Hindi agad nakasagot si Enrico, tila nakaramdam siya ng kakaibang kaba sa sinabi ni Gavin. Nakatingala lang siyang nakatingin sa dating kaibigan. Mayamaya, napaisip siya sa sinabi nito.
‘Ayos sa akin kung gagawin kong ibalik si Elira pero ang pinagtataka ko kung bakit ganito na lang kagalit si Gavin?’ tanong niya sa kanyang isipan.
Tumayo siya, tumindig at humarap kay Gavin. Magkasing tangkad lang sila, ngunit sa ayos ng suot nila ay mas makikita na si Gavin ang mas lamang sa estado sa buhay. Saglit na nakaramdam ng panliliit si Enrico sa sarili nang pagmasdan si Gavin. Ngunit gaya ng sinabi niya sa sarili niya bago siya pumunta para makipagkita kay Gavin, gagawin niya ang lahat para makumbinsi si Gavin na ipasok sa kumpanya nito si Elira, kailangan niyang ibaba ang sarili niya sa harap ng dating kaibigan.
Ngumiti siya na para bang hindi nababanas sa gagawin niya. “I will do everything para bumalik ang anak ko sa kumpanya mo. Magtiwala ka lang sa akin, babalik siya. Maraming salamat, Gavin na bibigyan mo pa rin ng pagkakataon ang anak ko kahit na siya na mismo ang umayaw. Pasensya na rin kung dahil sa akin kung bakit siya umalis.” Yumuko siya, pinilit ang sarili na magpakumbaba.
Tinignan lang siya ni Gavin na walang emosyon at saka umalis na walang pasabi. Naiwan si Enrico na nagugulohan sa inaasta ni Gavin.
“Anong nangyari?” tanong niya sa kanyang sarili. Pero agad din siyang naglakad para habulin si Gavin palabas sa café.
“Gavin!” tawag niya.
Huminto naman si Gavin at bumaling kay Enrico. “May kailangan ka pa ba?” tanong niya.
Nagulat si Enrico sa lamig ng pakikitungo ni Gavin sa kanya. Alam niya na hindi ito ang dating ugali ni Gavin. Pero kahit na nagulat at hindi niya nagustuhan ang pakikitungo ni Gavin sa kanya, tumindig pa rin siya.
“Baka may oras ka pa? Kahit hindi ngayong araw, sa susunod na araw kung pwede. Aayain sana kitang lumabas, sa dating tambayan ng tropa?” Magaan niyang pag-aya.
Ngunit, walang interes si Gavin.
Kung dati ay interesado siyang makita ang dating kaibigan, ngunit dahil sa nalaman niya na nagalit si Enlira sa ama nitong si Enrico, nawalan na siya ng gana na makipag-usap dito.
“Titignan ko muna, marami akong ginagawa kaya hindi ako sigurado,” sagot niya.
Tumang-tango naman si Enrico, tila pinapahayag na naiitindihan niya ang sitwasyon ni Gavin. “Alright, you already have my number. Kung pwede ka na, tawagan mo lang ako, agad akong pupunta.”
‘Pero noong kailangan ka ng anak mo, hindi ka pumunta’
Gusto niyang sabihin iyon sa mukha ni Enrico ngunit pinigilan niya lang ang sarili niya. “Okay, I will. Mauuna na ako. Aantayin ko ang deal natin….your daughter, Enrico. I want her in my company.”
Pagkatapos no’n, pumasok na siya sa loob ng kotse at pinaandar na ito.
Naiwan muli si Enrico na nagugulohan, nakatulala. Para sa kanya, may ibang ibig sabihin ng huling sinabi ni Gavin. Pero agad ding nawala iyon sa isipan niya nang tumunog ang cellphone niya. Tumawag ang girlfriend niya, si Marina. Ang pinalit niya sa ina ni Elira.
“Marina, bakit? May ginagawa pa ako ngayon—”
“Bumalik ka rito, may kailangan kang makita.”
Hindi pa nakasagot si Enrico nang biglang binaba ni Marina ang tawag.
