Matapos ang tatlong taon ay bumalik mula sa abroad si Cerise Harrod dahil sa balitang malubhang kalagayan ng ina. Ngunit hindi niya akalaing sasalubungin siya rin siya ng divorce agreement ng kanyang asawa, sa papel. Sigmund Beauch. Pangalan palang nito ay nag-uumapaw na ng karisma. Kilalang businessman at metikuloso sa kanyang ginagawa. Para sa kanya-kanyang hiling ay nagpakasal sila, na naging hadlang sa tunay na pag-ibig ni Sigmund sa kanyang tunay na kasintahang si Vivian. Matapos ang sunod-sunod na di-inaasahang mga pangyayari at tila sinadyang mga pagtatagpo, matutuklasan kaya ni Cerise ang lakas ng pagiging malaya, o mapagtatanto kaya ni Sigmund kung ano ang posibleng mawala sa kanya?
Lihat lebih banyakTatlong taon na mula noong pumunta ng abroad si Cerise. Bumalik siya ng bansa matapos madiagnose ng stage four lung cancer ang kanyang ina. Tatlong taon pagkatapos ng kanilang kasal, pinayagan siya ng asawa niyang lumabas ng bansa sa kadahilanang para ito sa kanyang pag-aaral, na ang katotohanan talaga naman ay takot lamang ito na baka maging hadlang lamang siya sa pagmamahalan ng totoo niyang nobya.
Sigmund Beauch.
Pangalan palang ng kanyang asawa ay labis nang nag-uumapaw ng alindog, husay, at rikit na halos ‘di niya maipaliwanag. Hindi katanungan ang pagkahumaling ng kababaihan dito at alam niya sa sarili niya na kahit siya ay hindi magiging karapat-dapat sa katangiang likhang pinerpekto ng langit. Pinagpala ngang lubos ang taong minamahal nito at kailanma’y hindi magiging siya.
Ang dating arogante at puno ng pagmamalaking prinsesa ay naging maamo at mapagkumbaba. Ngayong siya ay nagbalik, alam niyang ito na ang tamang panahon upang tapusin ang kanilang pagkukunwari.
Habang nasa malalim na pag-isip ay napalingon siya nang pumasok ito sa loob. Isang lalaking nakasuot ng malinis at maayos na itim na tuxedo. Ang tela nito ay tila yumayakap sa kanyang matikas na pangangatawan, binabalangkas ang bawat kurba at angkin nitong perpektong proporsiyon. Ang kulay na itim ay tila nagbigay-diin sa kanyang maputing balat na parang isang Magandang kontras. Ang buhok na maayos na nakasuklay na may kakaibang kinang na tinatamaan ng repleksyon ng panghapong araw. Tindig niya palang ay di mo na iisipin pang lumapit sa kadahilanang mas lalo ka lang manliliit sa tila bang perpektong nilalang sa iyong harapan.
Nanlaki ang mata ni Cerise sa mga naisip. Lumayo siya sa bintana kung saan siya nakatayo kanina habang lalong bumibilis ang tibok ng puso niya sa bawat hakbang na ginagawa nito palapit sa kanya.
Pagkatapos ng tatlong taon ay mas lalo ngang gumwapo ito. Naglakad lamang ito hanggang sofa at huminto, umupo siya at inayos ang kanyang kurbata. Napayuko siya sa hiya, bakit nga ba naman siya lalapitan nito?
“Nakausap mo na ba si Mama?” ani nito, tinutukoy ang kanyang ina. Hindi man lang siya tiningnan nito.
Automatic naming tumango si Cerise. “Oo.”
“Tingnan mo ‘to.” Sumandal ito sa sofa at inilabas ang isang papel mula sa isang brown envelope at inilagay sa mesa. Tiningnan lang it oni Cerise, alam niyang tama ang hinala niya sa kung ano ang laman nito.
Hindi pa matagal nang makita niya ang isang article sa Internet tungkol kay Sigmund at sa nobya nito at ang usap-usapang ang dalawa ay lihim na kinasal. Lumapit siya sa dokumentong nasa mesa at binuksan ito.
Dalawang salita, Divorce Agreement, ang nakadisplay sa harapan niya. Masaya siyang handa na siya sa sitwasyong ito. Ngumiti siya at sinabing, “I agree.”
Napatingin naman sa kanya si Sigmund, “Sit down and talk.”
