Home / All / My Role / Chapter 37

Share

Chapter 37

Author: J. Fraley
last update Last Updated: 2021-07-16 18:17:18

Andrea

Nagpatuloy kami sa kasiyahan at naglaro pa ng maraming laro. May mga premyo din akong nakuha mula sa mga palaro kaya may pocket money na ako.

Hindi nawawala ang tawanan at asaran habang naglalaro kami. Ang malakas mag-asaran ay ang magkapatid na Rain at Catherine.

Parang mga aso't pusa ang mga 'yun. Parang hindi magkapatid eh.

Last day na namin dito sa Sagada. Pinayagan nila kami na mag-kaniya kaniya ng lakad. Kahit saan daw kami pumunta ay ayus lang basta ay bumalik kami bago magdilim.

May isa akong lugar na gustong gusto kong puntahan dito sa Sagada. Ang hanging coffins. Ang mga kabaong ay mga nakasabit sa cliffs.

Ito ang unang lugar na pinuntahan ko dito.  Buti nga at hindi nahuhulog ang mga ito. Marami na rin ang kabaong na nakasabit dito. Marami rin ang turista na narito at pinagmamasdan ang mga kabaong. Ang iba ay kumukuha ng litrato.

Sunod kong pinuntahan ang puntod ni lolo. Ngayon na lang ulit ako nakadalaw dito. Pumasok ako sa isang musuleo kung saan naroon ang puntod niya.

Inilapag ko ang bulaklak na binili ko bago ako pumunta dito saka ako naupo sa harap. Pinunasan ko ang alikabok na nakita ko saka ko tinitigan ang pangalan ni lolo.

Leonardo D. Ortega

Born: February 13, 1943

Died: October 17, 2014

"'Lo, nandito na 'ko. Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw." Huminga muna ako ng malalim bago ipinagpatuloy ang sasabihin ko. Bumibigat na naman kasi ang dibdib ko.

"Ang daya mo naman kasi 'lo, eh. Iniwan mo kami agad. 10 years old pa lang ako nang iwan mo kami. Hindi mo man lang kami hinintay na lumaki bago mo kami iwan. Ang saya pa natin nung umaga, 'di ba? Bakit nung natulog kami, tayo, iniwan mo na kami. Bakit hindi ka na gumising, 'lo? Sumobra naman sa himbing ang tulog mo."

Hindi ko na napigilan ang luha na bumagsak mula sa mga mata ko. Kanina ko pa iyon pinipigilan ngunit kusa na siyang nahulog ngayon.

Tuloy tuloy ang bagsak nito na para bang rumaragasang tubig sa ilog. Hindi ko ito mapigilan kahit na gusto ko.

"Sa 'yo kami tumatakbo kapag pinapagalitan kami nila mama. Pa'no na ngayon? Kanino na kami tatakbo? Sabi mo pagkatapos kong mag-aral ng martial arts, maglalaban tayo. Pero saktong pagkatapos kong mag-aral, nawala ka na. Nakakainis ka, 'lo. Alam mo 'yun? Kahit man lang grade 6 hindi mo hinintay. Sana naman nandun ka nung grumaduate ako ng grade 6. Pero ayus lang, 'lo. 'Wag mo na kaming alalahanin. Kaya na namin ang mga sarili namin ngayon. 'Wag ka na ring mag-alala kay lola. Kami na ang bahala sa kaniya."

Pinunasan ko ang mga luha na lumalabas mula sa mga mata ko saka ko kinuha ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko.

"Ito lolo oh. Tignan mo ang saya namin. Kaya 'wag ka ng mag-alala sa 'min ah. 'Eto pa, ang dami kong awards na nakuha mula sa school. Kahit sa guidance may nakukuha ako. Pasensya na, 'lo. Mainitin ulo ng apo niyo eh."

Ipinakita ko ang mga litrato na kuha namin kahapon at ang mga awards ko kahit na hindi naman niya talaga iyon nakikita.

"Malapit na 'kong grumaduate, 'lo. Magtatapos akong ng pag-aaral ko, pangako 'yan. Tutuparin ko ang pangarap mo para sa 'kin, ang magtapos ng pag-aaral. Pagkatapos kong mag-aral 'lo, babalik ako dito. Ipapakita ko sa 'yo ang diploma ko. Balik nalang ulit ako next time, 'lo ah. Miss na miss na kita. I love you."

