
My Nerd Wife Felicie
Si Calex Saavedra ay isang binatang mula sa kilalang angkan—mayaman, makapangyarihan, at ubod ng guwapo. Ngunit higit sa lahat, siya ay kilala sa pagiging loko-loko at babaero. Wala siyang siniseryosong babae; para sa kanya, ang babae ay parang damit—isuot kapag gusto, palitan kapag nagsawa.
Ngunit isang kasunduan ang biglang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay.
Dahil sa kagipitan, napilitang tanggapin ng isang simpleng probinsyana ang alok na magpakasal kay Calex. Si Felicie Garcia—tahimik, nerd, at walang muwang sa magulong mundo ng lipunan ay naging asawa ng lalaking ni sa panaginip ay hindi niya naisipang mapapalapit sa kanya.
Isang kasal na may hangganan. Isang kasunduang magwawakas sa diborsyo makalipas ang dalawang taon. Ngunit habang magkasama sa iisang bubong, unti-unting nagbabago si Calex. At si Felicie, na sa simula’y galit at takot lang ang nararamdaman, ay hindi inaasahang matutong umibig.
Mabubura kaya ng pag-ibig ang dating pagkatao ni Calex?
O isa lamang si Felicie sa mga babaeng masasaktan sa kamay ng isang tulad niyang sanay sa laro?
Read
Chapter: Kabanata:121(THE END OF THE STORY)“Hi—hindi. Ang ibig kong sabihin ay kalimutan na lang sana natin na kaya tayo nakasal sa isa’t isa ay dahil lang sa lupa namin na nakasanla sa inyo. Siguro nga, mali ‘yung parteng nagkasal tayo ng dahil sa—”“Walang mali sa mga nangyari, Felicie. Nangyari iyon dahil may dahilan. May magandang dahilan. At iyon ay ang malaki kong pagbabago. Nang dahil sa’yo, nag-iba ang tingin ko sa pagkakaroon ng pamilya. Nang dahil sa’yo, tumino ako. Nang dahil sa’yo, natuto akong magseryoso. Maraming naidulot na maganda sa’kin ang biglaang pagpapakasal natin. At hinding-hindi ko kailanman pagsisisihan kung paano tayo nagkakilala, kung paano tayo ikinasal, at kung paano tayo naging mag-asawa.”Mahabang pagkakasabi nito. Kita niya kung paano naging emotional si Calex sa bawat katagang binitawan. Kita niya ang pagiging sincere nito, at ramdam din niya ang sakit na nadama ng asawa sa mga salitang hindi naman niya sinasadya. Masuyong hinawakan niya ang kamay ng asawa at matamis na nginitian ito. Hindi niy
Last Updated: 2025-09-27
 Chapter: Kabanata:120“To-totoo ba ang sinabi ng nanay mo, Felicie?” tanong sa kanya ni Mang Sergio na ngayon ay bakas sa boses ang galit. Napatayo pa ito mula sa pagkakaupo. Hindi niya agad makuhang sumagot sa ama dala ng takot. “Tay, patawad po, kong-kong—” Hindi na niya nagawa pang tapusin ang sasabihin nang biglang hampasin ni Mang Sergio ang lamesang kawayan. Napalunok siya, kitang-kita niya ang galit sa mukha ng ama. Agad naman itong nilapitan ni Aling Emma at hinawakan sa braso. “Kumalma ka, Sergio,” saway dito ni Aling Emma. Matigas itong umiling sa nanay niya at galit na binalingan siya. “Paano ako kakalma? Umalis ‘yang magaling mong anak dito na ang paalam ay magta-trabaho, ‘yun pala nakipag-tanan na sa lalaking ‘yan! Pinagmukha mo kaming tanga!” ani Mang Sergio at hindi na nakapagtimpi pa at naduro na siya. Nasaktan siya sa pagdurong iyon ng ama kaya napatungo na lamang siya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagalit sa kanya ang ama. At inaasahan na naman niya ang ganitong tagpo. Sabi
Last Updated: 2025-09-27
 Chapter: Kabanata:119"Nakipagtanan ka sa lalaking ’yan, Felicie? Buong akala namin ng tatay mo, nasa pagtatrabaho ka. Buong akala namin—"  Hindi na nito nagawa pang tapusin ang iba pa sanang sasabihin nang tuluyan na itong napaiyak. Marahil ay sa sama ng loob sa kanya ng kanyang ina. At naiintindihan niya iyon. Napatungo na lamang siya at napaiyak na rin.  "Sorry po, Nay... kung—kung nagawa ko ang bagay na ’yon. Gusto—"  "I'm sorry po, Nay. Kung may dapat man po dito sisihin, ako po iyon. Dahil na-pressure po siya sa’kin. Pinapili ko po siya, kaya nagawa po niyang sumama sa’kin."  Ani Calex, na hindi na pinatapos ang iba pa sana niyang sasabihin. Lihim na nangunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ni Calex. Parang may mali sa mga sinabi nito sa kanyang ina. Matigas na umiling si Aling Emma. Hindi ito sang-ayon sa sinabi ni Calex, at naiintindihan niya iyon. Kahit pa nga hindi naman talaga iyon ang totoo.  "Mali pa rin ang ginawa n’yo. Hindi n’yo man lang ba naisip kung ano ang mararamdaman namin? 
