Share

Chapter 36

Andrea

Miss ko na si lolo. Sobra.

Bata palang ako noong namatay si lolo. Sobrang lungkot nung araw na iyon. Napakamapaglaro naman kasi ng tadhana.

Noong umaga lang ay masaya pa kaming naglalaro, nag-uusap, nagbibiruan at nagkakainan. Tapos pagsapit ng hating gabi, ginigising kaming lahat dahil sa biglaang pagkawala niya.

Walang paglagyan ang lungkot na nararamdaman namin noong gabing iyon. Ang lahat ay tahimik na humihikbi at tahimik na dinaramdan ang sakit ng pagkawala niya.

Wala kang maririnig na kahit anong salita mula sa aming lahat noon. Iyak at hagulgol lang. Sobrang sakit.

Biruin mo 'yun, natulog ka lang tapos 'pag gising mo, ang balitang maririnig mo sa pamilya mo ay wala na ang pinakamamahal mong lolo.

Sabay sabay kaming kumain sa bahay ng hardin nila lola. Naghanda sila ng isang mahabang lamesa dito na mayroon pang kulay puting tela sa ibabaw. Nakalagay na din dito ang iba't ibang klaseng putahe.

"Ang bango. Lakas makagutom." Sabi ni Andrei na nilalanghap ang mga pagkain.

Matakaw talaga ang isang 'to.

Nagsimula kaming kumain at nag-usap usap din. "Hindi mo ba kailangan ng kasambahay dito 'nay?" Tanong ni Tita Shaira kay Lola.

Umiling ito habang sumusubo ng pagkain. "Nandyan naman si Elizabeth." Sabi nito.

"Wala ka bang balak mag-asawa, Beth? Tumatanda ka na hindi ka na bata." Tanong ni Tito Edward sa bunsong kapatid niya.

"Wala pa sa isip ko 'yan, kuya. Isa pa, ayokong iwan mag-isa si nanay." Sagot nito.

Sa kanilang magkakapatid ay si tita Beth lang ang walang asawa. 29 years old na yata siya pero NBSB pa. 'Yan ang dapat tularan.

"Pwede naman na mag-asawa ka tapos dito kayo tumira. 'Di ba, 'nay?" Suhestiyon ni Tita Cath.

"Oo nga po Tita. Bahala ka tatanda kang dalaga niyan." Sang ayon ni Catherine. Anak ni Tita Cath at Tito Rolan.

"Pag iisipan ko 'yan." Sagot nito.

"Gimik tayo bukas mga insan. Game kayo?" Suhestiyon ni ulan.

Nagtinginan kaming magpipinsan at nag-ngisian. "Game!" Sabay sabay naming sagot.

"Ayus!"

Masaya 'to kapag sila ang kasama mong gigimik. Mga siraulo din 'tong mga pinsan kong 'to eh.

"Anong gimik na naman 'yan?" Tanong ni Tita Russel sa 'min.

"Baka kalokohan na naman 'yan, ah." Saad ni Tito Gardo.

"Subukan niyo lang at tatamaan kayong lahat." Banta ni mama.

"'Wag na kayong mag-aalalang lahat. Kaya na namin ang mga sarili namin." Wika ni Rain habang nakangisi.

"Hindi maganda ang pakiramdam ko sa gagawin ng mga batang ito." Ani tita Beth.

"Kalokohan na naman 'yan panigurado." Sabi ni papa.

"Makalokohan ang mga batang 'yan, kaya hindi malabo." Ani Tito Billie.

"Hindi kayo pwedeng umalis." Tutol ni Tita Cath sa plano naming paggimik.

"Hindi na kami mga bata, 'ma." Sambit ni Catherine.

"Kahit na."

"'La, pwede ba kaming lumabas bukas?" Tanong ko.

"Pwede naman." Sagot ni lola na nakapag-pangiti  sa aming lahat.

"'Nay, naman."  Reklamo ni Tito Rolan.

