Home / Romance / My Nerd Wife Felicie / Kabanata 7:Ang kasal na alok kay Felicie.

Share

Kabanata 7:Ang kasal na alok kay Felicie.

Author: Miss Jesszz
last update Last Updated: 2025-07-28 10:44:47

"Paano ba 'yan, Sergio? Balak nang kunin sa atin ni Don Elias ang ating natitirang lupa. Paano na ang mga bata? Lalo na si Junior."

Narinig ni Felicie ang tanong ng kanyang inay sa kanyang ama isang hapon. Kagagaling lang niya sa pamumuti ng talong doon kina Aling Yolanda, at habang papasok nga siya ng bahay ay narinig niya ang pag-uusap ng kanyang mga magulang. Napatigil siya sa pagpasok ng kanilang bahay at palihim na nakinig sa usapan ng kanyang ama't ina. Kita niya ang lungkot sa mukha ng kanyang ama.

"Kung may magagawa lang akong ibang paraan, Emma, ay nagawa ko na. Dahil ayaw ko ding mawala ang ating natitirang lupa. Lalo na't minana ko pa ang lupang iyon sa aking mga magulang."

Narinig niyang malungkot na sagot ng kanyang Itay Sergio sa kanyang Inay Emma.

"Paano na ang pag-aaral ng tatlo? Lalo na si Junior na madalas sumpungin ng kanyang asthma. Kapag tuluyan nang nakuha sa atin ang lupa, wala na tayong ibang mapagkukunan ng ating hanapbuhay. Doon lang tayo umaasa sa lupang 'yon," anang kanyang ina na tila gusto pang maluha dahil sa sinasabi nito. Ang tatlo pa niyang mga kapatid ay kapwa pa nagsisipag-aral. Ang sumunod sa kanya na si Aiyen ay nasa second year college pa lang at pilit nilang pinagtutulung-tulungan at pinagsisikapan na mapag-aral ng kanyang mga magulang para makatapos ito ng pag-aaral.

At ang dalawa pa niyang kapatid na parehong nasa high school pa. Siya ay nasa third year college noon nang mapilitang tumigil sa pag-aaral sa kadahilanang hindi na siya kayang pag-aralin ng kanyang magulang. Kasabay pa noong mga panahong iyon ang madalas na pagkakasakit ng kanyang ina at ng kanilang bunsong kapatid na madalas sumpungin ng sakit nitong asthma.

"Tay, Nay, mano po," saad niya nang mapagpasyahan nang pumasok sa loob ng kanilang bahay, saka nagmano sa kanyang Itay at Inay. Tila nagulat pa ang kanyang ama't ina nang makita siyang nakatayo na sa may pintuan ng kanilang balkonahe.

"Anak, kanina ka pa ba d'yan?" anang kanyang ama na pilit ang pagngiti sa kanya. Marahang pagtango ang kanyang ginawa sa mga ito. Isang malalim na paghinga ang kanyang narinig sa ina saka ginaya ang ginawa ng kanyang ama—pilit din itong ngumiti sa kanya.

"Ginabi ka yata, anak, sa pamumuti?" anang kanyang ina saka tumayo at ikinuha siya ng tubig sa kanilang maliit na kusina.

"Medyo naparami po kasi ang pina-ani sa amin ni Aling Yolanda ngayon, Nay. Sayang naman kung sa iba pa mapupunta 'yong kikitain ko doon," nakangiting sagot niya sa kanyang ina habang inaabot niya ang baso nitong naglalaman ng tubig na kanyang iinumin. Napatingin siya sa kanyang ama na napabuntong-hininga pa dahil sa kanyang mga huling sinabi.

"Pasensya ka na, anak. Hindi mo dapat ginagawa ang mga ganyang gawain. Kung nakakaraos-raos lang sana tayo, hindi na sana kayo makakaranas ng ganitong paghihirap na magkakapatid," ani ng kanyang ama na napapipiyok pa sa mga huling sinabi. Lumapit siya sa kanyang ama, saka marahang paghagod sa likod nito ang kanyang ginawa, saka ngumiti dito.

"Ano ka ba naman, Tay. Okay lang po. Pagtutulungan natin 'to. Makakaraos din tayo," saad niya sa amang bakas ang lungkot sa mukha.

"Sige, halina na kayo mga anak, nang makapaghapunan na tayo," anang kanyang ina na nakapaghain na pala ng kanilang hapunan.

"Mga anak, nakahain na!" tawag ng kanyang ina sa tatlo pa niyang kapatid na kapwa nagsisipag-aral.

