Hindi na ako nakapaghapunan kagabi dahil tuloy tuloy na ang naging pagtulog ko. Hindi na daw ako ginising nila mama dahil nga ang sakit ng ulo ko.
Gutom na gutom tuloy ako paggising ko dahil hindi naman ako nakapag miryenda kahapon.
Dapat ay hindi ako late ngayon kung hindi lang dahil sa letseng ball pen ko na hindi ko malaman kung saan ko nailagay.
"Anong oras na Andrea, hindi ka pa ba aalis?! Late ka na!" Sigaw ni mama mula sa baba.
Punyeta pati pala notebook ko sa history nawawala. Hayst. "Sandali lang, 'ma!" Sagot ko.
"Mauuna na kami sa iyo. Isarado mo ang bahay, ah?"
"Sige!"
Punyeta naman oo. Bakit ngayon ka pa nawala. May pagka terror pa naman ang teacher namin sa MAPEH. Baka hindi na naman ako makapasok nito ngayon. Nyeta.
Bahala na nga. Bumaba na ako at patakbo kong tinungo ang garahe ng bahay namin. Gaya nga ng sabi ni Alistair ay pinakuha niya ang motor ko kahapon.
Kahit hindi ko pa nakikita ang ball pen at notebook ko sa history ay pumasok na ako dahil baka wala na naman akong matutunan sa klase.
Hindi ako nakapag advance study kagabi dahil nga bagsak agad ako. Patay na ako ngayon, punyeta.
Pagdating ko sa room namin ay kumatok ako sa pinto dahil nakasarado ito.
"Come in." Saad ng isang lalaki.
Teka, bakit lalaki? Babae teacher namin sa MAPEH, ah?
Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa nakita ko dahil hindi naman iyon ang teacher namin sa MAPEH.
Nagpatuloy siya sa klase at naintindihan ko naman ang itinuturo niya. Magaling kasi siyang magturo. Kahit na sinong turuan niya ay matututo.
"Do you know some self defense?" Tanong niya.
Ang iba sa mga kaklase ko ay umiling ang iba naman ay hindi sumagot. Kabilang na ako doon.
"Okay, I'll teach you some self defense. Come here, Smith and Amilton." Aniya.
Ako pa naisipan na gawing halimbawa. Tss.
Tumayo kaming pareho ni Jake at sabay na pumunta sa unahan. Ang mga kaklase naman namin ay nakatingin lang sa amin at nag-aabang nang kung anong gagawin namin.
"You know what to do, right?" Tanong niya sa amin.
Tumango si Jake bilang sagot, binigyan ko naman siya ng iritang tingin.
"Example, si Amilton ang kalaban at may gusto siyang gawing masama kay Smith. Let's see kung ano ang gagawin niya bilang self defense."
Daming alam neto eh. May pa ganun pa pwede namang hindi na ganun ang gawin. Pwede naman na sabihin nalang niya kung ano ang mga pwede na gawin para maipagtanggol ng isang tao ang sarili niya.
Lumayo kami ni Jake sa isa't isa. Kailangan daw ganun sabi niya. Dahan dahan siyang lumakad palapit sa akin na para bang siga sa kanto.
Umaarte talaga siya na para bang nasa isang shooting kami ng pilikula. Hindi naman kagalingan sa pag-arte ang animal, umaarte pa.
Lumapit siya sa akin at inakbayan ako kaya kinuha ko ang kamay niya na nasa balikat ko saka ko iyon pinilipit kaya nagsisisigaw siya sa sakit.
Pinilipit ko talaga ng todo ang braso niya, hindi peke iyon.
"A-ahhhhh! Arayy! Masakit Pikon, bitawan mo 'ko! A-ahhhhh ahhh!" Daing niya.
Dumating lang si sir kaya ko siya binitawan. Pasalamat siya kay sir. "Smith, arte lang 'di ba? Bakit tinotoo mo?" Tanong niya sa akin.
"Oo nga! Ang sakit kaya!" Asik sa akin ni Jake.
"Mahina pa ang ginawa ko sa 'yo, kaya 'wag kang masyadong dumaing diyan. Para kang bakla eh." Saad ko saka naglakad pabalik sa upuan ko.
