Share

Kabanata:119

Author: Miss Jesszz
last update Last Updated: 2025-09-27 09:43:06

"Nakipagtanan ka sa lalaking ’yan, Felicie? Buong akala namin ng tatay mo, nasa pagtatrabaho ka. Buong akala namin—"

Hindi na nito nagawa pang tapusin ang iba pa sanang sasabihin nang tuluyan na itong napaiyak. Marahil ay sa sama ng loob sa kanya ng kanyang ina. At naiintindihan niya iyon. Napatungo na lamang siya at napaiyak na rin.

"Sorry po, Nay... kung—kung nagawa ko ang bagay na ’yon. Gusto—"

"I'm sorry po, Nay. Kung may dapat man po dito sisihin, ako po iyon. Dahil na-pressure po siya sa’kin. Pinapili ko po siya, kaya nagawa po niyang sumama sa’kin."

Ani Calex, na hindi na pinatapos ang iba pa sana niyang sasabihin. Lihim na nangunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ni Calex. Parang may mali sa mga sinabi nito sa kanyang ina. Matigas na umiling si Aling Emma. Hindi ito sang-ayon sa sinabi ni Calex, at naiintindihan niya iyon. Kahit pa nga hindi naman talaga iyon ang totoo.

"Mali pa rin ang ginawa n’yo. Hindi n’yo man lang ba naisip kung ano ang mararamdaman namin?
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:121(THE END OF THE STORY)

    “Hi—hindi. Ang ibig kong sabihin ay kalimutan na lang sana natin na kaya tayo nakasal sa isa’t isa ay dahil lang sa lupa namin na nakasanla sa inyo. Siguro nga, mali ‘yung parteng nagkasal tayo ng dahil sa—”“Walang mali sa mga nangyari, Felicie. Nangyari iyon dahil may dahilan. May magandang dahilan. At iyon ay ang malaki kong pagbabago. Nang dahil sa’yo, nag-iba ang tingin ko sa pagkakaroon ng pamilya. Nang dahil sa’yo, tumino ako. Nang dahil sa’yo, natuto akong magseryoso. Maraming naidulot na maganda sa’kin ang biglaang pagpapakasal natin. At hinding-hindi ko kailanman pagsisisihan kung paano tayo nagkakilala, kung paano tayo ikinasal, at kung paano tayo naging mag-asawa.”Mahabang pagkakasabi nito. Kita niya kung paano naging emotional si Calex sa bawat katagang binitawan. Kita niya ang pagiging sincere nito, at ramdam din niya ang sakit na nadama ng asawa sa mga salitang hindi naman niya sinasadya. Masuyong hinawakan niya ang kamay ng asawa at matamis na nginitian ito. Hindi niy

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:120

    “To-totoo ba ang sinabi ng nanay mo, Felicie?” tanong sa kanya ni Mang Sergio na ngayon ay bakas sa boses ang galit. Napatayo pa ito mula sa pagkakaupo. Hindi niya agad makuhang sumagot sa ama dala ng takot. “Tay, patawad po, kong-kong—” Hindi na niya nagawa pang tapusin ang sasabihin nang biglang hampasin ni Mang Sergio ang lamesang kawayan. Napalunok siya, kitang-kita niya ang galit sa mukha ng ama. Agad naman itong nilapitan ni Aling Emma at hinawakan sa braso. “Kumalma ka, Sergio,” saway dito ni Aling Emma. Matigas itong umiling sa nanay niya at galit na binalingan siya. “Paano ako kakalma? Umalis ‘yang magaling mong anak dito na ang paalam ay magta-trabaho, ‘yun pala nakipag-tanan na sa lalaking ‘yan! Pinagmukha mo kaming tanga!” ani Mang Sergio at hindi na nakapagtimpi pa at naduro na siya. Nasaktan siya sa pagdurong iyon ng ama kaya napatungo na lamang siya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagalit sa kanya ang ama. At inaasahan na naman niya ang ganitong tagpo. Sabi

