Share

Chapter 2

Ashley POV

Patapos na akong maligo ng muli kong narinig ko ang marahang katok sa pintuan ng banyo. Agad kong hinablot ang tuwalya sa isang cabinet at itinapis sa hubad kong katawan. Agad kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang mukha ng isa sa mga make up artist. Halata na sa mukha nito ang pagkainip at ng mapansin nito na tapos na akong maligo ay agad na ipinasuot sa akin ang isang parang roba.

Nagiging abala ang mga sumunod na oras sa buhay ko. Kanya-kanya kasi sila ng toka sa gagawin sa akin. May nag-aayos ng buhok ko, may naglilinis ng kuko at may nag-aayos ng mukha ko. Diyos ko, ganito pala ang mga mayayaman. Kaya pala ang ganda-ganda nila kapag lumalabas. Marami pala ang nag-aayos sa kanila.

"Ayan, parang sinukat sa katawan mo ang wedding gown na ito! wala ng dapat pang iadjust at perfect na perfect sa iyo!" nakangiting wika ng bading na nag-ayos sa akin ng sa wakas ay naisuot ko na ang damit pangkasal. Tulala naman akong tinitigan ang sarili ko sa salamin. Parang hindi ako ang nakikita ko. Parang nagiging mukha akong mamahalin?'

"Ate, ako po ba ito?" wala sa sarili kong tanong. Nangingiti naman itong tumango. Pagkatapos ay nakita kong pumasok si Madam sa loob. Nakapustura na ito at halatang ready na sa party. Dumako ang tingin nito sa akin at agad itong pumalakpak.

"Perfect...Perfect! dahil diyan may bonus kayo sa akin!" Nakangiti nitong wika sabay lapit sa akin.

"Sinasabi ko na ngang bagay kang maging bride ng apo ko eh. Iniligtas mo sa kahihiyan ang pamilyang ito kaya naman tatanawin kong malaking utang na loob ito sa iyo Ashley." nakangiti nitong sambit at sininyasan ang mga make up artist na lumabas. Hindi ko alam pero pakiramdam ko biglang bumait si Madam. Nawala ang katarayan ng mukha nito na siyang una kong napansin kanina lang.

"Madam, hindi po ba kasalanan ito? Irerehistro po ba ang kasal? Ngayun ko lang po kasi naisip na matatali na pala ako sa anak niyo. Hindi na ako pwedeng magpakasal sa iba." wika ko. Natigilan ito pagkatapos ay ngaumiti.

"Dont worry Ashley. After Two years ipapawalang bisa din natin ang kasalan na ito. Siguro naman hindi ka pa mag-aasawa ng mga panahon na iyun diba?" sagot nito sa akin. Napatango naman ako.

"Bweno, maghanda ka na. Ilang minuto na lang at uumpisahan na ang serimonya. Sundin mo na ang ang instruction sa iyo ng wedding organiser. Lalabas na ako dahil hinihintay na ako ng aking mga amega sa garden." wika nito at nagmamadali ng lumabas. Naiwan naman akong hindi makapaniwala sa mga nangyari sa buhay ko ngayun. Kung ganoon, totoong kasalan ang magaganap sa akin. Hindi ito fake at talagang irerehistro ito? Akala ko ba proxy lang ako. Napailing ako at hindi ko mapigilan na kabahan.

Nasa ganoong pag-iisip ako ng may isang sexing babae ang pumasok sa loob. Sinabi nitong uumpisahan na daw ang kasalan. Inalalayan niya ako palabas ng bahay habang sinasabi ang kailangan kong gawin

Pagdating ng garden ay agad na tumampad sa aking panigin ang mga mayayamang mukha ng tao. Lahat ay nakatitig sa akin kaya parang gusto ko ng panawan ng ulirat. Napalunok ako ng makailang beses bago dumako ang tingin ko sa lalaking hindi kalayuan sa akin. Matangkad at ito at nakatitig sa gawi ko.

"Siya ba ang groom?" pabulong kong wika sa aking sarili habang mahigpit na hawak ang wedding bouquet. Narinig kong nag-umpisa ng tumugtog ang wedding march at sininyasan na ako ng wedding coordinator na pwede na daw akong maglakad. Napalunok ako ng makailang beses bago dahan-dahan na naglakad papunta sa lalaking nakasuot ng suit sa kalagitnaan ng isle.

