Share

06

Paulit-ulit naman ang naging routine namin nang malapit na mag-exam. Binawasan na rin muna namin ang paglabas pero kung nakakahanap kami ng either long weekend o kaya ay kapag gusto lang namin na magsama-sama, pinipilit namin na makapagbakasyon man lang kahit papaano para naman hindi kami ma-burnout sa pag-aaral. 

Now that Cherinna is officially dating that Ian guy, kung minsan ay wala na akong makasama masyado. Maging si Lean din kasi ay hindi ko madalas mahagilap o kaya naman ay sinasabi nito na may gagawin ito. I am still teasing Jahann about Iris which pisses him off actually. Hindi ko naman tinatago ang kilig na nararamdaman ko kapag inaasar ko si Cherinna kay Ian dahil talaga namang bagay ang dalawang ito. 

We usually just talk about them since all I can share is my work at Ai’s and whenever we want to go shopping, but about my lovelife or anything? Wala. Wala naman din akong ikukwento sa mga ito. 

Hindi ko na nga rin natanong si Lean tungkol kay Leo Saavedra na DJ sa Blue’s Haven. Ilang araw ko ring inisip kung sino ba ang lalaking nakita ko noon sa may field at napagtanto ko na si Leo iyon. 

Hindi ko naman na rin siya nakita ulit kaya hindi ko na binanggit sa mga pinsan ko at kaibigan ko. 

Since I still have free time, I just walked towards the field to just do my projects there. May mga upuan naman doon at lamesa na pwedeng magamit para sa mga gustong maggawa ng assignment o kaya mag-snacks. Naisip kong magpunta sa library pero baka hindi pa nakaka-move on ang librarian sa naging pagtili ko noon kaya hindi na ako tumuloy. Isa pa, mas okay na rin naman doon dahil mahangin. 

I placed my things on the table and sent a message to Cherinna in case she wants to go here and eat. Inilabas ko na rin mula sa bag ko ang binili na sketchpad ni Enzo. Nitong nakaraan ko lang ito nasimulang gamitin dahil na rin inuubos ko pa ang nakaraan na gamit ko. 

I smiled when I found out that he made it personalized when I got home that day. Pinalagyan nito ng pangalan ko ang sketchpad na iyon kaya naman mas tumaba pa ang puso ko. 

Naglabas na rin ako ng pencils na gagamitin ko at nagsimula na sa pagguhit. Nagsuot na rin ako ng earphone para makinig sa music habang may ginagawa. I just found it relaxing and of course, it makes me hyped up to do my thing more. 

I was sitting there for almost twenty minutes when I saw someone occupy the vacant chair in front of me. Naglapag din ito ng iced coffee sa may gilid ko kaya naman nag-angat ako kaagad ng tingin. 

Natigilan ako nang makita si Leo na nakatingin sa akin. He’s wearing a black button down polo and he paired it with his beautiful smile. When I say it’s a beautiful smile, it is a beautiful smile. 

“Hi,” he greeted me. “Long time no see,” he added while still looking at me. 

“Uhm… hi?” ngumiti ako ng alanganin dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ba ang sasabihin sa lalaking ito. I mean, I actually don’t know anything about him, I just know his name…

“Did I disturb you…? I’m sorry. I saw you alone and I thought I should say hi, and brought you iced coffee,” muling sabi nito sa akin. 

Umiling naman ako kaagad. “No, no. I’m just doing some things…” I shrugged and looked at my sketchpad. Maging ito naman ay tumingin doon at muling ngumiti sa akin. “That’s actually good,” papuri nito sa akin at hindi ko naman maintindihan kung bakit parang nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi nito. 

I am used to compliments, but why are his compliments making me blush?

“Thank you…” mahinang sabi ko naman bago muling nagyuko. Goodness, I want to strangle myself for being like this. I never acted like this to anyone, but why in front of him?

Hindi naman ito nagsalitang muli at hindi ko rin alam kung ano ba ang sasabihin dito kaya hindi na lang din muna ako nagsalita at ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Muli akong na-focus sa project ko at hindi ko na napansin na pinanunuod lang ako ni Leo sa ginagawa ko. 

Nang matapos ako at mag-inat ay nakita kong titig na titig sa akin ang lalaki. Ngumiti siyang muli at marahang tinapik ang ulo ko. “Good work,” muling papuri niya sa akin. Napaiwas naman ako ng ulo dito. 

He looked at me and smiled a little. “I’m sorry, did I cross the line early?” he asked me. 

I cleared my throat and looked at him. Marahan ko ring iniling ang ulo ko habang nakatingin sa kanya. “No, uhm… hindi lang ako sanay…” pag-amin ko naman dito. Ibinalik ko na lang sa loob ng bag ko ang gamit ko at tinignan ang lalaki. 

“Are you also a student here?” tanong ko sa lalaki. Ngumiti naman siya sa akin at tumango. Ipinakita rin nito sa akin ang ID nito. 

Elizeo Lucian Saavedra.

