LOGINPinilit kong magpanggap na kalmado. Inabot ko ang envelope at inilapag iyon sa mesa niya.
“Sir, here are the documents from HR,” malamig kong sabi, pilit pinipigilan ang panginginig ng boses. Tahimik lang siya, nakatitig pa rin sa akin. Parang hindi makapaniwala na nandito ako sa harap niya. Ilang segundo bago niya kinuha ang envelope, saka mahinang nagpasalamat. “Thank you…” Tumango ako at agad na nagpaalam. “Babalik na po ako sa department, Sir.” Pagkalabas ko ng opisina, halos manghina ang tuhod ko. Napasandal ako saglit sa pader ng hallway, pilit humihinga nang malalim. Pakiramdam ko, bumalik lahat ng alaala, ang gabing pinagsaluhan namin, at ang sakit ng umagang iniwan niya ako na parang wala lang. Bakit ganito? Bakit sa dinami-dami ng kumpanya sa mundo, dito pa ako napunta? At bakit siya pa ang boss? Kinabukasan. Pinatawag ang department namin para sa isang meeting. Akala ko normal lang, pero sinabi ng supervisor na para raw i-welcome ako. Nagulat ako. Ako lang naman ang bagong empleyado, bakit kailangan i-welcome agad? Hindi ba pwedeng hintayin na lang ang mga bagong iha-hire? Pagpasok namin sa conference room, naroon na siya. Nakatayo sa harap, naka-suit, seryoso ang ekspresyon. Pero nang magtagpo ang mga mata namin, saglit siyang napatigil. Bumalik siya sa pagiging pormal. Tahimik ang lahat, tila takot na magsalita. “Good morning, everyone. Today, we welcome a new member of our growing family. Let’s all give a warm welcome to Miss Bea…” Napalunok ako nang buo niyang banggitin ang pangalan ko. Hindi niya dinugtungan ng apelyido, parang sinadya niya. Lahat nagpalakpakan, lahat nakangiti sa akin. May nagbiro pa, “Special yata si Bea, may pa-meeting pa agad.” At hindi lang pala iyon. Pagkatapos ng meeting, in-announce ng HR na magkakaroon ng welcome party para sa akin. Nagulat ang lahat, lalo na’t hindi raw iyon ginagawa para sa rank-and-file employee. “Grabe, Bea,” bulong ng isa kong officemate. “First time ‘to. Must be nice.” Napilitan akong ngumiti. “Siguro dahil bago ako.” Pero sa loob-loob ko, alam kong may kinalaman siya rito. Bumabawi ba siya? Para ano? Makuha ulit ang loob ko? Still, ayoko ng ganito. Gusto ko lang maging lowkey sa kumpanya. Ayoko ng atensyon. Hindi ganito ang gusto ko. Kinagabihan, sa party, masaya ang lahat. May food, may drinks, may bandang tumutugtog ng light music. Nagtatawanan ang mga officemates ko habang nagkukuwentuhan tungkol sa trabaho at sa mga nakakatawang karanasan sa kumpanya. Ako, tahimik lang sa gilid, nakahawak sa baso ng juice. Hindi naman ako umiinom. Nakakalasing 'yon. Habang pinaglalaruan ko ang baso, nahuhuli kong nakatingin siya sa akin mula sa kabilang mesa. Kapag nagtatama ang mga mata namin, mabilis siyang umiiwas, pero ilang minuto lang, muli ko siyang makikitang nakatingin. “Bea, halika dito!” tawag ng isang officemate. Lumapit ako, sumali sa usapan. Pilit akong nakitawa, pilit nakisabay, pero sa bawat sandali, ramdam ko ang presensya at paninitig niya. Ilang saglit pa, siya na mismo ang lumapit sa mesa namin. Ngumiti siya sa lahat, pero alam kong sa akin siya nakatuon. “I hope you’re all enjoying tonight. This is for Bea, our newest member. Let’s make her feel at home.” Nagtawanan at nagpalakpakan ang lahat. Ako naman, halos hindi makatingin. “Thank you, Sir,” mahina kong sabi, nahihiya. "Enjoy, Bea." And by that, I felt my heart skip a beat. Pagkatapos ng party, umuwi agad ako sa apartment. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Nakahiga ako, nakatitig sa kisame, at paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga titig niya. Bakit pakiramdam ko wala lang ako sa kanya? Na pagkatapos ng nangyari sa amin, ngayon, parang... hindi na ako iyong babaeng minsan niyang inalagaan. Naalala ko ang lahat ng sandali sa probinsya. Ang mga ngiti niya, ang mga yakap niya, ang pakiramdam na ako lang ang mundo niya. At ang sakit nang iwan niya ako na parang wala akong halaga. Ngayon, heto na naman ako, gulong-gulo. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. Ang sigurado lang ako, natatakot akong mahulog ulit, at sa ninong ko pa... ulit. Mga sumunod na araw. Sinubukan kong umiwas. Kapag may ipapapirma akong dokumento, hindi ako tumitingin sa kanya. Kapag dumadaan siya sa department namin, kunwari abala ako sa computer. Pero kahit anong iwas ko, lagi kong nararamdaman ang mga titig niya. Isang hapon, habang palabas ako ng opisina, bigla siyang sumabay. “Bea, wait,” tawag niya. Nanlamig ako. “Yes, Sir?” Tumingin siya sa paligid, parang sinisiguradong walang makakarinig. “We need to talk.” Umiling ako agad. “Wala tayong dapat pag-usapan, Sir.” “Bea—” “Please,” putol ko, halos pabulong pero mariin. “Huwag na nating balikan. Tapos na iyon.” Natahimik siya. Kita ko sa mga mata niya ang bigat ng gusto niyang sabihin, pero hindi ko na hinintay. Tumalikod ako, iniwan siyang nakatayo roon. Late na akong nakauwi dahil natambakan ako ng trabaho. Hindi ako makatulog. Ang salitang binitawan niya ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko. We need to talk. Ano ang gusto niyang sabihin? Hihingi siya ng tawad? Ipaliwanag kung bakit siya umalis nang walang paalam? O baka naman… lilinawin lang na wala talagang halaga ang nangyari sa amin noon? Humigpit ang yakap ko sa unan. Ayokong umasa. Pero bakit, sa kabila ng lahat, umaasa pa rin ako? Kinabukasan, ipinatawag ako sa office niya. Hawak ko ang isang envelope ng mga papeles, kabadong-kabado. Bago ko pa mabuksan ang pinto, narinig ko ang boses niya mula sa loob, kausap ang isa pang executive. “Yes, I’ll take care of it. Don’t worry. But make sure no one finds out about Bea.” Parang may sumabog sa loob ko. Nanlamig ako sa narinig. No one finds out about Bea. Anong ibig niyang sabihin?“May tampuhan na naman ba kayo ng ninong mo?” biglang tanong ni Lola nang pumihit ito paharap sa akin. Hindi ako nakasagot agad at napatitig sa aking plato. “May nagkakagusto ba sa'yo, apo? At hindi nagustuhan ng ninong mo?”“Iyan nga rin ang tinatanong ko sa kanya,” wika naman ni Lolo at kumagat ng siopao. “Baka hindi nagustuhan ni Radleigh at nauwi na naman sila sa pagtatalo.”Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanila. “Hindi naman po sa ganun,” agap ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila ang totoo kasi paniguradong mabubuking ako—mabubuking na nagkagusto ako sa aking ninong. “Hindi lang po kami nagkaintindihan.” Another lie, but I should.Umiling lang si Lola at tumayo. “Sundin mo na lang ang ninong ko kagaya no'ng nasa probinsya kayo. Alam mo naman kung gaano siya ka-strikto pagdating sa'yo.”Gusto ko sanang tumutol, pero hinayaan ko na lang. Hindi naman pwede na si Radleigh lang ang nasusunod. Buhay ko ‘to. I decide what to do in my life. Kung may magawa man ako sa buh
Tinapunan ko lang ng tingin si Radleigh at itinuon ang atensyon kay Lolo. “Dapat sa loob na po kayo naghintay. Malamig ho dito sa labas,” nag-aalalang sabi ko. “Uuwi naman po ako. Naghanap lang ng trabaho.”Kumunot ang noo ni Lolo, at alam kong uulanin niya ako ng tanong kaya bago pa mangyari, pinigilan ko na. “Iku-kwento ko na lang po mamaya. Pumasok na po muna tayo sa loob. Malamig dito.” Inalalayan ko siya habang tahimik lang na nakasunod sa amin si Rad. “Si Lola? Tulog na po ba?”“Oo, apo. Tulog na. Hindi ka na nahintay at nakatulog sa sofa.” Bumagal ang lakad ko dahil sa sinabi niya. I felt guilty. Akala ko kasi talaga ginamit lang sila ni Rad para pauwiin ako, turned out hindi pala. They are here to visit me. “Matutuwa ‘yon kapag nakita ka niya.”I forced a smile. “Pasensya na po, ‘lo.”“Okay lang, apo. Ang mahalaga nakauwi ka at ligtas. Boyfriend mo ba ‘yong naghatid sa'yo? Bakit hindi mo pinatuloy nang makilala namin?”“A-Ahh, eh… hindi po. Kaibigan ko lang. Wala pa po akong b
