Aia's POV
“Bye! Ingat.” paalam ko saaking boss matapos ako nitong ihatid sa bahay. Mula pa noon ay isinasabay na nya ako sa pag uwi. Pabor naman sakin yon dahil makakatipid ako sa pamasahe at iwas hassle na rin sa pag commute. Pag harap ko naman sa aming bahay ay nakita ko naman ang aking lola na naka silip sa aming bintana.
“Ang Boss mo ba iyon Aia?”
Bungad nya saakin ng pag buksan nya ako ng pintuan.
“Opo la.” nag mano muna ako kay lola bago pumasok sa loob. Sumunod naman saakin si lola.
“Kumain ka na ba?” kinuha nito ang mga dala ko at iniligpit. Naupo naman ako sa aming sofa.
“Opo lola kumain na kami ni Sir Dark bago umuwi.” ngumiti naman ang aking lola na tila nasisiyahan saaking sinabi.
“Alam mo ija natitiyak kong may gusto saiyo yang boss mo.”
Agad ko namang kinontra si lola.
“Lola ilang beses ko po bang sasabihin na walang malisya yon kay sir Dark. Mabait lang po. Saakin yung tao.”
“Apo ano bang masama sa sinasabi ko? May katarata ba yang mata mo bakit hindi mo makita ang intensyon saiyo ng Boss mo? Walang lalaking mag tatyaga sayo mag hatid sundo ng walang ibang ibig sabihin. Ayaw mo lang imulat ang mga mata mo sa katotohanan na gusto ka ng Boss mo.” heto na naman kami. Sa tuwina ay ipinagpipilitan nito na may gusto saakin si Sir Dark.
“kapapanood mo yan ng telenobela lola. Siyam na taon ko na pong kasama si Sir Dark at alam ko na walang malisya sakanya ang pag hatid sundo nya saakin kasi dito rin naman ang daan nya papuntang work. Isa pa lola secretary nya ako. Wag nyo po bigyan ng malisya ang madalas naming pagsasama kasi trabaho lang po yon.” paliwanag ko na naman sakanya. Ilang beses ko na kasi ipinaliwanag ang bagay na yon kay lola pero lagi nya pa ring ipinagpipilitan na may gusto si Sir Dark saakin.
“Eh kung ganoon kung wala kang gusto sa amo mo at wala syang gusto saiyo bakit hanggang ngayon ay hindi ka parin nag bo-boyfriend. Aia 29 ka na.”
Naitirik ko na lang ang aking mata. Heto na naman kami saaking edad!
“Eh hindi ko pa nga kasi nakikita ang lalaking gusto kong mapangasawa lola.”
“Eh paano mo nga makikita kung yang boss mo ang lagi mong kasama? Bakit ba kasi hindi na lang kayo ng boss mo bagay naman kayo?”
“lola ano po bang sinasabi nyo dyan? Si Sir Dark ay mayaman. Sobrang yaman! Tagapag mana ng lahat ng business nila. Ako lola secretary Lang nya. Imposible yang gusto nyong mangyari. Isa pa hindi ako ang type ni Boss at hindi rin sya ang type ko.Babaero yon lola! Wala yong si siniseryosong babae.. Tinitikman nya lang tapos good bye na!” dire-diretso kong sabi. Huli na ng marelize ko na naibuking ko na ang sikreto ng malandi kong Boss.
“Talaga bang Babaero yon?” hindi makapaniwalang tanong ni lola na parang naging interesado sa isiniwalat ko. Naupo na ito sa single sofa at mukhang balak pang alamin ang iba pang bagay tungkol sa amo ko.
“Opo lola. Ako lang naman ang inuutusan non na mag hatid ng mga bulaklak sa mga babe non. Kaya doon pa lang malinaw ng walang gusto saakin ang boss ko at ganon din naman ako sakanya. Ayoko nga don lola! Ayoko sa lalaking kung sino-sino na ang nagalaw noh!” mukhang nakumbinsi ko naman si lola sa sinabi ko dahil biglang umasim ang mukha nito sa mga ipinagtapat ko.
Sorry boss hindi ko naman talaga balak siraan ka kay lola.. Pero yon naman ang totoo eh.. Para na rin matigil si lola sa pangungulit nya.
“Ang akin lang naman ija eh matanda na ako.. Gusto ko lang naman eh bago ako mamatay ay makita kitang magkaroon ng makakasama sa buhay. Ayokong iwan kang mag isa. Pag pasensyahan mo na kung nagiging makulit ang lola at inaapura na kitang mag asawa.”
Bata pa lang ako ng mamatay ang mga magulang ko sa aksidente. Nag iisang anak lang ni lola ang tatay ko kaya wala akong mga pinsan. Nag iisang anak lang din ako ni tatay kaya wala rin akong kapatid. Apat na taong gulang pa lang ako ng bumangga ang tricycle na sinasakyan ni Tatay at Nanay sa isang truck na nawalan ng preno. Kalunos lunos ang sinapit nila na halos magka durog durog na ang kanilang katawan.
Si Lola ang nagtaguyod saakin. Siya ang tumayo kong ama at ina. Kaming dalawa lang ang magkasama sa buhay. Naiintindihan ko na inaalala nya ako kapag nawala na sya. Pero ang isiping mawawala ang aking lola ay bagay na hindi ko yata kakayanin. Hinawakan ko ang kamay ni lola.
“Lola wag ka namang magsalita ng ganyan.. Hindi ko kakayanin na mawala ka. Wag ka pong mag alala mag aasawa din po ako.”
Yinakap naman ako ni lola.
Alas dyes na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Naglalaro sa isipan ko ang napag usapan namin kanina ni lola.
Paano nga naman ba ako makakapag asawa eh buong oras ko ay nauubos na lang sa pag tatrabaho. Kung may free time man ako o day off ay mas pinipili ko na lang ang mag pahinga sa bahay dahil nakakapagod lang ang mag gala at gastos lang. Isa pa ay hindi naman ako talaga mahilig maglalabas ng bahay. Mas masarap pang matulog na lang maghapon.
Iniisip ko kung paano ako makaka kilala ng mapapangasawa. Asawa agad? Hindi ba pwedeng jowa na lang? Sa opisina wala naman akong matipuhan. Kung di masyadong bata ang empleyado saamin ay may mga edad na at pamilyado na. Ayoko naman maging kabit o kaya ay maging sugar mama. Sa kakaisip ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.