Share

Chapter 7

Author: IamNellah
last update Last Updated: 2022-02-18 15:30:08

Lisa POV

“I know this may be too late, but I wanted to do it in a right way. Lisa and Mrs. Cortez, forgive me for being a selfish man para alukin ng kasal ang anak po n‘yo ng walang basbas niyo sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Ngayon, gusto ko po i-tama ang lahat.” Lumunok siya at huminga nang malalim.

“Lisa, gaya ng sinabi ko sa ‘yo dati, ikaw lang ang babaeng kumuha ng attention ko. Ang babae na gabi-gabing pumapasok sa mga panaginip ko. Ang babaeng hinahanap ko agad paggising ko pa lang sa umaga. Hindi ko alam kung paano nangyari at kailan nagsimula, noon ang gusto ko lang asarin ka. Pagtawanan ang mga silly moments mo. Pero– hindi ko alam na. . .nahuhulog na pala ako sa ‘yo. At ngayon, gusto kong ayain ka, sa harap ng pinakamamahal mong nanay. Ang nanay na dahilan kung bakit may Lisa ako sa buhay ko ngayon.”

Dahan-dahan niyang binukas ang pulang kahon. Sa loob nito ang isang singsing na kumikinang sa tuwing maigagalaw niya ito.

“Lisa, will you be my companion for the rest of my life? Will you be my source of happiness? Will you marry me, Babe?”

May nakita akong kislap sa kanyang mga mata, alanganin siyang ngumiti sa akin. Lumunok siya ng ibalik ko ang tingin sa kanya mula sa singsing.

“Yes,” bulong kong sagot. Hindi ko alam kung narinig niya ba ‘yon o hindi. 

Naiiyak ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sa isang banda, alam kong drama lang ito pero— sana hindi na lang. Ganito pala ang feeling ng may nagpro-propose sa ‘yo. Feeling loved. I feel special sa ginagawa niyang— pag-arte.

“Did you just say, ‘yes’?” paguulit na tanong niya.

Mabilis akong tumango-tango. Nakatuptop pa rin ang mga kamay ko sa aking bibig.

Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin para kunin ang kaliwang kamay ko. Hinalikan niya muna ito bago isinuot sa akin ang kulay gintong may bilugang bato sa gitna. Kumikinang ito sa bawat galaw.

Totoo kaya ito? Syempre siya pa bibili ng fake? Hindi, no!

Hinalikan niyang muli ang kamay ko na ngayon ay may singsing na. Hinaplos niya iyon bago ngumiti ng matamis sa akin. “Finally.” 

“Congratulations, mga anak!” sabay kaming napalingon kay nanay, nagpupunas na ito ng kanyang luha gamit ang mga kamay niya. Nanginginig ang mga labi niya sa pagpipigil ng emosyon.

“Nanay, h’wag ka na po umiyak.” pag-aalo ko sa kanya. “Bawal po ang stress sa inyo, ‘nay.” Niyakap ko siya na umiiyak pa rin. Pinunasan ang luha kong sinulyapan si Fier.

“Tama po si Lisa. Bawal po ang ma-tress kayo. Kaya gusto ko po sana na agad tayo makalipat sa Maynila at maumpisahan na ang gamutan sa inyo. Mas maaga mas maganda po. Don’t worry, lahat naman ng gastos, ako na po ang bahala. Hindi na po kayo iba sa akin. Soon, mother-In-Law ko na po kayo. Magiging pamilya ko na rin po kayo.”

Wala ako masabi sa sinabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya habang inaalo si nanay. Kahit na kasal na kami sa papel, kailangan namin gawin ito para hindi sila mabigla.

Matapos ang hapunan na iyon lagi nang nandito sa bahay si Fier. Dito na siya kumakain at dito na rin siya naglalagi. Naging kampante na ako sa kanya, maging ang nanay. May paminsan-minsan mang iringan, agad naman iyon nawawala sa tuwing nakikita kong napapatawa niya si nanay. Ibang-iba siya sa Fier na una kong nakilala. Malayong-malayo. Ewan ko kung dahil lang ba sa kaharap namin si nanay. Basta ang mahalaga tinutupad niya ang mga pinangako niya sa akin.

Nakilala na rin siya ng mga kapitbahay ko dito. Mas sumaya ang lugar namin ng dumating siya. Ang dating bihira lang makalabas ng bahay at puro trabaho, ngayon mistulang laging may handaan dito. Nagtutulungan ang lahat lalo na kung kasabay namin siyang kakain. Ilang beses na siyang nagdala ng maraming pagkain dito para sa lahat. Ilang beses na rin kami sama-samang nagluluto ng mga kung ano-ano. Sinasama ko rin siya sa palengke kung mamimili at sa eskwelahan ko nang mag-withdraw ako ng mga documents ko doon.

