Nang malaman ni Elira na si Gavin Cordova, na hindi lamang kaibigan ng kanyang amang matagal na niyang kinamuhian, kundi siya rin palang ninong niya — ay gumuho ang tiwala niya. Pakiramdam niya, isa lang siyang obligasyong kailangang bayaran. Hindi niya matanggap na baka kaya lang siya tinutulungan ni Gavin ay dahil sa utang na loob nito sa kanyang ama. Pero habang patuloy siyang ginagabayan at palihim na tinutulungan ni Gavin, hindi niya mapigilang mahulog sa taong handang ipaglaban siya, kahit labag iyon sa lahat ng inaasahan ng mundo. At nang pumasok sila sa isang bawal at lihim na relasyon, kailangan nilang harapin ang tanong: tunay bang pagmamahal ang namamagitan sa kanila, o isa lang itong pagkakamaling hindi na maaaring itama?
View MoreMainit ang ilaw sa studio, pero mas mainit ang kabog ng dibdib ni Elira habang nakaupo siya sa bench, kasabay ng halos dalawampung babaeng kagaya niya; magaganda, payat, bihis na bihis, at gutom na gutom sa tagumpay.
“Number 17, Elira Santillan,” tawag ng assistant director.
Tumayo siya, agad nag-angat ng baba, sinimot ang kumpiyansa sa katawan, at pumasok sa loob ng audition room na tila courtroom, puno ng mga matang huhusga sa kanya.
Sa gitna ng mahabang mesa, nakaupo ang isang lalaki. Naka-itim na polo shirt, simple lang, pero lutang ang awtoridad. Tahimik siyang nakatitig, walang sinasabi, pero sapat na ang presensya niya para mapanginig ang tuhod ng kahit sinong gustong sumikat.
“He’s the CEO,” bulong ng isang staff sa likod habang sinasara ang pinto.
‘CEO? Ng Golden Sun Entertainment?’ sa isip niya.
Ang kumpanya kung saan halos lahat ng sikat na artista ngayon ay dito nanggagaling. Elira’s throat tightened.
“Name?” tanong ng lalaking nasa gilid, pero hindi ang CEO.
“Elira Santillan, twenty-one years old,” sagot niya, diretsong tingin.
Tumango ang lalaki, pero ang CEO? Tahimik. Seryosong tingin. Hindi man lang sumilip sa papel. Sa kanya lang nakatutok. Parang may sinusukat.
“Why do you want this role?” tanong muli ng assistant.
Elira took a breath. Hindi ito acting contest lang para sa kanya. Ito ang lifeline.
“Because I’m tired of being invisible,” sagot niya. “I know I don’t have the connections, I’m not famous, and I didn’t come from some elite acting school. But I know how to fight. I know how to survive.”
Tahimik. Tila napako ang oras.
Then, finally, nagsalita ang CEO.
“Fight?” His voice was low, calm, but cutting. “How far are you willing to go?”
Napatigil siya. Hindi niya inaasahan na iyon ang unang tanong galing sa kanya.
“Kung anuman ang kailangan,” sagot ni Elira, hindi manlang . “I will do it.”
That caught his attention. Tumango ito nang bahagya. First reaction mula sa kanya.
“Magsimula ka. Scene 18. You’re begging your ex not to leave.”
Kumuha siya ng hangin. Then, action.
***
Nanginginig ang boses niya habang umiiyak sa harap ng imahinasyong lalaki. "Hindi kita pinaglaban noon kasi duwag ako... pero ngayon, ngayon kaya ko na. Kaya ko nang ipagsigawan na mahal kita kahit masaktan ako, kahit ako na lang ang lumaban!"
Dead silence.
Pagkatapos ng eksena, walang pumalakpak. Pero hindi rin siya pinigilan. Wala ring sinabing “thank you” o “next.”
Pagkalabas niya ng silid, parang sumabog ang dibdib niya.
Sa hallway, may sumunod na lalaki na tila taga-admin.
“Miss Santillan,” aniya. “The CEO wants to see you privately. Office niya, top floor.”
