Home / Romance / My Possessive Bed Buddy / Kabanata 6 : Boutique

Share

Kabanata 6 : Boutique

last update Last Updated: 2022-08-10 08:07:50

"Hola mga senorita!" Masiglang bati sa amin ng kasamang bakla ni Wayde. Kung tama ang pagkakaalala ko ay Maverick ang pangalan n'ya. Kilalala s'ya sa department namin dahil active s'ya sa mga school activities.

Sigurado akong hindi s'ya kaibigan ni ate dahil hindi naman s'ya pumupunta sa bahay namin. Madalas ko s'yang nakikita rito kasama si Wayde o di naman kaya ay si ate Keegan.

Kung si Wayde ay hindi mapaghahalataang bading, si Maverick naman ay talagang lantad ang pagiging diyosa. He's a cross-dresser from head to toe. Hindi ko mapigilang purihin ang ganda n'ya dahil bagay na bagay talaga sa kanya ang ayos n'ya.

"I'm Maverick, by the way but please call me Mavy. Parang awa n'yo na, iyon ang itawag n'ya sa akin kung ayaw n'yong balatan ko kayo ng buhay. Ha-Ha-Ha. Chariz lang mga inday!"

"Doll." Lumunok muna ako ng laway bago tapunan ng tingin si Wayde.

"B-Bakit?"

"Bakit mas lalo kang nagmumukhang voodoo doll?" tanong n'ya na nagpakunot ng noo ko. Naupo s'ya sa harap ko bago mangalumbaba,

Walanghiyang baklang 'to. Nandito pa s'ya para lang bwisitin ako?

"Hahaha! Ikaw talaga Wini, pala biro ka talaga!" Hinampas ni Mavy ng hawak n'yang pamaypay ang balikat ni Wayde a.k.a Wini.

Sa ilang taon kong pagkakakilala kay Wayde ay ngayon ko lang nalaman na may alyas pala s'ya.

"Don't mind him. Gan'yan kasi 'yan si mare mong Wini kapag nagbibigay ng compliment, harsh pero deep inside he's stanning your beauty, girl!"

"Totoo naman na mukha s'yang voodoo doll!" giit ni Wayde.

Aba't ayaw n'ya talagang tumigil sa pagpapahiya sa akin?!

"Nakakalimutan mo atang ikaw ang nag-ayos sa akin, h*nayupak ka." Nagngingitngit ang mga ngipin kong sabi sa kanya.

"Mukhang mali ang mga damit na napili ko para sa'yo. Bakit hindi tayo mamili mamaya ng mga bago mong damit? What do you think?" nakangisi n'yang tanong sa akin.

Ang sarap punitin ng labi n'ya. Hindi ako manghihinayang kung kissable ang lips n'ya basta banas ako sa kanya.

Suot ko ngayon ang isang tight floral dress na above the knee at pinatungan ng denim jacket. Noong una ay hesitant akong suotin 'to dahil lumalabas nang kaunti ang cleavage ko pero sayang naman kung mai-stock 'tong damit ko sa cabinet kaya sinubukan ko na.

Ang galante naman ata ng baklang 'to. Hindi ko pa nga naisusuot lahat ng mga damit na pinamili n'ya noong nakaraang araw tapos ililibre n'ya na naman ulit ako.

"Y-You bought her clothes? Why?" Hindi makapaniwalang tanong ni Marcia.

Holy sh*t!

Muntik ko nang makalimutan na nandito pala ang kaibigan ko.

"Tinutulungan ni mima mong Wini si Pixie na gumanti kay Janus. Nag-ala fairy godmother si bading para paglawayin ang ex n'ya," paliwanag ni Mavy.

Kung alam ni Mavy ang dahilang 'yon ay sigurado akong alam n'ya rin ang pagiging mag-bed buddy namin ng kaibigan n'ya?

Nanlaki ang mata ko nang makita ang pagkindat sa akin ni Mavy. Confirmed! Alam n'ya nga. May psychic power ba s'ya para malaman n'ya ang nasa isip ko? Arrgghh! Nakakahiya!

Mabilis kong inilipat ang tingin ko kay Wayde saka s'ya sinamaan ng tingin. Paano n'ya nagawang sabihin sa iba ang sekreto namin? Nakakainis s'ya!

"What?" Inosente n'yang tanong sa akin.