Pagkatapat ko sa kanya ay matiim akong tinitigan sa mukha bago inabot ang kamay ko. Hinalikan niya pa ito na siyang nagbigay sa akin ng kakaibang kilabot. Pakiramdam ko maiihi ako sa matinding nerbiyos. May ganoon ba talaga ang mga mayayaman? Kailangan talaga halikan muna ang kamay ng isang babae bago hawakan? Ayyy ewan...pero grabe ang pogi nya. At ang amoy...super yummyyy!

Sabay kaming naglakad papunta sa harap ng pari. Pakiramdam ko may mga paru-parong nagliliparan sa loob ng tiyan ko. Hindi ko maiintindihan ang sarili ko. Ang gwapo naman pala ng groom. Talo pa ang mga artista dito sa Pilipinas. Ang lambot ng palad at hiyang-hiya ako dahil alam ko kung gaano kakapal ng kalyo sa palad ko dahil sumasama ako minsan kay Tatay kapag manggapas kami ng palay noon sa bukid.

"Saan ka napulot ni Lola?" napaigtad pa ako ng bumulong ito sa akin. Hindi ako nakasagot at diritso lang ang tingin ko. Pakialam niya ba? Bayad na ako noh at wala namang sinabi si Madam na kailangan kong sagutin ang tanong ng kanyang apo.

Pagkadating sa harap ng altar ay agad na inumpisahan na ang seremonya. Syempre wala akong naintindihan dahil lutang ang isip ko. Basta na lang ako sumagot ng "I do" at sumabay na sa agos ng pangyayari. Nagiging aware lang ako ng isinuot na sa palasingsingan ko ang wedding ring ganoon din ako sa kanya. Pagkatapos ng ilang sandali ay inanunsyo na ng pare na tapos na ang kasal at you may kiss the bride na? Agad- agad?

Napalunok ako ng maraming beses ng dahan-dahan na iniingat ng groom ang Vail na nakatakip sa aking mukha. Kitang kita ko sa mukha nito ang pagiging seryuso at ang nakakatunaw nitong titig. Agad na tumibok ang puso ko ng mapansin kong dahan-dahan na bumaba ang labi nito sa labi ko....

Oh My Goodness! Ito ang first kiss ko! Akmang iiwas ako ng bigla nitong hawakan ulo ko at agad na siniil ng halik. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa matinding pagkagulat habang nararamdaman ko kung paano nito s******n ang bibig ko. Pati yata laway ko nasama nya ng s******n. At teka lang kanina pa nakalapat ang labi nya sa labi ko pero wala yata siyang balak tanggalin. Diyos ko...gwapo naman sana kaya lang may pagkamanyakis!

Naghahabol ako ng hininga ng sa wakas pakawalan nya ang labi ko. Narinig ko pa ang malakas na palakapakan ng mga bisita kaya naman nakaramdam ako ng matinding pagkapahiya.

"Sweet!" bulong niya sa akin pagkatapos nya akong pakawalan. Hindi ko naman alam kung iiyak ba ako o ano pa ba? Wala ito sa kontrata eh! sabi ni Madam kasal lang pero bakit may halik pa? First kiss ko iyun at kinuha lang ng lalaking ito na mukhang fuckboy? Mukhang mahilig ito sa tahong kaya dapat hindi ako magpakakampanti. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito pagkatapos nito dahil hangang doon lang naman ang usapan namin ni Madam.

Nanigas ang katawan ko ng hapitin pa ako nito para makihalubilo sa mga bumabating bisita. Kabi-kabilaang congratulations ang naririnig ko pero para akong tanga na tanging pagngiti lang ang naisagot. Tumingin ako sa gawi ni Madam at nakita kong nakatitig ito sa amin. May naglalarong ngiti sa labi nito kaya naman nagmamakaawa akong tumitig dito. Pero hindi niya yata gets kasi agad niyang binawa ang tingin sabay talikod.

"Pu-pwede bang bitawan mo muna ako? Gusto ko kasing mag cr eh." nakikiusap kong wika kay Ryder James Sebastian. Ang aking groom. Siyempre kabisado ko ang kanyang pangalan dahil ilang beses itong binanggit ng pari kanina.