---

Kinabukasan ay maaga siyang gumising at napagpasyahan niyang pumunta sa Hacienda ni Don Elias. Baka sakaling may magawa pa siya para sa kanilang lupang nanganganib na mawala sa kanila dahil sa pagkakasanla nito. Alam niyang malaking palugit na ang naibigay sa kanila ng Don, ngunit susubukan pa rin niyang makahingi pa ulit ng ilang linggong palugit dito. Alam niyang malaking halaga ang kakailanganin nila para matubos ang lupang nakasanla, at hindi niya alam kung saan kukunin ang perang iyon.

"Bahala na si Superman!" ang mahalaga sa kanya ay mabigyan sila ni Don Elias ng kahit kaunting palugit para makahanap ng perang ipambabayad dito. Nang makarating siya sa hacienda ng mga Zaavedra, ay napanganga siya dahil sa laki at lawak ng bakuran ng mga ito.

"Ano pa nga ba ang aasahan ko? Siyempre mayaman eh," saad niya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang maganda at napakalawak na bakuran ng mga Zaavedra. Sa pagkakaalam niya ay bahay-bakasyunan lang ng mga Zaavedra ang malaking mansyon na iyon. Paminsa-minsan lang magkaroon ng tao roon. Ang madalas niyang makita sa mansyon na iyon ay ang Don, ngunit ang pamilya nito ay hindi pa niya nakikita. Habang papalapit siya sa bakal na gate ay agad niyang nakita si Ka Isko, ang katiwala ng mansyon ng mga Zaavedra. Agad niyang nilapitan ang may katandaang katiwala.

"Magandang umaga ho, Ka Isko," magalang na pagbati niya dito at saka inayos-ayos ang suot-suot niyang salamin. Ngumiti naman sa kanya ang matanda na nagdidilig ng mga halaman sa malawak na bakuran.

"Magandang umaga naman, Felicie. Abay, kay aga mo yata. Anong atin?" nakangiti pa ring sagot ng matanda habang patuloy pa rin ito sa pagdidilig. Alanganin siyang ngumiti sa matanda, pagkuwa’y tumingin sa loob ng mansyon.

"E, Ka Isko, itatanong ko lang po kung naririyan pa si Don Elias," alanganing tanong niya dito.

"A, si Don Elias? Naku, umalis noong makalawa. Pumunta ng Maynila dahil doon sa panganay na anak. Ang naririto ngayon ay si Alily—'yung bunsong anak. Mahilig kasi ang batang 'yon sa mga halaman, kaya ayan, kasa-kasama ni Don Elias kapag umuuwi dito sa Quezon. E, ano bang lakad mo kay Don Elias, Felicie?"

Tanong sa kanya ni Ka Isko na pinatay ang gripo ng tubig.

"Tungkol po kasi doon sa lupa na sinanla ni Itay, Ka Isko. Baka sakaling mapakiusapan ko pa na bigyan pa kami ng kahit mga ilang linggo pa para makahanap ng pambayad," sagot niya dito. Hindi pa man nakakasagot ang matanda sa kanya nang may biglang dumating na sasakyan. Agad na pinag-buksan ng gate iyon ni Ka Isko.

"Magandang umaga po, Don Elias,"

Narinig niyang bati ni Ka Isko sa bagong dating. Agad siyang napatingin sa bagong dating. Isang medyo katandaang lalaki 'yon, at hindi maitatanggi ang katikasan nitong taglay. Kahit may katandaan na din ito ay hindi maipagkakaila na may hitsura ang matandang Don. Bigla siyang nakaramdam ng kaba nang biglang tumingin ito sa gawi niya. Nasa labas kasi siya ng gate, ngunit dagli ding nawala ang kabang iyon nang ngumiti sa kanya ang Don. Maya-maya pa ay nakita niyang kinausap nito si Ka Isko, saka lumapit sa kanya.

"M-magandang umaga po, Don Elias," magalang na pagbati niya dito saka ngumiti.

"Magandang umaga naman, iha. Ano bang maipaglilingkod ko sa'yo?"

Anang Don na ngumiti sa kanya. Hindi naman pala nakaka-ilang at nakakatakot kausapin si Don Elias. Mukhang mabait naman, anang niya sa sarili at nabuhayan ng loob.

"Tungkol po kasi doon sa lupang naisanla ng aking Itay," wala nang paligoy-ligoy na sagot niya dito. Kunot-noo itong napatingin sa kanya, ngunit maya-maya rin ay umaliwalas ang mukha nito.

"Pumasok ka muna, iha. Mukhang mahabang usapan ang ating mapag-uusapan," anang Don saka malaking ibinukas nito ang gate.

---

Halos maibuga ni Felicie ang iniinom na kape dahil sa mga sinabi sa kanya ni Don Elias.

