Share

Kabanata 5

Penulis: Miss A.
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-08 12:52:33

Aia's POV.

Wala na nga akong nagawa kundi daluhan sa pagkain ang boss kong sala sa lamig sala sa init ang mood swing. Palalagpasin ko muna ang sama ng loob ko sakanya. Gutom na rin kasi talaga ako kanina pa.

“Sorry na.” napa angat naman ako ng tingin sakanya. Sinsero ang mukha nito sa pag sabi ng sorry. May kung anong kakaibang emosyon ay humaplos sa aking puso dahilan para bumilis ang tibok niyon. Maagap akong uminom ng tubig para mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko.

“I said I'm sorry.” malambing nitong saad. Bigla akong nakaramdam ng panlalambot. Para akong tinutunaw sa mga titig nyang punong puno ng pagsusumamo.

Aia ano bang nangyayari sayo? Saway ko sa sarili ko. Tumikhim ako para tanggalin ang bara saaking lalamunan.

“O-okay na! Sige na pinapatawad na kita!” kunwari ay naiinis kong saad para lang alisin ang kakaibang damdamin na hindi ko maipaliwanag.

Ngumiti naman sya saakin ng napaka tamis kaya naman muli na naman nag hurimentado ang aking dibdib! Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi ko matagalan ang tumingin sa mukha nya kaya muli akong nag yuko at nag focus sa kinakain ko. Ganon din naman ang ginawa nya.

“Bukas mo na lang yan tapusin.” Napatanga naman ako sa sinabi nya. Babalik na sana ako sa natigil kong trabaho ng sabihin nya iyon.

“Akala ko ba kailangan mo na ito mamaya kaya minamadali mo ako?”

“Magpahinga ka muna kaka-kain mo lang. Bukas mo na lang ng tanghali ipasa yan. 1pm ko pa naman ipi-present yan kay Mr. Melendres.”

Tinaasan ko sya ng isa kong kilay.

“Bukas pa naman pala ng tanghali ito pero grabe ka mang pressure sakin.” naiinis kong reklamo.

"Kaya nga sorry na diba?” saad nya saka ako kinindatan na ikinatulala ko.

Namalayan ko na lang na nakapasok na sya sa kanyang opisina. Wala sa sarili akong napaupo saaking swivel chair. Ano bang nangyayari saakin? Hindi ko gusto itong kakaibang nararamdaman ko.

Para mawala ang mga gumugulo saaking isipan ay nag focus na lang ako sa pinagagawa ni Dark saakin. Kahit na sinabi nya ng bukas ng tanghali pa iyon kailangan ay ginawa ko na para naman ma divert ang atensyon ko sa ibang bagay.

“Wala ka pa bang balak umuwi?” si Dark iyon na nakadukwang saaking table.

Napatingin tuloy ako saaking wristwatch. 6pm na pala! Masyado akong naging abala sa ginagawa ko kaya hindi ko na malayang tapos na ang office hour.

“Diba sinabi ko naman na sayong bukas mo na ipag patuloy yan?” puna nya saakin ng makita ang monitor ng laptop ko.

“Wala rin naman kasi akong gagawin kaya tinatapos ko na para bukas ma check mo kung approve ba sayo.”

Naupo ito sa harap ng table ko.

“Kailan mo ba ako binigo?” hindi ko napigilang mapangiti sa compliment nya saakin.

“Kaya nga hayaan mo na muna akong tapusin na ito. Konti na lang matatapos ko na to.”

Wala naman syang nagawa kundi pag bigyan ako. Isang Oras pa siguro ang ginugol ko bago ko natapos ang trabaho ko. Napatingin ako kay Dark na noon ay nakapikit na naka upo sa couch.

Nilapitan ko ito para gisingin pero hindi ko alam kung bakit mas pinili kong maupo sa tabi nito at pag masdan ang mala anghel nitong mukha.

Kung titingnan ang mukha nito ay di mo aakalaing napaka terror nito sa mga subordinates nito maliban na lang saakin.

Masungit ito sa iba pero sa tagal ng panahon na nagtrabaho ako dito ay kanina nya lang ako napag salitaan ng ganon.

Madalas nyang pag bigyan ang mga gusto ko.

Mabait si Dark saakin. Hindi nya rin ako pinakitaan ng pagsasamantala kahit pa marami na syang babaeng naikama.

Napaiktad ako ng magmulat sya ng mata.

“Tapos ka na ba?” pupungas pungas nyang tanong. Ngumiti naman ako sakanya.

“Oo tapos na. Pasensya na kung pinaghintay kita.” He smiled at me.

Tumayo na sya. “Let's go nagugutom na ako.”

