis na saway ni Evo, sa kakambal niya. “Pwede bang ikaw ang kuma-usap d’yan sa kapatid mo, dahil pati ako, naguguluhan na sa kanya.” Inis n
3093RD POV “Nagulat ba kita?” Ngiting wika ni Dell, kay Noah. Naisipan niya kasi itong puntahan sa opisina nito. “Sa’n ka galing? Bakit ngayon ka lang?” Muling tanong niya rito, habang napakunot ang noo nito. “Ano bang pakialam mo? At isa pa, anong ginagawa mo rito?” “Pinuntahan ka, hindi kana kasi bumalik sa amin.” Sagot niya habang umupo sa sofa. “Busy ako, kaya ‘wag mo akong guluhin.” Madiin na wika nito, habang tinitigan ito ni Dell, na umupo sa kanyang swivel chair. Mabilis na tumayo si Dell, at lumapit ito kay Noah.Umupo siya sa harapan nito at tinititigan itong muli. “’Wag mo akong tingnan ng ganyan.” Inis na wika nito sa kanya. “Bakit? Naiilang kaba? Takot kabang malaman ko ang totoo?” Wika ni Dell, kaya nag-angat ito ng mukha, at lalong kumunot ang kanyang noo. “Malaman? Ano naman ang malalaman mo?” Tanong niya, habang madilim na tinitigan ni Dell, ang kanyang mga mata. ‘Teka lang? Bakit bigla nalang nag-iba ang kulay ng kanyang mga mata?’ “Hindi kana yata naka-p
3103RD POV Napasinghap si Dell matapos iyang makita ang ginawang pagsampal ni Alicia, sa babaeng pinag-panggap niyang siya.“B-bakit niya ginawa ‘yon?” Inis na wika niya at akmang lalabas na sana sa kotse, pero mabilis siyang pinigilan ng kanang driver. “Hayaan na po muna Ma’am, mukhang hindiniya po alam na hindi po kayo ang kaharap niya.” Wika nito sa kanya. “Pero kahit na, dapat hindi niya pa rin ‘yon ginawa!” Galit na wika ni Dell. Matapos niyang makita silang umalis, ay agad niyang tinawagan si Beth. “Anong nangyari?” Tanong niya rito, habang naririnig ang iyak ng babae.“Galit na galit po si Madam Alicia, sa inyo Ma’am Dell, at nagbabanta po siya.” Napakunot ang kanyang noo, dahil sa kanyang narinig. “Nagbabanta? Bakit niya ako pinagbantaan?” Taka na tanong niya rito. “Ang sabi niya po ay layuan niyo po raw si Senyorito Noah.” Lalong napakunot ang noo ni Del, dahil sa narinig niya. Hindi niya akalain na ito ang sasabihin ni Alicia. “Ibalik niyo ang kotse.” Utos iniya kay
3113RD POV THROWBACK “Para sa ‘yo.” Napatingin si Dell, sa lalaking nasa harapan niya. “Ano ‘yan?” Taas kilay na tanong niya rito. “Para sa ‘yo..” Muling wika nito, kaya napatitig siya sa hawak nitong bulaklak. “Hindi ako tumatanggap ng ganyan.” Inis na wika niya, dahil ayaw niya na may magbigay sa kanya ng bulaklak. Para sa kanya, ay gastos lamang ‘to, at nag-aksaya lang sila ng pera. “Tanggapin muna Dell…” Yukong wika nito sa kanya, dahil nahihiya na io. Pinagti-tinginan na kasi sila ng ibang mga estudyante. “Akin na nga, basta sa susunod, ‘wag ka nang magsayang pa ng pera. Lalo na at malayo ang pinanggalingan mo. Dapat ngayon matuto na tayong mag-ipon man lang.” Wika niya, habang kinuha ang hawak nitong bulaklak. Malawak naman itong napangiti at tumango sa kanya. “Salamat Dell.” Ngiting wika nito. Simula ng tanggapin ni Dell, ang bulaklak na binigay ng binata, ay lagi na niya itong kasama. Lalo na at pareho sila na hindi gaanong nakikipag-usap sa mga kaklase nila. “Uuwi