Sinunod niya naman ito at umupo sa sofa katawid sa kinauupoan niya. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya na di magpakita ng anumang emosyon na maaring maging dahilan ng anumang diskusyon. Tahimik niyang binasa ito, nakasaad dito na binibigyan siya nito ng dalawang ari-arian, na makakabuti naman sa kanya.
Matapos niyang basahin ito ay ngumiti siya, “May ballpen ka ba?”
“Hmm?” Napailing ito, mukhang nabingi ata siya at mali ang narinig niya.
“Ano pang hinihintay mo? Pumirma ka na.” Isang malumanay lamang na ngiti ang binalik ni Cerise sa tila walang kaalam-alam na Sigmund. Tinitigan niya lang ito nang matagal, at kalauna’y umusog papunta sa drawer upang kumuha ng ballpen para sa kanya.
Pagkaabot niya dito ay agad na pinirmahan ni Cerise ang divorce agreement na di man lang nag-aalangan. “Done!”
“Hindi na makapaghintay si Vivian, she wants a perfect ending.” Paliwanag ni Sigmund.
Sumikip ang dibdib ni Cerise. ‘Kaya niyang isakripisyo ang lahat para sa kanya’ naisip nito.
“I understand!” Tumango si Cerise habang masiglang nakangiti.
Natahimik si Sigmund hanggang sa inabot sa kanya ni Cerise ang dokumento, tinanggap niya ito ngunit nang pipirma na sana siya ay napatingin siya dito, “You can make any request at gagawin ko ang lahat upang maibigay iyon sa iyo.”
“I am already satisfied with this. Sobra na noong ipinagamot mo si Mama noon at kahit ngayon ikaw pa rin ang nagbabayad ng hospital bills, maraming salamat.” Sagot ni Cerise.
Tila naman nagiging mabigat ang hangin sa paligid kaya napayuko si Sigmund. Hindi niya maiwasan na hindi humanga sa napakagandang sulat-kamay nito. Wala sa sariling ilinapag niya ang dokumento dahil sa biglaang inis na naramdaman, “Magkikita pala kayo ni Vivian bukas.”
Nakita ni Cerise na hindi niya ito pinirmahan. “Okay.”
“Kung magtanong nga siya kung may gusto kang iba, sabihin mong meron.”
“Okay.”
“Dapat maniwala siya para maging masaya siya.” Tila ba utos nito.
“Okay.” Namanhid na siya kasasagot.
Sa puntong iyon, may naisip si Sigmund ng isang walang kwentang ideya, o nag-aalangan lamang siya na pirmahan ang dokumento.
“Can you help me run the bath water? Kung okay lang sa’yo.”
Malamig na sabi nito.
Nagulat si Cerise sa sinabi nito, ngunit nang makita niya ang walang kaemo-emosyon nitong mata, ay napagtanto niyang imposibleng may ibang kahulugan ito. Siya ay inuutusan nito, iyon lang at wala nang iba. Gusto niyang matawa sa sarili, ba’t ba siya mag-iisip ng ganun?
‘Si Vivian lang ang gusto ni Sigmund!’ Sigaw niya sa isip upang ipaalala sa kanyang sarili.
Habang paakyat sa itim nak ahoy na hagdan, paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na maging makatwiran sa kanyang isip at gawa. Ito ang pangalawang beses niya sa kwartong ito mula nung gabi ng kanilang kasal.
Simple lang ang kwarto, katulad ng nasa baba, putting cabinet, itim na sahig, higaan, bedside cabinet, sofa, at wala nang iba. Natulog siya sa sofa sa gabi nang kanilang kasal, at yun lang ang gabing nagkasama silang dalawa, na sila lang, walang iba.
Ano nga ba ang magiging buhay niya pagkatapos ng divorce? Si Sigmund, syempre magpapakasal sila ni Vivian. Magiging masaya sila, at baka magkaanak kalaunan. Siya? Anong bukas nga ba ang mayroon para sa isang katulad niya? Hindi niya maisip na magpakasal ulit. Nalulungkot lamang siya na hindi na niya mailalagay ang pangalan niya katabi sa pangalan nito dahil magiging pwesto na ito ni Vivian, ang natatanging babaeng mahal ni Sigmund.
