MasukSABAY na pumasok sa classroom sina Arisielle at Knife. Parehas kasi sila ng klase. Ang star section ng Rosewood Heights International School. Kanina noong nasa kotse sila kinulit-kulit ni Katana ang kuya Knife niya na samahan si Arisielle sa klase at huwag pababayaan ma-bully ng mga kaklase. Medyo ayaw ni Katana kasi sa mga ugali ng mga taga star section.
Nakasunod lang si Arisielle kay Knife. Mas matangkad ito sa kanya kaya nakatingala siya ng bahagya habang pinagmamasdan ang likod nito. Napatingin siya sa maputi at mahabang batok nito. Napailing si Arisielle bakit bigla na lang siya napahanga sa batok ng kuya Knife niya? Imagine, batok? Ano bang pumasok sa isipan niya? Natanong tuloy ang sarili. Huminto ito sa paglalakad, kaya napahinto rin siya. Nilingon siya ng kuya Knife niya. "This is our classroom." Pumasok na ito ng nakapamulsa. May mga naroon naman na students na naguusap-usap at nagtatawanan nang makita siya ng mga ito ay tumahimik at sabay- sabay ang mata ay nasa kanya. Nahiya tuloy si Arisielle at nayuko na lang. Nang makapasok ang kuya Knif niya, agad itong dumeretso sa solo desk niya sa likod ng klase. Si Arisielle naman ay naiwan sa may pinto. Tumahimik ang buong klase; lahat ay nakatutok sa kanya, ang new girl, ang nabalitaan na isang ampon na umakyat sa Star Section. Walang nakalalampas na balita sa buong Rosewood Heights, kahit pa ang pinaka walang kwentang balita ay napapag-usapan. Nagsimulang magbulungan ang ilan. Napansin ni Arisielle ang isang babae na nakaupo sa harap, matangkad, may fierce eyes at nakangiti ito sa kanya parang condescending pero nagulat siya dahil sabay inirapan siya nito. Lalo tuloy siyang kinabahan. Biglang pumasok ang kanilang adviser, si Sir Anthony Morelli. Ang naturang guro ay bata pa, handsome, at may kakaibang intensity sa mga mata. “Good morning, everyone. Before we start, we have a new addition to the Star Section,” untag ni Sir Anthony, sabay tingin kay Arisielle. Sinenyasan siya nito mula sa pinto kung nasaan siya napako, na pumunta sa gawi niya. Umayos naman ng upo ang mga students ng Star Section. Dahan- dahan naglakad si Arisielle, at tumayo sa harapan ng klase. "Introduce yourself." Napakagat siya ng kanyang pang-ibabang labi at naglakas ng loob na iangat ang ulo nito at tumuon muna saglit ang mga mata niya sa Kuya Knife niya, umiwas siya muli ng tingin dahil si Knife ay nakatitig rin sa kanya. Nakapatong ang dalawang siko nito sa desk niya, nakasiklop ang mga daliri na nakatakip sa bibig nito. "A- a- I'm Arisielle... Hu- Huangcho." Halata ang kaba niya lalo pa siyang na insecure sa titig ng kuya Knife niya sa kanya. "Nice to meet you all." "Okay class be nice to her." Tumuon naman ang tingin niya kay Knife. “Knife, I trust you’ll orient Ms. Arisielle. Tutal, kasama mo rin siya sa The Student Bureau.” Hindi man lang tiningnan ni Knife si Arisielle. "Hindi ako orientation officer," malamig niyang sabi, walang galang sa guro. “Magsasayang lang ako ng oras ko. Alam niya na ang lahat ng kailangan niyang malaman.” Hindi nag-react si Sir Anthony, sanay na sa pagiging cold ni Knife. Ngumiti lang siya, at tumingin kay Arisielle. "Welcome, Ms. Arisielle Huangcho. I know you've already met some of your classmates. You can take the vacant seat beside Ms. Agatha Coreo for now." Nilahad niya ang kamay niya doon sa babaeng nakangiti at umirap sa kanya. May upuan naman sa tabi ni