Share

Kabanata 9 : Indebt

"Ahmp. Way–hmm!" Pinilit kong alisin ang kamay ni Wayde sa mukha ko pero mas lalo n'ya pa 'yong idiniin.

"Stop smiling at him, doll!" sita n'ya sa akin.

"Tara guys. Meryenda tayo sa canteen. Nagugutom aketch."

Hinabol ko ang hininga ko nang tanggalin ni Wayde ang kamay n'ya sa mukha ko. Pinisil ko rin ang ilong ko dahil parang na-flat 'yon sa ginawa n'ya. Sinamaan ko ng tingin si Wayde pero mabilis n'ya akong tinalikuran saka n'ya sinundan ang mga kaibigan n'ya.

Patience is virtue–my qoute everyday!

Nang makarating kami sa canteen ay sina Wayde at Mavey na ang pumila para umorder ng pagkain namin. Naupo kami ni ate Keegan sa bakanteng mesa malapit sa glass wall kung saan kitang-kita namin ang malawak na soccer field sa labas.

"Matagal na ba kayong magkakaibigan na tatlo?" tanong ko kay ate Keegan.

"Oo. First year highschool palang kami ay magkakaibigan na kami. Bago pa makilala ni Wini ang ate mo ay kami ang original friends n'ya."

"Kung ganun, pinagpalit kayo ni Wayde sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status