Share

Kabanata 4

Author: Miss A.
last update publish date: 2025-03-08 12:44:45

3RD PERSON'S POV

“Mukhang malalim ang iniisip mo, ah?” puna sakaniya ni Dark.

Nasa loob siya ngayon ng opisina nito at hinihintay siyang matapos pirmahan lahat ng dokumentong binabasa pa nito.

Pwede naman sana na tawagin na lang siya nito ulit kapag tapos na nitong aralin ang mga yon at pirmahan. Pero, kakaiba din ang trip ng amo niyang ito. Ang gusto nito ay maghintay siya kung kelan nito matatapos pirmahan ang mga iyon, saka pa lang siya pwedeng lumabas ng opisina. Nasasayang tuloy ang oras niya sa pag tanga sahalip na makapag trabaho pa siya.

“Wala, may ini-isip lang ako.” wala sa mood niyang sagot dito.

“Ano namang iniisip mo?” mukhang mas naging interesado pa ito sa iniisip niya kesa basahin ang mga dokumentong hawak nito.

“Basahin mo na yang mga yan nang mapirmahan mo na. Marami pa akong kailangan tapusin sa table ko.” pag iiba niya ng usapan, pero makulit talaga ang amo niya.

“Ano nga munang iniisip mo? Diko to babasahin hanggat di mo sinasabi sakin.” napabuntong hininga naman siya sa kakulitan nito.

“Chismoso ka din, noh? Iniisip ko lang yung pinag-usapan namin ni lola kagabi. Gustong-gusto na kasi n'ya namagkajowa ako.”

Napasandal naman si Dark sa kaniyang executive chair at mataman siyang tinignan.

“So anong balak mo?” seryoso nitong tanong sakaniya.

“Yon na nga eh! Para bang ganon lang kadali ang gustong manyari ni lola! As if naman, parang item lang 'yon sa isang mall na pwedeng bilihin.”

Tumaas naman ang sulok ng labi ni Dark. “Masyado ka kasing choosey! Napakapihikan mo.”

“Eh, sa wala pa akong nakikitang lalaki na pasok sa standards ko.”

“Ano ba kasing gusto mo sa lalaki?” seryoso nitong tanong sakaniya.

Nag-isip naman sya. "Syempre, gusto ko yung gwapo, matured mag-isip at may maayos na trabaho. Responsable at higit sa lahat ay hindi babaero." wika niya na tila pinatatamaan ang kaniyang Boss.

Pagak namang natawa si Dark. “Eh, ako naman yang deni-describe mo.”

Umasim naman ang mukha niya.

“Kilabutan ka nga! Ang sabi ko hindi babaero, Sir!” paglilinaw niya.

Sa totoo lang pasok na sana si Dark sa criteria na gusto niya sa isang lalaki maliban na lang talaga sa pagiging babaero nito.

“Correction Aia, hindi ako ang lumalapit sa mga babaeng sinasabi mo. Sila ang lumalapit sa akin at nag hahain ng sarili nila. May kasabihan nga na palay na ang lumalapit sa manok. Lalaki din ako — may sexual na pangangailangan—”

“Hay!!! Oo na, Sir! Bahala ka na nga dyan...” mabilis niyang putol sa sasabihin nito.

Tumayo na siya para lumabas ng opisina.

“Hoy! San ka pupunta?” Sita nito sa kaniya.

“Sa pantry, Sir. Igagawa kita ng kape para naman kabahan ka sa pinagsasabi mo.” lumabas siya ng opisina nito.

Hindi na niya talaga kinakaya ang mga kalaswaang sinasabi ng Boss niya. Ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan ang sex life nito. Naiinis lang siya dito!

Sa pantry area muna siya nagpalipas ng kaniyang oras bago napagpasyahan na igawa ng kape ang kaniyang amo. Nakapag isip narin siya ng ilang solusyon sa problema niya.

Dinala niya ang tinimplang kape sa opisina nito. Mukhang tapos na rin naman itong pirmahan yung mga documents na kailangan niya dahil sa laptop na ito naka-focus.