Napahinto siya.
“Ngayon?”
Tumango ang lalaki. “Ngayon.”
Pagdating niya sa top floor, parang ibang mundo. Tahimik, malamig, mamahalin ang bawat sulok.
Pagbukas ng pinto, nakita niya itong muli, ang CEO. Nakaupo sa harap ng glass wall, tanaw ang buong siyudad. Tumayo ito at humarap sa kanya.
“Maupo ka,” aniya.
Tahimik si Elira pero sumunod. Hindi niya alam kung anong mas nakakakaba, yung eksenang nilabanan niya kanina, o ito ngayon. Silang dalawa lang.
“You’re desperate,” ani ng CEO. “That’s not always a weakness. Sometimes, it’s power.”
Hindi siya umimik.
Then, he took a step closer. One slow, calculating step.
“You said you’ll do whatever it takes,” bulong nito. “Are you sure about that?”
“Bakit, may inaalok ka ba?” balik niya, pilit pinapakatatag ang boses.
He smirked.
“Magtanong ka. Baka may mas mabilis kang daan sa taas,” tugon ng CEO. “And I can open that road for you.”
Napalunok si Elira. Dangerous. This man is dangerous. Pero hindi niya matanggihan ang alok. Hindi ngayon. Hindi kung ito na ang pagkakataon niya.
“Then tell me what I need to do.”
He smiled. Hindi ngiti ng aliw, kundi ng kontrol.
“Start by having dinner with me tonight.”
Napatitig si Elira sa lalaking nasa harap niya. Napalunok. Hindi siya sigurado kung ito ba ay isang bitag, o isang tulay patungo sa pangarap niya. Pero isang bagay ang malinaw, wala na siyang babalikan kung aatras pa siya.
“You look like you’ve seen a ghost,” sabing muli ng CEO habang nakatitig sa kanya, malamig pero hindi bastos.
“Hindi ako sanay sa ganitong... alok,” sagot niya.
“Hindi ko sinabing may kapalit agad,” sagot nito. “But I can give you something you need, like exposure, opportunity, visibility. In exchange, gusto ko lang makilala ka.”
“M-me?” naguguluhan niyang tanong.
“Marami akong gustong malaman. Like... saan ka lumaki? Paano ka napunta rito?”
Nagulat si Elira. Ang CEO ng pinakamalaking entertainment company, interesado sa buhay niya?
“Tondo. Slum area. Panganay ako. Inaalagaan ko ang nanay kong may sakit. I audition everywhere. Kahit sa mga role na walang pangalan like waitress 2, passerby, dead girl in a morgue... you name it.”
Napakibit-balikat siya, pilit itinatago ang hiya. Pero sa loob niya, gusto na niyang mapaiyak. Wala nang dignidad minsan sa ginagawa niya. Pero ito ang pinili niyang laban.
Tumango ang CEO. Sa unang pagkakataon, parang may bakas ng paghanga kay Elira.
“Persistent. Gutom. I like that,” aniya. “Dinner. Seven o’clock. I’ll send a car.”
Paglabas ni Elira sa opisina, parang wala siyang naririnig. Parang lumulutang. Halo ang kaba, takot, at kakaibang kilig. Pero sa ilalim ng lahat ng iyon ay ang paulit-ulit na boses ng ina sa isipan niya.
“Huwag mong isusugal ang dangal mo, anak. Kahit gaano kahirap ang buhay, piliin mong manatiling marangal.”
Pero paano kung ang marangal ay magugutom? Paano kung ang marangal ay hindi nakakabayad ng gamot? At paano kung... ang tinutulungan mo pala, ay isang taong mas malapit sa’yo kaysa sa inaakala mo?
***
Mula sa itaas ng building, tahimik na pinanood ng CEO ang pagbaba ni Elira.
“She doesn’t remember me,” bulong niya sa sarili. “Not yet.”
Tumalikod siya at binuksan ang drawer ng kanyang desk.
Sa loob, isang lumang larawan.