Napaupo siya sa gilid ng bath tub habang hinahaplos ang tubig. Naalala niya kung paano dumating si Sigmund nang magpkamatay ang Papa niya, at nang madiagnose ng stomach cancer ang ina niya.
“Tapos ka na ba?”
May malamig ngunit malalim na boses ang nagmula sa likod niya. Napalingon siya dahil sa bigla at dumulas ang kamay nito sa loob ng bath tub. Nawala siya sa balanse at nabasa ang buong katawan niya.
Tumambad sa harapan ni Sigmund ang basang puting shirt at denim niyang pantalon. Dahil sa puti niyang suot, klarong-klaro ang itim niyang underwear.
Si Sigmund ay may mysophobia o labis na takot o pagkabalisa sa dumi, mikrobyo, o anumang uri ng kontaminasyon. Alam ito ni Cerise at ang kanyang dismayadong mukha ang huling bagay na nais niyang makita. Baka biglaan pa nitong papalitan ang bath tub o mismong ang silid.
Chapter 155: The Ties that BindLumabas si Vivian na naka-kumikinang na bestida na parang nagre-red carpet.Mahinang bumulong si Kara, “Birthday party ito, hindi fashion show.”Napabuntong-hininga si Izar sa tabi niya. “Darating talaga kung kailan okay na sana.”Nakuha ni Vivian ang lahat ng atensyon nang dumating.Minsang nagduda ang lahat, sino ba talaga ang tunay na misis ng tagapagmana ng mga Beauch?Diretso si Vivian kay Sigmund, pumasok sa pagitan nila ni Cerise, at hinawakan ang braso niya.Napababa si Sigmund ang tingin, tumingin kay Izar, “Ipasama mo si Vivian sa loob.”Tumango si Izar, “Vivian, nandito ang mga kaibigan natin sa taas. Samahan na kita.”“Nais ko pa ring magpakita ng respeto sa may kaarawan,” malambing na sabi ni Vivian habang nakakapit pa rin kay Sigmund.Napatingin si Sigmund kay Cerise at sumenyas.“Sasama na ako kay Kuya Izar sa taas.”Ngunit hinawakan ng kamay ni Mrs. Beauch ang pulso niya.“Bakit ka pa lalabas? Dito ka lang hangga’t hindi natatapos ang pa
Samantala, nasa Ficos na si Sigmund at Izar, abala sa huling confirmation ng programa para sa banquet.Pagkatapos ng update, nag-ring ang cellphone ni Sigmund. Nang makita ang caller ID, agad niya itong sinagot.“Nakuha ko na.”Mabilis niyang binaba ang tawag. Walang bakas ng emosyon sa mukha.Tiningnan siya ni Izar. “Sino ‘yon?”“Director ng TV station. Paalis si Cerise bukas ng umaga.”“Ha?”“Yung nagsabi sa akin na hindi siya pupunta sa training.”Natahimik si Izar. Pinagmasdan niyang mabuti si Sigmund na kanina pa hawak ang wine glass at hindi ito iniinom samantala, halos laklakin niya nalang ang bote.Hindi naman maalis ang titig ni Sigmund sa alak na hawak. Pakiramdam niya’y nakikisimpatya ito sa nararamdaman niya ngayon.Mapait. Mapakla.Pero palagi naman siyang nahuhumaling sa pait.“Sigmund,” mahinang tanong ni Izar matapos ang ilang sandaling katahimikan. “Gusto mo ba siyang pigilan?”“Manatili. Gusto kong manatili siya.”Mahinang sinabi ni Sigmund, ngunit may bigat na nagpa
Tumingala si Cerise, inilapag ang baso, at binuksan ang kahon.Isang diamond necklace. Mamahaling-mamahalin.Kinuha ito ni Sigmund at inabot sa kanyang leeg. “Taas mo buhok mo.”Hindi gumalaw si Cerise.“Bilisan mo, nanghihina kamay ko,” utos nito.Awtomatikong tinaas ni Cerise ang kanyang buhok. Isinuot ni Sigmund ang kwintas.Habang nakabuyangyang ang kanyang leeg, suminghot ng hangin si Sigmund, amoy na amoy ang halimuyak niya.Matapos maisuot, ibinaba ni Cerise ang buhok niya at tumingin sa kanya. “Bakit mo ako binigyan ng ganito kamahal?”“Pinakamura na ‘yan sa mga gamit ko.”Napayuko si Cerise.Alam niyang hindi ‘yon totoo. Oo, mayaman siya. Pero ang kwintas na ito, sigurado siyang aabot sa milyon.“At least masusuot mo sa birthday party ni Papito bukas.”Pinaharap siya ni Sigmund. Hinawakan ang diyamante sa gitna ng kuwintas at bahagyang ginulo ang buhok niya habang hawak ang batok nito.“Hindi ako pupunta sa birthday party bukas.”Mahinang bumigkas si Cerise, saka umikot sa pa