Nagmadali naman siyang sumakay sa luma niyang kotse at pinaharurot ito para umuwi sa apartment nila ni Marina.
Sa kabilang banda, nakaupo si Marina na nakatingin sa taong bigla na lamang sumulpot.
“Ano ba talagang ginagawa mo rito? Wala na kaming utang sa’yo,” galit na sabi ni Marina.
Ngunit hindi nagpatinag ang taong kaharap niya. “Sinabi ko na sa’yo, kailangan kong makausap ang magaling kong tatay—”
“Tinawagan ko na siya, pero hindi ibig sabihin ay kukunin niyo siya sa amin!”
Si Elira ang kausap niya. Nang umalis ito mula sa opisina ni Gavin, agad siyang dumiretso sa kung saan nakatira ang ama niya. Matagal niya na itong kinalumutan, pati ang lugar na ito na minsa’y nasaksihan niya kung paano magmakaawa ang ina niya para bumalik ang ama. Kinamumuhian niya ang lahat ng nasa lugar na iyon.
Si Marina ang dating kaibigan ng ina ni Elira na si Josephine, matalik na kaibigan ngunit dahil sa kapusukan ni Enrico, nagkasala silang dalawa ni Marina at nagbunga ang isang anak dahilan para maghiwalay na sila nang tuloyan ni Josephine.
“Ano bang kailangan mo sa kanya? Pera? Akala ko ba nag-a-artista ka na? Para ba sa ina mo kaya ka manghihingi ng pera kay Enrico? Matagal na kayong nawala sa buhay namin, bakit ka pa nagbalik dito!”
Hindi mawala ang galit ni Marina sa harap ni Elira, ngunit hindi iyon matutumabasan ng galit ni Elira ngayon.
“Hindi ko kailangna kahit sentimo ng pera niya dahil alam ko rin naman na naghihirap din siya dahil sainyo, hindi ba? Ang dating pinalit niya sa amin, na mayaman ay isa na ring dukha ngayon. Kaya ano pang hihingiin ko sainyo? Kahit kayo ay marami na ring utang!” sigaw ni Elira.
Mas lalong nagalit si Marina sa sinabi ni Elira, “Walang hiya ka!” Akmang sasampalin niya na sana si Elira nang mabilis siyang napigilan ni Elira.
“Hindi mo ako masasaktan, Marina. Huwag kang mag-alala, gusto ko lang siyang makausap at balaan.”
Malakas niyang inalis ang pagkahawak niya sa pulso ni Marina. “Anong pag-uusapan ninyo, ha? Sinasabi ko na sa’yo, bata ka! Kung ano man ang sasabihin mo sa kanya, huwag mo nang ituloy—”
“Marina!”
Sabay silang napatingin sa sumigaw. Nakarating na si Enrico, agad siyang lumapit kay Elira nang makita niya ito. Ang kaninang galit dahil sa pagsisigaw ni Marina ay napuno ng ginhawa. Ngumiti siya habang lumalapit kay Elira.
“Elira, mabuti naman bumisita ka, anak. Akala ko galit ka dahil binabaan mo ako ng tawag kanina.” Masaya nitong sabi.
Dahil sa narinig, agad na hinila ni Marina si Enrico palapit sa kanya. “Tinawagan mo siya? Bakit? Babalik ka na ba sa kanila, ha?!” sigaw nito.
Tinignan siya ni Enrico nang masama. “Pumasok ka muna sa kwarto, Marina. May pag-uusapan lang kami ni Elira. Sige na. Huwag kang gumawa ng gulo, nakakahiya sa mga kapitbahay natin.” Giit niya.
Nakaramdam naman ng kaumayan si Elira kaya nagsalita na siya. “Hindi niya na kailangan umalis, at dahil nandito ka na rin naman, ikaw ang kailangan ko.”
Tumingin si Enrico sa anak, nakaramdam siya ng kaba. Naalala niya ang usapan nila ni Gavin na kumbinsihin si Elira na bumalik sa kumpanya ni Gavin.
