Lumipas pa ang ilang taon. Mas lalo pa kaming naging matatag na dalawa ni Albrey. Minsan sinusubukan kami ng mga pagkakataon sa buhay na alam kong pangkaraniwan na lang sa buhay mag-asawa.May mga babae kasi na talagang hindi mo maiaalis sa kanila na humanga sa asawa ko dahil sa taglay na kaguwapuhan nito, kakisigan at katalinuhan.Nauunawaan ko naman iyon, hindi ko lang din talaga maiwasan na magselos kung minsan. Syempre dahil mahal ko siya at 'di ako papayag na harutin siya ng iba. Masaya naman ako dahil hindi nagkaka-interest sa kanila ang asawa ko.Ang sabi niya ay ako lang ang kailangan niya at ako lang ang gusto niyang makasama hangang sa pagtanda namin. Talagang nagdiriwang ang puso ko noong sabihin niya iyon. Gusto ko ngang mag pa-fiesta. Pero 'wag na lang baka magtaka siya.Nadagdagan pa ang mga anak namin. Lima na sila ngayon. Oh, diba ang dami na nila. Si Sevy ang panganay namin ay 12 years old na. Nasa grade seven na siya ngayon at siya ang nangunguna sa klase nila.Nakak
Ako si Savannah Collins, 22 years old at isang fourth year student sa isang sikat na University.Kasalukayan ako ngayong naglalakad kasabay ng isang malamyos na musika. Papalapit sa altar kung saan naroon naghihintay ang lalaking bukod sa matalino ay may angkin din siyang kaguwapuhan, maganda ang kanyang mga tindig at pangangatawan. Nakadagdag din sa malakas na dating niya ang maganda niyang kasuotan.Siya si Albrey Ford, 28 years old, and my college Professor.Siya ang dahilan kung bakit hindi ako naka graduate dahil ibinagsak niya ang Thesis na pinaghirapan ko. Nakaramdam ako ng hinanakit at pagkainis sa kanya dahil sa nangyari.But we become a couple within a week after we knew each other.At pagkatapos nga ng isang buwan which is today, ay ang araw ng aming kasal.Napakasimple lang, tanging pamilya at malalapit na kaibigan lang ang naririto.Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit ako sa kanya at halo-halong emosyon ang aking nadarama. Gano'n din naman ang nak
ONE MONTH AGONaalimpungatan ako sa sunod-sunod na tunog ng alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng night stand, sa gilid ng kama ko. Napasulyap ako sa orasan at nakita ko na alas-syete y medya na ng umaga.Alas neube naman ng umaga ang klase ko kaya kahit inaantok pa ako ay kaagad na akong tumayo at pumasok sa banyo para maligo. Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Inayos ko ng bahagya ang unat at lagpas balikat na haba kong buhok at hinayaang nakalugay.Sunod kong kinuha ang cellphone ko gayun din ang bag ko at inayos ang mga laman nito. Siniguro kong kumpleto ang mga gamit ko sa school.Hindi na ako nag-breakfast dahil pakiramdam ko ay busog pa ako sa nakain ko kagabing hapunan. Ang dami ko kasing nakain dahil sa labas kami kumain ng mga kaibigan ko.May oras pa naman kaya dadaan na lamang ako sa coffee shop para bumili ng kape. Malapit lang naman iyon at madadaanan patungong University. "Hey! Sav, good morning!" masiglang bati sa akin ni Ron, ang barista at cashier dito sa fav
"Again, class. Good morning!" muling pagbati niya, pagkatapos niyang isulat ang pangalan niya sa white board.Nagsimula na namang magbulungan ang mga kaklase kong babae na waring kilig na kilig at nagsipagtilian pa nang mahihina. Ang lalandi nila."Ang guwapo naman ni, Sir.""My Girlfriend na kaya siya?" mga bulong nila pero dinig naman."Available ako," sabi naman ng isang babae sa malanding tinig."I'm Albrey Ford," pagpapakilala niya sa buong klase. Napakaseryoso ng mukha niya."Ah, 'yon pala ang pangalan niya, akala ko Mr. Sungit," naibulong ko at bahagyang natawa nang maalala ko ang nangyari kanina sa Coffee Shop."From today on, I will be your new Professor and I'm responsible for two classes which are Statistics and Mathematics," pagsisimula niya. Hindi ko naman maiwasang mapatitig sa kan'ya."I hope all of you will be punctual for my class. The time in the class is really valuable. So, I won't introduce myself in detail." Napakaseryoso talaga ng mga mukha niya habang nagsasal