Isang batang babae, naka-costume ng school play, nakangiti sa gitna ng entablado. Sa likod ng larawan, may sulat kamay.
“To Ninong Gavin, salamat po sa pag-sponsor ng costume ko! One day, I’ll be a star.” , Elira, age 7
“But what happened? Bakit nagkaganito ang dating makulit at sweet na bata? Alam ba ng tatay mo ang ginagawa mo?” banggit niya habang nakatingin pa rin sa litrato at sa labas ng bintana. Wala na si Elira.
Mayamaya, kumatok ang secretary niya. Agad itong pumasok.
“Sir, we already have the final list of auditionee, and we need your final decision, ”
“Pick Elira Santillan.”
Naroon na si Amelie sa harap ng bahay nila Elira, nakasandal sa pinto ng itim na van ng kumpanya, hawak ang clipboard at tila abala sa pagbabasa ng schedule. Paglabas ni Elira mula sa gate, agad siyang nginitian ni Amelie at kumaway.“Good morning, Elira!” masigla nitong bati.“Good morning din, Amelie,” sagot niya, bitbit ang lunch bag na iniabot ng kanyang ina kanina.Pagpasok niya sa van, ramdam agad ang malamig na aircon at ang kaunting amoy ng bagong linis na sasakyan. Umupo siya sa likod, at agad na sinara ang pinto ng staff na sumalubong. Si Amelie naman ay umupo sa tabi niya, hawak pa rin ang listahan ng mga gagawin.“Okay, eto na. Ready ka na ba? Busy tayo ngayong araw,” bungad agad ni Amelie habang pinapakita ang schedule.Napakurap si Elira at tumango na lang. Kahit hindi pa nagsisimula, ramdam na niya ang bigat ng araw.“Una, punta tayo sa bagong location sa Tondo. May tatlong eksena kang kukunan roon. Alam kong medyo masikip at matao sa lugar, pero iyon mismo ang kailanga
Hindi nakapagsalita si Elira, dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa sinabi ni Gavin. Napalunok na lang siya ng laway at umiwas ng tingin.“Mauuna na po ako,” sabi niya, sabay dahan-dahang binuksan ang pintuan ng passenger seat.Sakto naman ay papalapit na si Josephine. “Anak, ikaw pala iyan. Sino ang kasama mo? Patuloyin mo muna, sila Amelie ba iyan?” usisa nito, pilit na sumisilip sa loob ng kotse. Ngunit mabilis nang naisara ni Elira ang pintuan bago pa makasilip ang kanyang ina.“Opo, Ma. Pero aalis din po agad sila dahil may inutos po sa kanila,” pagsisinungaling niya, pilit pinapakalma ang sarili.Napakunot-noo si Josephine. “Sayang naman,” saad nito, tila may konting pagtataka.At sakto ring umandar ang kotse ni Gavin, kaya doon lang nakahinga nang maluwag si Elira. Bumaling siya kay Josephine at hinawakan ito sa braso. “Pasok na po tayo sa loob, Ma,” nakangiti niyang sabi, pilit na iniiwasan ang karagdagang tanong.Sumunod naman ang ina, kahit ramdam niya ang pagtatak
Napakurap-kurap si Gavin, nakaawang ang kanyang bibig hanggang sa sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya.“Really?” tanong nito, mababa ngunit may halong tuwa sa tinig.Mabilis namang umiwas ng tingin si Elira, ramdam ang init sa pisngi niya. Nahihiya siya sa nagawa, at ni hindi niya alam kung bakit lumabas iyon sa bibig niya gayong dapat ay nasa isipan lang.“N-nasaan po ba ang kotse ninyo?” tanong niya agad, pilit na iniiba ang usapan. Nauna siyang naglakad at kunyari’y abala sa paghahanap ng kotse ni Gavin, kahit na wala naman talaga siyang ideya kung saan nakaparada.Narinig niya ang mahinang tawa ni Gavin mula sa likuran. Kahit simpleng tawa lang iyon, tila dumaan ang kiliti sa pandinig niya. Ang gaan pakinggan, nakakaaliw, at higit sa lahat, nakakabighani.“Gaga ka, Elira. Ninong mo iyan, boss pa. Tumigil ka,” giit niya sa sarili habang patuloy sa paglalakad, pero hindi mapigilan ang bahagyang pagngiti.“Saan na ba kasi iyong kotse niya…” bulong niya sa sarili, nagmamasid sa