Last Updated: 2025-09-27
 Chapter: Kabanata:118"Pwede ba, Aiyen, tigilan mo ang ate mo. Ikaw talaga, dadali ka na naman ng kadaldalan mo."  Sita ni Aling Emma kay Aiyen na bigla namang napatikom ng bibig at napakamot sa ulo.  "Kumusta ka na, anak? Ilang buwan kaming walang balita sa’yo. Sabi ko man din sa’yo, mag-text o tumawag ka sa amin ng tatay mo."  Ani Aling Emma nang kumawala sila sa yakapan.  "Pa-pasensya na po, Nay..."  Tanging nasabi niya. Noong una ay nagagawa pa niyang tawagan ang mga ito, ngunit nang naging maayos na ang pagsasama nila ni Calex ay nagdesisyon siyang huwag na munang kausapin ang mga ito. Mahirap, pero tiniis niya.  "A-ate..."  Si Aiyen, nang mapansin nito si Calex na kasama niya. Maging si Aling Emma na kumalas sa pagkakayakap sa kanya ay napatingin din kay Calex na nasa likuran niya. Nagulat at kunot ang noo nito habang muli siyang tinitingnan. Bigla siyang kinabahan sa naging reaksyon ng kanyang ina at kapatid.  "Kasama mo pala itong kaibigan mo,"  Maya-maya ay nakangiting bati ni Aling Emma.
Last Updated: 2025-09-26
 Chapter: Kabanata:117Maya’t maya ang pagbuntong-hininga niya. Kay init ng panahon, ngunit nanlalamig siya—lalo na ang mga palad niya.  "Are you okay?"  Nag-aalalang tanong sa kanya ni Calex. Muli siyang humugot ng malalim na hininga habang nakatanaw sa maliit nilang bahay. Kabadong-kabado siya.  "Kinakabahan ako,"  pag-amin niya sa asawa. Kinuha nito ang palad niya at marahan na hinaplos iyon. Ngumiti sa kanya si Calex.  "I'm here. ’Wag kang mag-alala, nandito lang ako... kami ni baby,"  pang-aalo nito sa kanya. Marahan siyang napatingin at tumango saka gumanti ng ngiti sa asawa. Bumaba ito sa sasakyan at pinag-buksan siya ng pinto. Muli siyang napalunok.  Hindi niya maiwasang hindi mapangiti habang nakatanaw sa simpleng tahanan nila. Sobrang na-miss niya ang payak at simpleng pamumuhay dito sa Quezon. Ang laki lang talaga ng pinagkaiba. Dito kasi sa probinsya, ang malalanghap mong hangin ay sariwa, kumpara sa Maynila na amoy usok ng mga sasakyan. Kung dito, puro bundok at mga punong kulay berde at
Last Updated: 2025-09-26
 Chapter: Kabanata:116"B-buntis ka na, day? I-ibig sabihin, nakatikim ka na ng mahabang talong... este, ibig sabihin may nangyari na sa inyo? O... MY... GOD!" Halos sumabog ang kanyang pisngi dahil sa walang pakundangan na bibig ni Ernesto. Wala pa rin talagang pinagbago ang isang ’to. Marahan na pagtango ang ginawa niya sa kaibigan na hindi makapaniwala sa narinig at nanlalaki pa rin ang matang nakatingin sa kanya. Habang si Calex naman ay napangisi sa naging reaksyon ni Ernesto. "That’s normal sa mag-asawa, Ernesto. Kapag nasabi na namin kina Tay Sergio at Nay Emma ang lahat, magpapakasal ulit kami ni Felicie. And I want to have many children. Gusto ko ng malaking pamilya," nakangiti pa nitong pagkakasabi sa kanyang kaibigan, na para bang proud na proud pa siya. Habang siya naman ay mas lalo pang uminit ang magkabilang pisngi dala ng hiya sa kaibigan. Ngunit sa kabilang banda ay kinilig siya. Masaya siya sa isiping magiging malaki ang pamilya nila ni Calex. Halos mag-agaw dilim na nang umalis si Erne
Last Updated: 2025-09-26