Masaya akong makitang ganito siya. Sana hindi na nga magbago. Sana ‘di na bumalik ang dating Fier na mayabang at napakapilyo. Nakilala namin ng mas maayos ang isa’t isa. Ay, no! Mas magandang sabihin na mas pinaigi namin ang aming pag-aartista. Sa mga bawat nagdaan na kami lang ang magkasama pinag-uusapan namin ang mga dapat gawin at sabihin. Kinuwento niya rin ang mga magulang niya para palabasin na lahat na iku-kwento niya sa akin.

Dapat ganyan. Dapat ganoon, ganito sabihin mo, ganoon.

Preparing the lies, ika nga!!!

Marami rin kami inipon na mga larawan para sa ebidensya na sinasabi niya at para na rin sa mga sasabihin at sa mga magtatanong kung saan kami nagkakilala. Gumawa na rin siya ng FaceApp account ko na may mga larawan naming dalawa. Maging sa personal niyang account kami ang nandoon. Sa profile picture niya. Sa mga latest post niyang may caption na, ‘the best feeling with the best girl.’ Syempre dagsa ang mga friend request ko. May mga good and bad side. Alam ko na mangyayari ito. Tulad ng isa pa naming post na magkayakap sa isang bangka at parehong malalaki ang mga ngiti. Naalala ko ang araw na iyon, hindi na kami madalas mag-away, isang tingin lang alam na din namin ang gustong ipahiwatig ng bawat isa.

***

“Ayos ka lang, ‘nay?” Kinuha ko ang huling box na dadalhin namin sa bago naming bahay sa Maynila. Ngayon na kami aalis papunta doon.

“Oo, anak.” mahinang sagot ni nanay. 

Napaaga ang pag-alis namin dahil bigla na lang hinimatay si nanay noong isang araw dahil sa labis na panghihina. Kaya minabuti namin na dalhin na siya sa ospital sa siyudad. Si Fier na ang nag-ayos ng mga kakailanganin at mga gagawin. Na i-request na rin niya na ambulansya na maghahatid sa amin papunta doon. May kasama kaming mga nars at ilang paramedics kung kailanganin man namin. Ilang oras din ang byahe papunta sa airport tapos ilang oras din ang kakailanganin naming i-biyahe hanggang sa mismong ospital kung saan unang dadalhin ang nanay bago kami umuwi sa inihanda niyang bahay para sa amin.

Labis ang pagpapasalamat ko sa mga ginagawa niya. Hindi ko ito magagawa ng ako lang. Mas lalong hindi ko magagawa ang mga ito gamit ang sarili kong bulsa.

“Ma‘am, kailangan na po na ‘tin umalis.” tawag sa akin ng driver ng ambulansya. Tumango ako sa kanya at sinulyapan si Fier na kinakausap ang isa naming kapitbahay.

“Sige po, Manong.”

Tumabi ako sa isang nars na inaayos ang Dextrose ni nanay. Nakapikit na siya ngayon. Nakahiga sa gitnang bahagi ng sasakyan. Habang may isa pang babae ang nag-BP naman sa kabilang braso niya. Dito namin napag-usapang sumakay. Ayaw sana ni nanay na samahan ko siya para raw may kasama na si Fier sa sasakyan nito. Para hindi na siya umangal pa. Dito na rin sasakay si Fier kasama namin. Hindi ko rin kaya na iwanan ang nanay ko dito habang ako kumportable sa magarang sasakyan niya.

“Let’s go?” tanong ni Fier pag-akyat dito sa loob ng ambulansiya. Ngumiti siya sa mga kasama namin na nars, namula sila ng isa-isa silang kamayan.

“Lisa,” tawag niya sa akin na ikinataas ng kilay ko.

Nasaan ang number one rule niya? Nakalimutan na agad? 

‘Always call each other, Babe. Especially when someone is around.’

“Fier,” balik tawag ko sa kanya. Tumaas din ang kilay nito sa akin. Sunod ang pag-kunot ng noo niya. Napa-ngisi pa ang loko.

“Someone is jealous.”

Ano daw? Pinanliitan ko siya ng mata ko.

“Bakit mo ko tinatawag?” matabang na tanong ko.

Tumawa siya, hinawakan niya ako sa siko at sabay hinila palapit sa katawan niya. Sinulyapan niya muna ang nanay na nakapikit, siguro tulog na ito sa gamot na binigay ng nars para hindi siya kabahan dahil lalo ta-taas ang BP niya sa nerb’yos.