Agatha. Pero ang upuan na iyon ay nakalaan sa kanyang mga alipores absent lang sina Missy and Portia. "Pero Sir," protesta ni Agatha, "wala pong upuan dito. Maaari po siyang maupo sa likod, sa tabi ni Ken Lopez." "May upuan diyan, Agatha," mariing sabi ni Sir Anthony. "Kailangan lang nating maging welcoming sa newcomer." Napilitan na lang si Arisielle na kumuha ng extra chair, dahil mukhang walang balak siyang paupuin sa tabi nito. Tinulungan naman siya na magbuhat ni Sir Morelli at inilagay sa bakanteng space sa tabi pa rin ni Agatha. Naramdaman niya ang pressure ng tingin ng lahat nang umupo siya. Kaya napayuko muli siya. Pagtungo ni Sir Morelli sa unahan, pumalakpak siya bilang hudyat sa kanyang pagtuturo sa klase. Pagkatapos ng klase, agad siyang pinuntahan ni Katana. Para sabay sila mag lunch. May mga tap card ang mga students ng RHIS isa itong card for the food stub. Mag tap lang ang mga student sa door ng cafeteria at pagpasok sa loob para itong buffet style katulad sa mga mamahaling restaurant. Pagdating nila sa buffet table may mga student na nagkukumpulan at nagrereklamo dahil walang carrot cake sa desert section. Ito ang pinakasikat na desert sa buong RHIS at every Wednesday iyon inaabangan ng mga students. "Wala nanamang carrot cake. Last week wala din." Sabi ni Katana. "Masarap ba talaga ang carrot cake?" Curious na tanong ni Arisielle. "Oo super. Minsan nga may mga pasimpleng students na nag-uuwi nun sa dorm o bahay nila." Kumuha na sila ni Katana ng pagkain nila. Pagkatapos mag- lunch, dumeretso sila sa TSB Office sa old wing, kung saan naka- schedule ang first meeting ni Arisielle sa club na nilagay siya. Pagpasok nila, agad silang sinalubong ng isang nakangiting binata na may hawak na sandwich— kakagat na sana ito pero hindi natuloy kasi may dumating. “Ayan na ang Star Section prodigy! Welcome to the Asylum, Arisielle! Ako si Rico Velasco, Official Snack Taster ng Bureau!” masiglang bati nito. "Yeah, whatever Rico. Self- proclaim best friend din siya ni Kuya Knife." Natatawang pakilala ni Katana rito at puno ng sarkasmo. "Hay nako ikaw talaga Kat-kat... Aminin mo na lang na crush mo ko para happy na ang lahat." Panunudyo ni Rico. "Pwede ba Rico, tigilan mo yang pagiging ambisyoso mo. Like eiw! Hindi ako mag ka- crush sa'yo kahit ikaw pa matirang lalaki sa mundo!" Mariing sabi ni Katana. Inambaan niya pa ito ng kamao niya. "And don't call me Kat-kat you're not a Huangcho." Sabi nito at nilakihan pa niya ito ng mga mata. "Okay fine." Napailing na lang si Rico. Tinuon niya ang kanyang mga mata doon sa iba pang kasapi ng club saka pinakilala. "Arisielle, that's Ken Lopez our tech guy." Tumango ito sa kanya. Tinuro naman niya ang isang babae na may reddish brown na buhok at naka pigtails. "Siya naman si Bella Angeles, analyst ng team." Lumakad silang pareho at si Knife ay kalmadong nakaupo sa president's chair. Napansin ni Arisielle ang paligid may sala set sa gitna pero magulo ang mga throw pillow, ang center table ay puno ng can sodas, basyo ng mga iced tea at energy drinks. May pizza na nasa box na nilalangaw, mukhang dalawang linggo na iyon doon. Naupo naman si Rico at naglaro sa game console. Napatingin muli si Arisielle sa nakaupo na si Knife sa tapat niya. May hawak itong Rubik's cube sa kanang kamay at pinapaikot- ikot ito sa isang kamay niya at mabilis na nabubuo ito ng hindi tumitingin sa laruan. “Simula bukas, dito