"P-po?! Ano pong sabi niyo, Don Elias?" ulit na tanong niya sa matanda na natawa pa sa kanyang naging reaksyon.

"N-nagbibiro lang po kayo, 'di ba Don Elias?"

Halos di makapaniwalang tanong ni Felicie. Muli ay natawa na naman sa kanya si Don Elias saka sunod-sunod na pag-iling ang ginawa sa kanya.

"Seryoso ako, iha. Marry my son, at hindi ko na kukunin ang lupang sinanla ng tatay mo. At isa pa, ako na rin ang bahalang magpaaral sa tatlo mo pang kapatid. Hindi mo na kailangang problemahin pa ang pagtubos sa lupa. All you need is to marry my son. Ako na ang bahala sa lahat kapag tinanggap mo ang offer ko," anang Don sa boses na kinukumbinsi siya. Napakamot ang dalaga sa sariling ulo saka tumitig sa Don. Baka naman bagong gising lang ito noong bumaba ng sasakyan kaya wala sa huwisyo, at kung anu-ano ang mga pinagsasabi.

"Don Elias, mukhang kagigising n'yo lang po," alanganin niyang sabi. Ngunit tinawanan na naman siya ni Don Elias.

"Mukha ba akong nagbibiro, iha? No. Seryoso ako sa inaalok ko sa'yo. Marry my son. At sa inyo na muli ang lupa. At bukod pa roon, makakapag-aral pa ang mga kapatid mo sa maayos at kilalang paaralan. Ayaw mo ba noon, iha?"

Panandalian siyang napaisip. Ano ba 'to! Lupa ang ipinunta ko rito, at hindi ang pag-aasawa. Lord naman! Ni wala pa nga akong boyfriend sa tanang buhay ko tapos ito—boom! Instant asawa agad-agad ang inaalok sa akin! sa loob-loob niya sa sarili.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:121(THE END OF THE STORY)

    “Hi—hindi. Ang ibig kong sabihin ay kalimutan na lang sana natin na kaya tayo nakasal sa isa’t isa ay dahil lang sa lupa namin na nakasanla sa inyo. Siguro nga, mali ‘yung parteng nagkasal tayo ng dahil sa—”“Walang mali sa mga nangyari, Felicie. Nangyari iyon dahil may dahilan. May magandang dahilan. At iyon ay ang malaki kong pagbabago. Nang dahil sa’yo, nag-iba ang tingin ko sa pagkakaroon ng pamilya. Nang dahil sa’yo, tumino ako. Nang dahil sa’yo, natuto akong magseryoso. Maraming naidulot na maganda sa’kin ang biglaang pagpapakasal natin. At hinding-hindi ko kailanman pagsisisihan kung paano tayo nagkakilala, kung paano tayo ikinasal, at kung paano tayo naging mag-asawa.”Mahabang pagkakasabi nito. Kita niya kung paano naging emotional si Calex sa bawat katagang binitawan. Kita niya ang pagiging sincere nito, at ramdam din niya ang sakit na nadama ng asawa sa mga salitang hindi naman niya sinasadya. Masuyong hinawakan niya ang kamay ng asawa at matamis na nginitian ito. Hindi niy

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:120

    “To-totoo ba ang sinabi ng nanay mo, Felicie?” tanong sa kanya ni Mang Sergio na ngayon ay bakas sa boses ang galit. Napatayo pa ito mula sa pagkakaupo. Hindi niya agad makuhang sumagot sa ama dala ng takot. “Tay, patawad po, kong-kong—” Hindi na niya nagawa pang tapusin ang sasabihin nang biglang hampasin ni Mang Sergio ang lamesang kawayan. Napalunok siya, kitang-kita niya ang galit sa mukha ng ama. Agad naman itong nilapitan ni Aling Emma at hinawakan sa braso. “Kumalma ka, Sergio,” saway dito ni Aling Emma. Matigas itong umiling sa nanay niya at galit na binalingan siya. “Paano ako kakalma? Umalis ‘yang magaling mong anak dito na ang paalam ay magta-trabaho, ‘yun pala nakipag-tanan na sa lalaking ‘yan! Pinagmukha mo kaming tanga!” ani Mang Sergio at hindi na nakapagtimpi pa at naduro na siya. Nasaktan siya sa pagdurong iyon ng ama kaya napatungo na lamang siya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagalit sa kanya ang ama. At inaasahan na naman niya ang ganitong tagpo. Sabi