Kailangan kong magdahilan dito dahil para itong ahas kong makalingkis sa akin ngayun. Ayaw kong mawasak ang tahong ko dito noh? Hindi ko siya type at wala akong balak na magpabutas sa lalaking mukhang bad boy. Para lang sa magiging asawa kong tunay ang aking virginity...hehehehe

"Alam mo na ba kung nasaan ang cr?" tanong nito sa akin at mukhang sasamahan pa ako kaya agad akong tumango. Mabuti na lang at may isa pang lalaki na lumapit sa gawi namin at naagaw nito ang attetion ni Ryder kaya naman patalilis na akong umalis. Kailangan ko ng bilisan ang aking kilos dahil oras ang kalabaan ko. Mabuti na lang at nakasalubong ko ang nagngangalang Lorna na katulong ni Madam kaya agad akong nagtanong dito.

"Ate, saan po ang labasan dito?" tanong ko. Natigilan ito tsaka tumitig sa akin.

"Na--narinig niyo naman po siguro ang sinabi ni Madam. Pagkatapos ng kasal pwede na akong umiskapo!" hilaw ang pagkakangiti kong wika. Napatango naman ito.

"Magbihis ka muna at sasamahan kita sa likod. Doon ka na lang dumaan para hindi ka makita ng mga bisita." sagot nito. Para naman may pakpak ang aking mga paa at agad na pumasok sa kwarto kung saan ako binihisan. Agad kong hinubad ang gown at agad na ipinalit ang damit na suot ko kanina. Pagkapos kinuha ko ang aking bag na maayos na nakapatong sa isang upuan at nagmamadali ng lumabas ng kwarto.

Agad din akong napabalik sa loob ng tinangka kong hubarin ang suot kong wedding ring. Halos maiyak ako dahil hindi na ito mahubad sa aking daliri. "Paano kaya ito? Baka dahil pa sa singsing na ito mahuli pa ako ng fuckboy na iyun?" bulong ko sa aking sarili.

Napailing na lang ako at nagpasya ng lumabas ng silid. Bahala na! Basta ayaw kong pahuli sa fuckboy na iyun. Ipapadala ko na lang sa LBC itong singsing kapag mahubad na. Sa ngayun kailangan ko munang makatakas dahil baka madali pa ang tahong ko ngayung araw. Diyos ko..hindi ko matangap na isang manyakis na lalaki ang kukuha ng iniingatan kong virginity.

Nakahinga ako ng maluwang ng nakita ko si Lorna na matiyagang naghihintay sa akin. Agad ako nitong sinamahan sa likod bahay at sinabing pwede na daw akong umalis.

"Teka lang Lorna..nakakahiya man pero pwede bang umutang sa iyo? tseke kasi ang binigay sa akin kanina ni Madam tapos wala akong pamasahe...bigay mo sa akin ang gcash mo at i-sesend ko sa iyo ang bayad with interest kapag mapapalitan ko na ang pera ko." Makapal ang mukha kong wika. Natigilan ito at tinitigan muna ako bago ako inabutan ng isang libo. Parang gusto ko naman magtatalon sa tuwa.

"Bayaran mo na lang iyan sa akin kapag magkita tayo ulit! Sige na umalis ka na at baka makita ka pa ng mga bisita." wika nito. Agad naman akong tumakbo palayo. Mabuti na lang at pagliko ng kanto may nakita akong taxi. Wala ng patumpik-tumpik pa..agad akong nagpahatid sa labasan at sumakay ng bus papuntang terminal. Uuwi na ako ng probensiya dahil may ten million pesos na ako.......

RYDER JAMES SEBASTIAN POV

'Where is my bride?" agad na tanong ko kay Lola ng muli akong makapasok ng mansion. Mabuti na lang at natakasan ko ang mga tanong ng mga kaibigan ko tungkol sa mabilis kong pag-moved on dahil agad akong nakakita ng kapalit ni Ingrid. Ang girlfriend ko ng limang taon na ipinagpalit ako sa bestfriend kong si Lorenzo at kaninang umaga ko lang nalaman.

