Share

Chapter 8

Lisa POV

Ilang araw na simula nang ma-confined ang nanay sa hospital na ito. Magagaling ang mga nurses na umaasikaso sa amin. Nalaman ko na mga topnotchers pala sila sa board exams. Hindi daw basta-basta ang mga nakakapasok na nurses dito. Kung hindi nasa top passer o kaya naman mga nag-aral sa ibang bansa. Napa-wow ako doon. Kaya pala maganda din ang bayad sa isang oras mong namalagi dito. Maganda rin ang mga naging resulta sa mga test ni nanay, mabuti na lang daw at agad namin siya nadala. Nabawasan ang mga komplikasyon at sakit na dapat na mararamdaman ni nanay.

Sumailalim na rin siya sa chemotherapy sabay pa ang maraming gamot na kailangan pang inumin. Sa mga araw na iyon nasa tabi niya lang ako. Hindi ako umaalis. Dito na rin ako sa sofa natutulog. Lahat nandito na, pagkain, damit na may kumukuha para ipa-laundry. Utos daw ni Fier iyon.

Meron dumating dito na makakasama namin at magiging assistant ni nanay. Siya na din ang taga-bili ng mga kailangan namin dito. Ang sabi niya, siya ang magiging kasambahay namin sa bagong bahay namin dito sa Maynila. Siya na rin ang tumayong kasa-kasama ko sa pagbabantay sa araw-araw.

Pero ngayon gabi kailangan ko umalis para samahan si Fier sa isang party ng kanyang kaibigan. Kaya ito nasa isang parlor ako, kailangan ko daw ma-makeover at ngayon nga ang simula nito. 

Hindi ako kumikibo sa mga taong nakapaligid sa akin. Parang alam na nila ang gagawin, parang naka-plano na.

Mula sa malaking salamin sa harap ko, tinignan ko siya. Nakaupo siya sa pa-bilog na upuan sa likuran ko. Naka-de kwatro, busy sa pagbabasa sa hawak na magazine. Paminsan-minsan may katawagan sa kanyang telepono. Napanguso ako, oo nga naman, sino ba naman ang maniniwala na in love sa akin si Fier?

Napakalinis at mabango niyang tingnan. Ang mga matitigas na muscles sa braso niya, ang mga mahahabang biyas at siyempre ang gwapo niyang mukha. Mala- artista, mala-modelo.

Nakasuot siya ng maong na pantalon at puting v-neck shirt kahit na plain lang ito– ang gwapo pa rin n’yang pagmasdan.  Ang matcho ng katawan niya. Taas kilay nga ang mga taong nadatnan namin dito sa parlor nang dumating kami.

Syempre magkahawak kamay kami na pumasok, feeling sweet sa isa’t isa. Pinakilala niya ako, ‘as his wife.’ Parang gusto kong lumabas at tumakbo na lang sa sobrang hiya. Nagbubulungan sila, ang iba ay taas kilay na nag-sulyapan at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

“This is my wife, Lisa. Gusto ko gawin niyo ang lahat para mas lalo niyo mapaganda ang asawa ko. May pupuntahan kaming party mamaya. Nandito na ba si Karen?” tanong niya sa mga tauhan sa parlor dito sa isang building malapit sa hospital.

Nakasuot lang ako ng leggings at pink shirt na maluwang pa sa akin. Suot ko rin ang lumang converse ko na ginagamit ko sa tuwing may PE kami sa school.

“Sir, opo nandito na siya kanina. Iniwan na po niya ang mga su-suotin ni madam.” inporma sa kanya ng baklang may hawak na blower sa kanyang kamay.

Walang ibang customer dito sa parlor na ito. Hindi naman mukhang walang costumer na pumapasok, malaki ang lugar, maaliwalas, mukhang pang mayaman nga, nasa isang mataas na building din ito, maganda ang pwesto at ang mga gamit hindi basta-basta kaya alam kong hindi lang ito isang simpleng parlor.

“Okay, then start the work. Ayaw ko ma-late kami.”