“IT?” I asked him again. Muli naman itong tumango sa akin. Well, maybe that’s the reason why I don’t usually see him. Hindi naman ako nakakarating sa building ng mga ito. 

“And you’re also a DJ?” I asked him again since I know I saw him at Blue’s Haven before. He chuckled and damn, it made him look hot. I don’t know why, but damn. 

“Yeah, sometimes. I usually do it just for fun, my friend is a regular there, he’s just asking me to join him every now and then,” he replied. Tumango-tango ako. So, that means hindi siya palaging naroon. 

Well, I know working and studying is hard. Ako nga na hindi naman talaga kailangan magtrabaho at ako lang ang namimilit maging model sa Ai’s ay napapagod, paano pa kaya ang ibang tao? Kaya hindi ko rin hinahayaan na mawalan ako ng allowance at gumigising na ako ng mas maaga kaysa dati. 

“You don’t go there the past weeks, right?” he asked me again. I sipped on the iced coffee he gave me and it tasted good. Tumango ako sa kanya bilang sagot. Kapag nagka-cramming kami sa school at malapit na ang exam week, hindi ako pwedeng magpunta sa Blue’s Haven. Tito Blue is actually banning us from there. Nalaman lang namin iyon nang nagpunta sina Theon doon noong nakaraan. 

“Exams,” tipid na dagdag ko pa na tila naman naintindihan nito. 

Marami na rin ang naglalakd palabas ng school dahil may mga natapos ng klase ngayong hapon. Hihintayin ko na lang ang mga kasama ko para makauwi na rin ako dahil wala akong dalang sasakyan ngayon. 

“Alyanna,” he said my name in a sweet way. Well, I actually don’t know if that was sweet or I was just imagining things. 

I looked at him. “Yes?” tinignan ko ang mga mata nito na parang nangungusap sa akin. May kakaiba sa paraan ng pagtitig nito sa akin na nagiging dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko. 

Is this even normal? I just met him!

Itinukod nito ang siko sa may lamesa at kinamot ang kilay habang nangingiti. “I know this may sound weird, but… I want to ask if it’s possible to have your number so I can call you?” tanong nito sa akin habang nakatingin. 

Huminga ako ng malalim at tumikhim. 

“Uhm, Leo, thank you for the iced coffee, but, I am sorry… I don’t usually give my phone number to someone I just met…” I said before I collected my things. 

I heard him chuckle so I creased my forehead and looked at him. “Is there something funny?” I asked him while looking at him. 

“No, no, actually you got a point there, Alyanna. I am sorry for asking it…” tumayo na rin ito at tumingin sa akin. “I enjoyed talking to you,” sabi nito sa akin. 

Hindi naman ako nakapagsalita at nakatingin lang sa lalaki. 

“See you around again?” he said before waving his hand and walked away from me. 

Habang nakatingin sa lalaki ay napahinga naman ako ng malalim. I don’t know what is happening to me and why I am affected like that. 

I just met him, for Christ sake! Dapat yata ay tigilan ko na ang pang-aasar kina Cherinna dahil parang hindi na normal ang nararamdaman ko ngayon. 

I just filled my lungs with air and walked towards the parking lot. Na-drain na rin ang battery ng cellphone ko at hindi ko naman din ugaling magdala ng sariling battery pack. Madalas na hinihiram ko lang ang kay Cherinna. 

Nakita ko naman agad si Enzo na naglalakad papunta rin sa parking lot nang tawagin ko ito. 

“Enzo!” malakas na sabi ko sa pangalan nito. Agad naman itong lumingon sa akin na kunot ang noo. Ngumiti ako sa kanya at tumakbo papalapit sa lalaki. 

“Sabay na ako…” sabi ko sa kanya nang maabutan ko siya. 

“Okay,” tipid na sabi nito sa akin at hinayaan lang akong sabayan ang lakad nito. “I can charge my phone in your car, right? Na-dead batt kasi ako,” sabi ko sa kanya habang naglalakad. Tumango lang ito sa akin. 

“Nakapag-review ka na para sa exam?” tanong ko ulit sa kanya. Tumingin siya sa akin na para bang ipinagtataka nito ang tanong ko. 

Napalabi ako at napairap. “Oo na, you don’t have to do it.”

“I didn’t say that,” he shrugged and opened his car for me. 

“Yeah, yeah, whatever,” sabi ko bago pumasok sa loob at isinaksak ang cellphone ko upang mag-charge ito. Gaya ng madalas na ginagawa ni Enzo, binuksan lang nito ang makina ng sasakyan nito upang mabuksan din ang airconditoner ng sasakyan nito. 

Sumakay na rin ang lalaki at sumandal lang habang nakatingin sa labas. Nilingon ko naman ito. “Are you going somewhere? Sorry…” I bit my lower lip. “Uhm, can you just message Jahann instead? Para masundo niya na lang ako rito,” sabi ko naman bago inalis ang cellphone ko sa pagkaka-charge at ibinalik iyon sa bag ko. 

Maybe I’ll just get a cab if he’s not available. 

“Thank you, Enzo!” I smiled at him and was about to open the door when he stopped me by holding my arm. Tinignan ko naman ang hawak niya sa akin at nilingon siya. 