“Elira, ako rin, may sasabihin sa’yo. Maupo ka muna—”
“Alam ko na ang sasabihin mo at hindi ko iyon tatanggapin. Huwag mo nang ipilit ang sarili mo, hindi mo ako magagamit.”
Nagulat si Enrico sa sinabi ng anak. “Anong ibig mong sabihin?” tanong niya.
Umismid naman si Elira. “Pumunta lang naman ako rito para ipaalam sa’yo na hindi ko kailangan ang tulong na mula sa taong walang kwenta. I*****k mo sa baga mo iyang tulong mo!” sigaw niya sabay alis sa loob ng apartment.
Matapos ang araw na iyon, muling iniwasan ni Elira si Gavin. Wala siyang mensaheng sinagot, wala ring tawag na tinanggap. At sa mga sumunod na araw, hindi na rin siya muling pinadalhan ng kahit anong mensahe o dinalaw ni Gavin sa set. Noong una ay nagtaka siya, lalo na’t sanay siyang kahit papaano ay nagbibigay ito ng update o simpleng “good luck” bago siya mag-shoot. Pero habang tumatagal, natutunan niyang tanggapin na marahil iyon ang tamang nangyayari, na siguro, pareho nilang piniling manahimik upang hindi na muling masundan ang pagkakamaling ayaw na nilang alalahanin.Subalit kahit anong pilit niyang itanggi, sa tuwing naririnig niya ang pangalan ni Gavin sa bibig ng mga staff o sa usapan ng mga reporter, may kung anong kirot na bumabalik sa dibdib niya. Parang alaala ng apoy na pilit niyang tinatapakan pero hindi tuluyang namamatay.****Mainit ang araw nang dumating si Elira sa set ng shooting. Nasa kalagitnaan siya ng paggawa ng isang teleserye na pinagbibidahan niya. Kahit pa
Sa labas ng pinto ng penthouse, nakasandal si Elira, halos hindi makagalaw. Ramdam niya ang mabilis at magulong tibok ng dibdib niya, parang gusto nitong kumawala, parang may gustong isigaw pero walang lakas ang kanyang tinig.Mainit pa ang kanyang mga pisngi, at ang labi niyang bahagyang nanginginig ay tila may bigat ng lahat ng hindi dapat nangyari.“Diyos ko…” mahina niyang bulong, hawak ang dibdib. “Anong ginawa ko?”Bumalik sa isip niya ang eksena, ang mga mata ni Gavin, ang bigat ng tingin, ang katahimikan bago ang halik, at ang init ng labi nito sa kanya. Hindi iyon dapat mangyari. Hindi iyon kailanman dapat mangyari.“Bakit ko siya hinayaang lumapit?” mariin niyang sabi sa sarili. “Bakit hindi ako umatras?”Bumagsak ang kanyang balikat, at tumingin siya sa kisame ng hallway ng gusali, pilit na pinipigilan ang mga luhang gustong tumulo. Sa isip niya, paulit-ulit na gumuguhit ang mga salitang ayaw niyang marinig. “Ninong mo siya, Elira. Ninong mo. Boss mo. Kaibigan ng mga magula
Simula noong mall show, tila may malaking pagbabagong naganap sa pagitan nina Gavin at Elira. Hindi na tulad ng dati na madalang lang itong magpakita sa mga set, ngayon ay parang anino na niya ang presensiya nito. Tahimik, ngunit laging naroon—sa bawat shooting, sa bawat interview, o kahit sa simpleng rehearsal.Ang mga tauhan ng production ay nagsimula nang mapansin ang kakaibang pag-aalala ni Gavin. Kahit ang PA ni Elira na si Amelie ay hindi na rin maitago ang pagtataka.“Sir Gavin, okay naman po si Elira. Kakauwi lang niya. Nag-text din siya sa akin na magpapahinga,” ulat ni Amelie isang gabi.Ngumiti si Gavin, ngunit halata ang pagod sa mga mata. “Good. Make sure she eats dinner, ha? Sabihin mo kay Mang Jose, huwag na siyang paabutin ng dis-oras sa set bukas. I’ll handle it.”Tumango si Amelie, bagaman naguguluhan. Bakit ganito ka-protective si Sir? tanong niya sa isip, ngunit hindi na siya nagtanong pa.Maging ang driver ni Elira, si Mang Jose, ay madalas tanungin ni Gavin sa tu
