FAZER LOGINKINABUKASAN suot na ni Arisielle ang RHIS uniform niya nang bumaba siya para mag- almusal kasama ang bago niyang pamilya.
Nakasalubong niya si Katana na malapad ang ngiti sa kanya. "Arisielle!" Tawag nito, "ang ganda mo sa suot mong uniform, my sister." Sabay mainit siyang niyakap nito. Nanlaki ang mga mata niya, napangiti si Arisielle at niyakap pabalik si Katana. "Masanay ka na kay, Kat. She's a hugger." Isang mababang boses ang narinig nila mula sa likuran ni Arisielle. "Kuya Kris, maganda naman si Arisielle sa uniform niya hindi ba?" Pagmamalaki ni Katana at kumalas sa pagkakayakap nito sa stepsister niya. Napangiti naman si Arisielle at nahihiyang namula ang mga pisngi. Kaya nagtago siya ng mukha sa pagtingin sa sahig Nasa likod naman ni Kris si Knife. Sumulyap lang ito ng tingin sa mga babaeng kapatid at naglakad na ito papunta sa dining area ng masyon. "Wow you're so cute in your uniform little sis." Papuri ni Krig kay Arisielle. Natigilan naman si Knife sa kumento ng kuya Krig niya dahil malakas naman talaga ang boses nito. Napasulyap naman si Knife nang kinuha ni Krig ang kamay ni Arisielle at pabirong inikot ito na parang sinasayaw ng waltz. Nagulat naman si Arisielle sa ginawa sa kanya ng kuya Krig niya. "Woah..." Mahinang sambit ni Arisielle. "Nice!" Saka malokong humalakhak si Krig. "Liligawan kita kung hindi lang kita kapatid." "Hey kuya! Huwag ka nga magsalita ng ganyan. Arisielle is our sister now. Incest 'yon." Puna ni Katana at pinagsabihan ang kapatid. Bahagyang siniko naman ni Kris ang kapatid na si Krig. "Huwag kang magsalita ng ganyan, Krig. Hindi maganda 'yan." Pinagsabihan din siya nito bilang nakakatandang kapatid nila. "Kung hindi nga natin siya kapatid. Ang kaso nga kapatid na natin siya. Kaya hindi na nga." Kibit-balikat ni Krig saka iniwan ang mga kapatid. Krig is an outspoken type. Siya rin ang hearthrob sa buong RHIS. Hindi naman ikakaila na magagandang mga lalaki talaga ang mga Huangcho brothers. Si Krig din ay ang madalas na nagsasabi ng lahat ng nararamdaman niya mali man ito o tama. Wala siyang pakialam kung may masasagasaan siya na damdamin. Ang mahalaga lang sa kanya nasabi niya ang gusto niyang sabihin. Kahit mga jokes nito minsan masasakit na pero wala pa rin siyang pakialam. Pero marunong din naman siya humingi ng despensa kung alam niyang nasaktan niya na ang tao sa paligid niya. Knife clenched his two palms. Medyo nainis siya sa kuya Krig niya. Hindi kasi magandang biro iyon. Pero nang makita siya nito na nakahinto lang sa tabi inakbayan na siya nito at patuloy silang nagsabay maglakad papuntang dining area. Ang dalawang maliit na kapatid naman nila na sina Kunai at Kleaver ay naguunahan na humahangos pababa ng hagdan. Nang dumaan sila sa gawi ng mga kapatid na sina Kuya Kris, Ate Katana at Ate Arisielle nila— bumati ang mga ito ng 'good morning.' Nag jogging pa paatras si Kunai para sabihin sa ate Arisielle niya ang gustong sabihin. "Ate you're so cute in your uniform." Sabay kindat nito. At pinagpatuloy ang pakikipag- karera sa pagtakbo sa kanyang little bro na si Kleaver. "I'm the first to hug mommy!" Sinunggaban ni Kleaver ang kanilang mommy Catherina at kumapit sa bewang nito. "Kleave whoever gets first to sit at the dining table. Hindi first to hug mommy yung pinagkarerahan natin." Kumamot ng ulo niya si Kleaver. "I thought, first to hug mommy eh." Sabay yumakap pa lalo sa mommy niya. Humalakhak si doña Catherina at masuyong hinaplos ang buhok ng kanyang bunso. "Sige na winner si Kleaver