Share

02

QUIVA

“Baby? Pinagluto kita ng carbonara!” masigla kong sambit. Halos patakbo na sa sobrang bilis ng paglakad ko bitbit ang tray na may lamang isang plato ng carbonara.

Napabalikwas siya ng tayo mula sa upuan niya at iniwan ang ginagawa. Hes answering some emails. Habang busy siya ay nagpakabusy din ako sa kusina. Dalawang beses na niya akong tinuturuang iluto ang carbonara. Baka bigla nalang dumating or magyaya ang mama niya sa bahay nila at papaglutuin ako kaya kailangan ko ng matuto.

Bakas ang gulat sa mukha niya sa sinabi ko. Hindi makapaniwala na nakapagluto ako. I’m trying. Ilang beses na na ako ang naghahanda sa agahan namin. Alam niyo kung ano. Hindi mawawala ang hotdog, bacon at ano pang piniprito. Basta piniprito na masarap kahit may parteng sunog kaya kong lutuin ‘yan!

Nasa tray agad ang tingin niya. Sabay na bumagsak ang balikat niya at ang kaninay nakataas na mga kilay. Naningkit ang kaniyang mata. Iniwas ko ang tray sa kaniya at ipinatong iyon sa kama. Umupo ako doon. Shet. Alam kaya niya?

“Niluto ko’to for you! Halika na. Eat first, don’t work too hard my love!” sa mga tingin niya ay mukhang hindi ko siya mabobola, at alam na niya.

“Did you really. Cooked that?” sobrang seryoso niyang tanong. I got intimidated with his gaze. Tapos nakapamewang pa siya lalong lumobo ang muscle sa braso niya. I just wanna rip that shirt of him and eat him instead.

"Ako nga ang nagluto! Look, o. Umuusok pa sa init. Saka diba tinuruan mo na ako, dalawang beses na. Bat kapa nagtatakang nakapagluto ako, baby?"

"Yes. I taught you second times already. You failed twice." Ngumuso ako. Hindi man lang pinreno ang bibig.

"You didn’t cooked that from scratch. You just boiled the noodle, baby didn’t you?"

"H-hindi kaya!"

"Baby is that the instand noodle you bought?"

"Wala naman akong biniling instant noodle! Wala naman carbonara na gano'n."

"There is. I saw it in your hands then you slid it in our cart. There’s also a spaghetti one. "

"Fine. Oo na. Pero niluto ko parin."

"Alright, alright. You cooked it. Let me have a taste then."

Umupo siya sa harapan ko. Pinapagitnaan kami ng tray. Sa tingin niya palang ay alam kong may palpak na. Instant noodle na nga lang papalpak pa ako?

He took a spoonful of it. Agad dumako sa akin ang striktong tingin. Bumuntong hininga ako. “Don’t tell me its too salty or lacks something because I just put the seasonings and didn’t add anything else!”

Nangingiti niya akong tinignan. Pinunasan ang labi bago nagsalita. “It's the pasta, it's soggy.” He said carefully. I blinked. Aminado naman ako na nasobrahan nga sa luto ang pasta non.

“I was careful coming up here. Mabagal lang akong naglakad kaya ganiyan na.” Pagsisinungaling ko. Kinagat ko ang ibabang labi para hindi matawa sa sariling rason. Lumingon siya sa pinanggalingan ko kanina. I could see on his face the way I was almost running earlier is flashing in his mind. He looked at me, there’s no chance he’d believe that lie. “I was careful on the stairs.” He didn’t buy it again. I sighed.

“I got too focus making the juice I forgot about it.” I confessed. He chuckled then. Inirapan ko nga. “You’re too cute.” Sabi ng bolera. Inirapan ko ulit pero ngayon ay nangingiti. We ate the carbonara. Even if its soggy.

“You think pwedeng ito nalang lutuin para sa mama mo?”

