Napatigil si Elira. Parang may umalingawngaw sa tenga niya. Ramdam niya ang biglang pagbigat ng hangin sa pagitan nila. Hindi niya alam kung paano sasagutin iyon at kung paano kikilalanin ang buhol-buhol na damdaming nararamdaman niya ngayon.
Gusto niyang sabihing galit siya dahil sinaktan siya ng ama niya. Gusto rin niyang isumbat kay Gavin na niloko siya nito sa loob ng dalawang linggo, pinaniwala siyang walang ibang agenda kundi tulungan siya. Pero mas gusto niyang takasan ang katotohanang sa loob ng maikling panahon na iyon, naging mahalaga na sa kanya si Gavin, higit pa sa dapat, higit pa sa tama. Minsan niya nang nakalimutan na may konenksyon si Gavin sa ama niya, dahil natabunan ito sa pagtulong ni Gavin sa kanya.
At ngayon, sa isang iglap, parang giniba ang pader na itinayo niya para protektahan ang puso niya. Naisip niya na kasabwat ni Gavin ang ama at gustong bumalik ni Enrico sa buhay niya, sa buhay nila ng ina niya.
Napakagat siya sa labi, pilit pinipigil ang luhang nagbabanta na bumagsak. “Hindi mo dapat itinago,” mahina niyang sabi, halos bulong. “Kahit masakit, mas gugustuhin ko nang malaman kaysa mas lalong masaktan sa huli.”
Sumikdo ang panga ni Gavin, ramdam ang bigat ng sariling damdamin. “Akala ko mabibigyan kita ng pagkakataong magsimula ulit,” paliwanag niya, pigil ang emosyon. “Akala ko… kung hindi ko muna sasabihin, baka makita mo ako hindi bilang kaibigan ng tatay mo o ninong mo, kundi bilang taong gusto kang tulungan. Tao na maaasahan mo.”
Napailing si Elira, mapait ang ngiti. “Kaya pala ang bait mo sa akin. Kaya pala sobra-sobra ang ginagawa mo.”
“Hindi ko ginamit ‘yon para kontrolin ka,” depensa ni Gavin, mas mariin ang tono. “Ginawa ko ‘yon dahil may utang ako sa tatay mo. Dahil gusto kong bumawi, kahit hindi ko alam ang dahilan kung bakit galit ka sa kanya. At oo, gusto rin kitang tulungan dahil nakita ko kung gaano ka nagsusumikap.”
Tahimik na tumulo ang luha ni Elira. Ipinikit niya ang mga mata, pilit na isinara ang damdaming kumikirot sa dibdib.
“Wala akong pakialam sa utang mo sa kanya,” mahina pero matatag ang boses niya. “Hindi mo ako kailangang bawian para sa kanya. Hindi ko kailangan ng tulong na may pangalan niya sa likod.”
Gusto sanang sumagot ni Gavin pero umiling si Elira, pinutol ang bawat salita na susubukang lumabas.
“Aalis ako,” sabi niya, tinig na puno ng desisyon. “Kahit ano pa ang gawin mo, hindi ko kayang manatili sa lugar na may anino niya. Kung ninong kita, mas lalong hindi ko kaya. Hindi ko kayang tumanggap ng kahit ano mula sa kani-kanino na may koneksyon sa kanya.”
Napatigil si Gavin, tila biglang nawalan ng lakas. Nangingitim ang gilid ng mga mata nito sa bigat ng mga alaalang ibinabalik ni Elira.
“Kung iyon ang gusto mo…” sagot niya, napakababa ng boses, “hindi kita pipilitin.”
Tumango si Elira, pinunasan ang pisngi, huminga nang malalim para itago ang nanginginig na puso.
“Salamat,” mahina niyang sabi. “Pero hanggang dito na lang.”
Tahimik silang nagkatitigan hanggang sa lumabas na si Elira sa opisina. Bumalik siya sa studio para kunin ang mga gamit niya, at kahit na tinawag siya ng mga kasamahan hindi na rin siya lumingon. Umalis na siya nang tuloyan sa building na iyon.