ka na mag-o-obserba. Huwag kang maglalabas ng sensitive information,” utos ni Knife sa kanya. Napataas ng kilay niya si Arisielle. "Saan dito sa garbage lair niyo?" Puno ng sarkasmo. Nakangisi sina Rico, Katana, Ken at Bella sa sinagot ni Arisielle kay Knife. Hindi na lang siya pinatulan ni Knife dahil totoo naman garbage lair ang kanilang club room. Tamad kasi ang mga kasapi sa club lalo na siya at aminado siya doon. Nang matapos tumawa ang buong team sa biro ni Arisielle, biglang sumabat si Katana habang umuupo sa sofa na parang pag-aari niya ito. “Ano ba, guys. Hindi ‘to basta-basta TSB meeting. May bagong case tayo today,” aniya, sabay tawid ng legs like a mini-CEO. Napatingin si Knife mula sa Rubik’s cube niya. “What case?” malamig niyang tanong. “Duh,” sagot ni Katana, parang obvious na obvious, “the Carrot Cake Mystery, ano pa ba?” “Kat, hindi ‘yan case,” reklamo ni Ken habang mabilis ang pagta-type sa laptop niya. “That’s a food shortage.” “No!” Mariing sagot ni Katana sabay turo kay Ken. “It’s sabotage. Sabotage of desserts!” Nabugtahan si Knife pero nakinig pa rin. Nagtaas ng kamay si Rico na parang nasa formal hearing. “I second the motion. ‘Pag carrot cake ang ninakaw, masama ‘yon sa puso at kaluluwa. Justice for desserts!” “Rico, please.” Naiiling si Bella habang inayos ang salamin. “Last week lang, apat na tao na ang nag-report ng nawawalang carrot cake. Hindi normal ‘yan. Hindi nagjo-joke si Katana.” Napakurap si Arisielle. “Grabe naman… carrot cake lang, mystery agad?” “Hindi ‘yon lang carrot cake, Arisielle,” sagot ni Katana at sumeryoso ang mukha. Para silang pinagbiyak na buko ng kuya Knife nila. “Treasured dessert iyon ng buong RHIS. Every Wednesday tradition. Tapos bigla na lang… missing.” “Baka naman kinain nila,” simpleng sagot ni Arisielle. “Nope.” Umiling si Bella. “May timestamps yung reports. Naka lapag sa lamesa or bag pa raw nila. Isang minuto lang lumingon, wala na. May pattern.” “Pattern na gawa-gawa mo,” sagot ni Ken, pero may ngiti. “Ken,” sabat ni Knife nang hindi tumitingin, “kung may pattern, it’s not random. Hack the cafeteria CCTV from Tuesday night.” Umatras ang upo ni Arisielle. “What? As in… hack agad?” “On it! Normal Tuesday night,” sagot ni Ken, he shrugged his shoulder, habang nagta-type ng mabilis sa laptop niya. "Syempre TSB tayo," sumilip siya ng tingin kay Arisielle. “Kasama ka na dito, Arisielle,” dagdag ni Rico, “so welcome to the dark side. May free snacks kami.” “Sinira mo yung recruitment speech ni club leader,” bintang ni Bella kahit wala naman talagang speech. Habang nagbabangayan sila, lumapit si Katana kay Arisielle at bumulong. “I swear, Aris… last week, nakita ko yung carrot cake ko before ako mag-CR. Pagbalik ko, wala na. ULAM KO PA NAMAN YON!” Natawa si Arisielle. “Cake ba o ulam?” “Both!” tili ni Katana. Kumunot ang noo ni Arisielle at napakamot sa ulo niya, dahil may pagkawirdo rin pala ang stepsister niya na si Katana. Ngayon, unti- unti na niyang nakikilala ang mga ugali ng mga kapatid niya. Sa gitna ng kaguluhan, biglang tumingin si Knife kay Arisielle — diretso at matalim. “Starting today,” sabi niya, “sasama ka sa amin sa investigation. Observation role.” Nag-blink si Arisielle. “Carrot cake lang ito, ah—” “That’s how it starts.” Inikot ni Knife muli ang Rubik’s cube, nag-click-click ang mga kulay na para bang walang effort na nabuo ito muli. “Small mysteries lead to a bigger truths.” Ngumisi si Rico. “O, ayan. Pag nagsimula na mag-detective mode yan, wala nang atrasan.” Nakangiting proud si Katana, halos manginig sa excitement. “Arisielle, if we solve the Carrot Cake case… legend tayo sa RHIS.” Napangiti rin si Arisielle—hindi niya alam kung dahil sa humor o dahil sa tingin sa kanya ni Knife na parang first test ito. At sa mismong moment na iyon, nag-vibrate ang phone ni Ken. “Uy,” sabi ni Ken, nanlalaki ang mata habang nakatingin sa screen. “May bagong report. Another missing carrot cake. Kakabigay lang ng tray five minutes ago.” Tumayo si Knife, mabilis at walang ingay. “Let’s go,” sabi niya, malamig pero may urgency. “We’re checking the cafeteria now.” At sa wakas, doon nagsimula ang official mini-case ni Arisielle sa TSB: The Carrot Cake Thief. At syempre — ang ngiti ni Knife habang naglalakad sila palabas… Medyo nakakakaba. Medyo nakakaadik. At parang… may tinatagong excitement.LUMIPAS ang ilang kanta, tawanan, at masasayang pag kuha ng mga pictures para sa memories. May sumigaw mula sa gilid. “POOL!” sigaw ni Krig iyon na parang may rally. “Night swim tayo!”“YES!” sabay-sabay na sigaw nina Rico, Ken at Bella.Nagtinginan ang magkakapatid. Ngumiti si Katana kay Arisielle. “Game ka ba, birthday girl?”Nag-atubili sandali si Arisielle bago tumango ng, “game.” Ngumiti siyang malapad.Mabilis na naglipatan ang ilan sa pool area sa likod ng mansion. Ang mga ilaw sa paligid ng pool ay naka-warm white, kumikislap sa tubig na parang maliliit na bituin. Ang kaninang tahimik na gabi ay napalitan ng mga binata at dalaga na naghaharutan. Malamig ang hangin pero may heater naman ang pool ng mga Huangcho. Tumugtog ulit ang portable speaker ng party club mix.Nagpalit na sila ng pang-swimming. Simple lang ang suot ni Arisielle. Isang pink na one-piece na may manipis na cover-up. Nagtinginan naman sa kanya ang mga kapatid niyang la
NANDOON siya. Naka- black strapless balloon mini skirt dress pa ito. Lumakad siya suot ang high heels gladiator shoes. Nang makita niya si Knife pumunta siya doon at pumulupot agad siya sa braso nito.May kirot na naramdam si Arisielle nang makita niya si Agatha na nakayakap sa isang braso ni Knife. Parang gusto niya mag- walk out, pero party niya iyon. Siya dapat ang bida. At siya dapat ang prinsesa ng araw na iyon. Hindi naman nakatiis si Katana at kinompronta si Agatha."Who invited you here?" Naka crossed arms pa ito."Kat, okay lang." Sabi ni Arisielle. Para hindi na lumaki ang gulo. Sa isip ni Arisielle, para makapag- start na rin sila."No Arisielle." Masungit na tiningnan niya ang kapatid, sabay baling ng tinging nakamamatay kay Agatha. "Hindi ka invited dito and get away from my brother!" Bulyaw ni Katana sa uninvited guest.Inikutan niya ng mata si Katana at nakangisi pa ito na parang isang kontrabida sa pelikula. "Tit
DUMATING ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang birthday ni Arisielle. She's now turning 18. Mauuna si Arisielle mag- birthday bago si Katana. Ilang buwan lang naman ay mag- birthday na rin si Katana. Malakas naman ang speaker na naka- connect doon ang iPod ni Arisielle gamit ang jack. Tumutugtog sa background ang paborito nilang K-pop group na sikat ng panahon na 'yon. Isang all girl group na may walong miyembro. Kasalukuyang naroon sila sa kuwarto ni Katana."I can't believe it that you turn down Mom's offer for a cotillon." Sabi ni Katana habang ni- braid ang buhok ni Arisielle. "It's a debut sis, once in a lifetime ka lang mag- eighteen."Bahagyang natawa si Arisielle habang naglalagay ng cherry flavored liptint. "Madami nang binigay ang family niyo sa akin, Kat- kat, kaya okay na sa akin ang simpleng celebration. Close family and friends lang ang invited."Ngumiti si Katana sa tapat ng repleksyon nila at matapos ayusin ang buhok ni Arisielle ay niyakap ang kapatid mula sa liko