Natapos ang reunion namin kasabay ng pagtatapos ng 1 week holiday kaya pasukan na naman.

Pumasok kami ng sabay sabay sa school gamit ang kotse ni kuya Andrew. Matagal na rin nung huli naming ginawa ito. Ang sabay sabay pumasok.

"Dito tayo magkita kita mamaya. Be on time." Paalala sa amin ni kuya Andrew.

Sa main gate ng campus niya kami ibinaba. Tumango kami sa kaniya at nag-kaniya kaniya na.

"Kamusta bakasyon niyo?" Tanong sa amin ng adviser namin.

"Ayus naman po."

Tinanong niya kami kung saan kami pumunta o kung ano ang ginawa namin na sinasagot naman namin.

"Ikaw, Smith? Sa'n ka nagpunta?"  Tanong niya sa 'kin.

"Sagada." Sagot ko.

"Maganda daw dun, ah."

Tumango ako sa kaniya.

"Ano 'yung lugar na napuntahan mo?"

"Hanging coffins."

"Hindi ka natakot."

"Hindi, bakit naman ako matatakot?"

"May mga patay sa loob nun, 'di ba?"

"Oo, hindi naman nakikita. Pinaka kabaong lang. Saka wala namang magagawa ang patay sa 'kin. Patay na sila at wala na silang magagawa na kahit ano kung 'di ang mahiga sa kinalalagyan nila."

Hindi naman ako magagawan ng kahit ano ng patay kaya bakit ako matatakot? Mas nakakatakot pa nga ang mga tao kesa multo o patay eh.

Nagsimula ang klase pagkatapos ng homeroom. Wala ako sa mood makinig kaya tumingin nalang ako sa bintana. Hindi ko alam pero wala akong ganang mag-aral ngayon.

Salita ng salita si Ms. Rivera pero wala akong naiintindihan. Pasok sa isang tenga labas sa kabila.

"Smith!" Nilingon ko si Ms. Rivera ng isigaw niya ang pangalan ko. "Are you with us?" Mataray niyang tanong.

"Yes ma'am." Sagot ko.

"If you're really with us, why is the sky blue?"

"Gases and articles in Earth's atmosphere scatter sunlight in all directions. Blue light is scattered more than other colors because it travel as shorter, smaller waves. This is why we see a blue sky most of the time." Sagot ko.

"Okay, good."

'Yan ang nagagawa ng advance study. May maisasagot ka kahit hindi ka nakikinig.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Role   Epilogue

    Andrea"Oh, Moonlight. Kamusta?" Bati ni Ash."Ayus naman." Sagot ko.We do a fist bump and hug each other afterwards. Ganito kami magbatian, eh.Siya ang nakaisip ng kalokohan na 'to. Cool daw sabi niya eh alam ko namang tyansing lang siya, tss."Napadalaw ka yata?""Bakit kasi hindi ka pumasok?" Asar na tanong ko.Hindi sana ako pupunta dito sa bahay nila kung pumasok lang siya."Si Blaine kasi. Aalis sila mamaya kasama ang lolo at lola niya. Pupunta daw ng States kaya sinusulit namin ang araw hanggang tanghali." Sagot niya.Aalis din sila Blaine. Sana naman ay hindi ko kasabay sa eroplano 'yon. Baka magkaaway pa kami dahil nagpunta 'ko dito. Ayaw mag eskandalo sa loob ng eroplano."Bakit ka nga napadaan?" Tanong niya pa."Magpapaalam sana ako. Aalis na din kami mamaya,

  • My Role   Chapter 81

    AndreaAnniversary namin ni hagdan ngayon. Gusto niya na mag-celebrate kami kaya nagpaalam ako sa trabaho ko na hindi ako makakapasok ngayon.Pinagbigyan ko na si hagdan sa gusto niya dahil hindi na namin na ce-celebrate ang monthsary namin dahil busy ako sa trabaho.Pangbawi ko na rin sa kaniya dahil wala akong oras na naibibigay sa kaniya."Hindi ganiyan." Natatawang aniya."Pa'no ba?" Tanong ko.Naglakagay kasi kami ng icing sa cake na binake niya. Bonding na naming dalawa ito kaya imbes na bumili ng cake ay nagbake nalang siya.Ako ang nakatalaga sa decorations kaso hindi naman ako artistic kaya hindi ko alam kung pa'no ba gagawing decor dito."Ganito oh." Kinuha niya sa akin ang icing.Siya na ang naglagay ng icing sa cake dahil hindi ko talaga alam kung pa'no. Hirap ng walang alam sa arts kung 'di ma