Habang nasa biyahe pauwi si Elira, bakas sa mukha niya ang pagod at bigat ng loob. Gusto na lang niyang makauwi at mahulog sa yakap ng ina, magsumbong, umiyak, at kalimutan kahit saglit ang gulong bumalot sa dalawang linggo ng buhay niya. Ngunit sa bawat pagpikit niya, bumabalik ang mga mata ni Gavin, ang paraan ng pagtingin nito na parang totoo, parang may malasakit.
Samantala, sa opisina, nanatiling nakatayo si Gavin, huling pwesto niya nang iwan siya ni Elira. Tahimik. Mabigat ang dibdib. Parang may kulang na bahagi sa opisina matapos umalis si Elira.
Biglang tumunog ang cellphone niya. Isang hindi kilalang numero ang nakalagay sa screen.
Saglit siyang napabuntonghininga bago sagutin. “Hello?” malamig na boses niya.
“Gavin.”
Muntik siyang mapamura nang marinig ang pamilyar na tinig. Matagal nang hindi tumatawag, matagal nang hindi nagpaparamdam.
“Enrico,” mariin niyang sagot, puno ng pagtitimpi. Naalala niya ang mukha ni Elira na puno ng malungkot at galit na emosyon dahil kay Enrico. Tila nakaramdam din siya ng inis sa dating kaibigan.
“Pwede ba tayong magkita?” tanong ng lalaki sa kabilang linya. May bakas ng pag-aalangan sa tono, pero may diin din na parang hindi ito papayag ng hindi.
Napapikit si Gavin, pinisil ang tulay ng ilong niya. Naiisip niyang hindi na dapat, pero tila wala na rin siyang ibang choice. “Saan?” matabang niyang sagot.
“Malapit sa building mo. Coffee shop sa kanto,” sagot ni Enrico.
“Give me fifteen minutes,” tugon ni Gavin, sabay baba ng tawag.
Mabigat ang hakbang niya palabas ng opisina. Pilit niyang pinapakalma ang sarili, dahil kung may isang taong gusto niyang suntukin ngayon, iyon ay si Enrico.
Pagdating sa coffee shop, nakita agad ni Gavin si Enrico na nakaupo sa pinakasulok na mesa. Bagaman medyo nagbago na ang hitsura nito, makapal na ang balbas, mas umitim ang balat, at mas halata ang mga pinagdadaanan, hindi pa rin nawala ang dating kumpiyansa sa tindig nito.
Lumapit si Gavin, malamig ang mga mata, saka umupo sa tapat nito.
“Salamat sa pagpunta,” bungad ni Enrico, bakas ang lungkot sa tinig, pero may pilit na ngiti rin.
Hindi gumalaw si Gavin, matigas ang panga. “Ano’ng kailangan mo?” diretsong tanong niya, walang pakitang-kaibigan.
Nag-angat ng tingin si Enrico, may bahagyang pagtataka. “Ayos lang ba? Ang tagal na nating hindi nagkita, ganyan ka agad?” Napatawa siya ng pilit, pero halatang kinakabahan.
Hindi gumanti si Gavin, mas lalong tumalim ang tingin. “Sabihin mo na kung bakit mo ako pinatawag.” Hindi na mapigilan ni Gavin ang inis niya sa dating kaibigan, kahit na sinasabi niya na gusto niyang bumawi dito.
Huminga nang malalim si Enrico bago nagsalita. “Gusto ko sanang ipakiusap na tulungan mo ang anak ko. Si Elira. Naalala mo? Iyong inaanak mo.”
Mabilis na kumislot ang panga ni Gavin. Napalalim ang hinga niya bago sumagot. “Tinutulungan ko na siya,” madiin niyang sabi.
Nagulat si Enrico. “Ano? Nagkakilala na kayo?”
“Oo,” sagot ni Gavin, mas bumigat ang boses. “At ngayon… umalis na siya sa kumpanya ko nang malaman niyang ninong niya ako.”
Natahimik si Enrico, parang hindi makapaniwala. “Sandali… hindi ko alam na magkakilala na kayo. Gavin, hindi iyon ang plano ko, gusto ko sanang ipakilala pa lang kayo para—”
“Para ano?” putol ni Gavin, mas bumigat ang tinig. “Noong sinabi ko sa kanya na magkaibigan lang tayo, ayos lang sa kanya pero nang malaman niya na ako ang ninong niya, umalis siya.”
