Compartir

Kabanata 6

Autor: Supremo
last update Última actualización: 2025-09-12 12:52:56

Napatakip ako ng bibig, ramdam ang panlalamig ng katawan ko, pinipilit intindihin kung tama ba ang narinig ko.

“Make sure no one finds out about Bea.”

Ako. Ako ang pinag-uusapan nila. Bakit? Dahil ba ninong ko siya kaya gusto niya akong itago?

Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko habang nakahawak sa envelope. Mabilis kong pinunas ang luhang tumulo sa aking pisngi at kinagat ang ibabang labi upang pigilan ang hikbing gustong kumawala.

Kung ito ang gusto niya, sige. Pagbibigyan ko siya. Aasta akong hindi ko siya kilala, na parang walang namigatan sa amin.

Hindi ko na hinintay ang kasunod ng usapan nila. Tahimik akong umurong mula sa pinto, tahimik na humakbang palayo bago pa ako mahuli ng kahit sino. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko habang naglalakad sa hallway. Hindi ko alam kung galit ba ang nangingibabaw o sakit, o pareho.

Pagbalik ko sa department, hindi ko magawang mag-focus sa trabaho. Paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko ang mga salitang binitawan niya. “No one finds out about Bea.”

Napalakas ang pagtipa ko sa computer kaya napasilip ang katabi ko. "Ayos ka lang? Hindi ka naman galit? Pansin ko, ang pula ng mga mata mo kanina. Umiyak ka ba? Napagalitan ni boss?"

Mahina akong umiling. "Hindi naman," pagsisinungaling ko. "Napuwing lang."

Kumunot ang noo niya. "Dalawang mata?"

Hindi ko siya pinansin. Mukhang nagets naman niya na ayokong makipag-usap kaya bumalik na siya sa pagtatrabaho.

Kinagabihan, hindi ako mapakali. Nakahiga ako pero gising ang utak ko, tumatakbo sa iba’t ibang posibilidad.

Bakit kailangan itago? Dahil ninong ko siya? Dahil boss ko siya ngayon? Dahil kinakahiya niya ako? O dahil… wala talaga akong halaga sa kanya noon mapa-hanggang ngayon?

Naiyak ako sa mga iniisip ko. At habang lumalalim ang gabi, mas lalo akong naguguluhan kung bakit sa kabila ng lahat ng sakit, ramdam ko pa rin ang tib0k ng puso ko tuwing naaalala ko ang mga titig niya.

Pilit ko man siyang kinalimutan, ang puso ko naman, hindi nakalimot.

Kinabukasan, pinilit kong maging normal kahit walang sapat na tulog. Pero pagpasok ko pa lang sa opisina, naramdaman ko agad na iba ang tingin sa akin ng mga tao. Hindi naman lantaran, pero may mga pasulyap, may mga bulungan.

“Bea, boss wants to see you,” sabi ng supervisor ko matapos akong abutan ng ilang reports.

Napalunok ako, nanginginig ang kamay na kinuha ang reports. “Ngayon na po?”

“Yeah. He asked for you specifically.”

Napakagat ako ng labi. Ano na naman ang gusto niya?

Pagdating ko sa office niya, halos manlamig ang pakiramdam ko. Bukod sa aircon, ang lamig din ng awra niya. Siya lang mag-isa sa loob. Nakaupo, pero halatang kanina pa ako hinihintay.

“Reports?" he said, his tone was calm but firm.

Maraha kong isinara ang pinto. “Here are the reports, Sir,” sabi ko sa kaswal na tono.

Pero hindi niya kinuha. Hindi niya man lang tiningnan ang envelope. Nakatitig lang siya sa akin.

“Sit down.”

Nanatili akong nakatayo. “I’ll just leave the documents here, Sir.”

“Bea.” This time, mas mababa ang boses niya pero ang lamig. “Please. Sit.”