3123RD POV ‘Ibig sabihin, siya ang anak niya?’ “Bakit hindi kana makasagot?” Taas kilay na wika nito sa kanya, kaya napangiti siya rito. “Si Lester, pala ang sinasabi mo?” Wika ni Dell, habang napatingin kay Noah. “Ngayon, naiintindihan ko na, at alam ko rin na ikaw at ang kasama ko noon sa probinsya, ay iisa lang.” Ngiting wika niya, kay Noah, kaya kunot-noo siyang tiningnan nito. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Inis na tanong nito sa kanya. “Gusto ko lang malaman niyo, na hindi ko pinatay ang anak niyo, at alam ko kung nasa’n siya.” Wika niya at tinalikuran sila. “A-anong sinabi mo?” Gulat na tanong ni Alicia, sa kanya. “Mom, ‘wag kang maniwala sa kanya, dahil sinungaling ang babaeng ‘yan.” Galit na wika ni Noah. “Pwede bang sa loob na natin to, pag-usapan.” Madiin na wika ng kanyang asawa. Kinuha ni Dell, ang phone niya, at may tinawagan. “Manang.” Sambit niya, habang hinarap niya ang kanyang phone, sa mukha niya. “Nasa’n si Lester?” Wika niya, kaya lalong napakunot ang
3133RD POV “Bakit ka pumasok dito?” Kunot-noo na tanong nito sa kanya. “Bakit bigla ka nalang umalis? Bakit hindi ka pumasok at sumama sa mga magulang mo?” Tanong niya rito, kaya napansin niya, na lalong napakunot ang noo nito. “Ano bang pakialam mo? At pwede bang lumabas kana.” Wika nito, habang hindi sinagot ang tanong niya. “Ayokong lumabas.” Nakataas na kilay na wika niya kay Noah. “Nagpapatawa kaba?” Inis na wika nito. “Hindi ako nagpapatawa, at lalabas lang ako, kapag i-urong mo ang kasal natin.” Ngiting wika niya habang nakita niya ang paggalaw ng pangga nito. “Paano kung ayaw ko?” Napakunot ang noo ni Dell, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Bakit ayaw mo?! Bumalik na ang kapatid mo! Nasa inyo na siya?!” Inis na wika niya rito. “Wala akong pakialam, ang gusto ko. Maikasal tayo.” Kindat na wika nito, habang nawala ang dilim sa kanyang mukha.Hindi maiwasan ni Dell, na mapatitig sa kanya, dahil mula nang makita niya ulit ito, ay ngayon lang niya itong nakita na ngumiti.
CHAPTER 35 3RD POV “Ikaw naman, alam mong asawa na kita, kaya hindi kita pwedeng iwan.” Wika niya habang pilit na ngumiti rito. “Tulungan niyo akong mai-akyat ang sir niyo sa taas.” Utos niya sa mga katulong. “‘Wag na, kaya kung umakyat mag-isa.” Wika nito, kaya napakunot ang noo niya. “Ano? Paanong kaya? Hindi mo ba nakikita ang hagdan na ‘yan?” Turo niya sa mahabang hagdan. “May elevator kami rito.” Sagot nito kaya napatingin siya sa isang maliit na silid. “Nakikita mo ‘yan?” Tanong nito, kaya masama niya itong tiningnan. “Ano bang tingin mo sa akin, bulag?” Wika niya habang pumunta sa likuran nito at tinulak ang wheelchair ni Dan.“Ang laki pala ng bahay niyo rito.” Wika niya habang nasa loob sila ng elevator. “Mas malaki pa rin ang bahay ng mga Wang.” Sagot nito sa kanya, habang bumukas ang elevator at lumabas sila. “Tama ka, may elevator din si Lola Paula, sa bahay niya. Alam mo na matanda na, hindi na niya kaya pang gumamit ng hagdan.” Wika niya rito. “Alin dito ang
CHAPTER 34 3RD POV Dali-dali na tumayo si Daisy, at hindi na ito nag-abala pa na kumuha ng kumot para matakpan ang hubad na katawan niya. Nang makita niya si June, na bigla nalang natumba. “Ayos ka lang ba?” Tanong niya, habang napapikit nang maramdaman ang kirot sa kanyang p********e. “A-ayos lang ako.” Utal na sagot nito, habang inalalayan niya itong maka-akyat sa kama. “Ang bigat mo naman.” Wika niya, habang pawis na pawis. Nang maka-upo si June, sa kama ay kinuha niya ang kanyang mga damit at sinuot ito. Matapos siyang makapag-bihis ay si June, naman ang binihisan niya. Napansin niyang hindi ito kumibo, kaya hinayaan niya nalang. Pumunta siya sa sofa, dahil gusto niyang humiga. Pakiramdam niya ay nasa loob pa rin niya ang alaga nito at nakabaon. “Bakit hindi mo sinabi?” Tanong nito, kaya napatingin siya rito. “Ang alin?” Kunot-noo na sagot niya. “Na virg*n ka pa?” Napangiti siya habang humiga sa sofa. “Bakit? Kung sinabi ko ba, maniniwala ka?” Wika niya, habang natahim