Tinangnan mo 'yan! Ang lakas ng loob n'yang magmaang-maangan! Hindi ba s'ya nahihiyang ipaalam sa kaibigan n'ya na babae ang ka-partner n'ya sa kama at hindi lalaki? Diba nga bakla s'ya?

"Pero hindi ba't kaibigan ka ni Pennie?" tanong ni Marcia kay Wayde. "Bakit mo tinutulungan si Pixie? Are you up to something?"

"Napag-isip-sip ko lang na below the belt na ang ginagawa ni bruha kaya naman nag-ibang panig na ako. Ang hirap din pala maging villanes. Nakaka-stress," pahayag ni Wayde saka s'ya ngumiti sa akin na ikinangiwi ko.

Hindi n'ya ako madadala sa malapang-toothpaste commercial n'yang ngipin. Hmmp!

"Alam mo kung hindi ka lang bakla, iisipin kong lalaki ka talaga at may gusto ka sa bestfriend ko." Pabirong pahayag ni Marcia

"Ekkkkk! Trulalo. Kenekeleg ako!"

Sabay na tumili si Marcia at Mavy kaya ending, basag ang eardrums ko. Mukhang kailangan kong humingi ng patnubay sa itaas na bigyan ako ng mas mahabang pasensya.

***

"NAGI-ENJOY ka bang paggastusan ako?" tanong ko kay Wayde nang makapasok kami sa mall.

Nagpumilit kasi s'ya kanina na pumunta kami rito sa mall para bilhan ulit ako ng mga damit. Wala na akong nagawa dahil muntik na n'ya akong ilaglag sa harap ng kaibigan ko tungkol sa napagkasunduan namin.

"Hindi naman 'to libre. You'll have to pay me soon, chaka."

Dapat pala hindi na lang ako nagtanong. Kainis!

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Nagsimula na akong maghanap ng mga damit. Kunwari ay busy ako para hindi n'ya ako kausapin.

Bahala s'ya maghanap sa akin mamaya.

"Ma'am, siguradong bagay po 'yan sa inyo," pahayag ng salelady na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.

Napangiwi ako dahil isang lingerie night dress ang kaharap ko, 'e hindi naman 'yon ang tinitingnan ko kundi ang poster ng gwapong lalaki na nasa labas ng store.

"You like that?"

"H-Hindi noh!" depensa ko pero mas lalong lumaki ang ngisi ni Wayde sa akin na halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Hindi nga kasi. Iba naman ang tinitingnan ko!"

"Huwag kang mag-aalala, bibilhin natin 'yan."

Umawang ang labi ko dahil sa sinabi n'ya. S'ya pa mismo ang kumuha ng size ng lingerie na mas lalong nagpalaglag ng panga ko.

"Wear this on our first night."

"Ayoko!" singhal ko na ikinatawa n'ya lang.

Kinuha n'ya ang pulso ko at hinila ako papunta sa fitting 'room.

"Sayang at hindi pweding isukat ang lingerie kaya heto na lang munang mga damit na pinili ko ang isukat mo." Iniabot n'ya sa akin ang mga damit na kinuha n'ya.

Isa-isa ko 'yong tiningnan. "Mga blouse at t-shirt lang naman 'to. Kailangan ko pa ba talagang isa-isahin 'tong isuot at irampa sa harap mo?"

"Hindi 'yan t-shirt. Croptop tawag d'yan, doll. Halata ngang bobo ka pagdating sa fashion."

Aray ah!

"Kailangan mo 'yang isukat para alam ko kung may lalabas na cleavage sa mga damit na pinili ko. Last time kasi na namili tayo ay hindi natin na check isa-isa." Sinundan ko ng tingin ang mga mata n'ya at doon ko nakitang nakatitig s'ya sa naka-expose kong cleavage.

"Manyak!"

"Luh! Meron din naman ako n'yang, hindi lang maumbok," giit n'ya.

Kesa ma-stress ako sa kanya ay tinalikuran ko na lang s'ya at pumasok sa maliit na fitting room. Pinagmasdan ko muna ang sarili ko sa salamin. Hindi ko akalaing darating ang araw na makakapagsuot ako ng gan'tong damit.

Magugulat sina mom and dad pag-uwi nila rito kapag nakita nila ang malaki kong ipinagbago, hindi lang sa pananamit ko kundi pati na rin sa pag-aayos ko sarili. Hindi na dry ang buhok at skin ko dahil may mga beauty products na ni-recommend at ipinagamit sa akin si Wayde. Siguradong sasabihin nila sa akin na nagdadalaga na ako.