At para bang may kung anong pumilit sa akin, napaupo ako. Hindi ko siya matingnan.

Ilang segundong katahimikan bago siya nagsalita. “You overheard, didn’t you?”

Ramdam kong nanlamig ang batok ko. Dahan-dahan kong tinaas ang ulo ko, at doon ko nakita ang seryoso niyang tingin. Walang bakas na emosyon ang mga mata.

“I… I was just passing by,” sagot ko, nanginginig ang boses.

“So you heard.”

Hindi ako nakasagot.

Huminga siya nang malalim, saka marahang tumayo at naglakad palapit sa bintana, nakatalikod sa akin. “It’s not what you think.”

Napakuyom ko ang kamao. “Really, Sir? Then what is it? Because to me, it sounded like… I’m some kind of secret you don’t want anyone to know about," hindi ko mapigilang maging tunog na naiinis. "For all I know, Radleigh, ninong kita. Alam mo 'yan."

Natahimik siya ng ilang segundo, bago siya lumingon sa akin. “Bea, listen. I was trying to protect you.”

Natawa ako ng mapakla. “Protect me? By hiding me? By making sure no one finds out about me? Do you even hear yourself, Ninong?” pinagdiinan ko ang salitang ninong para isampal sa kanyang inaanak niya ako kahit labag sa loob ko dahil sa nararamdaman ko sa kanya.

He flinched at the way I said Ninong, as if the word cut deeper than I intended. Pero hindi ko binawi. Wala na akong pakialam.

“Bea, you don’t understand. Things are… complicated.”

“Then make me understand,” inis na sagot ko. “Because right now, all I know is that you left me without a word. And now, you’re here again, acting like… like you care. But you also want to keep me as a secret. What am I supposed to think?”

Gusto ko siyang sigawan, saktan pero hindi ko magawa. Nanggilid ang luha ko dahil kahit anong gawin ko, w-wala rin namang mangyayari. Itatago pa rin niya ako para protektahan.

Humakbang siya palapit, pero hindi siya lumapit nang tuluyan. Tinitigan niya lang ako, parang naghahanap ng tamang sasabihin.

“I never wanted to leave you that morning,” mahina niyang sabi. “But I had no choice.”

I laughed mockingly. “There’s always a choice, Radleigh. You just didn’t choose me.”

At doon siya natahimik.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig matapos kong sabihin iyon. Pero wala na akong pakialam. Lahat ng sakit na tinago ko, lahat ng tanong na iniwasan ko, biglang sumabog.

Nanatili siyang tahimik, nakatitig lang sa akin. Pero sa mga mata niya, nakita ko ang isang bagay na matagal ko nang iniiwasan—guilt.

“Bea…” bulong niya. “I wanted to protect you from me. From my world. You don’t know how dangerous it could be for you if people knew.”

Umiling ako. “Dangerous? Or shameful?”

Hindi siya sumagot.

At sa katahimikang iyon, para bang lalo akong nadurog. Tumayo ako agad at lakas na loob na nakipagsukatan ng tingin sa kanya.

“I don’t need your protection, Sir. What I needed was the truth. And you couldn’t even give me that.”

Bago pa siya makasagot, naglakad na ako at lumabas ng opisina niya.

Paglabas ko ng opisina, ramdam ko ang bigat sa dibdib ko, bawat hakbang, parang may kasamang tinik na lalong bumabaon. Hindi ko alam kung tama bang hinarap ko siya nang gano’n, o mas lalo ko lang pinahirap ang sitwasyon.

Pero isa lang ang malinaw, gusto niya akong itago sa lahat pero bakit? Natatakot ba siya? Saan? Na malamang ninong ko siya?

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • My Possessive Zillionaire Ninong (SPG)   Kabanata 29

    “May tampuhan na naman ba kayo ng ninong mo?” biglang tanong ni Lola nang pumihit ito paharap sa akin. Hindi ako nakasagot agad at napatitig sa aking plato. “May nagkakagusto ba sa'yo, apo? At hindi nagustuhan ng ninong mo?”“Iyan nga rin ang tinatanong ko sa kanya,” wika naman ni Lolo at kumagat ng siopao. “Baka hindi nagustuhan ni Radleigh at nauwi na naman sila sa pagtatalo.”Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanila. “Hindi naman po sa ganun,” agap ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila ang totoo kasi paniguradong mabubuking ako—mabubuking na nagkagusto ako sa aking ninong. “Hindi lang po kami nagkaintindihan.” Another lie, but I should.Umiling lang si Lola at tumayo. “Sundin mo na lang ang ninong ko kagaya no'ng nasa probinsya kayo. Alam mo naman kung gaano siya ka-strikto pagdating sa'yo.”Gusto ko sanang tumutol, pero hinayaan ko na lang. Hindi naman pwede na si Radleigh lang ang nasusunod. Buhay ko ‘to. I decide what to do in my life. Kung may magawa man ako sa buh

  • My Possessive Zillionaire Ninong (SPG)   Kabanata 28

    Tinapunan ko lang ng tingin si Radleigh at itinuon ang atensyon kay Lolo. “Dapat sa loob na po kayo naghintay. Malamig ho dito sa labas,” nag-aalalang sabi ko. “Uuwi naman po ako. Naghanap lang ng trabaho.”Kumunot ang noo ni Lolo, at alam kong uulanin niya ako ng tanong kaya bago pa mangyari, pinigilan ko na. “Iku-kwento ko na lang po mamaya. Pumasok na po muna tayo sa loob. Malamig dito.” Inalalayan ko siya habang tahimik lang na nakasunod sa amin si Rad. “Si Lola? Tulog na po ba?”“Oo, apo. Tulog na. Hindi ka na nahintay at nakatulog sa sofa.” Bumagal ang lakad ko dahil sa sinabi niya. I felt guilty. Akala ko kasi talaga ginamit lang sila ni Rad para pauwiin ako, turned out hindi pala. They are here to visit me. “Matutuwa ‘yon kapag nakita ka niya.”I forced a smile. “Pasensya na po, ‘lo.”“Okay lang, apo. Ang mahalaga nakauwi ka at ligtas. Boyfriend mo ba ‘yong naghatid sa'yo? Bakit hindi mo pinatuloy nang makilala namin?”“A-Ahh, eh… hindi po. Kaibigan ko lang. Wala pa po akong b

  • My Possessive Zillionaire Ninong (SPG)   Kabanata 27

    Sa tindi ng pananakit ng puson ko, halos maligo na ako sa sariling pawis. Nakaalis na si Frost, pero hanggang ngayon hindi pa rin nakakabalik. Ano bang ginawa no'n? Natae? Pinakyaw lahat ng gamot?Hindi ko na kaya ‘yong sakit. Namimilipit na ako. Nakabaluktot pa rin ako habang hawak-hawak ang puson ko.When I heard a noise coming from outside, my vision started to blur. Napapikit ako nang bumukas ang pintuan ng kotse dito sa may likod. Tumama sa akin ang sinag ng araw kaya hindi ko makita kung sino—“Oh, God! I think kailangan na kitang…” his voice faded until I passed out.When I woke up, I could still feel the pain on my belly button, pero hindi na ganun kasakit katulad kanina. Nanlalagkit ako sa pawis kaya hindi ko maiwasang mapangiwi.Umupo ako kahit masakit pa rin ang puson ko. Nasaan ako? Hospital? Bakit parang hindi? Kidnap? Wala sa mukha ng lalaking ‘yon na kidnap-in ako. Wala rin naman siyang makukuha sa akin. I'm jobless. Kakatanggal lang sa akin ng magaling kong boss slàsh

