MasukPUMASOK NA sa kanilang mga klase ang magkakapatid na Huangcho. Sinamahan naman ni Doña Catherina si Arisielle para i-enroll sa paaralan. Kahit kalahati na ng semester ay pwede pa naman siya pumasok kasabay ni Katana. Binigay naman ni Mother Martha ang mga transcript of records niya sa Doña.
Ang lamig ng principal's office dahil sa aircon, may aquarium din sa gilid nito na may isdang laman ang tank na galing sa dagat. Naka sabit na nakabalandra ang mga achievements ng principal sa dingding nito. Maging ang ilang mga trophies at plaque na nakapangalan sa kanya at mga photos ay nakahanay ng maayos at pinangbungad talaga para makita agad ng mga bisita. Nakaupo si Doña Catherina at Arisielle sa visitors sofa. Magkatabi sila at ang principal ay nasa katapat na pang isahang sofa naman nakaupo. Masuring tinitingnan nag kanyang school records. "Your grades are outstanding." Sabi ng principal na balbas-sarado kulang na lang maging puti ito at magiging si Santa Claus na siya. Merong mabigat na nameplate na nakapatong sa lamesa nito sa unahan. Nakalagay dito ay 'Principal Severino Bernabe.' Tumingin ito kay Arisielle mula sa ibabaw ng salamin niya. “Mukhang hindi ka basta-basta estudyante, Ms. Arisielle.” Bahagyang napayuko ang dalaga. “Salamat po, Sir.” Ngumiti si Doña Catherina. “She’s been homeschooled before, kaya mabilis matuto. I’m hoping she’ll adapt well in RHIS.” “Ah, mabuti naman.” Tumango si Principal Bernabe bago tumayo at kumuha ng ilang papel mula sa drawer. “Bago kita maipasok sa klase, kailangan mo munang sumailalim sa placement exam. Standard procedure ito para malaman kung saan ka nararapat ilagay — regular, honors, o star section.” Kinabahan si Arisielle, pero ngumiti siya ng magalang. “Sige po.” Lumabas lang sila ng opisina ng principal at ang kabilang kwarto ay examination room na. Tahimik ang buong examination room. Ang ilaw mula sa bintana ay dahan-dahang tumatama sa mesa ni Arisielle. Sa harap niya, ang booklet ng exam — tatlong bahagi: Math, English, at Logic Analysis. “Begin,” sabi ng proctor. Huminga nang malalim si Arisielle at sinimulang sagutan ang test. Mabilis gumalaw ang ballpen niya — organisado, mahinahon. Habang ang ibang examinees ay napapakamot sa ulo, siya ay tila nasa sarili niyang mundo. Sa loob ng isang oras, natapos niya ang buong booklet. Nang ibinigay niya ito sa proctor, napatingin ito sa kanya, tila nagtataka. “You finished early?” tanong nito. “Opo,” sagot ni Arisielle, mahina ngunit may kumpiyansa. Ilang oras ang lumipas… Pagbalik nila sa opisina, hawak na ng principal ang resulta. Nakataas ang kilay nito habang binabasa ang papel. “Well, this is quite… remarkable.” Napatingin si Doña Catherina. “Bakit po?” “High score,” sagot ni Principal Bernabe na may bahid ng pagkamangha. “Even surpassed some of our star section averages. Exceptional analytical score — 98 out of 100.” Ngumiti si Doña Catherina at proud ito. “I knew it.” Tumingin ang principal kay Arisielle. “Congratulations, Ms. Arisielle. You’ll be placed in the Star Section, alongside some of our best students.” Saka siya tumingin sa Doña. “Including your son… Knife Huangcho.” Nanlaki ang mata ni Arisielle. “Kasabay ko po si… Kuya Knife?” Tumango ang principal. “He’s the president of a top club here at RHIS The Student Bureau — the team that handles campus discipline and internal cases.” “The Student Bureau ?” tanong ni Arisielle. Ngumiti si Principal Bernabe. “You’ll find out soon. You can also join.” Ngumiti lang siya at tumango si Arisielle. "I don't want to waste much of your time Mrs. Huangcho." Nagtanguan ang dalawa at muling tumingin ulit kay Arisielle. "Welcome to Rosewood Heights International School, Miss Arisielle Huangcho." At sa sandaling iyon, tila bumilis ang tibok ng puso ni Arisielle. Hindi niya alam kung kaba o pananabik ang nararamdaman niya — halo-halo man ang emosyon, masaya siya dahil magpapagkakakilanlan na siya— isa na siyang Huangcho. "Halika, hija. Bumili na tayo ng mga kailangan mo. Lalo na ang uniform." Aya sa kanya ni Doña Catherina. "Salamat po, Doña Catherina." Mahinang wika ni Arisielle dahil nahihiya siya sa naturang Doña. "Arisielle, hija... Call me mommy from now on." Hinawakan niya ang kamay ni Arisielle saka ngumiti ng banayad sa kanya. Inayos rin nito ang buhok na bahagyang tumabon sa mukha niya, saka iniipit sa tainga niya. "Wag ka na mahiya, anak na rin kita, you're a Huangcho, okay?" Halos nanubig ang mga mata niya sa sinabi na 'yon ng Doña. Ang sarap kasing pakinggan at isipin na parte na siya ng pamilya at may matuturing na pamilya at tahanan na siya. Ngumiti muli si Catherina sa kanya. "Okay try nga natin, say mommy." "Mo- mommy..." Nahihiya niyang sambit. "Yan, let's practice that everyday until you'll get to used of it." Inakbayan siya nito na may kasamang lambing na yakap. Napangiti si Arisielle at namula ang mga pisngi dahil ramdam niya ang mainit na pagtanggap nito sa kanya bilang anak. dumiretso sila ni Doña Catherina sa school boutique — isang glass-walled shop sa loob mismo ng RHIS, para lang sa mga estudyante. May naka-display na mga mannequin na naka-full uniform, pati school bags, PE uniforms, jackets, scarves, at iba’t ibang accessories na may crest ng paaralan. “Come, hija,” malambing na aya ni Catherina habang hawak ang braso ni Arisielle. “Let’s get your sizes.” Pagpasok nila, agad silang sinalubong ng attendant. “Good morning, Mrs. Huangcho! New uniforms for your daughter?” Doon bahagyang nanigas si Arisielle — your daughter. Napatingin siya kay Catherina, at nginitian lang siya nito. “Yes. My daughter.” Para siyang natunaw. Dati, ang salitang anak ay suntok sa buwan — ngayon, totoo na. Sinukat ang mga uniform: – 3 sets ng blazer and skirts — 2 RHIS's emblem pin – 2 PE uniforms – 2 formal academy coat – RHIS bag na may embroidered golden rose crest – School shoes at socks – Cardigan with embroidered school's emblem Habang sinusukat siya, nakatitig si Arisielle sa salamin. Parang hindi siya makapaniwala. Ito ba talaga ako? Ito na ba ang bagong buhay ko? Sambit ni Arisielle sa kanyang isipan. Catherina clapped her hands softly. “Perfect fit! You look so lovely in the RHIS uniform, hija.” Namula ang pisngi niya. “Salamat po… mommy.” Parang natunaw si Catherina sa tuwa. “Good girl.” Paglabas nila ng school boutique, sinundo sila ng driver na si Manong Gardo. Kinuha ang mga dala nila at nilagay sa likod ng SUV. dumeretso sila sa pinakamalaking mall sa syudad — isang luxury mall na punong-puno ng high-end boutiques. Pagbaba nila ng sasakyan, parang napako si Arisielle sa kinatatayuan. Ang mga ilaw, glass elevators, water fountain sa gitna — para siyang nasa loob ng pelikula. “Don’t be shy,” sabi ni Catherina, hawak ang kamay niya. “Shopping time.” The beautiful Mrs. Huangcho chirpped. Halatang excited pa ito. “Pero po… mommy… ang dami na pong binili natin kanina. Sapat na po—” “No,” sabay tawa ni Catherina. “A daughter of mine deserves the best.” Mas lalo siyang nahiya. “Mommy… baka sobra naman po…” “Hija,” ngumiti ang Doña habang marahan siyang hinahaplos sa buhok, “Nangungulila ako kay Kalis, ayaw kong isipin mo na substitute ka niya, anak rin kita Arisielle hayaan mo kong iparamdam 'yon sa'yo, deserve mo rin ito. Okay?” At doon tuluyang nalusaw ang puso ni Arisielle. Wala siyang masabi — dahil ang totoo, gustong-gusto niya ang lahat. Pero hindi niya alam paano maging “expensive daughter” dahil galing siya sa suot-luma-at-pinaglumaan sa bahay ampunan. Ang mga damit ay minsan galing sa mga charity drives o sa mga ukay-ukay. Pumunta sila sa isang sikat na designer store, puro pastel dresses, cute skirts, coats, at accessories. “Oh, this would look perfect on you,” sabi ni Catherina habang ipinapakita ang cream cardigan na may embroidered flowers. “M-mommy… ang mahal po yata…” “Don’t worry about the price. Worry about being pretty.” Nagulat ang attendant nang makita ang dami ng pinapakuha ni Catherina — halos buong rack para lang kay Arisielle. "Mag- share din po ako kay Katana." Nginitian siya ni Catherina at dinampihan siya ng halik sa pisngi ng magandang ginang. "Ang bait mong anak. Madami nang damit si Katana, pero sige bilhan rin natin siya." Nagpunta naman sila sa tindahan ng mga sapatos. Pinagsukat siya nito Tatlong pares ng white flats. Dalawang ankle boots. Isang pastel pink sneakers. “Mommy… sobra na po ‘to…” Catherina giggled. “No such thing as too many shoes, hija.” Nang makita ni Arisielle ang malaking art shop — nagliwanag ang mukha niya. Sketchbooks, colored pencils, watercolors — lahat na sa wishlist niya simula pagkabata pero hindi niya kayang bilhin. Napansin iyon ni Catherina. “You like these?” tanong nito, nakangiti. “Opo… pero titingin lang po ako…” “No,” sagot ni Catherina agad. “We’re buying everything.” “M-mommy!” namilog ang mata ni Arisielle. “You’re an artist. Artists need tools. Now pick whatever you want. No limits.” Hindi niya napigilan — pumatak ang luha niya. Tahimik, mabilis, hindi niya nakontrol. Nag-aalala si Catherina. “Hija? Why are you crying?” “H-hindi po ako sanay… na may gusto ako… tapos bibilhin agad… Saka sa kuwarto ko, madami na pong art materials.” Dahan-dahang niyakap siya ni Catherina, mahigpit, parang tunay na ina. “Oh sweetheart… wala ka nang kailangang hintayin. Kung ano ‘yung hindi mo nakuha noon… you’ll have it now.” At doon tuluyang bumigay ang puso ni Arisielle. “Ako na po ang bahala sa pagpili, thank you,” mahinang sabi niya. “Good.” Ngumiti si Catherina. “Enjoy being loved, hija.” Paglabas nila ng mall, tig apat na paper bags ang bitbit ng attendants sa dalawang kamat nila papunta sa SUV. Meron din iba pa na nakasunod at dala naman ay mga box ng sapatos, dress at ilang mga art materials at mga laruan para sa dalawang maliit niyang kapatid na sina Kunai at Kleaver. Si Arisielle naman — tahimik na nakangiti, namumula, halatang overwhelmed… pero masaya. Sa unang pagkakataon sa buhay niya, naramdaman niya na mahalaga siya. Hindi charity case. Hindi extra. Isa siyang anak. Isa siyang Huangcho.LUMIPAS ang ilang kanta, tawanan, at masasayang pag kuha ng mga pictures para sa memories. May sumigaw mula sa gilid. “POOL!” sigaw ni Krig iyon na parang may rally. “Night swim tayo!”“YES!” sabay-sabay na sigaw nina Rico, Ken at Bella.Nagtinginan ang magkakapatid. Ngumiti si Katana kay Arisielle. “Game ka ba, birthday girl?”Nag-atubili sandali si Arisielle bago tumango ng, “game.” Ngumiti siyang malapad.Mabilis na naglipatan ang ilan sa pool area sa likod ng mansion. Ang mga ilaw sa paligid ng pool ay naka-warm white, kumikislap sa tubig na parang maliliit na bituin. Ang kaninang tahimik na gabi ay napalitan ng mga binata at dalaga na naghaharutan. Malamig ang hangin pero may heater naman ang pool ng mga Huangcho. Tumugtog ulit ang portable speaker ng party club mix.Nagpalit na sila ng pang-swimming. Simple lang ang suot ni Arisielle. Isang pink na one-piece na may manipis na cover-up. Nagtinginan naman sa kanya ang mga kapatid niyang la
NANDOON siya. Naka- black strapless balloon mini skirt dress pa ito. Lumakad siya suot ang high heels gladiator shoes. Nang makita niya si Knife pumunta siya doon at pumulupot agad siya sa braso nito.May kirot na naramdam si Arisielle nang makita niya si Agatha na nakayakap sa isang braso ni Knife. Parang gusto niya mag- walk out, pero party niya iyon. Siya dapat ang bida. At siya dapat ang prinsesa ng araw na iyon. Hindi naman nakatiis si Katana at kinompronta si Agatha."Who invited you here?" Naka crossed arms pa ito."Kat, okay lang." Sabi ni Arisielle. Para hindi na lumaki ang gulo. Sa isip ni Arisielle, para makapag- start na rin sila."No Arisielle." Masungit na tiningnan niya ang kapatid, sabay baling ng tinging nakamamatay kay Agatha. "Hindi ka invited dito and get away from my brother!" Bulyaw ni Katana sa uninvited guest.Inikutan niya ng mata si Katana at nakangisi pa ito na parang isang kontrabida sa pelikula. "Tit
DUMATING ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang birthday ni Arisielle. She's now turning 18. Mauuna si Arisielle mag- birthday bago si Katana. Ilang buwan lang naman ay mag- birthday na rin si Katana. Malakas naman ang speaker na naka- connect doon ang iPod ni Arisielle gamit ang jack. Tumutugtog sa background ang paborito nilang K-pop group na sikat ng panahon na 'yon. Isang all girl group na may walong miyembro. Kasalukuyang naroon sila sa kuwarto ni Katana."I can't believe it that you turn down Mom's offer for a cotillon." Sabi ni Katana habang ni- braid ang buhok ni Arisielle. "It's a debut sis, once in a lifetime ka lang mag- eighteen."Bahagyang natawa si Arisielle habang naglalagay ng cherry flavored liptint. "Madami nang binigay ang family niyo sa akin, Kat- kat, kaya okay na sa akin ang simpleng celebration. Close family and friends lang ang invited."Ngumiti si Katana sa tapat ng repleksyon nila at matapos ayusin ang buhok ni Arisielle ay niyakap ang kapatid mula sa liko
NASA living room ang Huangcho siblings nang humahangos si Knife na dumaan sa kanila. Walang 'hi' o 'hello, I'm home' na usual na bati ng magkakapatid tuwing umuuwi ng bahay. Tumigil si Kleaver na nag- practice mag- piano. Sinara naman ni Kris ang librong binabasa niya. Maging si Katana ay napatigil sa pagpipinta niya. Si Krig at Kunai ay tumigil sa paghaharutan nila na wrestling. Takang- taka ang lahat sa kilos ng kapatid nila, nagkatinginan pa silang magkakapatid na naroon sa salas. Dumeretso si Knife sa kitchen, binuksan niya ang fridge at kumuha ng bottled water saka tinungga iyon. Sobrang inis na inis sa pangyayari kanina sa cafè. Nang maubos ang bottled water, inis niyang piniga at nilapirot iyon gamit lamang ang isang kamay niya saka itinapon iyon ng pabalibag sa basurahan. "Damn it!" Bulalas niya at umigtig ang mga panga niya. Ilang minuto lang ay sumunod naman si Arisielle na parang wala sa sarili pero parang may h
ARISIELLE will turn eighteen anytime soon. Hindi siya humiling ng debut party. Kahit gustong- gusto ni mommy Catherina niya na ipagparty siya. Hiling lang ni Arisielle ay simpleng party. Busy na rin kasi siya na mag- work sa isang cafe na ang may- ari ay parents ni Ken. Kahit hindi pa siya eighteen ay tinanggap siya doon na mag part- time work for the entire summer lang naman. Kasama naman sina Ken, Bella at Rico kaya hindi ganoon kahirap ang trabaho. Saka nag-eenjoy siya dahil kasama niya ang mga kaklase niya. Gusto rin sana ni Katana pero hindi siya pinayagan ng daddy nila maging sila kuya Kris and Krig niya. Inilapag ni Arisielle ang classic tiramisu cake at black hot coffee sa may mesa kung nasaan nakaupo si Knife habang nagbabasa ng libro at sa kabilang kamay niya ay may rubik's cube na iniikot-ikot niya lang at kahit hindi nakatingin at nabubuo rin agad ito. "Binabantayan mo ba ako kuya?" Tanong ni Arisielle. Dahan- dahang umangat ng ulo niya si Knife at matalim na tiningn
PARANG naging normal muli sa pamilyang Huangcho dahil kumpleto na ang mga kapatid na lalaki ni Katana. May mga tawanan at kulitan muli at kaunting bangayan sa pagitan nina Katana at Kunai na nasanay na ang lahat sa bangayan at kulitan ng dalawa. Masaya ang magasawang Don Arsenio at Doña Catherina Huangcho na nakikita ang mga anak na kumpleto."Mabuti at nakauwi kayong dalawa, Kris and Krig. How's Manila? Nakapag- adjust ba kayo kaagad sa mga University na napili niyo?" Tanong ng ilaw ng tahanan na si Doña Catherina.Si Kris ang sumagot pagtapos hawiin ang bangs na bahagyang tumabing sa mata niya. "Ayos naman mom, masaya po. Pero mas masaya si Krig, dahil oras pa lang tinatagal namin sa campus ay nagpaiyak agad ng babae." Nakangisi at bahagyang siniko ang kapatid saka tumango ng may panunukso.Umiling si Krig at kumuha ng garlic stick sa plato niya. "No mom, not true. Pero totoo ang fact na ako ang pinakaguwapo sa Huangcho brothers." Swabeng sagot nito saka kumagat ng garlic breadstic







