MALAKAS ang tugtog ng musika halos lahat ay napaindak sa tugtog ng EDM (Electronic Dance Music). Ang ilaw, paiba-iba—blue, red, violet—tila sinasabayan ang pintig ng mga puso sa loob ng campus hall. Amoy alak, amoy pabango, amoy kasiyahan. Pero sa gitna ng ingay, tila bumagal ang mundo para kay Knife Blade Huangcho.Nakaupo siya sa balcony ng lumang building kung saan ginaganap ang after-party ng seniors. Sa ibaba, sumasayaw ang mga estudyante. Sa gilid, may mga nagkukumpulan. Pero sa tapat niya, nakasandal si Arisielle, may hawak na basong na ngangalahati na at kanina ay puno pa ito ng champagne.“Ang tahimik mo, Kuya Knife,” sabi ni Aris, may ngiti sa labi pero may pagod sa mga mata. “Hindi ka ba marunong magsaya?”“Hindi ko kasi makita ang saysay ng pagsasayaw sa ilalim ng strobe lights,” sagot niya, monotone pero may halong biro.“Pihikan,” aniya sabay may inis na ngiti. “Kaya tuloy wala kang girlfriend.”Napatingin siya rito. Sa liwanag ng lamp sa balcony, nakita niya ang mapulan
Última atualização : 2025-10-26 Ler mais