sa puso ni mommy. And Kuya Kunai is the winner for being on time for breakfast." "Yes! As my prize I get the crispiest bacon." Pagmamalaki ni Kunai sa sarili. "I want crispy bacon too." Nakangusong paglalambing ni Kleaver sa kanilang ina. "Yes you will get two crispy bacon because you're in the second place." Pagdadahilan ni Catherina para walang gulo sa umaga. "And Kuya Kunai will get just one, because he's in first place?" Inosenteng tanong ni Kleaver. "No! I have the crispiest bacon because I'm in the first place." Dumating naman na ang mga matatandang kapatid nila kasama si Arisielle. "Come, Kleave. Tabi tayo ni kuya, I will get you the crispiest bacon." Aya ni Kris sa bunsong kapatid. Para na rin makagalaw si Catherina dahil sa tindi ng kapit sa kanya ng busong anak. Tumango lang sa anak na si Kris ang Doña para magpasalamat sa anak. Tumango rin ito pabalik. Sumunod naman si Kleaver sa kuya Kris niya. Pagpasok ng iba pa sa dining hall, naroon na ang padre de pamilya — si Don Arsenio Huangcho, nagbabasa ng pahayagan habang iniinom ang mainit na kape. Matikas, seryoso, at halatang sanay na sa tahimik pero disiplinadong umaga ng isang malaking pamilya. Kahit na puros gadget na ay diyaryo pa rin ang nakasanayang basahin tuwing umaga. “Good morning, Dad,” bati ni Kris. “Good morning po,” sunod-sunod na bati ng mga bata. Saglit na tinaas ni Don Arsenio ang tingin niya kay Arisielle — hindi malamig, hindi rin masyadong mainit… pero may tamang paggalang at pagtanggap. “Good morning, hija. Welcome to your first official school day.” Namula si Arisielle at yumuko. “G-good morning po, Sir.” “Call him dad.” Bulong ni Catherina habang nakangiti. “D-Dad…” Nahihiyang sambit niya. Tumango si Don Arsenio, bahagyang lumambot ang mga mata. “Sit down and eat well. RHIS is not an easy school.” Umupo silang lahat. Wala nang natirang upuan si Arisielle kundi yung nasa tabi mismo ni— Knife. Napakagat labi si Arisielle pero umupo pa rin. Tahimik na naglagay ng food ang mga nasa harapan. Pancakes, scrambled eggs, bacon, sausages, fresh fruits, juice. Tahimik si Knife. Tulad ng lagi. Pero ramdam ni Arisielle na aware na aware ito sa presence niya. Si Kunai at Kleaver ay abala sa crispy bacon argument nila. Hawak naman ni Katana ang juice ni Arisielle para i-abot rito. “Eat lots, sister. Para may energy tayo later,” masiglang bati ni Katana. “I will give you my bacon, Ate Arisielle!” Sabay taas ni Kleaver ng plato. “Hey. That’s mine.” Pinigilan ni Kunai sabay hablot sa bacon ng kapatid. Nagkatawanan ang buong mesa — maliban kay Knife, na kahit hindi tumatawa, may bahagyang smirk na lumitaw. Nagsalin si Kris ng bacon sa plato ni Kleaver saka ibinigay ang isa kay Arisielle. “Arisielle, have this,” sabi ni Kris. Aabot na sana si Kris nang biglang inunahan siya ni Knife. Tahimik lang, steady ang kilos, parang walang drama. Kinuha ni Knife ang serving plate ng bacon — walang sinasabi — at mahinahong naglagay ng dalawang piraso sa plato ni Arisielle. At doon na nangyari. Nagkandikit ang mga daliri nila. Isang banayad pero malinaw na contact. Mainit. Mabilis. Pero sapat para magpatigil sa paghinga ni Arisielle kahit isang segundo lang. Para namang nakuryente si Knife — bahagyang tumaas ang tingin nito sa kanya, at ang mala honey brown nitong mata ay tila tumalim. Hindi ito umalis kaagad. Hindi rin binitawan ang serving spoon. Parang may silent na tensyon sa pagitan nila na sila lang dalawa ang nakaramdam. “Thank… you,” mahina at nauutal na sabi ni Arisielle. Bumalik si