Share

Kabanata 10 : Almost

"Ahm. A-Ano nga pala ang pinag-usapan ninyo ni Pennie nung magkita kayo sa boutique?" tanong ko na bumasag sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Mabilis akong sinulyapan ni Wayde bago muling ibalik sa daan ang atensyon n'ya.

"Kinamusta n'ya lang ako."

"Iyon lang?"

Hindi ako naniniwalang 'yon lang ang sinabi sa kanya ng kapatid ko.

"She told me that I'm doing things because I wanted her to be jealous. Iniisip n'yang nagagalit ako sa kanya dahil nawawalan na s'ya ng atensyon sa akin sa dami ng mga lalaki n'ya. Feelingera ang shupatembang mo."

"S-Shu-ano?"

Humalakhak si Wayde na ikinasimangot ko. Malay ko ba kung anong lengguwahe ang ginagamit n'ya.

"Beki language meaning kapatid," saad n'ya. "Your sister likes me."

Mabilis akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi n'ya. Alam n'yang pinagnanasaan s'ya ng kapatid ko?

"Iyon ba ang dahilan kung bakit nilayuan mo s'ya?" tanong ko.

"Nope. She's a good friend, walang duda 'ron pero may iba akong dahilan kung bakit kumampi ak
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status