 “Masyado kang malayo,” nakangisi niyang saad.

Hindi na lang ako kumibo sa sinabi niya. Nagbasa na lang ako ng dala kong libro para hindi na rin mainip. Para na rin makalimutan ko ang susunod namin sasakyan. Isang private chopper na inarkila pa ni Fier para sa amin. Mas mapapabilis daw kasi ang biyahe namin kung ito ang gagamitin namin. Aabutin pa daw ng tatlong oras kung dadaan pa kami sa airport papuntang Maynila. Dito diretso na kami sa hospital building at doon na kami baba.

“Babe, mga bilin ko, ha?” bulong niya sa akin mula sa pagtitipa sa kanyang cellphone. Nang makuha ko ang ibig niyang sabihin. Tumango ako. Ito na talaga ang umpisa ng drama namin. Good luck sa akin. Sa amin. Para ito sa nanay ko. 

Hindi rin nagtagal dahil ambulansya ang sasakyan namin mas mabilis ang naging biyahe. Andito na kami ngayon sa airport, hinihintay maayos ang lahat. Nakatingin ako sa chopper na naka-park sa pinaka-runway ng airport. Kulay itim ito at gray. May logo at initial ng companya nila. MG.com.

So, sa kanila ito? Mayaman!

May kausap siya sa kanyang telepono. Nakatawa ito, habang may binabasa sa isang folder na inabot ng isang lalaki. Ito yata ang piloto ng choper nila. “I miss you, I’ll text you later.” rinig kong sinagot niya sa kausap. Hmmm, maybe someone . . . ay, baka si Ma’am Sab. Namimiss ang labing-labing nila.

“Everything is ready. Hihintayin na lang tayo ng mga medical staff ng hospital doon sa building. Tara na! May lakad pa ako mamaya.” 

Nilapitan niya ako at sinabi iyon. Sinuot niya ang dalang shades. Iniwan ako para kausapin naman ang mga nars na nakaupo sa isang bench sa ‘di kalayuan. Inabot ko ang kamay ni nanay na mahimbing pa rin na natutulog.

Kabado ako habang pasakay kami. Rinig na rinig ko ang makina at elesi ng chopper. Masakit ito sa tenga. Sama mo pa ang konting hilo at kaba na nararamdaman ko. Parang gusto ko magsuka. Mabuti na lang nagbaon ako ng maraming candies dito sa bag ko. Paubos na nga kakain ko!

Sana pala hiniling ko na lang sa kanila na patulugin din ako gaya ni nanay.

Hawak ko ang bag ko nang mahigpit, nasa himpapawid na kami. Ako lang ang nakaupo dito sa bandang likuran. Sa harapan ko, ang higaan ni nanay at upuan ng dalawang nars. Si Fier naman nasa harapan namin katabi ang piloto. Nakakagulat dahil marunong pala itong magpalipad ng eroplano. May sinasabi sila na hindi ko maintindihan. May suot silang dalawa na headphones. Gusto ko man tanawi ang paligid gaya ng ginagawa ng dalawang nars, hindi ko kaya. Natatakot ako. Dito pa nga lang nalulula na ako paano pa kaya kung tatanaw ako sa ibaba.

Mabuti na lang mas napaaga ang dating namin sa hospital wala, pang isang oras nandito na kami. Tama nga ang sinabi niya, paglapag namin sa helipad may mga doctor at nurses na sumalubong sa amin. Nanlalambot ako, ramdam ko pa rin ang lula kahit na nakalapag na kami sa hospital. Parang nagba-vibrate ang kinatatayuan ko. Lalo na kanina sa elevator. Mabuti na lang may hawakan sa tabi ko, doon ako kumuha ng lakas para hindi mahimatay. 

Nakakahiya! Ngayon lang nakasakay ng elevator. Nakaka-tanga!

Ang ganda nang pinasukan naming kwarto. Parang hindi lang ito hospital, maihahalintulad mo siya sa isang hotel. Lahat nandito, may engrandeng chandelier sa taas. Air condition din dito, may malaking TV at magara ang sofa. Napupuno ito ng mga rosas. May nakita rin ako na mini-kitchen sa kabila. Parang nandito na lahat. Pwede ka na nga tumira dito.

“Okay. Nabasa ko ang medical records ng pasyente, masasabi kong kulang at hindi pa nagagawa ang mga dapat na test para sa may sakit. I suggest na gawin lahat ng iyon sa lalong madaling panahon. Base dito, kumalat na sa ibang organ niya ang sakit. She has a lung cancer, stage 3.” tulala ako sa sinabi ng doctor. Hindi makapagsalita. Alam ko naman na ang tungkol dito pero iba pa rin nang sabihin ng doctor.