Agad akong nakatanggap ng iling mula sa kaniya. I have no luck at cooking. “She’ll know, and to be honest its really obvious its an instant noodle. Look at the meats. She will notice quickly. But don’t worry. We’ll try and try until you finally learn how to cook it.”

Madali lang naman lutuin. Nahihirapan lang ako sa pagbabantay. Nakakalimutan ko kung ano ang nakasalang sa stove. Noong una natuyo yung sauce at sobrang alat non. Sa pangalawa yung pasta yung nasobrahan sa luto at nasunog pa yung sa ibaba, yung sauce naman nasobrahan sa butter.

The next day, bumili ulit kami ng ingredients for the carbonara. Tuturuan ulit ako today ni Kalle. Noong nasa bahay na kami at handa na ang lahat ng sangkap, nabigla ako nang biglang dumating ang mama niya. Ang dapat na pagluluto naming dalawa ay naging ako nalang. Kabado akong nagluluto. Buti nalang at hindi niya napansin ang panginginig ko, at nasa tabi ko rin si Kalle para paalalahanin akong muli sa mga steps, at pinapakalma ako. Kinekwentuhan niya rin ang mama niya para hindi ako masyadong pansinin.

Gripping the hem of my yellow dress, I watched as she take a bite on the pasta. Alam ko na agad na hindi masarap dahil hindi nagbago ang timpla ng itsura niya. Pero mas okay na ito. Kaysa bigla nalang nasusuka sa unang subo palang. Pinunasan niya muna nag bibig bago nagsalita.

“How was it?” Kabadong tanong ng asawa ko. Hinihintay din ang sasabihin ng mama niya.

“To be honest, it’s bland. Needs to add more saltiness. It’s too spicy! And the pasta needs to boiled for more minutes.”

Bumagsak ang balikat ko. I’m really bad at cooking.

“Sorry po. I’m not really good at cooking.” I said honestly. Wala ng magagawa ang pagsisinungaling. Natikman na niya, e. At baka sa pagsisinungaling lalo pa akong mahirapan sa susunod na magpaluto siya ng iba. She smiled at me. “It’s okay, sweetie. You’ll improve in time.” She said softly. Nahihiya akong yumuko.

I felt Kalle gently stroking my back. I looked up to him, smiling sweetly at me. “Why don’t you teach my wife how to cook, Mom? I learned from you. Para narin makapagbaonding kayong dalawa. Right, baby?” I stilled. Baka lalo akong hindi matuto dahil sa sobrang kaba, hindi ako makakafocus. I faked a smile.

“Kahit hindi mo sabihin, my son. Plano ko ng magbonding kami ni Quiva sa kusina. I didn’t had a daughter but now I have you!” She said sweetly at me.

Napalitan ang kabado kong ngiti ng kinikilig na ngiti. Narinig ko ang maliit na tawa ni Kalle sa tabi ko. Alam na kinikilig ako.

“Sige po. Turuan niyo po akong magluto para maipagluto ko ng masasarap na pagkain ang anak niyo.” Kasing sarap niya po sana. hIndi kona sinambit yoon.

“Oh, I will honey. Just come by at the house whenever you feel like cooking with me. I’m always free.”

Kinilig ako lalo. Pero naalala ko si mama. Hindi niya ako tinuruan magluto kaya hindi din ako natuto. Hindi ko alma kung ako ba yung umayaw na magpaturo sa kaniya or hindi niya naman talaga ako niyayang magluto. Now I have another mother. And she just said she’ll teach me how to cook. Yey! Maghintay kalang Kalle. Hindi na lang ako ang magiging masarap, pati narin ang luto ko.

Comments (10)
goodnovel comment avatar
Liela Sultan Rombaoa
update po, ang tafal n cmula nung huling update
goodnovel comment avatar
Ken Di
update nman po....
goodnovel comment avatar
루르드®
tama dami ntin abangers sis. lagi ako sumisilip dito baka bigla mag upd8 hehehe
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status