Natapos ang tensyonadong sandali sa set nang magsimula silang mag-usap sa isang sulok, malayo sa mga matang nakamasid. Nanginginig ang kamay ni Elira.“Sir…” halos hindi marinig ang boses niya, pinipilit gawing normal kahit kumakabog ang dibdib. “Ayokong magkaroon ng maling iniisip ang ibang tao tungkol sa atin. Hindi lang ako ang maaaring madamay… ikaw rin. Ikaw ang tumulong sa akin mula simula, ikaw ang nagbukas ng pinto. Ayokong biglang masira ang lahat dahil lang sa maling tingin ng iba.”Parang may humila sa puso ni Gavin sa narinig. Hindi siya agad nakapagsalita. Sa halip, pinagmasdan niya ang mukha ng dalaga, yong pag-aalangan sa mga mata, yong pilit na lakas ng loob na tinatabunan ng takot. Malamig ang hangin sa paligid, pero ramdam niya ang init ng bawat salitang binitawan nito.“I understand,” maikli ngunit mabigat na tugon niya, halos may pag-atras na rin sa damdaming pilit niyang itinatago. “Hindi ko na ipipilit ngayon. Pero sana…” Napahinto siya, saka lumunok. “Sana huwag
Makalipas ang gabing iyon sa penthouse, umuwi si Elira kasama si Gavin. Tahimik ang biyahe, at tanging ugong ng makina ang naririnig. Hindi nagtanong si Gavin, hindi rin nagbukas ng usapan si Elira. Sa totoo lang, ramdam niya ang awkwardness na bumabalot sa kanila, hindi na ito ang karaniwang samahan ng isang boss at alaga, o ng isang ninong at inaanak. May nangyari kagabi, kahit walang halikan ang tuluyang naganap, sapat na ang lapit ng kanilang mga labi para mag-iba ang tibok ng kanyang puso.Pagdating nila sa bahay, agad bumaba si Elira at nagpaalam. Hindi na niya hinintay pang bumaba si Gavin upang batiin ang kanyang ina, si Josephine, na matalik ding kaibigan nito. Sa isang iglap, pakiramdam ni Elira ay kailangan niyang magtago, takot na baka mapansin ng ina ang kakaibang titig at kilos na hindi dapat makita ng sinuman.“Salamat po, Ninong… I mean, Sir Gavin,” halos bulong niyang sabi, saka nagmamadaling tumalikod.Nagtagal ang mga mata ni Gavin sa kanya, para bang may gustong it
Ilang segundo lang ang lumipas, at kumalat na ang bulungan. Hindi lingid sa lahat ang pagbabago sa ayos ni Elira, mula sa may mantsang gown na ikinahihiya kanina, ngayo’y isa siyang tanawing hindi matatawaran, nakasuot ng navy-blue gown na kumikislap sa bawat hakbang. At higit sa lahat, hindi siya nag-iisa. Nasa tabi niya si Gavin, matatag, walang tinatago, at tila ba ipinapakita sa lahat: she’s with me.“Are you ready?” mahinang bulong ni Gavin habang inaakay siya papasok muli sa gitna ng mga bisita.Huminga nang malalim si Elira, at tumango. “I’ll try.”Mula sa sandaling iyon, hindi na siya iniwan ng lalaki. Bawat grupo na nilapitan nila, mga direktor, producers, executives, at maging ilang matataas na tao sa ibang industriya ay ipinakilala siya ni Gavin. Hindi simpleng pagpapakilala lamang, kundi may bigat, may intensyon.“This is Elira. She has a promising future,” ani Gavin sa isang kilalang direktor, ang kanyang tinig may halong awtoridad na walang puwedeng kontrahin. “I believe