NASA living room ang Huangcho siblings nang humahangos si Knife na dumaan sa kanila. Walang 'hi' o 'hello, I'm home' na usual na bati ng magkakapatid tuwing umuuwi ng bahay. Tumigil si Kleaver na nag- practice mag- piano. Sinara naman ni Kris ang librong binabasa niya. Maging si Katana ay napatigil sa pagpipinta niya. Si Krig at Kunai ay tumigil sa paghaharutan nila na wrestling. Takang- taka ang lahat sa kilos ng kapatid nila, nagkatinginan pa silang magkakapatid na naroon sa salas. Dumeretso si Knife sa kitchen, binuksan niya ang fridge at kumuha ng bottled water saka tinungga iyon. Sobrang inis na inis sa pangyayari kanina sa cafè. Nang maubos ang bottled water, inis niyang piniga at nilapirot iyon gamit lamang ang isang kamay niya saka itinapon iyon ng pabalibag sa basurahan. "Damn it!" Bulalas niya at umigtig ang mga panga niya. Ilang minuto lang ay sumunod naman si Arisielle na parang wala sa sarili pero parang may h
ARISIELLE will turn eighteen anytime soon. Hindi siya humiling ng debut party. Kahit gustong- gusto ni mommy Catherina niya na ipagparty siya. Hiling lang ni Arisielle ay simpleng party. Busy na rin kasi siya na mag- work sa isang cafe na ang may- ari ay parents ni Ken. Kahit hindi pa siya eighteen ay tinanggap siya doon na mag part- time work for the entire summer lang naman. Kasama naman sina Ken, Bella at Rico kaya hindi ganoon kahirap ang trabaho. Saka nag-eenjoy siya dahil kasama niya ang mga kaklase niya. Gusto rin sana ni Katana pero hindi siya pinayagan ng daddy nila maging sila kuya Kris and Krig niya. Inilapag ni Arisielle ang classic tiramisu cake at black hot coffee sa may mesa kung nasaan nakaupo si Knife habang nagbabasa ng libro at sa kabilang kamay niya ay may rubik's cube na iniikot-ikot niya lang at kahit hindi nakatingin at nabubuo rin agad ito. "Binabantayan mo ba ako kuya?" Tanong ni Arisielle. Dahan- dahang umangat ng ulo niya si Knife at matalim na tiningn
PARANG naging normal muli sa pamilyang Huangcho dahil kumpleto na ang mga kapatid na lalaki ni Katana. May mga tawanan at kulitan muli at kaunting bangayan sa pagitan nina Katana at Kunai na nasanay na ang lahat sa bangayan at kulitan ng dalawa. Masaya ang magasawang Don Arsenio at Doña Catherina Huangcho na nakikita ang mga anak na kumpleto."Mabuti at nakauwi kayong dalawa, Kris and Krig. How's Manila? Nakapag- adjust ba kayo kaagad sa mga University na napili niyo?" Tanong ng ilaw ng tahanan na si Doña Catherina.Si Kris ang sumagot pagtapos hawiin ang bangs na bahagyang tumabing sa mata niya. "Ayos naman mom, masaya po. Pero mas masaya si Krig, dahil oras pa lang tinatagal namin sa campus ay nagpaiyak agad ng babae." Nakangisi at bahagyang siniko ang kapatid saka tumango ng may panunukso.Umiling si Krig at kumuha ng garlic stick sa plato niya. "No mom, not true. Pero totoo ang fact na ako ang pinakaguwapo sa Huangcho brothers." Swabeng sagot nito saka kumagat ng garlic breadstic