Inilapag niya ang kape nito sa mesa.

“Sir Dark..” tawag niya dito para kunin ang atensyon nito.

Tumingin naman ito sa kaniya.

“What?” tanong nito sakanya.

Nakita nito ang kape na inilapag niya, kaya naman kinuha nito iyon para inumin.

“What if, maghired ako ng lalaki at magpabuntis na lang?” kausap niya dito.

Agad naibuga ni Dark ang kape dahil sa sinabi niya. Maagap naman s'yang lumapit dito at pinunasan ang kumalat na kape sa table nito.

“Ano ka ba naman! Bagong kulo lang kasi yan!” pa galit niya dito.

“Ano ba kasing pinagsasabi mo, Aia? Kanino ka naman magpapabuntis? Nababaliw ka na ba?” galit ang tono nito at salubong ang mga kilay.

“Kahit kanino. Naisip ko kasi, Sir Dark, na ang iniisip lang naman ni lola ay yung may makakasama ako sa pag tanda. Eh, kung ang ikinakatakot n'ya ay yung hindi na ako mabuntis dahil sa edad ko... Eh, di magpapabuntis na lang ako. Ayoko rin naman kasing mag-asawa lang dahil na pe-pressured ako sa sitwasyon. Baka mamaya yung mapangasawa ko eh, maging sakit lang ng ulo ko, diba?” mahaba niyang paliwanag dito.

Tila hindi naman natutuwa si Dark sa mga pinagsasabi niya dahil salubong ang mga kilay nito at hindi maipinta ang pagmumukha.

“Itigil mo na yang kalokohan mo, Aia. That's not a good idea! Bumalik ka na nga lang sa cubicle mo!” galit nitong taboy sa kaniya na ipinagtaka naman niya.

Ano bang problema non?

“Eh, bat ba nagagalit ka dyan?” inis niyang tanong dito.

Sa halip ay iniabot nito sa kaniya ang ilang papeles.

“Aralin mo yan at i-summarize mo! I need that before 5 PM.” Pag-iiba nito ng usapan.

Halos malalaglag ang panga niya nang makita kung gaano kakapal ang papeles na ipinapa-summarize nito sa kaniya.

“S-Seryoso ka ba? Eh, ang kapal kapal nito... Imposibleng matapos ko 'to agad.” reklamo niya pa rito.

Tila wala na sa mood ang kausap niya kaya tinapunan siya nito ng masamang tingin.

“Mukha ba akong nagbibiro sayo, Aia? Pumunta ka na sa table mo at gawin mo na yan. Hindi yung kung ano-anong katangahan ang iniisip mo dyan!” galit nitong saad.

Sa tagal ng panahon ay ngayon lang siya nito napagsabihan ng hindi magandang salita, kaya naman masyado siyang na offend sa sinabi nito.

Padabog niyang kinuha ang mga papeles at lumabas ng opisina ni Dark.

Dahil tinambakan siya nito ng gawain ay hindi na niya naisipan pang mag-lunch break. Kailangan daw kasi niyang matapos i-summarize ang mga yon, before 5 PM. Magagawa niya lang iyon kung hindi sya magbe-break time. Buti na lang at kahit papaano ay may dala siya palaging crackers sa bag niya. Iyon na lang ang kakainin niya.

Habang nag-eencode ay isang paper bag ang Inilapag ng isang tao sa harapan niya. Nang mag l-angat s'ya ng tingin ay si Dark iyon.

“Past one na. Wala ka bang balak kumain ng lunch?” kumpara kanina ay mahinahon na ang boses nito.

Hindi niya ito pinansin at sa halip ay nagpatuloy lang sa kaniyang ginagawa. Hindi naman umalis ang lalaki sa harapan niya.

“Busy ako, Sir Dark. Kailangan ko pang ipasa sayo mga 'to bago mag 5 PM.” malamig niyang sagot dito nang hindi man lang nag-aabalang sulyapan ang kausap.