CHAPTER 33 WARNING MATURED CONTEXT!!! SPG!!!3RD POV “Ano pang ginagawa mo r'yan?” Napatingin siya kay June, dahil sa kanyang narinig. “Titingnan mo nalang ba ako?” Muling wika nito. “Hoy! June! Manahimik ka nga! Baka nakakalimutan mong nasa hospital tayo?” “Hindi ko nakalimutan ‘yan. Ang gusto ko gumawa na tayo ng anak natin, dahil honeymoon naman natin ngayon.” Namilog ang kanyang mga mata, dahil sa sinabi nito.‘Tama nga ang hinala ko, manyak pa rin ang lalaking ‘to.’ Napakuyom siya sa kanyang kamao, habang pilit na ngumiti rito. “Hindi mo ba nakikita na maliwanag pa?” Wika niya, kaya napatingin ito sa bintana. “Ano naman kung maliwanag pa?” Napapikit siya sa kanyang mga mata, habang pilit na kinalma ang sarili. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit kinakabahan siya. Hindi naman sana ganito ang nararamdaman niya noon. Noong kumalong siya kay Johnson, ina-akit ito. “Halika kana. Tabihan mo na ako.” Muling wika nito. Ayaw niya sana itong susundin, pero akmang kukunin nito
CHAPTER 32 3RD POV “A-ahh… W-wala po Mommy, Daddy… B-bakit po pala kayo nandito?” Tanong niya sa kanila. “Gusto namin na dalawin si Dan, at magpasalamat sa kanya.” “Sinabi ko na sa inyo na ayos lang ‘yon.” Wika ni June, kaya masama niya itong tiningnan. “Mom, Dad, ayos lang po siya. ‘Wag na po kayong mag-alala.” “June Hijo, ‘wag kang mag-alala. Kukuha kami ng mga magagaling na doctor, sa iba’t-ibang bansa, para gumaling ka.” Wika ng kanyang ina. “Sa tingin niyo ba, gagaling pa ako?” Wika nito habang nakikita niya ang mga luha sa mga mata nito. “‘Wag ka nang umiyak. Kahit hindi ka makakalakad, hindi naman kita iiwan. Handa akong magiging mga paa mo.” Wika niya rito, kaya nag-angat ito ng mukha at tumingin sa kanya. “A-Anak, s-sigurado kaba sa desisyon mong ‘yan?” Tanong ng kanyang ina. Habang bakas sa mukha nito ang pag-alala. “Opo Mom, kaya handa na po akong pakasalan siya.” Sagot niya rito. “Kung ganun, mas mabuti siguro na maikasal na kayo, habang nandito pa kami. Ayos la
CHAPTER 31 3RD POV “Nagpapatawa kaba?” Wika nito habang nanatiling nakakunot ang noo. “Alam mong hindi ako magaling magpatawa.” Sagot niya rito, habang nilapitan ito.“Bakit bigla kang bumait? Hindi ba diring-diri ka sa akin?” Muling wika nito, kaya hindi niya napigilan na makaramdam ng hiya. “Sa nagawa ko patawad.” Hinging tawad niya rito. “Kung pakakasalan mo lang ako, dahil sa awa na nararamdaman mo ay makakaalis kana.” Muling wika nito. “Ito ang tandaan mo Daisy, hindi mo kasalanan ang nangyari sa akin.” Wika nito at itinaas ang kumot. Dali-dali naman siyang lumapit dito, para tulungan ito. “Hindi kaba nakakaintindi? Sinabi ko na sa ‘yo na hindi ko kailangan ang tulong mo, kaya makakaalis kana!” Sigaw nito, pero hindi niya ito pinansin. “Pwede ba, manahimik ka nalang, dahil kahit anong pagtataboy pa ang gagawin mo sa akin, ay hindi ako aalis dito!” Sigaw Niya at inis na hinablot dito ang kumot. “Gusto mo bang mabinat ako?” Galit na wika nito sa kanya. “Kung mangyari man