Nagmadali silang gawin ang mga dapat nilang gawin. Hinila ako ng isang bakla. Naka-itim sila na polo. May pangalan ng parlor sa kaliwang dibdib nila. May sinerved sila na merienda sa harapan namin. Wala ako ni isang salitang ginawa. Inakay niya ako pa upo doon sa upuang gumagalaw. Nilagyan nila ako ng itim na kapa sa harapan ko bago sinipat-sipat ang buhok ko.

Maya-maya ay inumpisahan na nila akong ayusan, sinipat ang buhok ko, nanliliit ang mga mata niya habang nakatingin sa salamin. Ang isa naman ay pumuwesto sa paanan ko. Napabalikwas ako ng upo nang akmang tatanggalin na niya ang aking suot na sapatos. Nagprotesta ako na ako na, at sumunod naman niya. Maya-maya may isa pang dumating, binati niya si Fier. May hawak itong magarang bag sa kanyang malay. Kala mo’y isang runway ang nilalakaran nito.

Taas noo at ang sosyal! Siya kaya may ari nitong salon?

“Nand’yan ka na pala, Sir! Kaloka! Pinahatid ko na sa sinabi mong address ang mga dresses and shoes. May mga bags pa ako pi-pick-up-in bukas. Nasaan ba si Madam? Ay, ikaw pala! Hello, I’m Karen. Personal shopper and fashion guru. Ako ang magtuturo sa ‘yo ng mga dapat mong matutunan . . . sa pananamit, sa pag-aapply ng make-up. Mga bagay at ‘di bagay sa ‘yo.”

Lumapit siya sa akin para kamayan ako. Alanganin akong ngumiti sa kanya. Mala-Madonna ang pananamit niya. Well, alam ko nang beki siya. . .pero nakakatakot siya, mukha siyang instrikto. Habang kausap niya ako tinitignan niya ang buong katawan ko, tagusan ko itong naramdaman kahit na may itim na kapa pa sa harapan ko. Nagtagal ang tingin niya sa mukha ko.

“Ay, no, no, no! Your skin is so dry. Kailangan na ‘tin ayusin n’yan. Same sa balat mo. Ano ba ‘yan, ang gaspang naman!? Kailangan na ‘tin agad ipa-reschedule ang spa and facial treatment mo. As soon as possible.”

Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Tama nga rin naman siya. Ang lambot ng kamay niya, samantalang ako . . . oo, magaspang pero tama pa bang ipagsigawan iyon? 

Hello! Ang daming taong nakapaligid sa amin kahit na sabihin pa na ‘tin na empleyado niya ang mga ito– siguro!? Malay ko. Wala naman siya sinabi

Ewan ko ba. Alam din kaya niya ang tungkol sa deal namin?

“Reschedule mo na lahat nang ‘yan. Sabihan mo na lang ako. Lahat ng gastos bahala ka na sa card na binigay ko sa ‘yo. Isa pa, turuan niyo siya on how to be confident.” saad ni Fier na hindi man lang iniangat ang tingin mula sa binabasang magazine. 

Napanguso ako. Grabe naman sila. Sa probinsyanang- mahirap nga ang kinalakihan ko.

“Don’t worry Mr. Madrigal. Ako ang bahala sa kanya.”

Kinindatan ako ng nagngangalang Karen bago inutusan ang isa sa mga tauhan na ahitan ang kilay ko. Agad naman tumalima ang isa pang bakla.

“Brazilian niyo ang hair niya. Dapat maging smooth ito and shiny. Konti lang muna i-cut mo sa hair niya para makita na ‘tin kung ano babagay sa kanya. Leave it black. Saka na ‘tin kulayan.” utos niya sa taong naglalagay ng kung anong gamot sa buhok ko.

Pumikit na lang ako nang umpisahang i-wax ang kilay ko. Natatakot ako sa mga pinaggagawa ng mga ito. Hindi ko alam kung ano ang magiging itsura ko. Bahala na. Mukha naman experienced na sila sa ganitong trabaho. Hinayaan ko na lang. Kahit medyo masakit sa kilay at sa paa kong dinudutdot nila.

Hindi ko na namalayan ang oras, nakatulog na pala ako sa paglalaro nila sa akin. Hindi ko rin alam kung paano ako nalipat dito sa isang pulang kwarto. Ako lang mag-isa at dim ang ilaw. Kinapa ko ang suot ko, ganoon pa rin naman. Bumaba ako sa malaking sofa o kama ba ito, hindi ko rin matanto. Sofa-bed? 