Makadaing akala mong kinakatay, hindi naman. Kung hindi ko siya kilala eh, paghihinalaan ko na bakla siya. Kelalaking tao eh, kung dumaing iba. Ang angas angas kanina kung maglakad tapos biglang sigaw ng malakas. Tss.
"Hoy! Anong bakla? Namumuro ka na pikon, ah." Asik na naman niya.
Maingay din siya kaya talagang pagkakamalan mo siyang bakla kung hindi mo siya kilala. Bakit ko nga ba naging kaibigan ang animal na iyon?
"Tama na 'yan. Go back to your seat, Amilton." Ani sir kaya bumalik na siya sa upuan niya.
Natapos ang iba pa naming klase at break time na ngayon. Nagutom ako sa mga punyetang klase na 'yun. Ang sakit sa ulo. Nyemas.
"Bakit naman ganun mo kung kausapin si sir kanina, Andrea?" Tanong ni Lexa sa 'kin.
"Ganoon kami kung mag-usap." Sagot ko.
Ganoon talaga kami mag-usap ni 'sir' daw. Sinabi ko naman sa inyo noon pa na wala akong galang. Pinalaki naman ako ng ayus ng mga magulang ko pero kahit na ganoon ay wala pa rin akong galang.
Noong bata ako ay ginagalang ko pa ang matatanda, pero nung matapos maloko si lolo ng itinuring niyang kaibigan ay nawala iyon.
Sa isip ko ay hindi na dapat igalang ang mga matatanda dahil ganoon din sila gaya noong siraulo na 'yun.
"Magkakilala ba kayo?" Tanong ni Raia.
"Malamang, kaya nga alam ni sir na hindi pa nagbabago si pikon, 'di ba?" Si Jake ang sumagot.
Kilala namin ang bago daw naming guro ngayon sa MAPEH. Kilalang kilala namin.
"Maaari ba akong sumabay sa inyo?" Tanong sa amin ng pinag-uusapan lang namin kani-kanina lang.
"Yes po, sir." Si Blake ang nagsalita.
"Bakit late ka kanina?" Tanong niya na alam kong ako ang tinatanong.
"Kasi hindi ako on time nakapasok." Sagot ko.
"Pilosopo." Bulong niya na narinig ko dahil nga magkatabi kami.
Mula nung pinanganak ako ay ganito na ako, pilosopo talaga. Lahat naman kami sa bahay ay ganito kaya 'wag na kayong magtaka. Mas malala sa akin ang mga kapatid ko.
"Bakit ka nagtuturo dito?" Ako naman ang nagtanong.
"Hindi ba't buntis ang guro niyo sa MAPEH? Kabuwanan na yata niya kaya pinag-leave muna siya at ako ang ipinalit." Sagot niya.
Kaya may pagka terror 'yung teacher namin na 'yun dahil nga buntis, pero mabait talaga siya. Ngayong buntis siya ay pabago bago ang ugali niya, minsan mabait, minsan 'di mawarian.
"Teacher ka pala? Hindi mo naman sinabi sa amin noon." Saad ni Jake kaya tinignan siya ni sir.
"Guro naman talaga ako. Kaya ko nga kayo naturuan noong mga bata pa kayo." Sagot nito sa kaniya.
"Magkaiba naman 'yun." ~ Jake.
"Parehas lang 'yun, Jake. Physical activity ang major ko. Lalo na ang martial arts."
"Nag-aral kayo ng education?" Tanong muli ni Jake.
"Oo." Maikling sagot ang nakuha niya mula dito.
Tatango tango naman si Jake dahil sa impormasyon na nakuha niya.
"Naging teacher po nila kayo dati?" Tanong ni Raia.
"Hmm."
"Anong grade po sila noong tinuruan niyo sila?"
"Martial arts ang itinuro ko sa kanila."
Siya nga ang nagturo sa amin ng martial arts. Si Mr. Salazar. Seonsengnim o sem ang tawag namin sa kaniya at hindi sir kaya hindi ako sanay na sir ang tinatawag sa kaniya.