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:119

    "Nakipagtanan ka sa lalaking ’yan, Felicie? Buong akala namin ng tatay mo, nasa pagtatrabaho ka. Buong akala namin—" Hindi na nito nagawa pang tapusin ang iba pa sanang sasabihin nang tuluyan na itong napaiyak. Marahil ay sa sama ng loob sa kanya ng kanyang ina. At naiintindihan niya iyon. Napatungo na lamang siya at napaiyak na rin. "Sorry po, Nay... kung—kung nagawa ko ang bagay na ’yon. Gusto—" "I'm sorry po, Nay. Kung may dapat man po dito sisihin, ako po iyon. Dahil na-pressure po siya sa’kin. Pinapili ko po siya, kaya nagawa po niyang sumama sa’kin." Ani Calex, na hindi na pinatapos ang iba pa sana niyang sasabihin. Lihim na nangunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ni Calex. Parang may mali sa mga sinabi nito sa kanyang ina. Matigas na umiling si Aling Emma. Hindi ito sang-ayon sa sinabi ni Calex, at naiintindihan niya iyon. Kahit pa nga hindi naman talaga iyon ang totoo. "Mali pa rin ang ginawa n’yo. Hindi n’yo man lang ba naisip kung ano ang mararamdaman namin?

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:118

    "Pwede ba, Aiyen, tigilan mo ang ate mo. Ikaw talaga, dadali ka na naman ng kadaldalan mo." Sita ni Aling Emma kay Aiyen na bigla namang napatikom ng bibig at napakamot sa ulo. "Kumusta ka na, anak? Ilang buwan kaming walang balita sa’yo. Sabi ko man din sa’yo, mag-text o tumawag ka sa amin ng tatay mo." Ani Aling Emma nang kumawala sila sa yakapan. "Pa-pasensya na po, Nay..." Tanging nasabi niya. Noong una ay nagagawa pa niyang tawagan ang mga ito, ngunit nang naging maayos na ang pagsasama nila ni Calex ay nagdesisyon siyang huwag na munang kausapin ang mga ito. Mahirap, pero tiniis niya. "A-ate..." Si Aiyen, nang mapansin nito si Calex na kasama niya. Maging si Aling Emma na kumalas sa pagkakayakap sa kanya ay napatingin din kay Calex na nasa likuran niya. Nagulat at kunot ang noo nito habang muli siyang tinitingnan. Bigla siyang kinabahan sa naging reaksyon ng kanyang ina at kapatid. "Kasama mo pala itong kaibigan mo," Maya-maya ay nakangiting bati ni Aling Emma.

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:117

    Maya’t maya ang pagbuntong-hininga niya. Kay init ng panahon, ngunit nanlalamig siya—lalo na ang mga palad niya. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Calex. Muli siyang humugot ng malalim na hininga habang nakatanaw sa maliit nilang bahay. Kabadong-kabado siya. "Kinakabahan ako," pag-amin niya sa asawa. Kinuha nito ang palad niya at marahan na hinaplos iyon. Ngumiti sa kanya si Calex. "I'm here. ’Wag kang mag-alala, nandito lang ako... kami ni baby," pang-aalo nito sa kanya. Marahan siyang napatingin at tumango saka gumanti ng ngiti sa asawa. Bumaba ito sa sasakyan at pinag-buksan siya ng pinto. Muli siyang napalunok. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti habang nakatanaw sa simpleng tahanan nila. Sobrang na-miss niya ang payak at simpleng pamumuhay dito sa Quezon. Ang laki lang talaga ng pinagkaiba. Dito kasi sa probinsya, ang malalanghap mong hangin ay sariwa, kumpara sa Maynila na amoy usok ng mga sasakyan. Kung dito, puro bundok at mga punong kulay berde at

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:116

    "B-buntis ka na, day? I-ibig sabihin, nakatikim ka na ng mahabang talong... este, ibig sabihin may nangyari na sa inyo? O... MY... GOD!" Halos sumabog ang kanyang pisngi dahil sa walang pakundangan na bibig ni Ernesto. Wala pa rin talagang pinagbago ang isang ’to. Marahan na pagtango ang ginawa niya sa kaibigan na hindi makapaniwala sa narinig at nanlalaki pa rin ang matang nakatingin sa kanya. Habang si Calex naman ay napangisi sa naging reaksyon ni Ernesto. "That’s normal sa mag-asawa, Ernesto. Kapag nasabi na namin kina Tay Sergio at Nay Emma ang lahat, magpapakasal ulit kami ni Felicie. And I want to have many children. Gusto ko ng malaking pamilya," nakangiti pa nitong pagkakasabi sa kanyang kaibigan, na para bang proud na proud pa siya. Habang siya naman ay mas lalo pang uminit ang magkabilang pisngi dala ng hiya sa kaibigan. Ngunit sa kabilang banda ay kinilig siya. Masaya siya sa isiping magiging malaki ang pamilya nila ni Calex. Halos mag-agaw dilim na nang umalis si Erne

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status