Nakatingin lang si Enrico sa papalayong si Elira na agad ding naputol dahil sa pagsasalita ni Marina. “Hindi ka na nahiya sa akin? Sa amin ng anak mo? Tinawagan mo siya? Para ano? Para makipagkita sa nanay niya?”
Pumikit nang mariin si Enrico, wala siyang panahon para sa bunganga ni Marina, agad niya itong tinalikuran kahit na tinatawag at sinusundan siya ni Marina. Hindi niya pa rin ito pinapansin hanggang sa sinarhan niya ito ng pintuan ng kwarto.
“Bwesit ka, Enrico! Kung hindi dahil sa’yo, hindi ako maghihirap ng ganito! Kung sana hindi na lang kita pinatulan noon kung ganitong buhay lang din naman pala ang ibibigay mo sa akin! Sana hindi ko na lang iniwan iyong buhay ko noon!” Hindi pa rin siya tumitigil sa kakasigaw.
Balewala na lang iyon lahat kay Enrico, dahil para sa kanya ang mahalaga ngayon ay si Elira. Kung paano niya ito makukumbinsi na ibalik sa kumpanya ni Gavin. Naisip niya na sa oras na sumikat ang anak sa industriya ng showbiz, aayos muli ang buhay niya.
Sa kabilang banda, kanina pa inaantay ni Josephine si Elira. Kinakabahan siya na hindi niya malaman. Gumabi na rin kaya nagtataka siya kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Kinuha niya cellphone niya at sinimulang tawagan, pero bago paman sa pangatlong ring, bumukas bigla ang pinto nila.
Kaagad siyang tumingin doon, nakita niya si Elira na umiiyak. “A-anak…anong nangyari?” nahihirapan niyang tanong. Tatayo na sana siya para lapitan ang anak nang si Elira na mismo ang lumapit sa kanya. Kaagad siya nitong niyakap.
Nalilito man ang ina, hinayaan niya na muna na umiyak si Elira. Hindi niya ito tinanong, hinaplos niya na lamang ang buhok nito hanggang sa nakatulog ito sa bisig niya.
“Ang anak ko…” mahina niyang sabi.
Kahit nahihirapan siyang gumalaw, hiniga niya pa rin si Elira sa couch. Hinaplos niya ang mukha niya, pinunasan ang luha na nasa pisngi. “Ano bang nangyayari sa’yo?” bulong niya.
Kinabukasan, nagising nalang si Elira na nasa couch pa rin siya. Naka-kumot. Agad siyang bumangon nang mapagtanto niya ang lahat. Mabilis siyang lumingon sa paligid upang hanapin ang ina, at nakita niya itong nakangiting nagluluto sa kusina.
“Ma?” tawag niya.
Tumingin sa kanya si Josephine. “Gising ka na pala, anak. Hali ka, mag-almusal ka na.” Masaya nitong sabi.
Kumunot ang noo ni Elira, na para bang nararamdaman niyang may mali. Tumayo siya mula sa couch, tinupi niya muna ang kumot niya at lumapit sa kanyang ina.
“Nakatulog po ako sa couch? Ikaw po ang naglagay sa akin ng kumot? Sorry, Ma. Nahirapan ka pa tuloy—”
“Ano ka bang bata ka. Maliit na bagay lang iyong ginawa ko, at saka hindi naman mabigat ang kumot para ilagay sa’yo. Ayos lang ako. Hali ka, umupo ka na. Tapos na rin ito.”
Hindi pa rin tinanong ni Josephine ang nangyari sa anak, at iyon ang pinagtataka ni Elira. Alam niya ang nangyari sa kanya bago siya makatulog kagabi.
Nilagyan siya ng pagkain ng ina sa plato na may ngiti sa labi. “Kumain ka nang kumain, anak. Dahil alam ko, hindi kahat sa trabaho mo ay makakakain lahat ng artist. Kung maayos lang ang katawan ko, dadalhan kita roon.”
“Salamat, Ma…” banggit ni Elira.
Kumain sila nang matiwasay, tila nawala ang bigat sa puso ni Elira dahil sa presensya ng ina. Wala na itong hawak na dextrose pero bakas pa rin ang hirap sa pagkilos nito.
Pagkatapos kumain, si Elira na mismo ang naghugas ng pinagkainan nila at pagkatapos ay pumasok sa kwarto upang magbihis.
Nang makalabas siya ng kwarto, nadatnan niya ang ina na may ginagawa sa kusina. “Ma, ano yan?” tanong niya.
“Ito, dalhin mo. Baon mo iyan ngayon, kapag nagutom ka sa daan. At ito naman, may umorder kasing biko kahapon, kukunin nila ngayong araw kaya hinanda ko na.” Tinuro niya ang mga maliliit na bilao sa lamesa.
“Ikaw gumawa lahat nito?” nag-aalalang tanong ni Elira.
“Hindi, anak. Kasama ko ang pinsan mong si Carlo ang gumawa nito. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako nahirapan dahil nariyan siya at ang kaibigan niyang si Daisy,” paliwanag ng ina.