May mga naririnig ako na nag-uusap sa kabilang kwarto kaya doon ako pumunta. Parang storage room o closet ang mga kung ano-anong nandidito.

“He-hello, sorry nakatulog ako. Ahm, si Fier?” nahihiyang paumanhin ko sa kanila. Tinigil nila ang ginagawang paghahalungkat sa isang kahon.

“Ay, mam! Gising na po pala kayo, nasa lounge po. Hinihintay po kayo magising. Puyat daw po kasi kayo.” saad niya na tumayo para akayin ako sa kung saan ang  sinasabi niya.

Pagbaba namin agad ko siyang nakita sa lugar kung saan siya naka-upo kanina. Iba na ang suot niya ngayon kaysa kanina. May nakapatong na laptop sa kanyang kandungan.

“Oh– hello, wife! Gising ka na pala?” Malambing niyang tanong. Nagtilian ang ibang bakla sa ginawa niyang pagtayo para salubungin ako. Ako naman nakita ko ang pag-irap niyang inis sa akin.

Naiinis na ito sigurado. Ayaw niya pa naman na pinaghihintay siya ng matagal.

“Sorry, nakatulog pala ako.” paghingi ko ng paumanhin.

“No– alam ko naman puyat ka.” Kinindatan niya ko. Muli kong narinig ang mga kinikilig na tili ng mga bakla sa gilid namin.

Pasimple kong pinasadahan ang suot niya, naka-polo na siya na tinupi hanggang siko at itim na pantalon. Bagong gupit rin siya na mas nagpaaliwalas sa kanyang mukha. 

Nahuli ko din na tinitignan niya ako. Kumunot ang noo ko. At agad napatingin sa salamin kung saan ako inayusan kanina. Napakurapkurap ako. Ako ba ito? Lumapit pa ako sa malaking salamin. Dahan-dahan hinilig ang ulo ko para makita ang magkabilang side ng mukha ko.

Hindi ko na halos makilala ang sarili ko. Ang buhok. Ang kilay at ang make-up ko. Para akong– nananaginip. Ni minsan ‘di ko akalain na may itsura pala akong ganito. 

Malayo sa Lisa na isang tindera lamang ng isda sa probinsya.

Ito isang ma–

“Maganda,” bulong ng nasa likod ko.

Napatingin ako sa kanya mula sa salamin. Natatitig din siya sa reflection ko. Nagkasalubong ang mga mata namin. May nakita akong iba sa mga titig niyang iyon.

Tumikhim siya, umiwas nang tingin. Tumalikod at hinarap ang mga nag-ayos sa akin kanina.

“Thank you! Maghati-hati na lang kayo sa tip niyo. Bihisan niyo na siya baka ma-late pa kami.” nakangiting saad niya sa kanila. Naglabas siya ng ilang libo sa kanyang pitaka. Matapos noon bumalik sa kanyang naiwang laptop.

Inaya naman na ako ng mga bakla at dinala sa kwarto kung saan ako nagising.

Hindi ko na pansin kanina na may mannequin pala sa isang sulok suot-suot ang isusuot ko daw na magandang dress. Sa baba naman ng sahig ang isang silver na sandals.

Huhubaran na sana nila ako nang tumanggi ako. Gosh– lalaki pa rin sila! Pusong babae lang pero ang . . . 

“Ako na po, kaya ko na. Tawagin ko na lang po kayo kung may kailangan ako. Salamat po!” Hinawakan ko ang suot ko at umatras sa kanila. Nagkatinginan muna sila bago lumabas sa kwarto ito.

Huminga ako nang malalim. “Grabe,” Inikot ko ang kabuuan ng kwarto, baka may kamera na nagkalat o ano mang nakatago sa kung saan. Nang wala naman sa tingin ko, sinipat kong muli ang damit na isusuot. Na alis na pala nila ito sa mannequin. Napangiwi agad ako sa tabas nito. Itinaas. Sinipat.

Ito? Oh, My Goodness!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status