Share

Chapter 5

Amber Pov

Nang magpakasal ako kay Phil ay ini-expect ko ay inaasahan ko na sa magkaibang silid kami matutulog since hindi naman talaga kami totoong mag-asawa. Sa papel lang kami mag-asawa at sa mata ng kanyang lolo. Kaya naman hindi ko ini-expect na matutulog pala kami sa iisang silid at lalong-lalo na sa iisang kama. Kahit fake ang pagiging mag-asawa namin ay lalaki pa rin siya at babae ako. Mukhang dehado yata ako sa sitwasyon naming ito.

"Hindi ba puwedeng sa ibang kuwarto na lamang ako matulog? Ang dami namang silid sa mansion mo kaya hindi kailangan na magsiksikan tayo sa silid mo," suggestion ko kay Phil. Lihim kong idinadasal na sana ay pumayag siya.

"Paano natin makukumbinsi ang mga tao rito na mag-asawa tayo kung sa magkaibang silid tayo matutulog? Malaki ang aking kama kaya kahit gumulong ka pa ay hindi ka mahuhulog," sagot ni Phil sa akin. Sa malas ay wala siyang balak na pagbigyan ang kagustuhan ko. "At kung iniisip mo naman na gagawan kita ng kahalayan ay huwag kang mag-alala dahil hindi kita type," prankang wika niya sa akin.

Nakaramdam ako ng pagkainsulto sa kanyang sinabi kaya binigyan ko siya ng masamang tingin. "The feeling ia mutual, Mr. Salvatore. Hindi rin kita type, okay? Guwapo ka man at mayaman ngunit wala sa'yo ang mga katangian na hinahanap ko sa isang lalaki."

Natuwa ako nang makita ko si Phil na sumimangot matapos marinig ang aking mga sinabi. Akala yata niya ay type ko siya. Totoo ang sinabi ko na bagama't guwapo at mayaman ay hindi ko pa rin siya type. Dahil ang gusto ko sa isang lalaki ay iyong matapang, iyong tipo ng lalaki na kaya akong ipagtanggol kapag may nambabastos sa akin. Isang lalaki na kaya akong ipagtanggol kapag nasa panganib ang buhay ko. Iyong lalaki na kahit hindi niya sabihin sa akin na mahal niya ako ngunit nararamdaman ko naman sa kanyang mga kilos at titig na mahalaga ako sa kanya. In short, ang lalaking gusto ko ay matapang ngunit mapagmahal. At sa hitsura ni Phil ay napakalayong mangyari na maging katulad niya ang aking ideal man. Malaki nga ang pangangatawan niya pero baka kapag nakasagupa siya ng mga lalaking tambay sa lugar namin ay bigla na lamang siyang pumasok sa loob ng kanyang kotse at patakbuhin ito palayo.

"Mabuti naman at pareho tayo ng nararamdaman. Dahil mahirap na kapag main-love ka sa akin. Sasakit lamang ang ulo ko sa'yo," ani Phil pagkatapos ay hinila ang aking maleta papunta sa malaking cabinet na lagayan ng mga damit. "Dito mo ayusin ang mga damit mo. At tandaan mo na ayoko ng makalat. Gusto ko ay nasa ayos ang mga damit na nakatupi at naka-hanger, okay?"

"Ako? Maiin-love sa'yo? Baka ikaw ang main-love sa akin," mahina ang boses na sagot ko sa kanya. Dahil naiinis ako at iba ang iniisip ko kaya hindi ko narinig na kinakausap pala ako ni Phil.

"Nakikinig ka ba sa akin, Amber?" may pagkainis ang boses na tanong sa akin ni Phil habang salubong ang mga kilay na nakatingin sa akin.

"Ha? Ano nga ulit ang sinasabi mo?" alanganin ang ngiti na tanong ko sa kanya. Huminga ng malalim si Phil na tila ba kumukuha ng pasensiya mula sa loob ng kanyang dibdib. Wala itong choice kundi ulitin ang mga sinabi niya sa akin.

"So ano nakuha mo ba ang mga bilin ko sa'yo?" aniya matapos magsalita ng napakahaba. Sa haba ng kanyang mga sinabi ay nagtaka ako kung bakit hindi man lang siya hiningal sa kasasalita.

"Yes, Sir. Tatandaan ko po ang mga bilin mo  sa akin," nang-iinis na sagot ko sa kanya. Kung magsalita siya at magsabi ng mga dapat at hindi dapat kong gawin ay parang katulong niya ako at hindi asawa. Ewan ko lang kung makakatagal ako sa ganitong setup.

"Ayusin mo na ang mga damit mo sa cabinet. Ipapatawag na lamang kita kung kakain na tayo ngpananghalian," pagkatapos niyang magsalita ay naglakad siya palabas sa silid namin. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalabas sa silid ay tinawag ko ang pangalan niya. "Bakit?" naiiritang tanong niya sa akin nang lingunin ako.

"May mapa ka ba ng buong mansion mo? Lalong-lalo na rito sa itaas. Sa sobrang laki ng mansion mo at dami ng mga silid ay tiyak na maliligaw ako paglabas ko rito," nakangiting tanong ko sa kanya.

"Wala akong mapa ng bahay ko at huwag kang mag-alala dahil ipapasundo kita rito mamaya kapag kakain na tayo, Senyorita," lalong nairita na sagot niya sa akin. Mukhang inis na inis na siya sa akin at malapit na akong bumingo sa kanya.

"Salamat naman kung ganoon," nang-aasar na sagot ko sa kanya. Iiling-iling na lumabas na lamang ito ng silid. "Alam mo, Phil?Ang guwapo mo sana kaso ang sungit mo at iritable. Hindi talaga ako magkakagusto sa'yo. Never. Itaga mo pa sa pakpak ng uwak," kausap ko sa kanya na para bang nasa harapan ko lamang siya kahit na ang totoo ay nakalabas na siya sa silid at mag-isa na lamang ako sa loob.

Nang maiwan akong mag-isa sa loob ng silid ni Phil ay iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid. Malawak ang loob ng kanyang silid at para bang hindi lamang iyon isang silid kundi isang bahay. Triple ang luwang ng silid niya sa sala ng bahay ni Tito Roman. May visitor's area pa kung saan nakalagay ang isang kulay violet na sala set. Lahat ng nakikita ko sa loob ng kanyang silid mula sa malaking flat screen tv, sala set,mga paintings na nakasabit sa dingding ng kuwarto at iba pang gamit ay halatadong puro mamahalin. Ni sa panaginip ay hindi ko inakala na makakapasok ako sa ganito kagarang silid. Lalo na ang matulog sa kuwartong ganito karangya. Sobrang napakayaman ni Phil. Malayong-malayo sa estado ng aking pamumuhay. Kaya magkagusto man ako sa kanya ay itatago ko na lamang dahil hindi kami bagay sa isa't isa. Pero mabuti na lamang at parehong hindi namin type ang isa't isa kaya walang magiging problema ang pagtira ko rito. Dapat ay i-enjoy ko na lamangang pagtira ko sa mansion na ito dahil pagkatapos ng anim na buwan ay babalik na ako sa realidad.

Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
goodnovel comment avatar
Cecilia Matalote
ang palagay ko ay dapat ituloy kwento para malaman kung maganda diba.
goodnovel comment avatar
Maricel Garrote Mapalo Cadayona
open pls.....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status