Share

Chapter 38

Amber Pov

Magkahalong tuwa at pagkapahiya ang naramdaman ko nang makita kong si Phil ang may-ari ng brasong pumipigil sa dalawang guard para kaladkarin ako palabas ng party. Natuwa ako dahil para siyang hero na inililigtas ang isang damsel in distress na prinsesa. Ngunit nahihiya rin ako sa kanya dahil nakita niya ako sa ganitong nakakahiyang kalagayan.

"Sinira niya ang birthday party ni Mrs. Perez, Phil. Kaya natural lamang na ipakaladkad niya siya palabas ng party," kausap ni Bovic kay Phil. Gusto kong sabihin kay Phil na binangga ako ni Bovic kaya ako natumba at nahila ko ang mantel ng mesa ngunit tila may bikig sa aking lalamunan kaya hindi ako makapagsalita.

"Hindi siya ang sumira sa party at alam mo kung sino ang totoong may kasalanan kung bakit ito mangyari, Bovic. Baka gusto mong ipa-review natin ang kuha ng CCTV footage dito para malaman natin kung intensyunal ba o hindi ang ginawa ni Amber? O baka naman may babaeng nais lamang siyang ipahiya kaya siya gumawa ng dirty tricks
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
goodnovel comment avatar
Julieta Tabuco Balighot
Ang ganda ng story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status