Patuloy lang siya sa pagtitipa sa laptop.

Dahil sa sinabi niya ay kinuha nito ang laptop niya at itiniklop. Inalis rin nito ang mga gamit na nakapatong sa table niya.

Napaawang ang bibig niya. Ano na naman bang trip nito?

“Kumain ka muna.” matigas nitong utos saka binuksan ang paper bag at inilatag sa harapan niya ang mga pagkaing binili nito.

Napatanga siya rito nang makita niyang puro paborito niyang pagkain ang binili nito. Kumuha ito ng isa pang upuan at naupo sa harap niya. Agad namang kumalam ang sikmura niya nang maamoy ang ulam na ihinatag nito sa lamesa.

Nainis siya sa sarili niya dahil unti-unti siyang ginugupo ng karupukan. Kahit kasi gusto niyang magmatigas at wag kumain ay hindi niya kayang pag labanan ang masarap na aroma ng pagkaing nasa harapan niya, lalo na at gustong gusto niya ang mga iyon.

“Wagka nang magpakipot. Gutom na rin ako kaya kumain na tayo.” anito.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (16)
goodnovel comment avatar
Caren Rendon
bumabalik ako sa pag teenager...
goodnovel comment avatar
Savannah Jean Orilla
ang ganda na story
goodnovel comment avatar
8514anysia
ayieeee, grbe kilig q s chap n to🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Playboy Boss   Kabanata 1354

    “Ikaw naman Jamaicah Jimenez, tinatanggap mo ba si Dark Angel Oxford bilang asawa mo? Ipinapangako mo bang mananatili ka sa kanya sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, mamahalin mo siya at igagalang sa lahat ng araw ng iyong buhay?” Gaya niya ay humarap din ako sa kaniya at maluha-luhang ngu

  • My Playboy Boss   Kabanata 1353

    [A Month Later…] JAMAICAH’S POV Nanlalamig ang aking mga kamay habang mahigpit na nakahawak sa puting bouquet ng mga rosas, dahan-dahan akong naglalakad sa pulang karpet papalapit sa Altar kung saan matyagang naghihintay sa akin si Dark Angel, kasama ang best man niyang si Vio. He’s wearing a

  • My Playboy Boss   Kabanata 1352

    “Okay. Ipapahanda ko na agad sa Chef namin.” anito saka bumaling sa isang waiter. “Kyle, bigyan mo sila ng VIP table.” utos niya dito. “Yes po, Madam!” yukod nito saka sila sinamahan sa bakanteng VIP table sa bandang dulo. Ilang sandali lang ay dinala na ng dalawang waiter ang Hot pot & broth

  • My Playboy Boss   Kabanata 1351

    3RD PERSON'S POV “Ako naman si Marites. You can call me Tes.” lahad din nito ng kamay sa kaniya. “Girlfriend ka ng CEO?” usisa agad ni Jaja sa kaniya. Nahihiya man ay tumango siya. “Ang swerte mo naman... Sana all!” saad ni Marites sa kaniya. Tipid siyang ngumiti. “Tama ka. Sobrang swerte

  • My Playboy Boss   Kabanata 1350

    “Talaga?” masayang tanong ni Vio. “Oo, kaya lang kasama daw si Tito James...” biro pa ni Dark Angel na ikinaasim ng mukha ni Vio. “Kung ako sainyo, umamin na kasi kayo... Mababalasa ka talaga ni Tito James pag nalaman ang totoo...” ani Dr. Alden. “Pano 'ko aamin eh, ang labo naman ni Shai?! Ma

  • My Playboy Boss   Kabanata 1349

    3RD PERSON'S POV “Ate Aicah, ikaw na ba yan?” nasasabik na lumapit sina Claire, Moira at Jessie sa kaniya nang makita siya ng tatlo na papasok sa Airlines. Silang tatlo ay ganap na Flight Attendant na ngayon. “Oo, ako nga.” tango niya. Ngumiti si Jamaicah sa kanila nang sabay-sabay siyang y

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status