Napatingin si Enrico sa mesa, bahagyang namutla. “Hindi ko alam. Ayokong pabayaan si Elira. Kaya nga gusto ko siyang matulungan…”
“Matulungan?” halos mapatawa si Gavin, puno ng hinanakit. “Alam mo ba kung gaano siya kagalit sa’yo? Hindi ko man alam kung anong ginawa mo, pero ang gago mo para saktan ang mag-ina mo, Enrico.”
Hindi nakasagot si Enrico, nanginginig ang mga daliri habang hinahaplos ang baso ng kape sa harap niya.
“Gavin,” mahina nitong sabi, “kung wala kang alam sa nangyayari sa amin, wala kang karapatan para sabihin iyan.”
Saglit na napapikit si Gavin, pinipigilan ang galit. “Ang akala ko maayos ang buhay mo pagkatapos kong umalis sa tropahan.”
Napahawak si Enrico sa sentido, halatang tinatamaan ng konsensya. “May dahilan ako—”
“Hindi iyon mahalaga sa kanya,” mariing putol ni Gavin. “Kahit ano pang dahilan mo, hindi iyon magiging sapat para burahin ang sakit na iniwan mo.”
Lalong namutla si Enrico, parang naubusan ng hangin. “Gusto ko lang siyang matulongan sa ganitong paraan,” pakiusap nito, namamaos na. “Gusto kong ipaliwanag sa kanya, kahit iyong relasyon lang namin mag-ama ay maging maayos—”
Hindi natapos ang sasbaihin niya nang biglang tumayo si Gavin, at tinignan si Enrico ng seryoso. “Ayusin mo muna ito. Kung gusto mong matulongan ang anak mo, ibalik mo siya sa kumpanya ko….at wala akong pakialam kung paano mo iyon gagawin.”
Napatigil si Elira. Parang may umalingawngaw sa tenga niya. Ramdam niya ang biglang pagbigat ng hangin sa pagitan nila. Hindi niya alam kung paano sasagutin iyon at kung paano kikilalanin ang buhol-buhol na damdaming nararamdaman niya ngayon.Gusto niyang sabihing galit siya dahil sinaktan siya ng ama niya. Gusto rin niyang isumbat kay Gavin na niloko siya nito sa loob ng dalawang linggo, pinaniwala siyang walang ibang agenda kundi tulungan siya. Pero mas gusto niyang takasan ang katotohanang sa loob ng maikling panahon na iyon, naging mahalaga na sa kanya si Gavin, higit pa sa dapat, higit pa sa tama. Minsan niya nang nakalimutan na may konenksyon si Gavin sa ama niya, dahil natabunan ito sa pagtulong ni Gavin sa kanya.At ngayon, sa isang iglap, parang giniba ang pader na itinayo niya para protektahan ang puso niya. Naisip niya na kasabwat ni Gavin ang ama at gustong bumalik ni Enrico sa buhay niya, sa buhay nila ng ina niya.Napakagat siya sa labi, pilit pinipigil ang luhang nagbab
Dalawang linggo na ang lumipas mula nang huli silang nag-usap ni Gavin. Simula noon, araw-araw nang uma-attend si Elira ng acting workshop. Una’y parang panaginip, mga ilaw ng entablado, direktor na sumisigaw ng “Action!”, at mga beteranong artista na parang hindi kailanman nawawalan ng emosyon sa bawat eksena.Sa unang araw pa lang, muntik na siyang umurong. Pero tiniis niya ang kaba, pinili ang tapang. Sa bawat eksenang kinailangan niyang sumigaw, humikbi, o manginig sa galit, inisip niya ang lahat ng sakit na pinagdaanan niya, mula sa pagkabata hanggang ngayon. Doon siya humuhugot. Kaya bawat luha niya sa eksena, totoo. Bawat sigaw, may ugat.At sa kabila ng pagod, ramdam niya, she’s growing. As an actress. As a woman. As someone reclaiming her place in the world.Tahimik siyang lumabas ng rehearsal room, pinupunasan ang pawis sa noo. Dumiretso siya sa CR. Sa wakas, sandali ng katahimikan. Sa loob ng cubicle, sinandal niya ang noo sa malamig na pader. Sandaling pahinga. “Kaya ko ’t