 Chapter: Chapter:9Matamis niyang nginitian si Priea at tumango rito.  “Beautiful…”  ani niya at saka inalalayan ang babae.  Pagkatapos mamili ay nagyaya si Priea na kumain sa paborito nilang restaurant noong sila pa ng babae.  Napatigil siya sa ginagawa nang masuyong hawakan ni Priea ang kamay niya.  “Do you still remember our sweet memories in this restaurant?”  masuyong tanong sa kanya ng babae at matamis na ngumiti sa kanya.  Kinuha niya ang kamay nito at marahan na tumango.  “Yeah, of course. Dito tayo nagkakilala, at dito ka rin nakipaghiwalay sa akin, four years ago,”  ani niya at gumuhit sa mata ang lungkot.  Muli niyang naalala kung paano siya nagmakaawa noon kay Priea upang huwag lamang siya nitong iwanan. Ngunit sa huli, mas pinili ng babae ang career nito kaysa sa kanya.  “I’m sorry for what I did. But I’m here now, Arkin. Pwede ulit tayong magsimula. Pwede na tayong magsama, gaya ng gusto mo noon. Pwede na tayong bumuo ng pangarap nating pamilya.”  “And how can I do that? You kn
Last Updated: 2025-10-24
 Chapter: Chapter:8Magaan siyang ngumiti kay Manang Erma at mariing umiling sa matanda.  “Wala po kayong kasalanan, Manang. Nagpapasalamat nga po ako dahil kahit paano, tinutulungan ninyo ako kahit na puwede ninyong ikapahamak iyon.”  Mabigat na nagbuntong-hininga si Manang at umiling.  “Sa totoo lang, iha, kung ako ang masusunod, matagal ko nang isinumbong yang si Octavia kay Arkin.”  Nanlaki ang mata ni Elaina at matigas na umiling sa matandang mayordoma. Kapag ginawa nito iyon ay mapapahamak ito, higit sa lahat ang kanyang pamilya sa Quezon.  “Manang, nakikiusap po ako sa inyo, ‘wag na ‘wag n’yo pong sasabihin kay Arkin ang mga ginagawa sa akin ni Mama. Maaaring ikapahamak mo iyon at ng pamilya ko po, Manang.”  Napailing na lamang sa kanya si Manang.  “Alam ko, Elaina. Ngunit hanggang kailan ka magtitiis kay Donya Octavia? Hanggang kailan ka magtitiis sa mga pananakit niya sa’yo,sa mga pagpapahirap?”  Panandalian siyang natigilan sa tanong na iyon ni Manang Erma. Hanggang kailan nga ba siya m
Last Updated: 2025-10-16
 Chapter: Chapter:7Imbes na bumaba at salubungin niya ang asawa ay nagmamadali siyang bumalik sa kanilang kwarto ni Arkin. Nasapo niya ang sariling dibdib. Tila nanlambot siya sa nakita niya. Alam niya na gentleman ang asawa niya, pero hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng selos. Lalo pa at dalawang linggo din silang hindi nagkita ng asawa.    Bakit ganoon, imbes na siya ang unahin nito, hindi—dahil may iba pala itong kasama sa pag-uwi. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Ayaw niyang mag-isip ng hindi maganda sa asawa. May tiwala siya kay Arkin. Isa pa, pinanghahawakan niya ang mga sinabi nito sa kanya.    Sunod-sunod na pagbuntong-hininga ang kanyang ginawa at nagdesisyon na muling bumaba upang salubungin ang kanyang asawa. Ngunit nagtaka siya nang pagdating niya sa malawak na sala ay wala na roon ang kanyang asawa, maging ang babaeng kasama nito ay wala din doon. Nagtungo siya sa kusina at doon niya naabutan ang mayordomang si manang Erma.    “Ikaw pala, Elaina, may kailangan ka ba?”    Nakangi
Last Updated: 2025-10-01