“Do what you need to do, Doc. Money is not a problem.” sagot ni Fier sa tabi ko. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Nanghihina ako sa mga aparatong inilagay nila kay nanay.

“And one more thing,” pahabol na saad ng matandang lalaking doctor. Siya ang pinaka-head dito at pinakamagaling na doctor sa hospital na ito. “Pray Ms. Cortez. Yaan lang ang the best na ‘ting magagawa sa ngayon. Ang kumapit sa kanya.” ngumiti ito sa akin bago umalis.

Naging tahimik ang sumunod na minuto. Kaming dalawa na lang ni Fier ang naiwan, kasama ang nanay na tulog na tulog. Lumapit ako sa sofang kinauupuan niya. Nanlalambot na umupo doon.

“Nasa ayos na ang lahat, Lisa. H’wag ka na mag-alala. Gusto mo na ba umuwi muna? May kinuha naman akong private nurse sa nanay mo kung kailangan nang magbabantay. Besides, kailangan na ‘tin umalis-alis dito. Nakahanda na rin ang lilipatan niyong bahay.” Tumango lang ako sa kanya. Gabi na. Kailangan na niyang umalis.

“Sige na, umuwi ka na muna. Salamat sa lahat ng tulong mo. Bukas na lang siguro ako uuwi sa sinasabi mong bahay. Hintayin ko na lang muna magising ang nanay.”

“Alright. Ayaw ko din matulog sa lugar na ito. May pagkain na sa kitchen, puno din ang ref. niyo. Kung may kailangan ka pa, call me. And take this,” May kinuha niya sa lamesa sa katabi nitong upuan. Isang puting sobre ang inabot niya sa akin. “May laman na ‘yan. Nand’yan na rin ang passcode ng mga cards mo.” Tinignan ko lang ito, ngumiti ng tipid.

“Salamat!” inabot ko ito at inilagay sa bag ko.

“Alis na ako. Bukas dadalaw ako.” Tumayo na ito at nag-inat-inat. “Bye, babe!” tumawa siya habang papaalis.

Malakas akong humugot ng hangin. Pumikit at ‘di na namalayang sumama sa kanya ang diwa ko. Sa dilim sa sobrang pagod.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Paper Wife   Special Chapter 2

    Special Chapter 2 Lisa POV Mula sa pagkakasandal sa dibdib niya umayos ako ng pagkakaupo, tiningnan ang mukha niyang proud sa kanyang mga ginawang kalokohan. “Ang sama-sama mo nga noon! Takot na takot ako sa drone na pinapalipad niyo. . .” Maktol ko. “Ang cute mo kasi inisin. Akalain mo, hindi mo alam ang drone.” Umiiling-iling siya, sinuklay ang buhok niya patalikod. “Akala ko talaga kung ano na iyon. Eroplano na maliit na may mga paa. Nakakatakot kaya tunog niya! Tapos may matang patay-sindi. Red pa nga. . .” “That’s a recording light.” Aniya. “May green pa sa gilid. Wala sa amin ng ganoon.” “Pini-picture-an ka namin ni John. He was taking a shot of you. Nasa akin pa ‘yata mga pictures and videos mo.” Pinalo ko nang malakas ang dibdib niya. Tawa lang siya nang tawa sa tabi ko. Hinuhuli ang kamay kong pinapalo siya sa kanyang kalokohan. Naglalako ako nang time na iyon, oras na rin iyon para pumasok ako sa kanila bilang isang katulong. Part time job ko iyon sa hapon

  • My Paper Wife   Special Chapter 1

    Special Chapter 1 Fier POV I had just ended my Zoom meeting when my sexy secretary entered the room with my 6th cup of ordered coffee for the morning. I opened my email and found the hundred unread emails waiting to be read. I looked up at her and smiled. She put the steaming hot coffee before me and sat on my lap. “You know I can’t finish what I needed to do when you’re tempting me like this.” She snuggled in me, and I was willing to encircle my hands in her waist. Pinching her a little makes her giggle. “What? Hinatid ko lang naman pinatimpla mo.” She said in an innocent tone. God! I know myself, I can’t control my inner clinginess na nakuha ko sa kanya. My hands are itching to feel her and to touch every inch of her whole being. I never complained though, I like the ways every time she does that. Since she got pregnant, naging mas malambing siya at mahilig sa lambingan. Sa tingin ko that her hormones getting on her nerves. Natawa ako, habang tumatagal, mas nagiging moody siya