Sa tindi ng pananakit ng puson ko, halos maligo na ako sa sariling pawis. Nakaalis na si Frost, pero hanggang ngayon hindi pa rin nakakabalik. Ano bang ginawa no'n? Natae? Pinakyaw lahat ng gamot?Hindi ko na kaya ‘yong sakit. Namimilipit na ako. Nakabaluktot pa rin ako habang hawak-hawak ang puson ko.When I heard a noise coming from outside, my vision started to blur. Napapikit ako nang bumukas ang pintuan ng kotse dito sa may likod. Tumama sa akin ang sinag ng araw kaya hindi ko makita kung sino—“Oh, God! I think kailangan na kitang…” his voice faded until I passed out.When I woke up, I could still feel the pain on my belly button, pero hindi na ganun kasakit katulad kanina. Nanlalagkit ako sa pawis kaya hindi ko maiwasang mapangiwi.Umupo ako kahit masakit pa rin ang puson ko. Nasaan ako? Hospital? Bakit parang hindi? Kidnap? Wala sa mukha ng lalaking ‘yon na kidnap-in ako. Wala rin naman siyang makukuha sa akin. I'm jobless. Kakatanggal lang sa akin ng magaling kong boss slàsh
Diretso ang tingin ko nang lumabas ako ng canteen. Nang makalayo na ako, lumiko ako sa hallway na walang dumadaang tao at kumapit sa railing. Doon ako napabuga ng malakas na hangin habang nagtataas-baba ang dibdib ko sa inis, galit—name it! Kung pwede ko lang sigawan kanina si Rad, ginawa ko na, pero ayokong mag-iwan ng pangit na impression bago umalis. Pinikit ko ang mga mata at ilang beses na bumuntong-hininga para pakalmahin ang sarili. “Kalma lang,” I whispered under my breath. “Kung magpapadala ka, ikaw lang din ang lugi.” Pero hindi ko na natiis at pinaghahampas ko na ang railing. “Bwisit na ninong ‘yon!” Kung kanina okay pa kami, ngayon hindi na! Aalis na ako sa pesteng kumpanya niya! Hahanap ako ng bago! Iyong hindi ko na siya makikita at sisiguraduhin kong makakahanap ako ng boyfriend para lang makalimutan siya! Nang makalma ko na ang sarili, dali-dali akong bumalik sa department namin at kinuha lahat ng gamit ko. Ngunit no'ng paalis na ako, nakasalubong ang ilan sa ka-o
Ibinalik ko ang tingin sa plato ko nang makilala ko ang boses. Kaya pala lahat sila napatingin doon dahil nasa likod ko si Radleigh. Humigpit ang pagkakahawak ko sa tinidor at nagpatuloy sa pagkain na parang walang narinig. “Bea, tinatawag ka,” bulong sa akin ni Jona sabay kalabit sa akin sa hita. “Mukhang wala sa mood. Kausapin mo. Boss natin ‘yan. Baka tayo pa ang pagbuntunan ng galit, sige ka.” Humugot ako ng malalim na paghinga habang mahigpit na hawak ang tinidor. “Hindi naman po, Sir,” mariing tanggi ko, napasinghap nang bigla siyang tumabi sa akin, at padarag na inilapag ang tray. Ang nangyari, mabilis akong umusog, tuloy nahulog si Jona at Ana sa kinauupuan nila. “Sorry!” Napatayo ako at mabilis silang tinulungan. “Pasensya na.” Hilaw akong ngumiti habang naka-alalay sa kanila. “Si Sir kasi, n-nakakagulat. Bigla-biglang tatabi. Wala ba silang sariling canteen?” bumubulong kong tanong sa kanila. “Baka kung anong isipin ng ibang empleyado.” Iyon talaga ang nagpakaba sa akin
Bea's POVLunch time na. Dapat sana kumakain na ako ngayon, pero nawalan ako ng gana pagkatapos ng mga narinig ko mula sa aking officemate na si Miraya.Hindi ko alam na totoo pala talaga 'yon. There were rumors about Ninong Radleigh na may pakakasalan siya, pero walang nakakaalam kung sino. Gusto kong malaman kung sino 'yong babae. Naiinis ako! Dapat sinabi niya sa akin agad! Hindi 'yong ilang beses pang may mangyari sa amin tapos sa iba ko pa malalaman.Naiiyak ako sa totoo lang! Nasasaktan ako! Pakiramdam ko g-ginawa niya lang akong parausan. I felt like he took advantage of me kahit alam niyang may pakakasalàn siya.Pero sino ba ang sisisihin dito? A-Ako! Bumigay ako sa kanya kasi mahal ko siya. Akala ko ganun din siya sa akin, pero sa nalaman ko... hindi ko na alam. Kinakain na ako ng emosyon ko. I'm overthinking.P-Paano kung wala talaga siyang balak sa akin? Natawa na lang ako sa tanong ko nang mapagtanto ko na n-ninong ko pala siya. B-Bawal. Bawal naman talaga sa una pa lang,