"Hoy!" untag ko kay Wayde dahilan para mapaangat s'ya ng tingin sa akin. "Ang sikip naman nito. Sigurado ka bang hindi pang-bata itong t-shirt na pinili mo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi nga kasi 'yang t-shirt, croptop nga kasi 'yan," pag-uulit n'ya. "Take that off. Ipit na ipit ang boobs mo kaya mas lalong lumalaki," dugtong n'ya na nagpainit ng pisngi ko.

"Tsk."

"Bakit namumula ka? May naaalala ka ba?"

Mas lalong sumabog ang init sa mukha ko ng makita ang pilyo n'yang ngiti. Halatang nang-aasar ang lintik!

"Heh!" asik ko bago magmartsa papasok ng fitting room pero nagulat ako nang pumasok rin s'ya sa loob at i-lock iyon.

Oh God! What is he planning to do now?

"Gusto mo ba talagang malagot tayo? Lumabas ka na nga!"

"Try this," saad n'ya na para bang hangin lang na dumaan ang mga sinabi ko sa tenga n'ya.

"Susuotin ko lang 'yan kapag lumabas ka! Shoo!"

"Kahit naman maghubad ka sa harap ko ay wala naman akong makikita."

"Kakasabi mo lang na lumalaki na ang boobs ko!"

Really, Pixie? Sa dami ng pwede mong ipangsinghal sa kanya ay talagang boobs mo pa? Urrgghh!

"I seen your boobs yesterday, doll. Wala ka nang dapat pang ikahiya sa akin at isa pa, makikita ko rin naman ang buo mong katawan kapag dinala na kita sa kama ko. Hindi mo naman siguro nakakalimutan ang deal natin, diba?"

Mabilis ko s'yang tinalikuran kaya naman napaharap ako salamin. Humarap ulit ako sa kanya pero ganun din dahil makikita n'ya pa rin akong n*******d. Hindi ko mapigilang sumimangot sa kanya dahil sa pagpipigil n'ya ng tawa.

"Fine. I'll wait for you outside."

Sa wakas!

Nang makalabas s'ya sa fitting room ay doon na ako nakahinga nang maluwag. Nakaka-suffocate ang presensya ng bading na 'yon.

"Patience, Pixie." Bulong ko sa sarili ko.

Hinubad ko ang suot kong shir–croptop para palitan 'yon ng panibagong damit na pinili n'ya. Kukunin ko palang sana sa hanger ang damit nang biglang bumukas ang pinto ng fitting room na kinalalagyan ko.

Napatili ako sa gulat saka ko tinakpan ang dibdib ko. Akala ko ay si Wayde ang makikita kong salarin pero nagulat ako ng makita si Aya at Mace na nakangisi sa akin.

Sila ang mga kampon ng kapatid kong impakta.

"Oww. Look who's here!" saad ni Aya na kunwari ay nagulat nang makita ako. Ang plastic!

"Close the d-door. Nagbibihis ako."

"Get out! Kailangan kong i-try 'tong damit na napili ko." Pagtataray sa akin ni Mace. Hinila n'ya ang braso ko. Nang tuluyan akong makalabas sa fiiting room ay doon n'ya na ako itinulak dahilan para mapasalampak ako sa sahig.

Muli kong tinakpan ang sarili ko dahil tanging bra at maikling cycling short lang ang kasalukuyan kong suot ngayon. Nabalot ako nang takot lalo na nang makita si Aya na kinukuhanan ako ng litrato o video. Hindi ako sigurado.

"Pwede ka nang maging bold star. May maibubuga ka naman pala, Pixie."

"I-Itigil mo nga 'yan!"

"Too late. You are live. Say hi to my viewers. Nga pala guys, her name is Pixie Alvarez. If you want to avail her s*xy night service you can contact her through her f******k and i*******m."

Hinablot ko ang pinakamalapit sa akin na damit sa botique at itinakip 'yon sa katawan ko. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa kahihiyang inabot ko.

Where the hell is Wayde?!

"Hey! Where are you going? Hindi pa tapos ang live show mo!" narinig kong sigaw ni Aya na nakasunod sa likuran ko pero hindi ko s'ya binigyang pansin. Mas importante sa akin na makalayo sa kanya at maisalba ang sarili ko mula sa kahihiyan.

