3rd person's POV
“mukhang malalim ang iniisip mo ah.” puna sakanya ni Dark. Nasa loob sya ngayon ng opisina nito at hinihintay itong matapos pirmahan lahat ng dokumentong binabasa pa nito.
Pwede naman sana na tawagin na lang sya nito ulit kapag tapos na nitong aralin ang mga yon at pirmahan pero kakaiba din ang trip ng amo nyang ito. Ang gusto nito ay maghintay sya kung kelan nito matatapos pirmahan ang mga iyon saka pa lang sya pwedeng lumabas ng opisina. Nasasayang tuloy ang oras nya sa pag tanga sahalip na makapag trabaho pa sya.
“Wala, may ini-isip lang ako.” wala sa mood nyang sagot dito.
“Ano namang iniisip mo?” mukhang mas naging interesado pa ito sa iniisip nya kesa basahin ang mga dokumentong hawak nito.
“Basahin mo na yang mga yan ng mapirmahan mo na marami pa akong kailangan tapusin sa table ko.” pag iiba nya ng usapan pero makulit talaga ang amo nya.
“Ano nga munang iniisip mo? Diko to babasahin hanggat di mo sinasabi sakin.” napabuntong hininga naman sya sa kakulitan nito.
“Chismoso ka din noh? Iniisip ko lang yung pinag usapan namin ni lola kagabi. Gustong gusto nya na kasing magka jowa ako.” napasandal naman si Dark sa kanyang swivel chair at mataman syang tiningnan.
“So anong balak mo?” seryoso nitong tanong sakanya.
“Yon na nga eh! Para bang ganon lang kadali ang gusto ni lolang mangyari! As if naman parang item lang yon sa isang mall na pwedeng bilihin.” tumaas naman ang sulok ng labi ni Dark.
“Masyado ka kasing chosey! Napaka pihikan mo.”
“Eh sa wala pa akong nakikitang lalaki na pasok sa standards ko.”
“Ano ba kasing gusto mo sa lalaki?” seryoso nitong tanong sakanya.
Nag isip naman sya. "Gusto ko syempre yung gwapo, matured mag isip at may maayos na trabaho. Responsable at higit sa lahat ay hindi babaero." wika nya tila pinatatamaan ang kanyang Boss. Pagak namang natawa si Dark.
“Eh ako naman yang denidescribe mo.”
“Kilabutan ka nga! Ang sabi ko hindi babaero sir!” paglilinaw nya.
Sa totoo lang pasok na sana si Dark sa criteria na gusto nya sa isang lalaki maliban na lang talaga sa pagiging babaero nito.
“Correction Aia hindi ako ang lumalapit sa mga babaeng sinasabi mo sila ang lumalapit saakin at nag hahain ng sarili nila saakin. May kasabihan nga na palay na ang lumalapit sa manok. Lalaki din ako may sexual na pangangailangan-”
“Hay! Oo na sir! Bahala ka na nga dyan.” putol nya sa sasabihin nito. Tumayo na sya para lumabas ng opisina.
“Hoy! San ka pupunta?” Sita nito sakanya.
“Sa pantry sir igagawa kita ng kape para naman kabahan ka sa pinagsasabi mo.” lumabas sya sa opisina. Hindi nya na talaga kinakaya ang mga kalaswaan sinasabi ng Boss nya. Ayaw na ayaw nyang pinag uusapan ang sex life nito naiinis lang sya dito.
Sa pantry area muna sya nagpalipas ng kanyang oras bago napag pasyahan na igawa ng kape ang kanyang amo. Nakapag isip narin sya ng ilang solusyon sa problema nya.
Dala nya na ang kape sa opisina nito. Mukhang tapos na rin naman itong pirmahan yung mga documents na kailangan nya dahil sa laptop na ito naka focus.
Inilapag nya ang kape nito sa mesa.
“Sir Dark” tawag nya dito para kunin ang atensyon nito. Tumingin naman ito sakanya.
“what?” tanong nito sakanya. Nakita nito ang kape na Inilapag nya kaya kinuha nito iyon para inumin.
“What if magpa buntis na lang ako?” naibuga naman ni Dark ang kape dahil sa sinabi nya. Maagap naman syang lumapiy dito at pinunasan ang kumalat na kape sa table nito.