  • My Paper Wife   Chapter 63

    Fier POV “Dude, she’s stunning!” Niyugyog ni John ang balikat ko, pilit pinapalingon sa babaeng nagpadala ng drinks sa table namin. Nginisihan ko siya, dahan-dahan nilingon ang babae. I drink up her gift, bottoms up. She smiled, and even with the loud music from the background, I could hear their giggles with her friends. “Not bad,” sagot ko kay John. She’s the type of woman I would love to bed. From her snowy-white skin, curvy body . . . oh men, I picture her moaning under me. Her little skirt caught my attention. “Kung ayaw mo sa akin na lang,” Hindi pa man ako nakakasagot, inabot na niya ang isang basong whisky, dinala iyon kung nasaan ang mga babae. Ngumingisi ako. Okay! I let my man do his thing. But I doubt he can. I always win, you know. Pinanood ko siyang naglakad hanggang sa kausapin ang mga babae. Tinuro nila ako, isa-isa silang tumayo para lumapit sa table namin. Napataas ang kilay ko nang akbayan ni John ang babaeng nagpadala ng madaming drinks. Try hard, bro. “Hi!

  • My Paper Wife   Chapter 62

    Fier POV “Your insane, Sabrina!” I shouted, greeting my teeth. “I’ve warned you enough and asked you to leave everything behind. But— you, you killed my wife!” Hinampas ko sa galit ang mahabang lamesa. Sinipa ko ang plastic na upusan sa harap niya causing her to cry loud. Even louder, that makes me more furious. “Fier. . .” Tangka niyang hahawakan ang kamay ko. Iniwas ko iyon at tinalikuran siya. Nagpipigil ilabas sa kanya ang galit ko. “I-I. . . I swear to God, hindi ko sinasadya.” Para akong lion na humarap sa kanya. Taas baba ang dibdib ko sa galit. God knows how I am hurt right now at the highest level I ever been mad. “Hindi sinasadya? The bullshit, Sabrina. Pumunta ka sa bahay para maghigante sa asawa kong wala namang ginawa sa ‘yo!” “Inagaw ka niya sa akin. Kinuha niya lahat ng dapat para sa akin!” Hysterical niyang saad. Humawak siya sa kanyang ulo. Murmuring words, I didn’t want to pay attention. “Wala siyang inaagaw, Sabrina. Ginawa mo—” “Sa akin ka una pa lang. Ta-ta

  • My Paper Wife   Chapter 61

    Sabrina POV Nakangiting nakaharap ako sa salamin ng aming kwarto. Ang ganda talaga dito! Umikot ako, I slide the curtains para pumasok ang natural na liwanag, binuksan ko din ang salaming sliding door. The fresh air smell like freshly newly leaves. Ang daming stars! “What is this furniture?” I cringed, asking myself. So like promdi ng design. Out of trend na. Papatanggal ko kay Manang ‘to mamaya. I tossed my hair, and I remembered— Shss! Tulog pa pala siya! Well! Ano ba aasahan mo, tumatanda na. . . . Bumalik ako sa banyo para maligo, mamaya lang darating na si Fier ko. Ipagluluto ko siya ng paborito niyang sinigang na hipon. Oh, Em! May hipon kaya? Sitaw? Or tomatoes? Natatarantang nagpabalik-balik ako ng lakad. “What the hell! Bakit ang kalat? My Gad! Itong is Fier talaga, ang kalat, tsk!” Pinulot ko ang mga nahulog sa sahig, bottled of shampoos, bath salt and his razor. Even the towel. Tsk! Naligo ako sa aming bathtub na puno ng memories namin together. Kapag lasing kami at

  • My Paper Wife   Chapter 60

    Fier POV Mula sa likod ng puno, tinanaw ko ang itim na kotse-ng kanina pa namin minamanmanan. Inayos ko ang suot na cap. Kanina pa kami dito, mainit at talaga namang nakakainit ng ulo. I need water but I didn’t have any. Nilingon ko ang nagtitinda sa kabilang side ng kalsada at nakita is Anton na umiinom. “The jerk!” I hiss. Naka-disguise siya as Grab driver. Ako, isang street sweeper, nakasuot ng green long sleeves mula sa municipality ng Manila and black jogging pants. That asshole, provide everything we needed. And I almost, almost give him a punch for these yellow boots na suot ko. Masikip pa ito at hindi kumportable isulot sa ganitong sitwasyon. What most annoying is, the May Mickey Mouse sa magkabilang gilid. Palihim niya akong nilitratuhan at sinend sa e-mail ko with a caption, “Nice one, dude! What a great fashion trend! Need an advertisement; I knew someone named Fiero Madrigal. Just shoot me a mail.” With an emoji wink at the end. So, I sent him my grudgeful reply, “I’ll d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status