Ngumiti at tumango si Elira at saka siya nagpaalam sa ina pagkatapos kunin ang bag na may lamang pagkain na para sa kanya.
Huminga siya nang malalim pagkalabas niya ng bahay, pumikit nang mariin. Iniisip niya kung saan siya maghahanap ng extra ngayon. Mamaya pang gabi ang trabaho niya sa isang fast food, pero kailangan niya pa ring umalis nang maaga para makahanap ng panibagong gig.
Habang naglalakad siya sa eskinita nila, biglang may bumusenang kotse sa kanya kaya siya napahinto. Lumingon siya roon. Napairap siya nang makita ang kotse.
Si Enrico.
“Anak, hali ka. Ihahatid na kita sa trabaho—”
“Anong ginagawa mo rito? Baka makita ka ni Nanay…” Lumapit siya sa ama na may galit sa tono.
“Hindi ako magpapakita, nandito lang ako para sunduin ka. Tara na, sakay na. Pinalinisan ko na itong kotse.” Nakangiti nitong sabi.
Ngunit mas lalo lang nababanas si Elira sa presensya ng ama. “Ano bang balak mong gawin?” tanong nito.
“Ihahatid kita sa trabaho mo, hindi ba sa Golden? Nabalitaan ko sa mga kasamahan mo sa dati mong agency, nasa Golden ka na, hindi ko na pala kailangan tawagan ang Ninong mo—”
“Huwag kang magkunwaring hindi mo alam. Para kang tanga. Umalis ka na, hindi na ako nagtatrabaho roon…” pagkasabi no’n, naglakad na siya nang mabilis at agad na nagpara ng tricyle.
“Pasaway na bata,” komento ni Enrico.
Ngunit sinundan niiya pa rin ang tricycle na sinakyan ni Elira, kailangan niya nang makumbinsi si Elira na bumalik dahil iyon lamang ang paraan para makahingi siya nang malaking pabor kay Gavin.
Samantala, sa loob ng opisina ni Gavin, nagkagulo ang iilang staff.
“Hindi ba pwedeng palitan na lang natin ang casting? Hindi pwedeng ma-delay ito dahil lang wala si Elira,” komento ng isang director.
“Yes, Sir Gavin. We need to do something, ang dami ng nag-aantay na scenes na kasama siya,” saad naman ng isang assistant na tila ba hindi nila boss si Gavin, naglalakas loob na magbigay ng opinyon.
Ngunit gaya ng inasahan nilang lahat, si Gavin pa rin ang masusunod. Nagsalita ito dahilan para matahimik silang lahat.
“Gawin niyo ang lahat para maibalik si Elira sa casting, wala akong pakialam kung ano ang pwede ninyong gawin. Do what I say.” Malamig at puno ng otoridad.
Matapos ang araw na iyon, muling iniwasan ni Elira si Gavin. Wala siyang mensaheng sinagot, wala ring tawag na tinanggap. At sa mga sumunod na araw, hindi na rin siya muling pinadalhan ng kahit anong mensahe o dinalaw ni Gavin sa set. Noong una ay nagtaka siya, lalo na’t sanay siyang kahit papaano ay nagbibigay ito ng update o simpleng “good luck” bago siya mag-shoot. Pero habang tumatagal, natutunan niyang tanggapin na marahil iyon ang tamang nangyayari, na siguro, pareho nilang piniling manahimik upang hindi na muling masundan ang pagkakamaling ayaw na nilang alalahanin.Subalit kahit anong pilit niyang itanggi, sa tuwing naririnig niya ang pangalan ni Gavin sa bibig ng mga staff o sa usapan ng mga reporter, may kung anong kirot na bumabalik sa dibdib niya. Parang alaala ng apoy na pilit niyang tinatapakan pero hindi tuluyang namamatay.****Mainit ang araw nang dumating si Elira sa set ng shooting. Nasa kalagitnaan siya ng paggawa ng isang teleserye na pinagbibidahan niya. Kahit pa
Sa labas ng pinto ng penthouse, nakasandal si Elira, halos hindi makagalaw. Ramdam niya ang mabilis at magulong tibok ng dibdib niya, parang gusto nitong kumawala, parang may gustong isigaw pero walang lakas ang kanyang tinig.Mainit pa ang kanyang mga pisngi, at ang labi niyang bahagyang nanginginig ay tila may bigat ng lahat ng hindi dapat nangyari.“Diyos ko…” mahina niyang bulong, hawak ang dibdib. “Anong ginawa ko?”Bumalik sa isip niya ang eksena, ang mga mata ni Gavin, ang bigat ng tingin, ang katahimikan bago ang halik, at ang init ng labi nito sa kanya. Hindi iyon dapat mangyari. Hindi iyon kailanman dapat mangyari.“Bakit ko siya hinayaang lumapit?” mariin niyang sabi sa sarili. “Bakit hindi ako umatras?”Bumagsak ang kanyang balikat, at tumingin siya sa kisame ng hallway ng gusali, pilit na pinipigilan ang mga luhang gustong tumulo. Sa isip niya, paulit-ulit na gumuguhit ang mga salitang ayaw niyang marinig. “Ninong mo siya, Elira. Ninong mo. Boss mo. Kaibigan ng mga magula
