Share

Kabanata 14 : Misunderstanding Pt. 1

Hindi ko mapigilang sulyap-sulyapan si Wayde. Abala s'ya ngayon sa pagtulong sa pagsisibak ng kahoy na gagagamitin mamaya sa pagluluto ng mga pagkain. Simula pa kaninang nasa byahe kami pagkatapos ng stop over ay hindi na n'ya ako pinapansin.

Iniisip n'ya ba talagang karibal n'ya ako kay ate Keegan? Mali ang interpretation n'ya sa mga sinabi ko. Mukha ba akong pumapatol sa kapwa ko babae?

Tsk. Nakaka-frustrate s'ya.

"Ate Peye, ikaw na pinsess," bulol na pahayag ni Rhea, she's 5 years old. Residente s'ya rito sa baryo na pinuntahan namin. Hinila n'ya ako papunta sa gitna kung saan magkakahawak kamay ang mga bata habang nakapabilog sila sa akin.

Dapat ay tutulong ako sa pagluluto pero nahila ako ni Rhea para makipaglaro sa kanila. Wala namang kaso 'yon sa akin dahil nagi-enjoy din naman akong kalaro sila. Lumapit sa akin si Mabel hawak ang korona na gawa sa bulaklak. Yumuko ako saka n'ya iyon inilagay sa ulo ko.

"Ang ganda mo po ate, Pixie." Hagikgik ni Mabel.

"Oy! May nahanap ul
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status