Knife sa pagiging stoic — pero hindi maitatanggi ang paggalaw ng panga niya, parang nagpipigil ng ngiti… o ng kung ano pang nararamdaman. “You’re sitting beside me,” mahina niyang sabi nang hindi tumitingin. “Make sure you finish your food.” Hindi iyon utos. Hindi rin lambing. Pero may tono. Tono ng isang batang lalaki na ayaw nang may ibang umagaw ng atensyon mo — kahit kapatid niya. Napataas ang kilay ni Krig mula sa kabilang side ng mesa. “Aba, Knife, since when ka naging attentive?” tukso nito. Hindi sumagot si Knife. Tahimik siyang kumain, pero pagkatapos ng ilang segundo… Dahan-dahan niyang itinulak ang baso ng orange juice papunta kay Arisielle. Walang salita. Walang tingin. Pero malinaw ang mensahe: Drink this. I’m watching you. You’re beside me. Para namang lalong nanghina ang tuhod ni Arisielle. At para sa unang beses simula nang dumating siya… Nararamdaman niya — hindi lang siya accepted. May mga matang bantay sa kanya. May batang lalaking unti-unti nang nagtatanim ng pagkainteres sa kanya na hindi dapat mamunga.SABAY na pumasok sa classroom sina Arisielle at Knife. Parehas kasi sila ng klase. Ang star section ng Rosewood Heights International School. Kanina noong nasa kotse sila kinulit-kulit ni Katana ang kuya Knife niya na samahan si Arisielle sa klase at huwag pababayaan ma-bully ng mga kaklase. Medyo ayaw ni Katana kasi sa mga ugali ng mga taga star section. Nakasunod lang si Arisielle kay Knife. Mas matangkad ito sa kanya kaya nakatingala siya ng bahagya habang pinagmamasdan ang likod nito. Napatingin siya sa maputi at mahabang batok nito. Napailing si Arisielle bakit bigla na lang siya napahanga sa batok ng kuya Knife niya? Imagine, batok? Ano bang pumasok sa isipan niya? Natanong tuloy ang sarili. Huminto ito sa paglalakad, kaya napahinto rin siya. Nilingon siya ng kuya Knife niya. "This is our classroom." Pumasok na ito ng nakapamulsa. May mga naroon naman na students na naguusap-usap at nagtatawanan nang makita siya ng mga ito ay tumahimik at sabay- sabay ang mata ay nasa kany
KINABUKASAN suot na ni Arisielle ang RHIS uniform niya nang bumaba siya para mag- almusal kasama ang bago niyang pamilya. Nakasalubong niya si Katana na malapad ang ngiti sa kanya. "Arisielle!" Tawag nito, "ang ganda mo sa suot mong uniform, my sister." Sabay mainit siyang niyakap nito. Nanlaki ang mga mata niya, napangiti si Arisielle at niyakap pabalik si Katana."Masanay ka na kay, Kat. She's a hugger." Isang mababang boses ang narinig nila mula sa likuran ni Arisielle."Kuya Kris, maganda naman si Arisielle sa uniform niya hindi ba?" Pagmamalaki ni Katana at kumalas sa pagkakayakap nito sa stepsister niya.Napangiti naman si Arisielle at nahihiyang namula ang mga pisngi. Kaya nagtago siya ng mukha sa pagtingin sa sahig Nasa likod naman ni Kris si Knife. Sumulyap lang ito ng tingin sa mga babaeng kapatid at naglakad na ito papunta sa dining area ng masyon."Wow you're so cute in your uniform little sis." Papuri ni Krig kay Arisielle.Natigilan naman si Knife sa kumento ng kuya Kr
