Share

Chapter 105

Amber Pov

Hindi ako makapaniwala mtapos kong marinig ang katotohanan mula sa bibig ng aking ama. Inamin niya sa akin ang lahat at wala siyang itinago. Natatakot daw siya na baka bigla na lamang siyang maglaho sa mundo't maisama niya sa hukay ang buong katotohanan tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ni Phil. Inamin niya sa akin kung paano ang ginawa nila para isipin ng lahat na patay na siya.

Ayon sa kuwento ng aking ama ay sa loob palang ng kotse ay parehong malalim na raw ang tulog ng kanyang mga boss dahil may halong gamot pampatulog ang kape na ipinainom niya sa kanila bago sila lumulan sa kotse. Dinala niya papunta sa lugar kung saan niya isasagawa ang planong pagpatay sa mag-asawang boss niya. Sa lugar kung saan madalang lamang ang mga nagdaraang sasakyan. At sa lugar din daw na iyon ay may malaking truck na nakaparada lamang sa gilid ng kalsada na siyang gagamitin niya para sadyaing banggain ang kotse ng kanyang boss habang nasa loob ang mga ito para isipin ng lahat na isang a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status