Tahimik sa loob ng sasakyan. Tanging tunog ng ulan at mahinang ugong ng makina ang bumabasag sa katahimikan. Nakatitig si Elira sa harapan, mahigpit ang pagkakahawak sa maliit niyang clutch bag. Ramdam niya ang lamig ng aircon sa balat ng kanyang mga braso, pero mas malamig ang presensya ng lalaking katabi niya.Ngunit sa kabila ng tila malamig na kilos ng lalaki, may init sa mga mata nito, parang may sinusuri. Hindi lang basta panlabas na anyo. Parang binabasa nito ang buong pagkatao niya.“Ano’ng pangalan mo ulit?” tanong nito habang nakatingin sa daan. Hindi niya nakalimutan ang pangalan ni Elira, ngunit tila sinadya para magbukas ng usapan. “Elira po,” sagot niya, mabilis, mahina, pero malinaw.Tumango ang lalaki. “Ilang taon ka na?”“Twenty-one,” halos pabulong ang sagot niya, sabay iwas ng tingin.Napalingon ang lalaki. Matagal. Mapagmatyag. “Twenty-one?” ulit nito.Tumango si Elira. Kumakabog ang dibdib. May kung anong bumibigat sa pagitan ng mga tanong nito, parang may hinaha
Bago pa man bumukas nang tuluyan ang gate ng kanilang barung-barong na bahay sa Tondo, mabilis nang sumingaw ang amoy ng luma, ng kahoy na basa. Pamilyar. Bahay nga nila. Kahit gaano kasimple, ito pa rin ang pinakaiingatang mundo ni Elira. Isang lugar na kahit bitak-bitak, ay punô ng alaala, masaya man o masakit.Bitbit ang maliit na paper bag mula sa botika, maingat siyang pumasok, iniiwasang gumawa ng ingay.“Ma?” tawag niya, mahina at may pag-aalala.Nagulat siya nang makita ang ina na halos nakatayo na mula sa pagkakahiga sa lumang sofa, pilit inaabot ang baso ng tubig sa mesa. Namimilipit ang katawan nito, nanginginig ang mga kamay.“Ma!” Nilapag agad ni Elira ang dala at mabilis na lumapit, agad inalalayan ang ina. “Ano ba? Sabi ko ‘di ba, magpahinga ka lang?”“Anak, kailangan ko lang naman uminom ng tubig. Ayoko namang parang inutil na lang ako dito,” sagot ng ina, pilit na ngumiti, pero halata sa mata ang hirap at pagod. Sa bawat salita nito ay parang may kasamang paghingal.H
Mainit ang ilaw sa studio, pero mas mainit ang kabog ng dibdib ni Elira habang nakaupo siya sa bench, kasabay ng halos dalawampung babaeng kagaya niya; magaganda, payat, bihis na bihis, at gutom na gutom sa tagumpay.“Number 17, Elira Santillan,” tawag ng assistant director.Tumayo siya, agad nag-angat ng baba, sinimot ang kumpiyansa sa katawan, at pumasok sa loob ng audition room na tila courtroom, puno ng mga matang huhusga sa kanya.Sa gitna ng mahabang mesa, nakaupo ang isang lalaki. Naka-itim na polo shirt, simple lang, pero lutang ang awtoridad. Tahimik siyang nakatitig, walang sinasabi, pero sapat na ang presensya niya para mapanginig ang tuhod ng kahit sinong gustong sumikat.“He’s the CEO,” bulong ng isang staff sa likod habang sinasara ang pinto.‘CEO? Ng Golden Sun Entertainment?’ sa isip niya.Ang kumpanya kung saan halos lahat ng sikat na artista ngayon ay dito nanggagaling. Elira’s throat tightened.“Name?” tanong ng lalaking nasa gilid, pero hindi ang CEO.“Elira Santil