PUMASOK NA sa kanilang mga klase ang magkakapatid na Huangcho. Sinamahan naman ni Doña Catherina si Arisielle para i-enroll sa paaralan. Kahit kalahati na ng semester ay pwede pa naman siya pumasok kasabay ni Katana. Binigay naman ni Mother Martha ang mga transcript of records niya sa Doña. Ang lamig ng principal's office dahil sa aircon, may aquarium din sa gilid nito na may isdang laman ang tank na galing sa dagat. Naka sabit na nakabalandra ang mga achievements ng principal sa dingding nito. Maging ang ilang mga trophies at plaque na nakapangalan sa kanya at mga photos ay nakahanay ng maayos at pinangbungad talaga para makita agad ng mga bisita.Nakaupo si Doña Catherina at Arisielle sa visitors sofa. Magkatabi sila at ang principal ay nasa katapat na pang isahang sofa naman nakaupo. Masuring tinitingnan nag kanyang school records."Your grades are outstanding." Sabi ng principal na balbas-sarado kulang na lang maging puti ito at magiging si Santa Claus na siya. Merong mabigat na
MAAGA nagising ang magkakapatid para pumasok sa school. Nagising na rin si Arisielle dahil kailangan niya rin sumabay sa magkakapatid at mag-eenroll na rin siya sa pinapasukan nila na private school. Sasamahan siya ni Doña Catherina mag- enroll.Matapos maligo at magbihis ng bestida na kulay pink. Ginamit niya na ang mga damit na binili sa kanya ng bago niyang pamilya. Sinuklay niya ang natural niyang dark- brown hair. Kinuha niya ang school's handbook ng isang marangyang paaralan na kilala at mayayaman lang ang mga nakakapasok. Namangha si Arisielle dahil sa mga picture pa lang ay mukhang pristeryosong paaralan ang Rosewood Heights International School o RHIS.Nakarinig siya ng tatlong katok sa pinto at humahangos na pumasok si Katana sa kanyang silid."Arisielle!" Tawag nito habang umikot ito para ipakita ang napakagara nitong uniporme. "Look! Cute ka rin siguro kapag suot mo na ang uniform ng school."Ang blazer ay kulay deep midnight blue na may gold piping sa gilid ng kwelyo at
PAGKATAPOS niyang makilala ang mga kapatid ni Katana, agad siyang hinila nito papunta sa itaas.“Come on! I’ll show you your room!” excited na sabi ni Katana habang halos tumatakbo paakyat sa grand staircase.Napakapit si Arisielle sa railings — bawat hakbang niya, parang nasa panaginip siya. Mula sa marmol na sahig hanggang sa mga painting sa hallway, lahat ay mukhang mamahalin. Hindi niya alam kung saan siya titingin.“Dito!” Itinulak ni Katana ang isang pinto at binuksan iyon. Pagpasok nila, muntik nang maluha si Arisielle.Ang silid ay parang galing sa fairytale — kulay soft cream ang mga dingding, may kurtinang kulay champagne gold na sinasayawan ng hangin, at may malaking kama na may canopy at lace. May mga stuffed animal toys din ang maayos na nakahilera sa may ulohan ng kama. Sa gilid, may study table, bookshelf na punô ng art books, at isang malaking salamin na may nakapatong na mga ribbon at hair clip.“Ngustohan mo ba?” tanong ni Katana, nangingislap ang mga mata.“Ang gand
NANLALAMIG ang mga kamay ni Arisielle Dominguez sa kaba at sa halo- halong emosyon. Nakaupo siya sa pang isahang sofa at kaharap si mother superior Martha, abala ito sa pagpipirma ng mga dokumento.Ngayon ang pag- alis ni Aris sa bahay- ampunan na naging tahanan niya ng sampung taon. Dala niya ang kakaramput na gamit niya. Pero mahalaga ito sa kanya. Ang lampin na may nakaburda na pangalan niya ang tanging alaala niya at pagkakakilanlan sa kanya, ito ang lampin na suot niya noong iniwan siya sa bahay ampunan na baby pa lang siya.Nakita naman niya ang mag- asawa na gustong umampon sa kanya. Nakamabutihan niya naman ng loob sina Don Arsenio Lagera Huangcho at Doña Catherina Del Quinco- Huangcho noong unang dalaw sa kanya ng mga ito. Ang sabi sa kanya magiging masaya siya dahil may mga kapatid siya. Una niyang nakilala sa mag kakapatid si Katana Hatchet Huangcho kasing edad niya lang ito at naging close agad sila. Walang boring moments kapagmagkasama sila. Saka parehas sila mahilig mag