"Hayaan niyo na ang mga bata. Minsan lang sila magkasama sama eh."

"Kahit na, 'nay. Baka mapahamak 'yang mga 'yan." Nag-aalalang sabi ni Tita Shaina.

"Hindi 'yon mangyayari dahil sanay ng martial arts 'yang mga 'yan at kasama pa nila sila Andrew at Andrello."

"Pa'no si Andrei?"

"Tinuruan na ako ni ate ng martial arts kaya wala na kayong dapat na ipag-alala." Tugon ni Andrei.

Wala na silang nagawa at napabuntong hininga nalang.

Tristan

Kahapon pa tulala ang isang 'to eh. 'Di ko alam kung ano ba ang nasa isip nito at wala lagi sa sarili.

Sinasamahan na nga namin 'to sa bahay nila at kung saan man siya magpunta. Mahirap na baka kapag nasa labas siya at wala sa sarili. Baka masagasaan pa ng sasakyan. Kapag nasa bahay naman baka biglang mabaliw.

"Is he really okay?" My gorgeous girlfriend ask.

"'Wag mong alalahanin 'yan." I replied.

Inakbayan ko siya at inalalayang maupo sa sofa. Nakatitig lang kaming apat kay Al, pero parang hindi niya kami napapansin.

"Broken hearted ba 'yan? He's acting as if his girlfriend broke up with him." Wika ni Raia.

"He doesn't have a girlfriend." Lexa replied.

"He's acting weird since yesterday. May problema kaya siya?"

"I don't think so. He's fine the day before yesterday." I replied.

Simula lang talaga kahapon nung nagkaganito siya. Pangatlong araw na ng 7 day vacation namin at wala kaming ginawa kung 'di ang maupo lang sa bahay nila at samahan siya.

"What's wrong with him?" Nakalapit na pala sa 'min si ate Sandra hindi pa namin napansin.

Masyado kasing occupied ang utak namin dahil kay Al.

"We don't know. He's been like that since yesterday." Lexa answered.

Lumapit si ate Sandra kay Al and she wave her hand in front of Al's face. Walang pagbabago sa mukha ni Al kahit ginawa iyon ng ate niya.

"Hey, brother. What's on your mind? Are you okay?" Tanong niya sa kapatid niya pero wala siyang nakuhang sagot mula dito. Tulala lang siya at nakatingin sa kawalan. "Alistair Crimson. What's wrong?"

"I miss her." Sa wakas ay nagsalita na din siya. Pero parang wala pa din siya sa sarili niya.

"Al, it's been a year since she left you. Don't be stupid."

"I really miss her so bad." Al said with a sad voice.

Kawawang Al. Miss na niya 'yun, pero siya kaya miss na nun? Sa tingin ko hindi.

"Who's the person that you miss?" Tanong ni Blake.

Tinanong pa eh alam naman namin kung sino. 'Eto talagang lalaking 'to minsan gusto pang nakikitang nasasaktan kaibigan namin, e.

"Andrea."

Nagulat kaming lahat sa sagot niya. Takte totoo ba 'to? Kaya nagkakaganito si Al ay dahil kay Andrea? 'Di pa rin ako makapaniwala HAHAHA.

Walang duda. Inlove na nga ang loko.

"You miss who?" Ulit na tanong ni ate Sandra.

"I miss the one who likes her personality because everyone hates it. I miss the one who has a rugged and rude personality but kind sometimes. I miss Andrea Smith."

Wala ng duda kung sino ang tinutukoy niya. 'Yun ang Andrea na kilala namin.

"Wahh, Al. You're inlove." Lexa said happily.

"I admit it. I think I like her."

Umamin din. Nagkatinginan kami ni Blake at sabay na napangiti. Ito na ang araw na pinakahihintay namin. Naka move on na siya ng tuluyan. Sa wakas ay babalik na sa dati ang Al na kilala na

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status