Bago nya ako ihinatid sa bahay ay dumaan na muna kami sa isang fast food chain. As usual ako Na naman ang nasunod sa kung saan ko gusto kumain at sya lagi ang taya. Ayaw nya naman kasing papayag na ako ang magbabayad ng pagkain namin. Ayaw na ayaw nyang magpapa libre, na pabor din naman saakin dahil madalas sa mamahaling restaurant nya gusto kumain. Ang mahal kaya ng mga pagkain don! Baka pag nilibre ko sya ay maubos ang sahod ko sa isang kainan lang namin.

Habang umoorder siya ay nag hanap na ako ng pwesto namin. Dumarami na rin kasi ang nag di-dine in Kaya baka mawalan kami ng lamesa.

“Ang gwapo nung guy noh!” narinig kong sabi ng babaeng kalapit ng table namin ni Dark.

“Oo ang hot nya bes! Nalalaglag ang panty ko!” kinikilig na sang ayon ng kasama nito. Kay Dark sila nakatingin kaya napa buntong hininga na lang ako. Kahit saan talaga may mga babaeng nababaliw dito.

Lalo pang kinilig ang dalawa ng papalapit na si Dark sa table namin. Parang mga bulateng inasinan ang mga babaeng kanyang na daraanan! Ang iba ay lantaran na ang pagpapa cute kay Dark na hindi naman sila pinapansin.

Inilapag na ni Dark ang pagkain namin. Kanda haba ang nguso ng mga babae ng makitang lumapit ito saakin.

“ay may girlfriend na.” dismayadong saad ng babaeng nakaupo malapit saamin. Ewan kung may pagka bingi ba itong si Dark at parang walang naririnig.

Napansin ko naman ang isang paper bag na naka take out.

“Mukhang may take out ka pa ah.” puna ko sakanya.

“Para sa lola mo yan. Ibigay mo sakanya mamaya.” sabi nito saka kumagat sa fried chicken. May Kung anong mainit na humaplos sa puso ko. Napaka bait talaga ni sir Dark kahit si lola ay hindi nya nakakalimutan. Ngumiti ako sakanya.

“Salamat.” nginitian nya naman ako pabalik dahilan para muling mag hurimentado itong puso ko.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Playboy Boss   Kabanata 206

    “Aira, apo lika na, kakain na muna tayo.” Ani Tyang Lena na pinaupo si Aira sa isang lamesa katabi ng inuupuan ko. Inasikaso nya ang anak ko para pakainin. “Susko, ako kaya ang nangyari kay Dark?” nag aalala na ring naiusal ni Lola Icay na napaantanda na. “Lola, nag aalala na po ako. Hindi ko na

  • My Playboy Boss   Kabanata 205

    AIA'S POV “Nagbibiro ka lang Shane diba? Prank ba to?” natatawa ngunit maluha luha kong turan. Paanong nawawala si Dark? Ano naligaw lang ganon? Pero may GPS naman ang kotse nya kaya paano syang maliligaw? Minsan na rin kaming nanggaling dito para icheck ang venue ng kasal namin, kaya imposibleng

  • My Playboy Boss   Kabanata 204

    Nakarating na ang lahat sa venue. Sinalubong na sila ng wedding coordinator na kanina pa naroon naghihintay sakanila. Si James at ang mag ina nya ang naunang dumating sa venue kaya nagpalinga linga sya sa paligid para hanapin kung nasaan si Dark. “Si Dark?” Tanong ni James sa coordinator. “Sir

  • My Playboy Boss   Kabanata 203

    3rd PERSON'S POV “OMG! Ang ganda mo na beshy!” nakaharap si Aia sa vanity miror at pinagmamasdan ang kanyang sarili sa salamin. Katatapos nya lang ayusan ni Shane. Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat.. Ang kasal nila ni Dark. “Sobrang ganda mo..” ulit pa ni Shane sa sinabi. Nang

  • My Playboy Boss   Kabanata 202

    “Hehe..” alanganing ngiti lang ang naisagot ni Aia sa kaibigan. Bumaling naman ito kay Dark. “kumpare, meron ka pa bang kaibigan na single dyan na kasing gwapo mo? Baka meron pa.. Pakisabi, kanyang kanya na tong virginity ko-” maagap namang tinakpan ni Aia ang bibig ni Shane. “Bibig mo naman gir

  • My Playboy Boss   Kabanata 201

    3rd PERSON'S POV “Pwede ba kitang makausap?” lumapit si Vince kay Dark. Nakakuha kasi sya ng pagkakataon para lapitan ito at magkausap sila ng sarilinan. Lumabas kasi si Dark ng bahay patungong garden upang manigarilyo. “Why?” malamig na tugon ni Dark. “Gusto kong personal na mag pasalamat sayo

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status