Share

Epilogue

THREE MONTHS LATER

"Hindi ko inakala na darating ang araw na ito. Na muli akong haharap sa dambanang ito at magpapakasal muli sa lalaking kinaiinisan ko noon dahil sa pagiging ubod ng sungit at istrikto."

Natawa si Albrey pagkatapos kong sabihin iyon sa hawak kong mikropono.

"Napahiya ako sa buong klase dahil ipinamukha n'ya sa akin na pangit akong mag-drawing. Tapos ibinagsak niya pa ako sa oral defense ko dahil sa late lang ako ng ilang sigundo sa palugit na oras. Gusto pa niyang makilala ko lahat ng guro sa buong mundo bago ko sabihin na siya ang pinakawalang pusong guro na nakilala ko. Talagang napaka imposible niya."

Lalo naman siyang natawa. Maging ang mga taong naririto.

"Sa kabila ng lahat, pumayag akong magpakasal sa kan'ya dahil unang beses ko pa lang siyang nakita, alam kong perfect guy na siya para sa akin. Kahit na kontrata lang iyon ay umasa pa rin ako sa totoong relasyon."

Nakita ko ang biglang pagningning ng kanyang mga mata. Ngumiti din ito ng pagkatamis-tamis.
Gelnat14

Salamat po sa mga nakaabot po dito. Sana po ay nag-enjoy kayo sa kwento ni Sav at Albrey... ilove you all...❤❤❤

| 2
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
ang ganda ng story mula umpisa hanggang sa katapusan,congrats author sa story na to sanaol tulad ni albrey tapat magmahal at hindi nagpapatukso.
goodnovel comment avatar
Nhali Jimenez Resuello
ang ganda ng story mo miss..di siya nkkaskit sa puso...buti at di mo ginawang babaero ung bidang lalaki..kya gustong gusto kng bsahin......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status