LOGIN"Good morning po, Sir," bati sa kanya ng kanyang mga empleyadong nakakasalubong. Tanging pagtango lang ang kanyang naging sagot sa mga ito.
Mabilis niyang tinungo ang opisina kung saan ay naghihintay ang kanyang ama. "Finally, you're here!" anang kanyang ama, pagkabukas pa lang ng pintuan ng opisina. Agad siyang sinalubong nito. "Dad," bati niya sa kanyang amang si Don Elias, na medyo may katandaan na, pero hindi maipagkakaila ang taglay nitong katikasan. "I'm here para ipaalam sa’yo na naipagkasundo ko na ang iyong kapatid sa anak ng isa sa malalapit nating business friend," saad ng kanyang ama na ikinagulat niya. "Next month, aayusin na ang kanilang pagpapakasal." Muli ay dagdag ng kanyang ama. "What?! Dad, you can't do that to Ahlily!" inis niyang sagot sa ama. Alam niyang hindi gusto ng kanyang kapatid ang lalaking inirereto dito ng kanilang ama. Tinaasan siya ng kilay ni Don Elias. "Binalaan na kita noon pa, Calex, na kung hindi ka magtitino sa mga pinaggagagawa mo, kapatid mo ang sasalo ng parusang dapat ay para sa’yo," saad ng kanyang ama sa mahinahon ngunit maautoridad na boses. Alam niyang hindi nagbibiro ang ama. Napasabunot siya sa sariling ulo. "Dad, please! Don’t do that to Ahlily. Hindi niyo siya pwedeng ipakasal sa lalaking hindi niya mahal," pakiusap niya sa sariling ama, kahit kita sa mukha nito ang pagkadeterminado. Nagbabakasakali siyang mabago pa ang isip nito. "She'll take your place, Calex. Ikaw dapat ang nasa sitwasyon niya ngayon, pero ayaw mo. Siya ang nalagay sa alanganing sitwasyon. Maswerte ka pa nga dahil two years marriage lang ang hinihingi namin ng mommy mo. At kung talagang hindi mo gusto ang buhay may-asawa, puwede kang mag-file ng divorce—unlike your sister na panghabambuhay," galit na sabi ng kanyang ama. Napabuntong-hininga siya. Ayaw niyang magpatali, kahit sabihing after two years ay puwede niyang i-divorce ang babaeng papakasalan. Pero mahal niya ang kaisa-isa niyang kapatid, at ayaw niyang maging miserable ang buhay may-asawa nito. Muli ay isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa, saka naiiling na napabuga ng hangin. "Fine. Two years. Pumapayag na ako," wala sa loob na sagot niya sa ama. Bigla itong napatingin sa kanya, tila hindi makapaniwala. Maya-maya ay sumilay ang ngiti sa mga labi ng matandang Don. "Are you sure?" "I'm sure. Pero siguraduhin niyo rin na walang kasalang magaganap kay Ahlily," mabigat ang dibdib na sagot niya. "Okay. Kung gano’n, sasabihan ko ang aking kumpadre na wala nang magaganap na kasalan. Siguraduhin mo lang, Calex, na tutupad ka," anang kanyang ama saka nagpaalam na ito sa kanya. Halos maiuntog na niya ang sariling ulo sa pader ng kanyang opisina. Hindi niya gusto ang ideya ng kanilang ama, ngunit wala siyang choice—lalo na't kaligayahan ng kanyang nakababatang kapatid ang nakataya.Halos mangalahati ang beer na iniinom ni Calex sa isang lagok lamang. Tulad ng dati, pagkalabas niya ng kanyang opisina ay dumiretso siya sa bar ng kaibigang si Dustin. "Chill, man. Marami pa," sabi sa kanya ni Dustin nang makita ang sunod-sunod niyang tungga sa iniinom na beer. Napabuga siya ng hangin saka sunod-sunod na pag-iling ang kanyang ginawa. "Paano ‘yan? Matatali ka na pala, bro," maya-maya ay usisa sa kanya ni Dustin, sabay ng isang nakakalukong ngisi. "Kung hindi lang dahil sa kapatid ko, never kong gagawin ang magpatali," inis na sagot niya sa kaibigan. Hindi niya talaga gusto ang ideya ng kanyang ama. Pero kung hindi niya gagawin ‘yon, kapatid niya ang malalagay sa alanganin. Babae ang kapatid niya, at ayaw niyang ito ang magdusa