Narinig kong tumunog ang cellphone ko habang naglalakad ako patungo sa canteen. Kaya saglit akong huminto at kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko. Nakita ko naman na si Bea ang tumatawag kaya kaagad ko na itong sinagot. "Hello, Beshie!" bungad ko sa kan'ya. "Beshie, tapos na ba ang klase mo?" tanong niya."Oo, papunta ako ngayon sa canteen nagugutom na kasi ako, ikaw?" "Sakto, Beshie. Nandito ako ngayon sa canteen.""Ahh, Okey! sige papunta na ako riyan." Ibinaba ko na ang tawag at nagmadali na sa paglalakad. Pagpasok ko ng canteen ay kaagad kong hinanap si Bea. Kaagad ko rin naman siyang nakita sa dulong bahagi. Lumapit na muna ako sa counter at nag-order dahil gutom na talaga ako. Pagkakuha ko ng in-order ko ay kaagad na akong lumapit sa mesa kung saan naroon si Bea."Beshie, kanina ka pa ba rito? Nag-order na ako ng food, gutom na talaga ako. Kumain kana ba?" tanong ko kaagad sa kan'ya pagkalapit ko. "Oo, tapos na ako, Beshie. Sasamahan na lang kitang kumain." Inayos niya a
Pupungas-pungas ako ng magising. Dahil sa matinding puyat at tama na rin ng kaunting alak na na-inom ko sa pag-celebrate namin ng mga kaibigan ko sa bar kagabi ay hindi ko namalayang tumunog ang alarm clock ko. Dahilan para mahuli ako ng gising.Napabalikwas ako ng maalala ko ang oral defense ko. "Oh, sh*t! Today is my final war, hindi ako p'weding ma-late," sambit ko sa aking sarili.Alas-dyes ng umaga ang oras ng defense ko at alas-nuwebe kwarenta na ng umaga ako nagising. Mayroon na lamang akong 20 minutes para ihanda ang sarili ko at pumunta sa university para sa oral defense ko.Para akong hinahabol ng sampong kabayo sa sobrang bilis ng kilos ko at pagmamadali ko. Hindi ako p'weding ma-late sa oral defense ko. Ayon sa school rules hangang 5 minutes lang ang palugit. Kaya ginawa ko ang lahat para makarating kaagad sa University.Tinakbo ko nang matulin ang silid kung saan magde-defense ng thesis. Maraming mga estudyante ang nagkalat ngayon dito sa University.Halos nagbanga-b
Savannah Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa isang park at umiiyak. Bakit ba parang ang malas ko? Simple lang naman ang gusto ko, ang maka-graduate at magkaroon ng magandang trabaho na maipagmamalaki ko. Apat na taon akong nagsikap, pero kulang pa rin. Alam ko sa sarili ko na pinagbutihan ko. Kasalanan ko lang talaga dahil na-late ako. Oo, kasalanan ko talaga iyon, kaya sarili ko lang ang dapat kong sisihin. Kung hindi kami nag-bar at late umuwi, hindi ako male-late ng gising at naka-attend sana ako sa defense ko ng maaga. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak nang biglang may nag-aabot ng panyo. Kinuha ko naman ito at nagpasalamat ngunit hindi ko siya magawang tingnan dahil nahihiya ako sa hitsura ng mukha ko. Agad ko rin naman pinunasan ang mga luha ko at sininga ang sipon ko. Hinintay ko naman siyang magsalita ngunit wala akong narinig na anumang tinig mula sa kan'ya, kaya naman nilingon ko siya. Ngunit sa paglingon ko ay nakita ko siyang nakatalikod at tangka nang lalakad palayo.
SavannahNarito ako ngayon sa parking lot ng University. Napakaraming sasakyan naman ang nakaparada rito. Alin kaya sa mga ito ang sasakyan ni Mr. Ford? Naisipan ko na dito ko na lang siya aabangan. S'yempre kung pauwi na siya wala siyang dahilan pa na wala siyang oras. Kaya kakausapin na niya ako.Nagpalinga-linga ako sa paligid, walang katao-tao rito. Ngunit nahagip ng paningin ko ang isang guwardya na nasa isang sulok. Nakasandal ito sa pader at nakatutok ang mga mata niya sa kan'yang cellphone. Kaagad ko siyang nilapitan para magtanong."Kuya, p'wede ba magtanong?""Ano 'yon?" balik tanong naman niya na hindi ako nililingon at abala siya sa hawak niyang cellphone, sinilip ko ang ginagawa niya roon at nakita ko na naglalaro siya ng isang online games. Sikat ang online games na iyon, napakaraming naglalaro nang ganoong laro ngayon. Online sabong ang alam kong tawag doon."Gusto ko lang sanang malaman kung alin sa mga sasakyan na nakaparada ang kay Professor Ford.""Wala! Sa Wala! Ts