  • My Possessive Zillionaire Ninong (SPG)   Kabanata 26

    Diretso ang tingin ko nang lumabas ako ng canteen. Nang makalayo na ako, lumiko ako sa hallway na walang dumadaang tao at kumapit sa railing. Doon ako napabuga ng malakas na hangin habang nagtataas-baba ang dibdib ko sa inis, galit—name it! Kung pwede ko lang sigawan kanina si Rad, ginawa ko na, pero ayokong mag-iwan ng pangit na impression bago umalis. Pinikit ko ang mga mata at ilang beses na bumuntong-hininga para pakalmahin ang sarili. “Kalma lang,” I whispered under my breath. “Kung magpapadala ka, ikaw lang din ang lugi.” Pero hindi ko na natiis at pinaghahampas ko na ang railing. “Bwisit na ninong ‘yon!” Kung kanina okay pa kami, ngayon hindi na! Aalis na ako sa pesteng kumpanya niya! Hahanap ako ng bago! Iyong hindi ko na siya makikita at sisiguraduhin kong makakahanap ako ng boyfriend para lang makalimutan siya! Nang makalma ko na ang sarili, dali-dali akong bumalik sa department namin at kinuha lahat ng gamit ko. Ngunit no'ng paalis na ako, nakasalubong ang ilan sa ka-o

  • My Possessive Zillionaire Ninong (SPG)   Kabanata 25

    Ibinalik ko ang tingin sa plato ko nang makilala ko ang boses. Kaya pala lahat sila napatingin doon dahil nasa likod ko si Radleigh. Humigpit ang pagkakahawak ko sa tinidor at nagpatuloy sa pagkain na parang walang narinig. “Bea, tinatawag ka,” bulong sa akin ni Jona sabay kalabit sa akin sa hita. “Mukhang wala sa mood. Kausapin mo. Boss natin ‘yan. Baka tayo pa ang pagbuntunan ng galit, sige ka.” Humugot ako ng malalim na paghinga habang mahigpit na hawak ang tinidor. “Hindi naman po, Sir,” mariing tanggi ko, napasinghap nang bigla siyang tumabi sa akin, at padarag na inilapag ang tray. Ang nangyari, mabilis akong umusog, tuloy nahulog si Jona at Ana sa kinauupuan nila. “Sorry!” Napatayo ako at mabilis silang tinulungan. “Pasensya na.” Hilaw akong ngumiti habang naka-alalay sa kanila. “Si Sir kasi, n-nakakagulat. Bigla-biglang tatabi. Wala ba silang sariling canteen?” bumubulong kong tanong sa kanila. “Baka kung anong isipin ng ibang empleyado.” Iyon talaga ang nagpakaba sa akin

  • My Possessive Zillionaire Ninong (SPG)   Kabanata 24

    Bea's POVLunch time na. Dapat sana kumakain na ako ngayon, pero nawalan ako ng gana pagkatapos ng mga narinig ko mula sa aking officemate na si Miraya.Hindi ko alam na totoo pala talaga 'yon. There were rumors about Ninong Radleigh na may pakakasalan siya, pero walang nakakaalam kung sino. Gusto kong malaman kung sino 'yong babae. Naiinis ako! Dapat sinabi niya sa akin agad! Hindi 'yong ilang beses pang may mangyari sa amin tapos sa iba ko pa malalaman.Naiiyak ako sa totoo lang! Nasasaktan ako! Pakiramdam ko g-ginawa niya lang akong parausan. I felt like he took advantage of me kahit alam niyang may pakakasalàn siya.Pero sino ba ang sisisihin dito? A-Ako! Bumigay ako sa kanya kasi mahal ko siya. Akala ko ganun din siya sa akin, pero sa nalaman ko... hindi ko na alam. Kinakain na ako ng emosyon ko. I'm overthinking.P-Paano kung wala talaga siyang balak sa akin? Natawa na lang ako sa tanong ko nang mapagtanto ko na n-ninong ko pala siya. B-Bawal. Bawal naman talaga sa una pa lang,

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status