"Sigmund, pagkatapos ng gabing ‘to, hindi na tayo magkikita ulit. Naiintindihan mo?"Mabilis na itinapon ni Cerise ang kanyang damit sa sahig, damit na kanina lang ay kanya pa. Ang itim na suspenders na suot niya ay hindi sapat para takpan ang balingkinitan niyang mga balikat o ang mapuputi’t makinis niyang balat na tila umiilaw sa liwanag ng kwarto.Tahimik lang si Sigmund habang nakatitig sa kanya, lalo na sa maliliit nitong kamay na hawak-hawak ang magkabilang gilid ng kanyang silk suspenders. Sa iba, maaaring ang eksenang ito'y mapanukso, malamig ang ekspresyon ng babae, pero mainit ang itsura.Wala ni kaunting pagnanasa sa mga mata ni Cerise. Parang wala lang siyang kasamang lalaki sa silid. Tahimik lang niyang hinubad ang manipis niyang saplot.Mapula ang kanyang pisngi, pati na rin ang kanyang mga tainga. Mapusyaw at kulay-rosas ang kanyang balat, tila isang malinis na canvas. Pero sa kabuuan, ang bumalot sa kanya ay malamig na distansya. Yelo.Bumagsak ang kanyang mahabang buh
Tumayo si Sigmund at siya na mismo ang kumuha ng pambukas ng alak. Hindi namalayan ni Cerise na inabot niya ang bote para alalayan ito.Isang mabilis na sulyap ang ibinigay ni Sigmund sa kanya bago niya binuksan ang bote.Pagkalaglag ng takip, hinawi ni Cerise ang kamay ni Sigmund, na para bang sapat na ang tulong niya.Tahimik na pinanood nina Kara at Percy ang tila hindi malinaw na pakikiisa ni Cerise kay Sigmund. May kanya-kanya silang iniisip, pero walang gustong magsalita.Isa-isang nilagyan ni Sigmund ng alak ang mga baso, kay Kara muna, tapos kay Percy, at sa huli, ginamit niya ang baso ni Cerise para sa sarili.“’Yung huling baso, iinumin ko para sa kanya, kasama kayo. Tapos aalis na tayo,” aniya sa magaan ngunit kontroladong tinig.Doon lang naisip ni Kara kung paano talaga maging isang tunay na ginoo.Bawat kilos ni Sigmund ay may kasamang uri ng hindi maipaliwanag na karangalan, hindi lang dahil siya ang pinakamayaman at pinaka-makapangyarihan sa lugar na iyon, kundi dahil
Pagkatapos ng tawag na iyon noong gabi, hindi na muling nagparamdam si Sigmund kay Cerise, hanggang sa bisperas ng Pasko.Sa Facebook, isang simpleng pagbati ang dumating.Isang voice message.Nag-alinlangan si Cerise kung ikiklik ba ito o papabayaan niya nalang. Sa wakas, pinili niyang pakinggan ito, pero sa sobrang kaba, nanginig ang kanyang kamay, kaya’t bigla na lang itong tumugtog.Ang mababa at magnetikong tinig ni Sigmund ay marahang bumulong, parang para lang sa kanya: “Happy Christmas Eve.”Napakapit si Cerise sa kanyang cellphone. Isang pulgadang layo ng hinlalaki niya mula sa screen, pero hindi niya ito ginagalaw. Nakatitig lang siya doon, habang kumakabog ang kanyang puso.Naisip pa niyang magpadala ng pagbati pabalik, para ipakitang ayos lang siya. Na hindi siya kinakabahan.Pero sa huli, tahimik niyang inilapag ang cellphone sa mesa, at hindi na nagsalita pa.Maya-maya, nabuhay ang katahimikan ng kanyang tahanan. Dumating sina Percy at Kara, may dalang red wine at inihaw
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen