Share

Chapter 2

Author: Archidenife
last update Last Updated: 2022-09-18 14:13:37

7 Years Later

AODIE

Nakatingin ako sa mga tauhan ni Leo dela Vega gamit isang x4 scope na nakakabit sa aking GOL- Sniper Magnum, kitang kita ko ngayon kung gaano sila naka bantay sa kotseng sasakyan ng kanilang amo.

"Mga bobo, walang kamalay malay na hindi lang iisang grupo ang nag aabang sa kanilang amo," nakangisi kong saad.

Agad kong inilipat ang tingin ko sa itaas ng building kung saan nandoon ang target ko.

Nakikita kong nagpapakasasa pa ito sa itaas ng babaeng binayaran n'ya para paligayahin s'ya sa kakarampot na oras.

Agad kong isinentro ang tutok ng sniper kong hawak habang nakikita kong malapit na itong makapunta sa ikapitong langit na gusto n'yang puntahan, hindi n'ya alam ngayon din ang araw ng pagpunta n'ya sa impyerno!

Kinalabit ko ang gatilyo ng aking hawak na baril nang makita kong paangat na ang kan'yang ulo na muling nahulog dahil sa pagtama ng bala ng aking hawak.

"Mission Done!" nakangising saad ko at mabilis na inayos ang ginamit ko.

Mabilis kong kinalas ang mga parte ng baril ko at inihanay kung paano ko sila dinala dito.

Iniayos sa kwartong nirentahan ko at nagpunta sa isa pang kwarto malayo sa una kong pinasukan. Doon ko kinuha ang mga gamit na inihanda ko para sa alibi kong house keeper.

Mapayapa akong naglakad palabas ng likod ng building kung nasaan nakapwesto ang spare kong kotse. Babalikan ko na lang ung isa bukas.

Umuwi ako sa mansion ni Don Marcelino dito sa Maynila para magbigay ng ulat kung anong nangyari. Napangiti ako nang makita ko sa aking isipan ang mga nagkakagulong mga tauhan ni dela Vega.

"Mga walang silbi!" sigaw ko at bahagya pang natawa dahil doon.

Nakarating ako ng mansion at agad ko ginarahe ang kotseng ginamit ko.

Agad naman akong nakakita ng mga lalaking nakatingin sa akin habang bumaba ako pero hindi ko sila pinansin at agad na naglakad papasok ng loob ng mansion. Nakasalubong ko si Benji na papalabas kaya hinagis ko sa kan'ya ung susi.

"Compartment," maikling saad ko at alam kong alam na n'ya ang ibig kong sabihin.

S'ya ang nagbigay sa akin ng baril kaya paniguradong alam n'ya kung anong tinutukoy ko.

Tumungo ako sa private living ng room kung saan paniguradong nandoon ang Don.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko hinawakan ang door knob para mabuksan iyon.

"How is it?" agad na bungad sa akin ni Don Marcelino.

"Mission done! Panigurado hong nagkakagulo na ang mga tauhan ni dela Vega" Naglalakad kong tugon sa kan'ya.

"Mabuti kung gano'n. For sure Fuentes ang sisisihin ng mga dela Vega sa nangyari," natatawang saad nito. "Magpahinga ka na, ija. Maaga tayong babalik sa lugar natin bukas,"

"Babalik na ho agad tayo? Paano ho ang ibang transaksyon natin dito?" tanong ko dahil ang akala ko sa susunod na linggo pa ang balik namin.

"Hindi na kailangan. Nandito naman na ang kanang kamay ko, s'ya na ang bahala rito," saad n'ya kaya wala naman akong nagawa kun'di ang tumango at magpaalam na magpapahinga na.

Kanang kamay? Sino 'yon? Hindi ko alam na may kanang kamay pala ang Don.

Simula nang mapunta ako sa kan'ya nung ako ay kinse anyos pa lamang. Ni isang kanang kamay ay walang ipinakilala ang Don sa akin.

Simula din nang mapunta ako kay Don Marcelino, natuto ako ng mga bagay na hindi ko inakalang matututunan ko katulad na lamang nang paghawak ng iba't ibang dekalibreng baril, pakiki'pag labanan para sa sarili kong buhay at makipaglaban sa mga kaaway na gustong wakasan ang buhay ni Don Marcelino. Natuto din akong kumitil ng buhay ng sinumang magtatangka sa buhay ko at sa buhay n'ya.

Pitong taon ang nakalipas at sa nagdaang taon na 'yon, nalaman ko ang iba't ibang negosyo ni Don Marcelino. Kung gaano karami ang legal na negosyo nito, mas marami ang illegal n'yang negosyo, mapasa Pilipinas at lalo na sa ibang bansa.

Noong una akala ko ang gagawin ko lamang dito ay maglilinis at magluluto lamang ngunit nang sumapit na ako sa aking legal na edad doon na ko nagsimula na turuan at ipaalam sa akin kung anong meron ang isang Don Marcelino kahit na ako noon ay nag aaral pa ng kolehiyo.

Pinag aral ako ng college ni Don Marcelino dahil kailangan ko daw iyon.

Flashback

"Maligayang kaarawan, Aodie" bati sa akin ng matandang Don.

Ngayon ay aking kaarawan at isa na akong legal na dalaga.

"Maraming salamat ho, Don Marcelino. Kung pahihintulutan n'yo ho sana ako, gusto ko ho sanang dumalaw sa aking pamilya ngayon," nakayukong paalam ko.

Minsan naman ay hinahayaan ako nitong dumalaw, lalo na sa mga nagdaang kaarawan ko din.

"Ayos lamang ngunit wag kang magpapagabi dahil bukas ng umaga meron tayong pupuntahan at doon muna tayo mamamalagi," saad nito kaya naman kahit nakayuko, agad sumilay ang ngiti sa aking labi.

"Makakaasa ho kayo, kung ayos lamang ho. Ngayon na ho ako aalis para ho sana mas mahaba ang oras ko sa kanila," hingi ko ulit ng pahintulot at agad nag angat ng ulo.

Nakita kong tumango tango lamang s'ya. "Bweno, simulan mo nang maghanda at bumyahe. Mag iingat ka sa daan, ija" pagpayag nito.

Agad akong umalis ng mansion at umuwi ng bahay. Bumili ako ng pagkain para pasalubong para sa kanila kahit naman kasi nag aaral ako at ako ang bayad sa utang ng pamilya namin, binibigyan ako ng allowance ng Don kaya naman may naiion akong ibang pera.

Pag uwi ko ng aming bahay. Agad naming pinagsaluhan ang mga pagkaing dala ko. Masaya ako dahil nakauwi ako ulit at alam kong mas matatagalan ang susunod kong uwi dahil mukhang mapapadalas ang alis namin ni Don Marcelino dahil sa pagkakatanda ko. Inaantay lamang ng matanda na ako ang tumuntong sa legal kong edad.

"Mauuna na ho ako, 'ma" paalam ko kay Mama na ngayon ay parang naiiyak.

"Mag iingat ka sa byahe mo. Mag iingat ka araw-araw," may ngiti n'yang saad ngunit mahihimigan ko ang lungkot sa kan'yang boses.

Marahil namimiss na din n'ya ako kaya gano'n na lamang tono n'ya.

Pagkatapos nang paalaman na iyon, bumyahe ako at umuwi sa mansion.

Kinabukasan nung araw na iyon, dinala ako ni Don Marcelino sa isang malawak na lugar ngunit maraming puno sa paligid at may mga target shooting na range na nakasabit palibot sa mga puno nito. Nasa sasakyan pa lamang kami ay kitang kita na ang mga lalaki at babaeng gumagamit ng iba't ibang baril, maririnig mo din ang tunog ng mga ito kahit na may takip kami sa tenga.

Nakarating kami sa isang 'di ganoong kalaking bahay kaya naman maingat kong tinanggal ang takip ko sa aking tenga 'ska pumasok doon.

"Ihatid n'yo s'ya sa kan'yang silid sa tabi ng silid ni Bry," utos nito sa mga tauhan na s'yang kasama namin kanina. "Alam kong pagod ka, ija. But we have a lots to do and you need to learn. Change your clothes at get back here, may mga inihandang damit doon na gagamitin mo para sa iyong pagsasanay," saad n'ya sa akin kaya naman kahit hindi ko maintindihan iyong pag sasanay na sinasabi n'ya ginawa ko pa din ung utos n'ya.

Agad akong nagpalit ng kasuotan na tinutukoy n'ya nang makarating ako sa silid na nakalaan sa akin.

Sinuot ko ang isang army green t-shirt at isang maong pants, kinuha ko din ang isang sapatos na napakabigat at sinuot 'yon, mukha s'yang pansundalo. Pinusod ko na rin ang aking buhok para walang sagabal. Ano kaya ang pagsasanay na sinasabi ng Don?

Bumalik ako sa lugar kung saan sinabi ng Don na magkikita kami.

Nang makarating ako doon nakita kong may kasama s'yang isa din matanda at mukhang kaibigan n'ya. Sabay silang napatingin sa akin at bahahyang kumunot ang noo nito nung nakita ang suot kong sapatos.

"Sinong nagbigay ng sapatos na 'yan sa dalagang ito? Kung ang apo kong babae ang pasusuotin n'yan, sinisigurado kong babasagsak ngayon din ang tao na iyon," singhal ng matandang kasama ni Don Marcelino, s'ya ay si Senyor Klyde Vicente ang matalik na kaibigan ni Don Marcelino. "Palitan n'yo iyan at bigyan s'ya ng magaan na sapatos na babagay sa kan'ya," utos itong muli.

Agad na tinanggal ng isang lalaki sa paa ko ang sapatos na suot ko at binigyan ako ng tsinelas.

Tumingin naman ako sa Don na tinanguan lang ako nito na may tipid na ngiti.

Hindi naman na ako kinausap ng dalawang nag uusap na matanda hanggang sa mapalitan ung sapatos ko. Magaan nga ngunit alam kong heavy duty ang sapatos na ito.

Niyaya nila akong pumunta sa sinasabing training room. Muling ibinigay sa akin ang takip ko sa tenga pati na din isang goggles para sa mata.

Agad bumungad sa akin ang isang silid na may pinturang itim sa bawat dingding. Bahagya akong nagulat dahil hindi lang pala basta basta ito silid. Isa din itong kwarto na puno ng mga baril, patalim at granada.

May tatlong lamesa ang nasa loob. Nasa isang lamesa ang mga dekalibreng baril na hindi ko alam ang tawag ngunit alam kong malakas ang mga iyon. Sa isa naman ay mga patalim na alam mong pagtumama sa iyo ay s'yang katapusan ng buhay mo. Sa kabilang mesa naman ay mga iba't ibang klaseng granada at hindi ko na alam ang tawag.

"Pumarito ka, Aodie" tawag sa akin ni Don Marcelino.

Agad akong lumapit dito at tumindig para sa mga iuutos nito. Bahagya naman akong nakarinig ng tawa sa matandang kasama nito.

"Take it easy, young lady. We just want you to look at the place here. Wala kaming ipag uutos sa'yo," saad nito at ngumiti. "Pareho kayo ng apo kong babae, tahimik pero matalino. Nakikita ko sa'yo ang attitude na 'yon, ija" saad pa nito 'ska inilapat ang kanang kamay n'ya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

Nakayuko akong ngumiti dahil sa ginawa n'ya napakabait ng matandang ito kaya siguro sila magkaibigan ni Don Marcelino dahil pareho silang mabait.

Dahil strikto man si Don Marcelino, nasa loob naman ang kabaitan nito na lagi kong natutuhayan.

End of Flashback

Hindi ko inaasahan na nung araw na 'yon ay agad akong hahawak ng baril, patalim at granada para sa training ko nung araw na iyon.

Natatandaan ko na agad akong isinalang sa isang battlefield kung saan mga totong baril ang hawak namin. Halos umiyak ako non dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko at kung paano humawak ng baril hanggang sa isang lalaki ang lumapit sa akin at tinulungan akong gamitin iyon.

Ang lalaki na iyon ay si Benjie.. actually, hindi s'ya straight guy but he is firm and bold! Alam n'ya sa sarili n'ya na lalaki ang gusto n'ya pero kahut ganoon, magaling iyan sa baril at sa pag hawak ng mga ito. Kaya nga s'ya ang tinaguriang Tactical Man ng grupo namin dahil sabihin mo lang ang gusto, alam na agad n'ya ang ibibigay sa iyo.

Agad kong kinuha sa ilalim ng kama ko ang unang baril na nahawakan ko. Isa itong itim na .45 Caliber handgun, ito ang inabot sa akin ni Senyor Klyde nung araw na namimili kami ng baril ko.

Sabi nung mga nandoon ng araw na 'yon masyadong malaki at advance kung 'yon ang gagamitin ko pero sabi ni Senyor Klyde. Kakayanin ko ang gan'tong baril kaya hindi nila kinuha sa akin.

Hirap at pagod ang dinanas ko doon sa training place na sinabi ni Don Marcelino at Senyor Klyde. Nandoon ang halos malagutan ako ng hininga dahil sa pagod, uhaw at sunod sunod na sparing. Madami akong peklat na natamo at hindi ko kinakahiya 'yon dahil hindi ako gan'to katapang at kalakas ngayon kung hindi ko kinaya ang pinagdaanan ko.

------------

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ms.Dimples Ghurl❤
Ms.A Chapter 2 plng gyera na po xa hah.........Thanx Ms.A.........
goodnovel comment avatar
Wheng Dugang Peraz
grabe pala mga pinagdaanan nya pero buti na lang kinaya nya at ang bait pa ng don sa kanya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Last Chapter

    BRYAN“SO you two are now engaged huh! Congratulations!” usal ni Kuya Lester habang nandito kami kila Kean.The party of Nhia is already done and some of our relatives have already left while we– we decided to stay.Kumustahan lang naman ang naisip naming gawin lalo na sa amin ni Aodie. She really wants to be with the girls dahilatagal niyang hindi nakita ang mga ito pati na sila Jaila at Kalvin.Ngayon nga ay nasa loob silang lima para magkumustahan habang kami namang mga lalaki ay nandito at umiinom ng alak.“Yes, we are and the wedding will be in 2 weeks,” usal ko na ikinataas ng kilay nila.“Kuya naman! Ako muna dapat! Nagmamadali ka ba?” usal ni Kean na ikinataas lang din ng kila ko habang sila Nathan naman ay natawa lang sa pag-iinarte niya.He already proposed to Dhia naman but they will wait Dhia to give birth to their 2 monster kaya naman uunahan ko na. Besides, sobrang simple lang naman ng wedding namin ni Aodie.We both decided not to make it fancy. We plan it to be very sim

  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 70

    AODIE“ARE you sure you are okay?” tanong ni Bryan habang inaayos nito ang gamit ko sa duffle bag na pinaglalagyan ng mga gamit ko.Napanguso naman dahil sa tanong niya. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit niya akong tinanong niyan ngayong araw!“Oo nga… it's been two weeks since I woke up, sa bahay na ako magpapahinga at magpapagaling,” tugon ko habang marahan na umuupo sa kama ko.Sa totoo lang ay okay naman na ako. May mga nararamdaman pa pero normal naman na siguro iyon para sa isang tao na matagal na natulog, nakalatay sa kama. May pamamanhid pa akong nararamdaman sa katawan ko dahil doon pero… mas okay na akong sa bahay magpahinga kesa dito dahil para lang akong nagkakasakit lalo.Nakita ko namang marahan na ibinaba ni Bryan ang hawak niyang damit ko na nililigpit at naglakad papalapit sa akin. Agad nitong iniyakap ang braso niya sa sa balikat ko habang ako naman ay iniyakap din ang mga braso sa kan’ya.Sa totoo lang ay sobrang namiss ko siya. Simula nang magising ako, wala ata

  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 69

    BRYANMARAHAN kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Aodie nang makarating ako sa hospital kung saan siya namamalagi. Dahan-dahan akong lumakad papasok para ilagay ang mga dala ko sa lamesa ng kwarto ni Aodie.Agad kong nakita doon ang mama niya at ang kapatid niyang babae. Nakita kong pinupunasan ng mama niya ang kamay ni Aodie habang ang kapatid naman niya ay hinihilot ang paa nito. I can see with their eyes the same sadness I’m having right now.It’s been a month since Aodie in coma, hindi ko na mabilang kung ilang beses akong umiyak sa kan’ya tuwing kakausapin ko siya. I feel so weak whenever I'm alone with her. Aaminin kong nawawalan na ako ng pag-asa but everytime I’m seeing her family na kumakapit at naniniwalang gigising siya ay minumura ko ang sarili ko.Kung titignan, ang payat na niya sa normal niyang katawan… kung tutuusin ay mapalad na kami na tinanggal na ang iba niyang tubo pati na ang paglipat sa kan’ya sa isang private na kwarto pero kahit ganon ay nakamonitor pa rin

  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 68

    BRYAN“KEEP your eye on her, wag na wag kayong aalis dito! Kapag may nangyari kay Aodie na kakaiba o gumising siya o inilipat siya ng kwarto, call me! Naiintindihan ninyo?!” mariin kong bilin sa dalawang tauhan ko na agad nilang ikinatango.Hindi na ako nagbigay pa ng kahit anong bilin dahil alam kong hindi nila ako susuwayin. Bukod doon, sinigurado ko na naubos namin lahat ng mga tauhan ni Gio at siya na lang ang itinira kung buhay pa siya at hindi pa nauubusan ng dugo.Hindi pa dapat siya mamatay dahil hindi pa ako tapos sa kan’ya.Mabilis na akong tumalikod sa kanila at muling sumulyap kay Aodie bago naglakad papaalis.Mabilis na akong pumunta ng parking lot para tignan ang isa sa mga tauhan ko na nandoon nagbabantay para sa sasakyan namin.Nang makita ako nito ay agad itong bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan. Agad akong pumasok doon at pumikit.Narinig ko na lang na sumara ang pinto at umandar ang kotse.“Boss, kumusta na po si Ms. Aodie?” tanong ng tauhan kong nagmamaneho.Napa

  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 67

    BRYAN“AODIE! Stay with me, baby…” matigas kong usal saad habang hawak hawak ang katawan niyiang parang lantang gulay na.Nasa kotse na kami ngayon at papuntang hospital dahil hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba siyang iligtas na ako lang ang gagawa. She needs expert to survive this at hindi ako iyon!“Boss! Ano pong gagawin doon sa Gio–”“I want him in hell! Itali ninyo ng patiwarik ang g*go na ‘yon at wag na wag aalisin ang bantay sa kan’ya! Hindi pa ako tapos sa kan’ya!” madidiing utos ko sa isa sa mga tauhan ko na siyang kausap ng mga kumuha kay Gio.Hindi pa ako tapos sa kan’ya! Hindi ako papayag na hindi ko mapatay ang g*go na iyon! Wala akong ititirang kahit na ano sa kan’ya! Kahit mata niya ay lalagyan ko ng latay! Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kay Aodie!Muli kong hinawakan ang pulso ni Aodie para tignan kung pumipintig pa ito– agad akong napapikit at napatagis ang panga nang maramdaman kong unti-unting nawawala ang pintig nito.“Drive faster!” malakas

  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 66

    AODIE NAPANGISI AKO nang marinig ko ang boses na iyon ni Cold. I knew it! I knew him very well like how he knew me! Hindi siya basta basta nagpapauto ang lalaking ‘to kahit kanino kaya hindi siya basta-basta mauutakan. Napatingin ako kay Gio nang bigla niyang ibato ang hawak niyang cellphone at biglang kumuha ng baril sa likod niya at pinagbabaril ang cellphone niya na nasa lapag na para bang kaharap niya si Cold. “P*tang-*na! P*tang-*na! G*go! B*llsh*t!” malalakas na sigaw nito. Sabay-sabay na umiwas ang mga kasama niya nang makita nila na itinapat sa kanila ang baril na hawak ni Gio. “Boss! Kumalma ka, hindi pa naman alam ng lalaki na iyan ang pinagtataguan–” Isang malakas na pagsabog ang pumutol sa pagsasalita ng lalaking tingin ko ay sumampal sa akin kanina. Nakarinig din kami ng mga barilan at putok ng baril na sa tingin ko ay nanggagaling sa labas ng kinalalagyan ko. “Tignan ng iba ang nangyayari doon!” malakas na sigaw ni Gio na mabilis na sinunod ng apat saga kasama ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status