“Ano ka ba naman! Bagong kulo lang kasi yan!” pa galit nya dito.
“Ano ba kasing pinagsasabi mo Aia? Kanino ka naman magpapabuntis? Nababaliw ka na ba?” galit ang tono nito at salubong ang mga kilay.
“Kahit kanino. Naisip ko kasi Dark na ang iniisip lang naman ni lola ay yung may makakasama ako sa pag tanda. Eh kung ang ikinakatakot nya ay yung hindi na ako makapag buntis dahil sa edad ko eh magpapabuntis na lang ako. Ayoko rin naman kasi na mag asawa lang dahil na pe-pressured ako sa sitwasyon. Baka mamaya yung mapangasawa ko eh maging sakit lang ng ulo ko diba?” mahaba nyang paliwanag dito na tila hindi naman natutuwa si Dark sa mga sinasabi nya.
Hindi maipinta ang pagmumukha ni Dark. Salubong ang mga kilay nito.
“Itigil mo na yang kalokohan mo Aia. That's not a good idea! Bumalik ka Na sa cubicle mo!” galit na Saad nito na ipinagtaka nya naman.
Ano bang problema non?
“Eh bat ba nagagalit ka dyan?” inis nyang tanong dito.
Iniabot nito sakanya ang ilang papeles. “Aralin mo yan at i-sumarized mo! I need that before 5pm.” Pag iiba nito ng usapan. Nakita nya naman kung gaano kakapal ang mga iyon kaya napatanga sya.
“Seryoso ka ba eh ang kapal kapal nito. Imposibleng matapos ko ito agad.” reklamo nya pa rito. Tila naman wala na sa mood ang kausap nya kaya tinapunan sya nito ng masamang tingin.
“Mukha ba akong nagbibiro sayo Aia? Pumunta ka na sa table mo at gawin mo na yan hindi yung kung ano-anong katangahan ang iniisip mo dyan.” galit nitong saad. Sa tagal ng panahon ay ngayon lang sya nito napag sabihan ng hindi magandang salita kaya naman masyado syang na offend sa sinabi nito.
Padabog nyang kinuha ang mga papeles at lumabas ng opisina ni Dark.
Dahil tinambakan sya nito ng gawain ay hindi na nya naisipan pang mag lunch. Kailangan daw kasi nyang matapos i-summarize ang mga yon before 5pm. Magagawa nya lang iyon kung hindi sya mag be break time. Buti na lang at kahit papano may dala sya palaging crackers sa bag nya. Iyon na lang ang kakainin nya.
Habang nag eencode ay isang paper bag ang Inilapag ng isang tao sa harapan nya. Nang mag angat sya ng tingin ay si Dark iyon.
“Past one na. Wala ka bang balak kumain ng lunch?” kumpara kanina ay mahinahon na ang boses nito. Hindi nya ito pinansin at nag tuloy lang sa kanyang ginagawa. Hindi naman umalis ang lalaki sa harapan nya.
“Busy ako sir Dark. Kailangan ko pang ipasa ito sayo bago mag 5pm.” sarkastiko nyang sagot dito.
Dahil sa sinabi nya ay kinuha nito ang laptop nya at itiniklop. Inalis rin nito ang mga gamit na nakapatong sa table nya. Napa awang ang bibig nya. Ano na namang trip nito?
“Kumain ka muna.” matigas nitong utos saka binuksan ang paper bag at inilatag sa harap nya ang mga pagkaing binili nito. Napatanga naman sya dito ng makita nyang puro paborito nyang pagkain ang binili nito. Kumuha ito ng isa pang upuan at naupo sa harap nya. Kumalam naman ang sikmura nya ng maamoy ang ulam na ihinatag nito sa lamesa.
Nainis sya sa sarili nya dahil unti-unti syang ginugupo ng karupukan. Kahit kasi gusto nyang magmatigas at wag kumain ay hindi nya kayang pag labanan ang masarap na aroma ng pagkaing nasa harapan nya lalo na gustong gusto nya ang mga iyon.
“Wagka ng magpakipot. Gutom na rin ako kaya kumain na tayo.”