Simula noong mall show, tila may malaking pagbabagong naganap sa pagitan nina Gavin at Elira. Hindi na tulad ng dati na madalang lang itong magpakita sa mga set, ngayon ay parang anino na niya ang presensiya nito. Tahimik, ngunit laging naroon—sa bawat shooting, sa bawat interview, o kahit sa simpleng rehearsal.Ang mga tauhan ng production ay nagsimula nang mapansin ang kakaibang pag-aalala ni Gavin. Kahit ang PA ni Elira na si Amelie ay hindi na rin maitago ang pagtataka.“Sir Gavin, okay naman po si Elira. Kakauwi lang niya. Nag-text din siya sa akin na magpapahinga,” ulat ni Amelie isang gabi.Ngumiti si Gavin, ngunit halata ang pagod sa mga mata. “Good. Make sure she eats dinner, ha? Sabihin mo kay Mang Jose, huwag na siyang paabutin ng dis-oras sa set bukas. I’ll handle it.”Tumango si Amelie, bagaman naguguluhan. Bakit ganito ka-protective si Sir? tanong niya sa isip, ngunit hindi na siya nagtanong pa.Maging ang driver ni Elira, si Mang Jose, ay madalas tanungin ni Gavin sa tu
Natapos ang tensyonadong sandali sa set nang magsimula silang mag-usap sa isang sulok, malayo sa mga matang nakamasid. Nanginginig ang kamay ni Elira.“Sir…” halos hindi marinig ang boses niya, pinipilit gawing normal kahit kumakabog ang dibdib. “Ayokong magkaroon ng maling iniisip ang ibang tao tungkol sa atin. Hindi lang ako ang maaaring madamay… ikaw rin. Ikaw ang tumulong sa akin mula simula, ikaw ang nagbukas ng pinto. Ayokong biglang masira ang lahat dahil lang sa maling tingin ng iba.”Parang may humila sa puso ni Gavin sa narinig. Hindi siya agad nakapagsalita. Sa halip, pinagmasdan niya ang mukha ng dalaga, yong pag-aalangan sa mga mata, yong pilit na lakas ng loob na tinatabunan ng takot. Malamig ang hangin sa paligid, pero ramdam niya ang init ng bawat salitang binitawan nito.“I understand,” maikli ngunit mabigat na tugon niya, halos may pag-atras na rin sa damdaming pilit niyang itinatago. “Hindi ko na ipipilit ngayon. Pero sana…” Napahinto siya, saka lumunok. “Sana huwag
Makalipas ang gabing iyon sa penthouse, umuwi si Elira kasama si Gavin. Tahimik ang biyahe, at tanging ugong ng makina ang naririnig. Hindi nagtanong si Gavin, hindi rin nagbukas ng usapan si Elira. Sa totoo lang, ramdam niya ang awkwardness na bumabalot sa kanila, hindi na ito ang karaniwang samahan ng isang boss at alaga, o ng isang ninong at inaanak. May nangyari kagabi, kahit walang halikan ang tuluyang naganap, sapat na ang lapit ng kanilang mga labi para mag-iba ang tibok ng kanyang puso.Pagdating nila sa bahay, agad bumaba si Elira at nagpaalam. Hindi na niya hinintay pang bumaba si Gavin upang batiin ang kanyang ina, si Josephine, na matalik ding kaibigan nito. Sa isang iglap, pakiramdam ni Elira ay kailangan niyang magtago, takot na baka mapansin ng ina ang kakaibang titig at kilos na hindi dapat makita ng sinuman.“Salamat po, Ninong… I mean, Sir Gavin,” halos bulong niyang sabi, saka nagmamadaling tumalikod.Nagtagal ang mga mata ni Gavin sa kanya, para bang may gustong it
Ilang segundo lang ang lumipas, at kumalat na ang bulungan. Hindi lingid sa lahat ang pagbabago sa ayos ni Elira, mula sa may mantsang gown na ikinahihiya kanina, ngayo’y isa siyang tanawing hindi matatawaran, nakasuot ng navy-blue gown na kumikislap sa bawat hakbang. At higit sa lahat, hindi siya nag-iisa. Nasa tabi niya si Gavin, matatag, walang tinatago, at tila ba ipinapakita sa lahat: she’s with me.“Are you ready?” mahinang bulong ni Gavin habang inaakay siya papasok muli sa gitna ng mga bisita.Huminga nang malalim si Elira, at tumango. “I’ll try.”Mula sa sandaling iyon, hindi na siya iniwan ng lalaki. Bawat grupo na nilapitan nila, mga direktor, producers, executives, at maging ilang matataas na tao sa ibang industriya ay ipinakilala siya ni Gavin. Hindi simpleng pagpapakilala lamang, kundi may bigat, may intensyon.“This is Elira. She has a promising future,” ani Gavin sa isang kilalang direktor, ang kanyang tinig may halong awtoridad na walang puwedeng kontrahin. “I believe