Share

Chapter 38

Andrea

Hindi naman ako makakasabay kela Tristan dahil nauna silang lumabas sa akin. Punyeta naman.

Hindi ako makatayo sa kina-uupuan ko dahil para akong matutumba kapag tumayo ako kaya pinapahinga ko muna ang sarili ko baka sakaling mawala ang sakit ng ulo na nararamdaman ko.

May mga yabag ng paa akong narinig palapit sa akin at may presensya ng tao akong naramdaman sa harap ko kaya nag-angat ako ng tingin.

Mukha ni hagdan ang tumambad sa akin at pag-aalala ang makikita doon.

"Are you okay?" Tanong niya ng puno ng pag-aalala.

"Hmm." Sagot ko.

"No, you're not." Sabi niya saka sinalat ang noo ko.  "Kaya mo bang tumayo?"

"Hmm." Sagot ko saka ako tumayo.

Kinuha niya ang bag ko at saka ako inalalayang lumakad palabas. Nakahawak ang isang kamay niya sa balikat ko ang isa naman ay nakahawak sa kamay ko.

Ganoon kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa parking lot. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya sa passenger's seat at inalalayang makapasok doon.

Inilagay niya sa backseat ang bag ko saka nagmamadaling sumakay sa driver's seat.

Papaandarin na sana niya ang kotse ngunit pinigilan ko siya. "Why?" Nakakunot noong tanong niya.

"'Yung motor ko." Sabi ko.

"Don't worry about your motorcycle. Worry about yourself. I'll ask someone to pick it up later." Wika niya saka binuksan ang makina ng kotse niya at pinaandar.

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa byahe. Wala akong ganang magsalita dahil ang sakit talaga ng ulo ko at nahihilo na ako.

Binuksan ko ang bintana para makasagap ng sariwang hangin para kahit papaano ay maibsan ang sakit at hilo na nararamdaman ko pero lalo lang akong nahilo dahil sa usok ng mga sasakyan.

Napansin ni Alistair iyon kaya siya na ang nagsara ng bintana sa gawi ko gamit ang controller sa driver's side.

Pagkarating namin sa tapat ng bahay namin ay dali dali siyang bumaba mula sa driver's seat at pinagbuksan ako at inalalayang makalabas.

Hanggang sa makapasok kami ay inalalayan niya ako at siya din ang may dala ng bag ko.

Nadatnan ko na naghaharutan ang mga kapatid ko at hindi nila napansin ang pagdating namin.

"Defeat! HAHAHA." Tumatawag sabi ni Andrei. Mobile Legends na naman siguro ang pinagkakaabalahan nila.

Lumapit kami sa kanila saka ako naupo sa tabi ni kuya Andrew. Sa wakas ay napansin din nila kami.

"Nandyan ka na pala." Ani kuya Andrew.

"Nasa school pa 'ko, kuya." Lagi nilang sinasabi ang obvious naman.

"Nanghihina ka na at lahat ganiyan ka pa rin." Nakangiwing sabi ni hagdan.

Inismiran ko lang siya.

"Nanghihina ka?" Tanong ni kuya Andrew.

Ulit ulit talaga sila. Nakakairita.

Magsasalita na sana ako nung unahan ako ni kuya Andrello. "Bakit ka nanghihina?" Tanong niya.

"Babanat ka pa, ah." Ngingiti ngiting sabi ni Andrei. Nang-aasar.

Alam nila na may sasabihin na naman akong kapilosopohan kaya inunahan na nila ako.

"Nahihilo at sumasakit lang ang ulo ko dahil sa naging klase kanina." Sagot ko.

"Magpahinga ka na sa kwarto mo." Sabi ni kuya Andrew bago balingan si Alistair.

"Salamat, Al." Nakangiti nitong sabi.

Nakita ko naman na ginantihan ng ngiti ni Alistair si kuya bago ako pumunta sa kwarto ko.

Walang palit palit ng damit akong nahiga at ipinikit ang mga mata ko. Ang bigat na ng pakiramdam ko. Itutulog ko nalang 'to. Sana lang paggising ko ay ayus na ulit ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status