Share

Chapter 62 - Guava

Savannah

Dahil sa excitement ay gusto ni Albrey na mag-pregnancy test na ako kaagad, pero sinabi ko sa kan'ya na kapag nakabalik na lang kami sa Manila at magpapa-check-up na rin ako sa OB ko.

Nakita ko naman ang biglang pagkadismaya sa kan'yang mukha. Pero sumang-ayon din naman siya sa akin kahit alam kong hindi na siya makapaghintay pa.

Ang totoo ay hindi na rin ako makapaghintay, sinabi ko lang iyon kay Albrey para kung sakali ay susorpresahin ko siya. Wala kaming ginagamit na contraceptive kaya hindi imposible na mabuntis ako.

Matapos niya akong ihatid dito sa hotel room namin pagkagaling namin sa clinic ay pinahiga niya ako sa kama para makapagpahinga. Nanghina rin kasi ako sa pagsusuka ko na wala namang lumalabas. Ang sakit niyon sa sikmura at nakakapanghina.

Bigla na lang kasing bimaligtad ang sikmura ko sa soup na kinain ko. Masarap naman iyon at kasing lasa pa rin ng una kong nakain pero ayaw ng tanggapin ng sikmura ko.

Nagpaalam siyang lalabas muna sandali. Marahil ay pupunt
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status