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:119

    "Nakipagtanan ka sa lalaking ’yan, Felicie? Buong akala namin ng tatay mo, nasa pagtatrabaho ka. Buong akala namin—" Hindi na nito nagawa pang tapusin ang iba pa sanang sasabihin nang tuluyan na itong napaiyak. Marahil ay sa sama ng loob sa kanya ng kanyang ina. At naiintindihan niya iyon. Napatungo na lamang siya at napaiyak na rin. "Sorry po, Nay... kung—kung nagawa ko ang bagay na ’yon. Gusto—" "I'm sorry po, Nay. Kung may dapat man po dito sisihin, ako po iyon. Dahil na-pressure po siya sa’kin. Pinapili ko po siya, kaya nagawa po niyang sumama sa’kin." Ani Calex, na hindi na pinatapos ang iba pa sana niyang sasabihin. Lihim na nangunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ni Calex. Parang may mali sa mga sinabi nito sa kanyang ina. Matigas na umiling si Aling Emma. Hindi ito sang-ayon sa sinabi ni Calex, at naiintindihan niya iyon. Kahit pa nga hindi naman talaga iyon ang totoo. "Mali pa rin ang ginawa n’yo. Hindi n’yo man lang ba naisip kung ano ang mararamdaman namin?

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:118

    "Pwede ba, Aiyen, tigilan mo ang ate mo. Ikaw talaga, dadali ka na naman ng kadaldalan mo." Sita ni Aling Emma kay Aiyen na bigla namang napatikom ng bibig at napakamot sa ulo. "Kumusta ka na, anak? Ilang buwan kaming walang balita sa’yo. Sabi ko man din sa’yo, mag-text o tumawag ka sa amin ng tatay mo." Ani Aling Emma nang kumawala sila sa yakapan. "Pa-pasensya na po, Nay..." Tanging nasabi niya. Noong una ay nagagawa pa niyang tawagan ang mga ito, ngunit nang naging maayos na ang pagsasama nila ni Calex ay nagdesisyon siyang huwag na munang kausapin ang mga ito. Mahirap, pero tiniis niya. "A-ate..." Si Aiyen, nang mapansin nito si Calex na kasama niya. Maging si Aling Emma na kumalas sa pagkakayakap sa kanya ay napatingin din kay Calex na nasa likuran niya. Nagulat at kunot ang noo nito habang muli siyang tinitingnan. Bigla siyang kinabahan sa naging reaksyon ng kanyang ina at kapatid. "Kasama mo pala itong kaibigan mo," Maya-maya ay nakangiting bati ni Aling Emma.

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:117

    Maya’t maya ang pagbuntong-hininga niya. Kay init ng panahon, ngunit nanlalamig siya—lalo na ang mga palad niya. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Calex. Muli siyang humugot ng malalim na hininga habang nakatanaw sa maliit nilang bahay. Kabadong-kabado siya. "Kinakabahan ako," pag-amin niya sa asawa. Kinuha nito ang palad niya at marahan na hinaplos iyon. Ngumiti sa kanya si Calex. "I'm here. ’Wag kang mag-alala, nandito lang ako... kami ni baby," pang-aalo nito sa kanya. Marahan siyang napatingin at tumango saka gumanti ng ngiti sa asawa. Bumaba ito sa sasakyan at pinag-buksan siya ng pinto. Muli siyang napalunok. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti habang nakatanaw sa simpleng tahanan nila. Sobrang na-miss niya ang payak at simpleng pamumuhay dito sa Quezon. Ang laki lang talaga ng pinagkaiba. Dito kasi sa probinsya, ang malalanghap mong hangin ay sariwa, kumpara sa Maynila na amoy usok ng mga sasakyan. Kung dito, puro bundok at mga punong kulay berde at

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:116

    "B-buntis ka na, day? I-ibig sabihin, nakatikim ka na ng mahabang talong... este, ibig sabihin may nangyari na sa inyo? O... MY... GOD!" Halos sumabog ang kanyang pisngi dahil sa walang pakundangan na bibig ni Ernesto. Wala pa rin talagang pinagbago ang isang ’to. Marahan na pagtango ang ginawa niya sa kaibigan na hindi makapaniwala sa narinig at nanlalaki pa rin ang matang nakatingin sa kanya. Habang si Calex naman ay napangisi sa naging reaksyon ni Ernesto. "That’s normal sa mag-asawa, Ernesto. Kapag nasabi na namin kina Tay Sergio at Nay Emma ang lahat, magpapakasal ulit kami ni Felicie. And I want to have many children. Gusto ko ng malaking pamilya," nakangiti pa nitong pagkakasabi sa kanyang kaibigan, na para bang proud na proud pa siya. Habang siya naman ay mas lalo pang uminit ang magkabilang pisngi dala ng hiya sa kaibigan. Ngunit sa kabilang banda ay kinilig siya. Masaya siya sa isiping magiging malaki ang pamilya nila ni Calex. Halos mag-agaw dilim na nang umalis si Erne

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status