“P-po?” gulat na tanong ni Elira, napakurap-kurap siya habang nakatingin kay Gavin.Si Gavin naman, tila natauhan sa naging sagot niya. Nalito siya sa reaksyon ng dalaga pero nang maisip niya ang pagkakasabi niya, mabilis siyang umiling at agad naghanap ng tamang salita. Para bang handa na siyang magpaliwanag bago pa man siya maliitin o pagtawanan.“What I mean,” malumanay na sabi niya, “you can call me if you need me… o kung gusto mong samahan kita sa kung saan mo gusto. But anyway…” Huminto siya sa pagsasalita, bahagyang umayos ng upo at tumikhim. “Are you done? Ihahatid na kita sa inyo—”“Babalik po ako sa set. Baka po kailangan na ako roon,” mabilis na sagot ni Elira, halos nagmamadali ang tono para maiwasan ang alok ni Gavin.Ngunit mabilis ding sumagot si Gavin, hindi man lang nagpadaig. “I think wala ka naman ng kailangan i-shoot doon. Tapos ka na sa mga parts mo, hindi ba?”Napakurap si Elira, lalo siyang nagtaka kung bakit parang mas kabisado pa ni Gavin ang schedule niya kay
Hindi pa rin maitindihan ni Elira ang lahat. Una, gumamit si Gavin ng isang tao para lang madala siya sa loob ng hotel room kung nasaan sila ngayon, pangalawa, marami pa itong sinasabi at panghuli ay gusto lang naman pala siyang isama sa isang party. Umiling-iling siya, malalim ang iniisip. Napansin iyon ni Gavin kaya muli siyang nagsalita. “Look, Elira. Simple lang naman ang hiningi ko, you’re going to join me in the party—”“Yeah, gets ko naman po. Pero bakit nga po ako? Hindi ba nandyan naman si Ninang Lorelyn? Bakit po hindi siya?” sunod-sunod na tanong niya. Napatigil si Gavin, napagtanto na kung bakit tila nagdadalawang isip si Elira. Bumuntong hininga siya. “She’s gone. Pumunta muna siya sa Taiwan for her business, kaya hindi siya pwede,” paliwanag ni Gavin. Hindi nagsalita si Elira, mas lalo niya pa ring pinag-isipan ang desisyon niya pero si Gavin ay patuloy parin sa pagsasalita. “Don’t worry, you won’t get in trouble, beside ako naman ang kasama mo, not some other actors
Pagkapasok ni Elira sa loob ng presidential suite, hindi niya maiwasang kabahan. Ang unang bumungad sa kanya ay ang king-size bed na para bang iniukit para sa isang pelikula, apat na poste, may disenyo ng mga diyosa mula sa Greek mythology. Parang may sinasabi ang paligid: power, beauty, at desire.Lumingon si Elira kay Boss Kim na kanina ay si Gavin mismo ang hinahanap pero mayamaya ay inaya siya nitong umalis sa set. ***Flashback:“Anong ibig mo pong sabihin?” tanong ni Elira, kinakabahan na siya dahil binanggit na ni Boss Kim si Gavin mismo at tungkol sa pagbisita nito. Lumapit naman si Boss Kim kay Elira dahilan para mapaatras si Elira. “I know you…Miss Elira. Ikaw ang binisita niya rito noong nakaraan, hindi ba?”Natigilan si Elira sa kinatayuan niya. “Well, kung ayaw mong sabihin ko sa kanilang lahat, sumama ka sa’kin…dahil alam ko, na kung isasama kita, lalabas siya at magpapakita sa akin,” dagdag pa nito na kinatakot ni Elira. Hindi niya alam ang gagawin niya. “Hindi ko po
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments