Share

03

QUIVA

“Someone's caught cheating.“ sambit ng nakakairitang babaeng 'to. Nakangisi at nanunuya ang tingin sa akin. Hindi lang ako inaakusa kundi iniirita pa ako ng babaeng ito. Ngayon lang ako nairita sa blonde na buhok.

She said it with double meaning. That I was caught, and I caught them too.

Tumingin ako kay Kalle. Madilim ang tingin itinatapon kay Will, at malamig naman ang titig sa akin. ”Nagkabungguan kami pagkalabas ko sa elevator. Kayo, anong ginawa niyo?“ pabalang kong sagot. By the looks of him, alam niyang may sama ng loob ako sa kaniya. Huminga siya ng malalim. 

”Let's talk in my office." He said looking at me intently. Magsasalita sana ako kaso ay naisip ko na hindi magandang ipakita sa bitch, este bleached na babaeng 'to na may alitan kami ni Kalle. At isa pa, baka hindi naman pala totoo ang pakilala niya sa akin, mag-away pa kami ni Kalle sa bagay na hindi naman pala totoo. I should calm down, and have him tell me who she really was to him.

He glanced at all employees listening to us. "All of you, go back to work." He said seriously. And then he looked at her. I can't see his face from my position, only the back of his head. But I saw how she looked back at him. She stiffened when Kalle faced her. Perhaps he was looking at her with his deadly gaze. His tone was deadly too, and it pleases me. "And you, you may leave now." He told her. 

She gulped, looking nervous, and when she looked at me she was pissed as hell. Tinaasan ko siya ng kilay. Kung gusto niya ng tarayan,  I'll give it to her. Kung gusto niya ng away, I'll give it to her as freebie. Kung hindi lang ako buntis baka nga inaway kuna 'to pagkasabi niya palang na ex fiancee siya ni Kalle. 

Pairap niyang inalis ang tingin sa akin. Nagdadabog at mabilis ang lakad paalis. Hindi ako tumabi kahit nasa tapat ako ng elevator. Hinayaan ko siyang dumaan sa gilid ko. Asim na asim ang mukha nang lagpasan ako. Hindi ako umikot para tignan siya. Baka pagnakita ko siya sa loob ng elevator ay ipagdasal kong masira ang elevator at makulong siya doon ng ilang oras. 

Shet, ang sama ko mag-isip. Baka magmana sa akin ang anak ko. 

Sa paglingon ko kay Will ay bilog na bilog ang kaniyang mata. Parang kabado. "Exit na ako." Bulong niya, naintindihan ko lang siya dahil nakatingin ako sa bibig niya. Pagkatapos ay mabilis siyang naglakad paalis. Hindi ko na napansin kung saan siya sumuot. Bigla nalang nawala sa paningin ko. 

Nang lumingon na ako sa aking harapan, Kalle's already standing right in front of me looking jealously. Dumapo ang tingin niya sa aking tiyan matapos ang intense naming pagtitigan. He carresed my baby bump, before he gently pulled me towards his office. 

”That's Will Orosa.“ sambit niya, pagkapasok namin sa kaniyang opisina. Hirap na hirap sambitin ang pangalang iyon. Inalalayan niya ako paupo pero hindi ako umupo. Pakiramdam ko ay dapat nakatayo ako sa pag-uusap naming ito. 

”That blonde woman said she was your ex fiancee.“ Daretsong sabi ko. Natahimik siya. ”Who is she? Ano pang dapat kong malaman?“

Kung mag-aaway man kami, ito ang unang seryosong pag-aawayin namin mula ng kami ay kinasal.

”Baby, sit down first.“ he said calmly. His hand slid down my arm. I moved my arm away from his hold. If I let him touch me, I will go soft at him. ”Don't make me stop asking.“ i said firmly. 

He looked at me intently with those crooked eyebrows. ”I won't. And we will talk about it. But you gotta sit first and tell me why you didn't told me you're coming. Did you drive alone? I told you to call me so I could drive for you.“ he said calmly. 

”I wanted to surprise you. But I was the one who got surprised.“ maging ang boses ko ay pinagtaksilan ako. Maririnig doon ang hinanakit na aking nararamdaman. Excited pa naman akong bisitahin siya at pagdalhan siya ng niluto kong pagkain pero ako pala ang masusurpresa sa pagbisita ng ex fiancee niya!

”Anong sinabi niya sayo?“

”Ang dapat kong malaman?“ puno ng sarkasmo kong sagot. Muli ay humugot siya ng malalim na hininga. I can see how he's trying to keep his patience intact. At kung paano siya nahihirapan ngayon.

”Baby, please don't talk to me like that. You can't get angry. You'll get stress. Relax. We'll talk calmly about it, okay? I want you to be calm.“

Ayokong mastress pero, ”Paano ako kakalma? She said she was your ex fiancee. Hindi ko alam. Wala akong kaalam-alam. Asawa mo ako pero hindi ko alam. Totoo ba?“

"Ano pang sinabi niya sayo?" 

May iba pa ba siyang dapat sinabi sa akin na hanggang ngayon ay itinatago niya sa akin, ako na asawa niya. 

"Sagutin mo ang tanong ko."

Matagal bago siya sumagot. Ipinikit ang mata at sa pagbukas noon ay binigyan ako ng sagot sa aking katanungan.

 

"Yes." He said heavily. His eyes apologizing to me.

"She was telling the truth." Sambit ko, hindi lang sa kaniya kundi sa sarili ko din. Tangina ang sakit. Nagsabi siya ng totoo. She was his fiancee before. 

"She was once my fiancee. I don't know what else she told you. I need to know, baby. So I could tell you if she was really telling the truth."

"She was your ex fiancee and you didn't told me anything about her."

"I wanted to tell you--"

"When?! Kapag nabalitaan ko nalang? Or ngayon na nakaharap kona siya, at kung hindi pa siya nagpakilala sa akin ay hindi ko malalaman?!"

"Baby, calm down. I understand why you're angry, but I need you to calm down. You're pregnant, I don't want you getting angry."

"Who wouldn't get mad Kalle?! Kung ayaw mo palang magalit ako then you should've told me. Asawa mo ako. Asawa mo na ako. At akala ko ba no secrets? You didn't told me. I came here to surprise you. Ako pala ang masusurprise!"

"I–"

"There's your food," tinignan ko ang pagkain na nasa mesa. Sinundan niya ang aking tingin. "and I don't want you to eat it. Ako ang nagluto kaya ako ang kakain." Mabilis kong dinampot ang pagkaing niluto ko para sa kaniya. Pagkatapos ay nagmartsa palabas ng kaniyang opisina. Agad-agad ay nakasunod siya sa akin. 

"Baby, where are you going? Slow down. Damn it! Be careful!" Malakas niyang sabi nang buksan ko ng pwersahan ang pinto. Hawak ang handle ng pinto ay hinarap ko siya. 

"Minumura mo ako?!" Sigaw ko pabalik. Lalong nalukot ang mga kilay niya. Naguguluhan na sa akin. 

"What? No!" He answered, perplexed. Even though he's having a hard time, and was now stressed on me, his eyes are still filled with worry, and softly staring at me.

Iniwas ko ang tingin, at matigas na sinabing, "Uuwi na ako." Nahuli niya ang aking kamay. Matalim ko siyang tinignan dahil sa pagpigil niya sa akin bago pa ako tuluyang makalabas sa pinto.

"Uuwi na tayo." Kumawala ako sa hawak niya.

"No! Uuwi ako mag-isa. Magtataxi nalang ako." Tumalikod ako sa kaniya. "Baby—" mabilis akong umikot para harapin muli siya. 

"Huwag mo akong binebaby-baby Nicholas! Galit ako sayo!" Sigaw ko at tuluyan ng lumabas. Nakakailang hakbang palang ako ay muli kong naramdaman ang hawak niya sa aking kamay, pinipigilan ako. Sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya, nagsusumamo ang tingin.  

"Let me take you home." 

Ayokong nakikitang nahihirapan siya. Ayokong pinapahirapan siya. Pero galit ako sa kaniya! Kaya ko siyang tiisin. I bit the insides of my lowerlip, and quickly looked away. "No! Uuwi ako mag-isa." I said frimly before walking away. 

Hindi na niya ako muling pinilit na umuwi kasabay niya, o ihatid ako, pero hindi niya ako nilubayan, sinundan ako pauwi. Nakasunod sa likod ng taxi sinasakyan ko ang kotse niya.

"Okay ka lang ba Ma'am?" Tanong ng driver sa akin. Tumango ako dahilan ng para mahulog ang patak ng luha mula sa aking mata.

Gago ka, Kalle! Ano pang tinatago mo saken?! Kung ex girlfriend lang hindi naman ako magagalit ng ganito pero hindi, e. Dating fiancee, ikakasal sana dapat sila. At wala akong ideya kung ikakasal ba sila dahil sa kaniya siya unang inareglong ikasal ng magulang niya? O minahal niya talaga siya kaya naisipan nilang magpakasal? Fuck! 

Pinakasalan lang ba niya ako dahil buntis ako? 

Comments (8)
goodnovel comment avatar
Rina Magat
sayang nmn ang storya n to..nkalimutan n..pls update n
goodnovel comment avatar
Maricel Mesina Vicencio
please update
goodnovel comment avatar
Milky Lou Alfeche
pa bebe nman tong author.....
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status