Bago ako tuluyang makalabas sa botique ay nakita ko si Wayde at Pennie na nag-uusap.

F*ck! Kasabwat ba s'ya ni Pennie?!

"Pixie!"

Nagulat ako nang biglang sumulpot sa tabi ko si Janus. Kaagad n'yang hinubad ang suot n'yang jacket at inilagay 'yon sa balikat ako. Nang yakapin n'ya ako ay doon na mas lalong lumakas ang iyak ko.

"Doll! What f*ck, Aya! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!" Narinig kong asik ni Wayde pero nanatili lang ako sa dibdib ni Janus dahil sa galit na nararamdaman ko.

He abandoned me! Akala ko pa naman kakampi ko s'ya mula kay ate pero mukhang mali ang taong nilapitan ko.

Isa rin s'ya sa kampon ni Pennie!

Damn you Wayde!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
SHEENE APARECIO
interesting story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Possessive Bed Buddy   SPECIAL CHAPTER

    "Wayde, ano ba?!" Hinampas ko ang braso n'yang nakapulupot sa tiyan ko. Imbis na alisin ay mas humigpit pa lalo ang yakap n’ya sa akin."Hmm. Bango-bango naman ng misis ko."Isiniksik ni Wayde ang mukha n'ya sa leeg ko saka n'ya ako dinampian ng magagaang halik. Mula sa leeg ay naglakbay sa labi n'ya sa batok at balikat ko. Naka-off shoulder white dress ako kaya naman may access s'ya sa balikat ko."Wayde! Baka may makakita sa atin!" suway ko sa kanya pero hindi s'ya nagpatinag at todo landi pa rin sa akin. Ipinagpatuloy n'ya ang pagsingot at paghalik sa leeg ko kaya naman nag-init na rin ang katawan ko.This man really knew how to tempt me!Nasa kusina kami ngayon samantalang nasa may garden naman ang lahat ng mga bisita namin. 1st birthday celebration kasi ngayon ni Miru kaya may kaunting salo-salo kasama ang pamilya at kaibigan naming ni Wayde.Sa dalawang taon na lumipas simula ng maikasal kami ni Wayde ay walang araw na hindi ako nagpapasalamat sa Diyos dahil sa ibinigay n’yang pa

  • My Possessive Bed Buddy   Wakas

    Confirmed! Iniiwasan n'ya nga ako!Nang makita kasi ako ni Pixie ay bigla na lang s'yang yumuko at nagtago sa likuran ng kaibigan n'ya. Masyado ba kong aggressive para yayain s'yang maging bed partner ko? Pero hindi ko naman s'ya pipilitin kong hindi pa s'ya handa.Damn you, Wayde! Sa lahat ng pwede mong hingin na kondisyon sa kanya ay 'yon pa talaga?"Luh! Anyare sa'yo?" tanong sa akin ni Mavey. Hindi ko namalayan na sinasabunutan ko na pala ang sarili ko. "You're acting fishy, Wini. Very very fishy.""Parang s'ya hindi.""Huh? What do you mean bakla?" kunot-noong taong sa akin ni Mavey."Balita ko may bagong manliligaw na naman si Keegan."Gusto kong humagalpak ng tawa ng makita ko ang pagbusangot ng mukha ni Mavey pero pinigilan ko. Baka kasi mas lalo lang s'yang ma-badtrip sa akin."Nabihag na naman ng ganda n'ya ng eyes ni crush. Ilang beses n'ya na akong inaagawan ng crush, Wini. Kung ipakulam ko na kaya ang babaitang 'yon?""Si Keegan ba talaga ang ipapakulam mo o ang mga manlil

  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 74 : WAYDE'S PERSPECTIVE PT. 3

    "We traced her every movement but this is not enough to arrest her. Pwede natin s'yang kwestyunin pero hindi natin s'ya maikukulong. Kailangang kompirmahin ng dalawa n'yang tauhan na s'ya nga ang may pakana sa pag-kidnap kay Pixie para madiin s'ya at maipakulong," pahayag ni Atty. Salcedo. "We can't let her escape! Gawin mo ang makakaya mo para hindi na makapaglakad sa lupa ang hay*p na 'yon!" asik ko. "We don't have witness and evidence, Mr. Johnsons." "Wala pang kasiguraduhan kung kelan magigising si Pixie at kung hihintayin natin s'ya ay baka makatakas lang ang kapatid n'ya," saad ni kuya Willard. "Siguradong kabado na ang babaing 'yon ngayon," komento naman ni Devan. "I have a suggestion." Sabay-sabay na nabaling ang tingin naming lahat kay kuya Willard. "She might confess on her own." "Paano?" tanong ko. "By letting her visit her sister." "What? No! I won't risk Pixie's safety!" sigaw ko. Hindi ko gusto ang planong 'yon ni kuya Willard pero kung kapalit nun ang hustisya