“Hmm? Why?” nagtatakang tanong ko sa kanya. 

“Wala akong sinabing aalis ako,” sabi naman nito sa akin na nagbawi na ng kamay. “You can stay here, I am just resting, too,” he added before turning his head away. 

Pinagmasdan ko naman ito at nginitian ng maliit. “You promise it’s okay?” I asked him again. Kung kay Keij ay kaya kong makipag-asaran, iba kasi kina Enzo, Kol at Jahann. Mga batang pinaglihi sa sama ng loob ang mga ito kaya naman napakahirap makipagbiruan sa mga ito o makipagkulitan. 

Enzo can last a day without talking to any of us even if we are all together. 

He cocked his head on the side and nodded his head. “I promise.”

Tumango naman ako bago muling isinaksak sa charger ang phone ko. Sumandal lang din ako habang nagpapatugtog na naman si Enzo sa sasakyan nito. I have nothing against classical music but I am thanking the heavens that Enzo is playing some Coldplay songs again. 

When I got enough battery, I immediately called Jahann to ask him to pick me up now. 

“Hello, snob? Where are you?” I asked him while looking outside. Kumunot ang noo ko rito. “Ai’s? Why? Wala ka namang schedule, ah?” tanong ko sa lalaki. 

I sighed and leaned on my seat. “Yeah, I’m still here… magpapasundo sana ako, eh…” sabi ko nang alamin nito kung nasaan ako. 

“I am with Enzo,” sabi ko rito bago nilingon si Enzo na hindi naman kumikibo. “Why?” I rolled my eyes and looked at Enzo. “He wants to talk to you,” sabi ko rito sabay abot ng phone ko sa kanya. 

Kahit na nagtataka ay inabot naman ni Enzo iyon. 

Nakatingin ako rito habang kausap si Jahann. Hindi naman ito masyadong sumasagot actually. 

“Yeah, got it,” Enzo said before ending the call. Tinitigan ko naman ito. 

“What was that?” I said before charging my phone again. 

“Are you hungry?” he asked me instead. Noon ko naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko dahil hindi naman talaga ako nakakain ng lunch din kanina. Kumain ako sa bahay ng brunch dahil tanghali lang naman ang pasok ko ngayon at hindi na iyon nasundan maliban sa binigay ni Leo. 

“Let’s eat first, then, I will drive you home,” he said before starting to drive. Hindi naman na rin ako tumanggi at isinuot ko na lang ang seatbelt ko.

Dinala naman ako ni Enzo sa isang restaurant at ito na rin ang umorder para sa aming dalawa. Marami ang tao roon kaya hindi naman nakakapagtaka na sa may malapit sa pader kami pumuwesto ni Enzo. 

Hindi talaga ito sanay makihalubilo sa mga tao pero alam ko na kung si Enzo naman ang magmamana ng negosyo nila Tito Blue, magiging magaling talaga ito. 

Enzo ordered kimchi fried rice, tomato soup and sweet potato fries. Hindi naman na ako nagdagdag dahil marami na iyon para sa aming dalawa.

“Why are you staring at me?” tanong nito nang marahil ay napansin na nakatitig ako sa kanya. 

Umiling naman ako at itinukod pa ang siko sa mesa at sinalo ng palad ang baba. “I am just wondering, have you ever had a girlfriend?” tanong ko sa kanya. Mas lumalim naman ang kunot ng noo nito dahil sa tanong ko. 

“Are you serious about your question?” he retorted. 

I shrugged. “I am just curious since I think you won’t bother telling us that,” sabi ko naman bago uminom ng tubig. Iyon naman talaga ang palagay ko dahil kung may pagsasabihan si Enzo, ang kapatid at pinsan ko lang iyon. 

“Why are you curious?” he asked me again, now he’s staring at me. Ako naman ang nailang sa paraan nag pagtitig ni Enzo sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. 

“Because… because I know that a lot of girls like you,” sabi ko na lang sa kanya. Ito ang mahirap kapag kausap si Enzo, eh. Nawawalan na rin ako ng sasabihin dahil kung hindi sasagot ng mahaba, mambabara naman o kaya ay gigisahin ka. 

“I don’t like any of them,” he shrugged. 

Dumating na ang order namin kaya naman nahinto kaming dalawa sa pag-uusap. I just uttered a small thank you to the waiter and looked at the food. 

I looked at Enzo who’s still looking at me, I gave him a sweet smile. “Let’s eat?” aya ko sa kanya bago tikman ang fries na naroon. 

“Aren’t you curious if I like someone?” pagpapatuloy nitong tanong sa akin. Natigilan naman ako sa pagkain habang hawak ko pa rin ang fries, tinignan ko siya. 

Seryoso pa rin ang mukha niya habang nakatingin sa akin. 

“Why? Do you like someone right now? Do I know her?” tanong ko sa lalaki. 

He stared at me and smiled a little. 

“That’s for me to know and for me to find out,” he replied and looked away. 

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. 

So may nagugustuhan na nga siya?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status