dahil sa mga kalokohang pinag gagagawa niya. "So, sino ang malas na babaeng papakasalan mo?" natatawang usisa naman sa kanya ni Luke. Napa-iling siya dahil kahit siya ay hindi alam kung sinong babae ang ipapakasal sa kanya ng kanyang ama. "Ang lagay ba niyan, si Calex na ayaw magpatali, handa nang magkaroon ng misis Saavedra?" nakangiting kantyaw sa kanya ni Dustin na sinabayan pa ng tawa. Mapaklang ngiti lang ang isinagot niya sa kaibigan. "Like what I said, gagawin ko lang ito para sa kapatid ko. At kung sino man ang babaeng ‘yon, pagsisisihan niya ang gagawing pagpapakasal sa akin," aniya, sabay tungga ng beer. Bakit ba kasi kailangan pa niyang magpakasal nang sapilitan? Pakiramdam niya ay na-set up siya ng sarili niyang ama. Ginamit pa ang kanyang nakababatang kapatid para lang mapapayag siya. Siguro’y napuno na ang kanyang ama sa mga kalokohang ginagawa niya sa mga babae. Eh ano bang magagawa niya? Ipinanganak siyang gwapo at lapitin ng babae. Sila ang kusang lumalapit sa kanya. Eh sino ba naman siya para tumanggi pagdating sa kama? Lalaki lang siya na may kahinaang dala pagdating sa kama. Habang nag-iinuman at nag-uusap silang magkakaibigan, bigla na lang may sumuntok sa kanya. Sa lakas ng suntok ay natumba siya mula sa pagkakaupo. Nalasahan pa niya ang kalawang sa kanyang labi—putok lang naman ang kanyang pang-ibabang labi dahil sa lakas ng pagkakasuntok. Mabilis siyang bumangon mula sa pagkakalugmok at saka tiningnan kung sino ang walang habas na nanuntok sa kanya. "Hayop ka! Pati girlfriend ko, hindi mo pinalampas!" anang galit na galit na si Ezzikel. Natawa siya, saka napa-iling. Kasalanan ba niya kung naghahanap ng init ng katawan ang girlfriend nito? "Ezzikel, Ezzikel… hindi ko kasalanan kung naghahanap ng init ng katawan ang girlfriend mo. Pasalamat ka pa nga sa akin dahil ibinigay ko ang kailangan ng girlfriend mo. Oh, wait… siguro hindi mo na naibibigay ang kanyang pangangailangan. Maybe, hindi ka magaling sa kama—kaya sa iba siya naghahanap." Saad niya, kasabay ng nakakalukong tawa. Kita niyang lalong nagngingitngit sa galit si Ezzikel. "Alam mo, ‘di ko aakalain—magaling pala sa kama ang girlfriend mo, ah. Masarap siya." Muli ay saad niya, kasunod ang nakaka-insultong pagtawa. Dahilan ito para lalong magwala si Ezzikel. Sinugod siya nito at muling inundayan ng suntok. Pareho silang nagpagulung-gulong sa sahig. Nang makabawi siya sa suntok nito, siya naman ang nagpakawala ng isang malakas na suntok na tumama sa mukha ng kaaway. Halos matumba ito sa ginawa niya. Hindi pa siya nakontento at pinagsunod-sunod pa niya ito ng tadyak nang matumba. Dahil sa away nilang iyon, nagkagulo ang mga tao sa loob ng bar. "Calex, tama na bro!" awat sa kanya nina Dustin at Luke na pilit siyang inilalayo kay Ezzikel na halos duguan na ang mukha. Kahit si Ezzikel ay ayaw pang magpaawat—kahit duguan na, ay pilit pa ring sinugod siya. Kung hindi pa dumating ang mga bantay ng bar, baka tuluyan na silang nagkasakitan nang husto. "Hayop ka, Saavedra! Babalikan kita! Pagsisisihan mo ang ginawa mong pagpatol sa girlfriend ko!" galit na sigaw nito, habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng mga gwardiya. "Hihintayin ko, gago! Mukha kang batang inagawan ng candy. By the way, pinagod ko nga pala ang maganda at masarap mong girlfriend. In fairness, magaling siyang gumiling sa kama," insultong sagot niya, sabay tawa ng parang demonyo. Akma na naman siyang susugurin ni Ezzikel at uundayan ng suntok, pero inunahan na niya ito. Dahilan para matumba na naman si Ezzikel. "Bro, tama na!" awat sa kanya ni Luke, sabay ubod-lakas na tulak palayo kay Ezzikel. "Ilayo niyo sa akin ang hayop na ‘yan at baka mapatay ko pa!" galit na sabi niya sa mga gwardyang pilit nang inilalayo si Ezzikel sa kanya. "Babalikan kita, Saavedra! Tandaan mo ‘yan! Hindi pa tayo tapos!" Sigaw ni Ezzikel habang pilit na inilalabas ng mga gwardiya. Pagkatapos ng gulo, pagalit na tinadyakan ni Calex ang isang mesa saka napa-upong napapailing. "Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh," narinig niyang himutok ni Luke na napahilot pa sa sariling sentido. Makahulugang nagkatinginan sina Calex at Dustin.“Hi—hindi. Ang ibig kong sabihin ay kalimutan na lang sana natin na kaya tayo nakasal sa isa’t isa ay dahil lang sa lupa namin na nakasanla sa inyo. Siguro nga, mali ‘yung parteng nagkasal tayo ng dahil sa—”“Walang mali sa mga nangyari, Felicie. Nangyari iyon dahil may dahilan. May magandang dahilan. At iyon ay ang malaki kong pagbabago. Nang dahil sa’yo, nag-iba ang tingin ko sa pagkakaroon ng pamilya. Nang dahil sa’yo, tumino ako. Nang dahil sa’yo, natuto akong magseryoso. Maraming naidulot na maganda sa’kin ang biglaang pagpapakasal natin. At hinding-hindi ko kailanman pagsisisihan kung paano tayo nagkakilala, kung paano tayo ikinasal, at kung paano tayo naging mag-asawa.”Mahabang pagkakasabi nito. Kita niya kung paano naging emotional si Calex sa bawat katagang binitawan. Kita niya ang pagiging sincere nito, at ramdam din niya ang sakit na nadama ng asawa sa mga salitang hindi naman niya sinasadya. Masuyong hinawakan niya ang kamay ng asawa at matamis na nginitian ito. Hindi niy
“To-totoo ba ang sinabi ng nanay mo, Felicie?” tanong sa kanya ni Mang Sergio na ngayon ay bakas sa boses ang galit. Napatayo pa ito mula sa pagkakaupo. Hindi niya agad makuhang sumagot sa ama dala ng takot. “Tay, patawad po, kong-kong—” Hindi na niya nagawa pang tapusin ang sasabihin nang biglang hampasin ni Mang Sergio ang lamesang kawayan. Napalunok siya, kitang-kita niya ang galit sa mukha ng ama. Agad naman itong nilapitan ni Aling Emma at hinawakan sa braso. “Kumalma ka, Sergio,” saway dito ni Aling Emma. Matigas itong umiling sa nanay niya at galit na binalingan siya. “Paano ako kakalma? Umalis ‘yang magaling mong anak dito na ang paalam ay magta-trabaho, ‘yun pala nakipag-tanan na sa lalaking ‘yan! Pinagmukha mo kaming tanga!” ani Mang Sergio at hindi na nakapagtimpi pa at naduro na siya. Nasaktan siya sa pagdurong iyon ng ama kaya napatungo na lamang siya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagalit sa kanya ang ama. At inaasahan na naman niya ang ganitong tagpo. Sabi
"Nakipagtanan ka sa lalaking ’yan, Felicie? Buong akala namin ng tatay mo, nasa pagtatrabaho ka. Buong akala namin—" Hindi na nito nagawa pang tapusin ang iba pa sanang sasabihin nang tuluyan na itong napaiyak. Marahil ay sa sama ng loob sa kanya ng kanyang ina. At naiintindihan niya iyon. Napatungo na lamang siya at napaiyak na rin. "Sorry po, Nay... kung—kung nagawa ko ang bagay na ’yon. Gusto—" "I'm sorry po, Nay. Kung may dapat man po dito sisihin, ako po iyon. Dahil na-pressure po siya sa’kin. Pinapili ko po siya, kaya nagawa po niyang sumama sa’kin." Ani Calex, na hindi na pinatapos ang iba pa sana niyang sasabihin. Lihim na nangunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ni Calex. Parang may mali sa mga sinabi nito sa kanyang ina. Matigas na umiling si Aling Emma. Hindi ito sang-ayon sa sinabi ni Calex, at naiintindihan niya iyon. Kahit pa nga hindi naman talaga iyon ang totoo. "Mali pa rin ang ginawa n’yo. Hindi n’yo man lang ba naisip kung ano ang mararamdaman namin?
"Pwede ba, Aiyen, tigilan mo ang ate mo. Ikaw talaga, dadali ka na naman ng kadaldalan mo." Sita ni Aling Emma kay Aiyen na bigla namang napatikom ng bibig at napakamot sa ulo. "Kumusta ka na, anak? Ilang buwan kaming walang balita sa’yo. Sabi ko man din sa’yo, mag-text o tumawag ka sa amin ng tatay mo." Ani Aling Emma nang kumawala sila sa yakapan. "Pa-pasensya na po, Nay..." Tanging nasabi niya. Noong una ay nagagawa pa niyang tawagan ang mga ito, ngunit nang naging maayos na ang pagsasama nila ni Calex ay nagdesisyon siyang huwag na munang kausapin ang mga ito. Mahirap, pero tiniis niya. "A-ate..." Si Aiyen, nang mapansin nito si Calex na kasama niya. Maging si Aling Emma na kumalas sa pagkakayakap sa kanya ay napatingin din kay Calex na nasa likuran niya. Nagulat at kunot ang noo nito habang muli siyang tinitingnan. Bigla siyang kinabahan sa naging reaksyon ng kanyang ina at kapatid. "Kasama mo pala itong kaibigan mo," Maya-maya ay nakangiting bati ni Aling Emma.
Maya’t maya ang pagbuntong-hininga niya. Kay init ng panahon, ngunit nanlalamig siya—lalo na ang mga palad niya. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Calex. Muli siyang humugot ng malalim na hininga habang nakatanaw sa maliit nilang bahay. Kabadong-kabado siya. "Kinakabahan ako," pag-amin niya sa asawa. Kinuha nito ang palad niya at marahan na hinaplos iyon. Ngumiti sa kanya si Calex. "I'm here. ’Wag kang mag-alala, nandito lang ako... kami ni baby," pang-aalo nito sa kanya. Marahan siyang napatingin at tumango saka gumanti ng ngiti sa asawa. Bumaba ito sa sasakyan at pinag-buksan siya ng pinto. Muli siyang napalunok. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti habang nakatanaw sa simpleng tahanan nila. Sobrang na-miss niya ang payak at simpleng pamumuhay dito sa Quezon. Ang laki lang talaga ng pinagkaiba. Dito kasi sa probinsya, ang malalanghap mong hangin ay sariwa, kumpara sa Maynila na amoy usok ng mga sasakyan. Kung dito, puro bundok at mga punong kulay berde at
"B-buntis ka na, day? I-ibig sabihin, nakatikim ka na ng mahabang talong... este, ibig sabihin may nangyari na sa inyo? O... MY... GOD!" Halos sumabog ang kanyang pisngi dahil sa walang pakundangan na bibig ni Ernesto. Wala pa rin talagang pinagbago ang isang ’to. Marahan na pagtango ang ginawa niya sa kaibigan na hindi makapaniwala sa narinig at nanlalaki pa rin ang matang nakatingin sa kanya. Habang si Calex naman ay napangisi sa naging reaksyon ni Ernesto. "That’s normal sa mag-asawa, Ernesto. Kapag nasabi na namin kina Tay Sergio at Nay Emma ang lahat, magpapakasal ulit kami ni Felicie. And I want to have many children. Gusto ko ng malaking pamilya," nakangiti pa nitong pagkakasabi sa kanyang kaibigan, na para bang proud na proud pa siya. Habang siya naman ay mas lalo pang uminit ang magkabilang pisngi dala ng hiya sa kaibigan. Ngunit sa kabilang banda ay kinilig siya. Masaya siya sa isiping magiging malaki ang pamilya nila ni Calex. Halos mag-agaw dilim na nang umalis si Erne