  • My Role   Chapter 80

    AndreaBinabantayan ko si papa habang si mama ay naghahanap daw ng pagkakakitaan. Kailanman ay hindi ko naisip na aabot kami sa puntong 'to na maging si mama ay maghahanap ng trabaho.Masyado na kaming nagigipit. Hindi ko na alam kung pa'no pa kami aahon. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ngayon.Halos wala na ngang pahinga si mama. Naaawa na ako sa kaniya. Wala akong magawa kung 'di ang maawa nalang.Bakit kasi ganito? Bakit kailangan na umabot sa ganito?Ano bang ginawa ko at pati pamilya ko dinamay nila? Laban ay laban. Bakit kapag natalo sila ay pamilya ko ang pinuntirya nila?"'Pa?" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil bigla nalang nag seizure si papa. "'Pa!""Nurse!" Pagtawag ko sa nurse."Anong nangyayari?" Tanong ng isang bantay."Tumawag kayo ng doctor! Bilis!" Utos ko.

  • My Role   Chapter 79

    ChanoHiling ni Queen na siya na ang lalaban sa lahat. Ewan nga lang namin kung ano ang nangyari at parang mainit ang ulo niya.Habang nag eensayo siya dito sa gym sa bahay nila Xander ay ang lakas ng pagkakatira niya sa lahat.Lahat ng suntok at sipa niya sa punching bag ay malalakas lahat. Parang may pinaghuhugutan siya ng galit."Ayus lang kaya si Queen?" Tanong ni Xander sa akin."Malay ko ba. May problema yata." Sagot ko.Alam naman namin na may problema talaga siya pero parang nadagdagan pa. Hindi naman kasi siya ganiyan, eh.Ano kayang nangyari sa kaniya at bigla siyang nagkaganiyan? May nangyari kaya kanina sa bahay ng mga Crimson o sa gymnasium?"Baka masira niya 'yung punching bag sa lakas ng pag atake niya." Bulong ni Xander sa akin kaya natawa ako."Kaya mo namang palitan 'yan at sa inyo naman

  • My Role   Chapter 78

    Andrea"'Ma, kamusta na si papa?" Tanong ko kay mama pagkabalik niya galing ospital.Hindi pa rin kasi nagigising si papa hanggang ngayon at nasa ICU pa rin. Sana nga ay magising na siya ngayon.Wala akong pake sa bills ng ospital ang kailangan ko ay magising si papa. Kahit na gaanong kalaki pa ang bayaran namin."Tulog pa rin, 'nak." Bakas ang lungkot sa boses ni mama habang sinasabi iyon.Hindi ko naman siya masisisi dahil asawa niya iyon. Mas matagal niyang kasama si papa kesa sa amin.Mas nahihirapan si mama kesa sa aming mga anak nila. Alam ko 'yon. Kaya wala akong magawa kung 'di ang yakapin nalang siya."Magiging okay din ang lahat, 'ma."Alam kong tinatatagan lang ni mama ang loob niya para sa amin. Gabi gabi kong naririnig si mama na nanalangin at umiiyak.Na trauma din siya sa nangyari sa kaniya

  • My Role   Chapter 77

    Alistair"They're here." Blake said looking at the entrance of the gymnasium.Napangiti ako ng makita ang tinutukoy niya. Sila Andrea kasama sila Lexa at Raia."Hi, girsl!" Bati ng teammates ko sa kanila.Kumaway sila Raia at Lexa samantalang si Andrea naman ay ngumiti lang ng bahagya sa kanila."How are you feeling?" I asked."Ayus lang." She replied and smiled at me."Pwedeng akin nalang 'yung isa?" Pabirong sabi ng isa sa mga teammates ko habang nakatingin kay Andrea ng nakangiti.Mabilis kong inilagay si Andrea sa gilid ko saka siya sinamaan ng tingin."Who are you smiling at?" Tanong ko sa kaniya."Syota mo ba 'yan?""Yeah. So get off your from her if you don't want me to take it out from you.""Brutal mo, dre."Nagtawanan lang kami d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status