  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 73 : WAYDE'S PERSPECTIVE PT. 3

    "I can't believe she has a boyfriend. Hahaha! Sa itsura n'yang 'yan ay may pumatol pa talaga sa kanya." Pennie mockingly said. Nakikinig lang ako sa kanya habang pinagsasalitaan n'ya ng masasamang salita ang kapatid n'ya. I want to unhear it, pero sa kasamaang palad ay wala akong remote para i-mute ang bibig ng kaibigan ko. "Balita ko 6 months na sila. Tsk. Tingnan lang natin kung umabot pa sila ng isang taon." Isang mapaglarong ngisi ang gumuhit sa labi ni Pennie. Sigurado akong may masama na naman s'yang binabalak at kung hindi ako nagkakamali ay balak n'yang sirain ang relasyong meron ang kapatid n'ya sa boyfriend nito. Sa ilang taon naming pagkakaibigan ni Pennie ay alam ko na ang takbo ng utak n'ya. Yes, I like Pixie pero hindi ako nagtangkang sirain ang relasyong meron sila ng boyfriend n'ya. I'm happy for her. Nang magka-boyfriend s'ya ay ako ang unang nakaalam. Stalker yarn? I'm just fond of her. Natutuwa ako sa tuwing nakikita ko ang mga reaksyong gumugihit sa mukha n'y

  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 72 : WAYDE'S PERSPECTIVE PT. 2

    "W-WHAT? Are you out of your mind!" asik ng ina ni Catalina ng sabihin amin sa kanyang iuurong na namin ang kasal. "Catalina! Is this your idea?" "Desisyon po namin 'to pareho," pahayag ko na mas lalong nagpakunot ng noo ng dalawang matada. "N-No. Hindi pwede. Matagal na natin 'tong napagplanuhan. Hindi na pweding iurong ang kasal!" "Stop it mom," suway ni Catalina sa ina n’ya. "You shut your mouth young lady! Baka naman pinilit mo itong si Wayde na huwag magpakasal sa'yo. Alam ko ang takbo ng kukute mo, Catalina! Alam kong matagal mo nang ayaw sa kasalang ito!" asik ng ama ni Catalina. "Hindi lang po s'ya ang nagdesisyon dito." "No Wayde, alam kong pinilit ka lang ni Catalina. Don't worry, we’ll talk to her." "No. Our decision is final. Walang kasalan na magaganap. I'll pay for the damages if I have to." "W-Wayde," "I already have a child. Papayag ba kayong maikasal sa akin ang anak n'yo kung may anak na ako?" Bumakas ang matinding gulat sa mukha ng dalawang matanda dahil s

  • My Possessive Bed Buddy   Kabanata 71 : WAYDE'S PERSPECTIVE PT. 1

    WAYDE "Wayde?" Bakas ang gulat sa mukha ni Janus nang makita ako. Buhat n'ya ngayon ang isang sanggol na sa tingin ko ay anak n'ya. "W-What brought you here?" tanong n'ya bago ibaling kina Mavey at Keegan ang tingin n'ya. "Do you have spare time? I need to talk to you." "Y-Yeah. Sure. Pasok kayo." Nilakihan n'ya ang pagkakaawang ng pinto para makapasok kaming tatlo. Sa tulong ni Mavey ay mabilis naming nahagilap ang kinaroroonan ni Janus. Prioridad ko pa rin ang paghahanap kay Pixie sa mga oras na ‘to at hindi ako titigil hangga't hindi ko s’ya natatagpuan. Sa ngayon ay kailangan ko munang malinawan sa totoong nangyari sa kanila ni Janus bago ako magpadala sa emosyon ko. Alam kong huling-huli na ako. Dapat noon pa ay hinarap ko na si Janus pero wala nang magagawa ang pagsisisi ko ngayon. Inilapag muna ni Janus ang natutulog n'yang anak sa crib bago maupo sa kaharap kong sofa. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Janus. Nandito ako para marinig ang totoong n-namamagitan sa iny

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status