CHAPTER 303RD POV “P-paanong naaksidente?” Utal na wika niya habang kibit balikat lang ang sagot ng kanyang kapatid. Mabilis niya naman itong tinalikuran at tinawagan si Hazel. “Ma'am Daisy, bakit po?” Tanong nito, matapos masagot ang kanyang tawag. “Alamin mo, kung saang bansa pumunta ang mga Woo.” Utos niya rito. “Masusunod po Ma'am Daisy.” Sagot nito, kaya agad niyang pinutol ang tawag. “Kailangan kung humingi ng tawad sa kanya… S-sana lang hindi pa huli ang lahat…” Hindi niya napigilan na makonsensya dahil sa nalaman niya. Ngayon niya lang na-realize ang kasalanan na nagawa niya, sa taong nagligtas sa buhay ng kanyang ina. “Sa'n ka pupunta?” Taka na tanong niya sa kakambal niya. Nang makita itong sumunod sa kanya, pero para itong walang naririnig. “Dahlia!” Sigaw niya rito. “Daisy, gusto kung puntahan si Fico.” Iyak na wika nito, kaya niyakap niya ito. “‘Wag kang mag-alala, ibabalik ko siya sa ‘yo.” Wika niya, kaya gulat itong napatingin sa kanya. “A-anong ibig mong sa
CHAPTER 29 3RD POV “Hoy! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Mahiya ka naman.” Inis na wika niya, habang ngumiti sa pari. “Pasensya na po kayo Father.” Hinging tawad niya at hinawakan ang braso ni June. “Halika na.” Madiin na wika niya, habang hinila ito. “Bakit tayo aalis? Magpapakasal pa nga tayo.” Wika nitong muli, habang patuloy niya itong hinila. “Bal*w ka talaga!” Galit na wika niya, habang nasa labas na sila ng simbahan. “Bal*w ba ang taong pakasalan ka?” Nailing siya habang tinitigan ito. “Pakasalan? Sinabi ko na sa ‘yo na hindi ako magpapakasa-.” Hindi niya na-ituloy ang sasabihin niya nang bigla na naman siya nitong buhatin. “Hindi ka magpakasal sa akin? Pwe's ibalik kita sa loob para pkasalan mo ako.” Napasigaw si Daisy, dahil sa narinig niya mula rito. “‘Wag! M-mahiya ka naman. Ginugulo mo sila sa loob.” Wika niya rito. “Ginugulo? Bakit mo nasabi ‘yan? Ang gusto ko lang naman ay pakasalan ka.” “Manahimik ka.” Madiin na wika niya. “Ayaw mo akong pakasalan ‘di ba? Kaya
CHAPTER 28 3RD POV “Ikakasal? Bakit kami ikakasal?” Gulat na wika ni Dahlia, sa mga magulang niya. “Noon paman ay pinag-planohan na ng pamilya natin ang kasal niyo Anak.” Muling wika ng kanyang ina. “Pero bakit? Hindi ba alam niyo na magka-ibigan lang kam-.” “Tama na Dahlia, sumunod ka nalang sa gusto ng mga magulang natin.” Wika sa kanya ng kanyang kuya River. “Isa pa, alam namin na may gusto ka kay Dan.” Wika ng kanyang kuya Ryker, kaya napatingin siya rito. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo Kuya?” Inis na wika niya, habang hindi makatingin kay Dan Fico. “Hija, mga bata pa lang kayo, ay napag-kasunduan na ng pamilya namin at mga magulang mo ang kasal ninyo. Pati na rin ikaw Hija.” Wika nito, habang gulat na napatingin si Daisy, sa ginang. “A-anong ako?” Utal na wika niya, habang kunot-noo na tumingin dito. “Alam mo bang nagkatampuhan kami noon ng iyong ina, noong nalaman namin na ikakasal kana. Mabuti nalang at hindi ‘yon, natuloy.” Ngiting wika nito, kaya napatingin siya sa ka
CHAPTER 273RD POV “‘Wag kang magpahalata Dahlia.” Wika ni Daisy, habang hinigpitan ang paghawak sa kamay ng kapatid niya. Nang dumaan sila sa harapan ni Dan, ay mas lalo pang lumakas ang kaba na nararamdaman niya. Habang nasa loob na sila ng elevator ay muli niyang inisip ang itsura nito kanina. Hindi niya alam kung si Dan Fico ba ito o si Dan June. “Dais-.” Mabilis na tinakpan ni Hazel ang bibig ni Dahlia, kaya hindi nito natuloy ang sasabihin niya. Nang tumingin sa kanya si Dahlia, ay agad siyang umiling. Nang makalabas sila sa elevator ay napakunot ang kanyang noo, nang makitang ibang floor ang pinuntahan nila. Magtatanong sana siya rito, pero natigilan siya nang may nakasalubong silang dalawang lalaki.Napahawak si Dahlia, sa kanyang dibdib matapos silang makapasok sa isang silid. “Kaninong silid ‘to? Bakit tayo nandito?” Tanong niya kay Hazel. “Maupo po muna kayo Ma'am Daisy, isa rin po ito sa pag-aari ko.” Sagot nito habang giniya siya sa sofa. “Bakit ang dami mong pa