Mabuti na lang at alerto si Lola at agad na sinabi sa akin na may nakita na siyang pwedeng maging proxy ni Ingrid para hindi ako mapahiya sa mga bisita. Kaya kahit durog an durog ang puso ko sa kataksilan ng dalawang tao na malapit sa puso ko ay agad akong sumang-ayon sa kagustuhan ni Lola. Ayaw ko din naman na maging katawa-tawa sa harap ng mga bisita. May magandang reputasyon akong iniingatan sa mataaas na lipunan at malaking iskandalo kapag malaman ng lahat na ipinagpalit ako ng girlfriend ko sa aking best friend sa mismong araw ng kasal pa namin.

Pero hindi ko inaasahan na isa palang diyosa ang nakita ni Lola na kapalit ni Ingrid ngayung araw. Biglang nagreact ang junior ko ng mahawakan ang kamay nito kanina.Kung sa ganda ang pag-uusapan.....sobrang ganda. Biglang nawaglit sa isip ko ang problema kay Ingrid ng mahawakan ko ang kamay nito at mahalikan sa labi. So Sweet and so Innocent.

Parang gusto ko siyang itago sa mga lalaking bisita na kanina. Kitang kita ko ang paghanga sa kanilang mga mata habang nakatitig sa bride ko. Ewan ko lang ha pero pakiramdam ko nagseselos ako. Ako lang ang may karapatan na tumitig sa bride ko ng ganoon.

"Nakaalis na. Pagiging proxy lang ng malditang si Ingrid ang papel niya at hindi panghabang-buhay mong laruan Ryder." kampanteng sagot ni Lola. Hindi ko naman maiwasan na magsalubong ang aking kilay lalo na ng maalala ko ang hitsura ng bride ko kanina.

"La, bakit niyo naman pinaalis? Asawa ko iyun at hindi pwede na lang syang maglaho na parang bula..." sagot ko naman. Pinandilatan naman ako nito bago sumagot.

"Aba Ryder! alam na alam ko kung anong tumatakbo diyan sa utak mo. Tumigil ka na ha at baka makutusan kita diyan..Kawawa naman ang batang iyun kung paglaruan mo lang. Ayusin mo ang buhay mo at kalimutan mo na ang lecheng Ingrid na iyun!" Sagot ni Lola. Napakamot naman ako ng ulo ko.

"Lola naman! Akala ko pa naman nag-aalala kayo dahil malungkot ako ngayun? Bakit parang wala naman kayong pakialam sa akin?" kunwari ay nagtatampo kong tanong.

"Pwede mong ibaling sa iba ang kalungkutan na nararamdaman mo ngayun Ryder! Pero huwag kay Ashley. Masyado pa siyang bata at puno ng pangarap. Ayaw kong masira ang lahat ng iyun dahil lang sa iyo!" seryosong sagot ni Lola. Napabuntong hininga naman ako sabay iling.

"Paano kong gusto ko siyang makasama bilang asawa ko may magagawa po ba kayo? Pwede ko siyang ipahanap ngayun mismo Lola!" sagot ko naman.

"Subukan mo lang na kantiin kahit dulo ng daliri ng batang iyun mananagot ka sa akin Ryder! Matuto kang sumunod sa kagustuhan ko kung hindi, hindi ako mangingimi na tanggalan ka ng mana!" galit na sagot ni Lola. Natigilan naman ako at pilit na ngumiti. Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi sundin ang gusto nito. Alam kong mahirap pero balang araw magkikita din kami ng babaeng iyun at kapag mangyari iyun hindi na siya makakawala sa mga kamay ko! Sisiguraduhin ko na nai-rehistro ang kasal na ito para wala na siyang takas sa akin.

Sa ngayun, wala akong ibang choice kundi magtiis at ibaling ang attention sa ibang babae. Marami naman sila diya eh! Pwede kong ibaling sa iba ang init ng katawan na mararamdaman ko ngayun. Mukhang bata pa nga kanina ang bride ko at walang pang karanasan kahit sa anong bagay dahil kitang kita ko sa mga mata niya kanina ang takot ng halikan ko ito sa labi.

Comments (6)
goodnovel comment avatar
Jonalliza Escrate
maganda Ang bawat chapter ng story
goodnovel comment avatar
LalaO
I loved it
goodnovel comment avatar
Noemi A. Tenegra
very nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status