 Chapter: Chapter:6Mapait siyang napangiti nang maalala kung paano niya nakilala ang asawang si Arkin. Naaksidente ito, at sa kabutihang-palad ay nakita ng kanyang ama at kapatid. Nang gumaling ang lalaki, inakala niyang iyon na ang huli nilang pagkikita. Ngunit laking gulat niya nang isang araw ay naging bisita nila ito.  Ang pagbisita ni Arkin nang minsan ay nasundan pa ng maraming beses. Kalaunan, naglakas-loob itong magtapat ng damdamin sa kanya. Subalit dahil sa malaking agwat ng kanilang estado at uri ng pamumuhay, tinanggihan ng dalaga ang panliligaw ni Arkin—kahit pa hindi na niya maitatangging may nadarama na rin siya para sa binata.  “Kayraming babae riyan na kasing-lebel mo—mayayaman, magaganda, at higit sa lahat, edukada. Bakit ako? Na simula’t sapol alam mong hindi marunong sumulat at bumasa? Bakit ako, na isang anak-mahirap at mangmang?”  ani Elaina kay Arkin, lihim na nasasaktan sa pagtanggi sa pag-ibig na buong pusong iniaalay sa kanya ng binata. Buong akala niya ay titigil na sa pan
Last Updated: 2025-09-27
 Chapter: Chapter:5“Ouch… damn! Please… be careful.”  mahinang daing ng lalaki sa matatas nitong English.  Napakamot siya sa ulo. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito. Dahan-dahan niyang inalis ang gasa na nakatakip sa sugat upang palitan iyon. Sa kalagitnaan ng pagtanggal ay napansin niyang may dumikit sa balat ng lalaki. Alam niyang masasaktan ito kapag bigla niyang hinila.  Habang dahan-dahan niyang tinatanggal ang nakadikit na gasa, bigla nitong hinawakan ang kamay niya. Nang tingnan niya, nakapikit ang lalaki at kagat-labi, tila pinipigilan ang sakit.  “Mr., pu-puwede bang huwag mong higpitan ang pagkakahawak sa kamay ko? Paano ko matatanggal itong gasa kung kay higpit mo?”  nakaingos niyang reklamo. Halos mapapadaing na siya sa sakit ng pagkakahawak nito.  Agad namang binitiwan ng lalaki ang kanyang kamay. Kaya inayos niya ang tatlong unan, pinagpatong-patong iyon at inilapit sa headboard ng katre. Dahan-dahan niyang isinandal doon ang lalaki na halatang hinang-hina pa rin, dahil sa
Last Updated: 2025-09-10
 Chapter: Chapter:4“Nay, ako na po diyan. Matulog na po kayo,” alok niya sa inang abala sa paghuhugas ng mga plato.  “Ako na. Tingnan mo na lang ’yung lalaki sa kwarto mo. Punasan mo ulit ng basang towel, baka tumaas pa ang lagnat,” utos ni Aling Mercedes na ipinagpatuloy ang paghuhugas.  Wala na siyang nagawa kundi sumunod. Ayaw man niyang gawin, wala siyang magagawa—utos iyon ng ina. Ewan ba niya kung bakit, ngunit tuwing napapalapit siya sa estranghero, bigla na lang bumibilis ang pintig ng kanyang puso. Parang nakukuryente siya kapag nagtatama ang balat nila.  Malalim siyang humugot ng hininga bago kinuha ang isang malinis na tuwalya. Binasa niya iyon ng maligamgam na tubig at nilagyan ng kaunting alcohol. Pagkatapos ay marahang idinampi sa noo ng lalaking may mataas na lagnat.  Hindi niya namalayang napapatitig na pala siya sa mukha nito. Dahil sa kaba at pagmamadali kanina, hindi niya napansin ang maamong anyo ng lalaki—matangkad, maputi, matangos ang ilong, mahahaba at nakapirming pilik-mata,
Last Updated: 2025-09-10