Sa kaniya namin natutunan lahat ng moves na alam namin. Sa kaniya namin natutunan kung paano ipagtanggol ang sarili namin. Dahil din sa kaniya kung bakit naging magkaibigan kami ni Jake.
Laking pasasalamat ko at nakilala ko siya. Siya din ang nagturo noon kela kuya at kuya Andrello ng martial arts. Sa aming magkakapatid ay si Andrei lang ang hindi niya naturuan.
"Kamusta na pala ang mga kapatid mo?" Tanong niya sa akin.
"Buhay pa." Sagot ko.
Natawa siya ng bahagya sa sinagot ko sa kaniya. Para sa kaniya ang lahat ng sagot ko na kapilosopohan ay biro lang.
Natapos ang klase sa buong araw at nakakapagod iyon. Napagod ako kakatayo at upo dahil panay ang tawag sa akin ng mga naging guro namin sa araw na ito para sumagot.
Nakakairita nga dahil kahit hindi ako nagtataas ng kamay ay tinatawag pa rin nila ako. Hassle ang araw na ito.
"Nandito na ako."
Pumasok ako sa loob ng bahay namin. Busy na naman ang mga kapatid ko sa ML. Hindi ko alam kung ano ba ang nagustuhan nila sa laro na iyon at 'yon lagi ang inaatupag nila.
Wala na yata silang oras sa mga girlfriend nila eh. May girlfriend na si kuya Andrew alam niyo naman 'yon. Si kuya Andrello ay meron na din. Nalaman lang namin 'yun nung sa reunion namin.
Naglaro kami ng game of truth at doon namin nalaman na may girlfriend na pala siya. Akalain niyo 'yun. Ang cold at seryoso lagi na lalaki ay nakapagpaibig ng isang babae.
Iba talaga kapag Smith, malakas sa mga chiks. Parang si Andrei lang. Lapitin ng mga babae, pero dahil kagaya ko ay wala pa sa isip niya 'yon. Hindi niya pinapansin.
Nang mga sumunod na araw ay naging abala kami sa gawain sa eskwelahan. Palagi ding sumasakit ang ulo ko sa hindi ko alam na dahilan.
Andrea"Oh, Moonlight. Kamusta?" Bati ni Ash."Ayus naman." Sagot ko.We do a fist bump and hug each other afterwards. Ganito kami magbatian, eh.Siya ang nakaisip ng kalokohan na 'to. Cool daw sabi niya eh alam ko namang tyansing lang siya, tss."Napadalaw ka yata?""Bakit kasi hindi ka pumasok?" Asar na tanong ko.Hindi sana ako pupunta dito sa bahay nila kung pumasok lang siya."Si Blaine kasi. Aalis sila mamaya kasama ang lolo at lola niya. Pupunta daw ng States kaya sinusulit namin ang araw hanggang tanghali." Sagot niya.Aalis din sila Blaine. Sana naman ay hindi ko kasabay sa eroplano 'yon. Baka magkaaway pa kami dahil nagpunta 'ko dito. Ayaw mag eskandalo sa loob ng eroplano."Bakit ka nga napadaan?" Tanong niya pa."Magpapaalam sana ako. Aalis na din kami mamaya,
AndreaAnniversary namin ni hagdan ngayon. Gusto niya na mag-celebrate kami kaya nagpaalam ako sa trabaho ko na hindi ako makakapasok ngayon.Pinagbigyan ko na si hagdan sa gusto niya dahil hindi na namin na ce-celebrate ang monthsary namin dahil busy ako sa trabaho.Pangbawi ko na rin sa kaniya dahil wala akong oras na naibibigay sa kaniya."Hindi ganiyan." Natatawang aniya."Pa'no ba?" Tanong ko.Naglakagay kasi kami ng icing sa cake na binake niya. Bonding na naming dalawa ito kaya imbes na bumili ng cake ay nagbake nalang siya.Ako ang nakatalaga sa decorations kaso hindi naman ako artistic kaya hindi ko alam kung pa'no ba gagawing decor dito."Ganito oh." Kinuha niya sa akin ang icing.Siya na ang naglagay ng icing sa cake dahil hindi ko talaga alam kung pa'no. Hirap ng walang alam sa arts kung 'di ma
AndreaBinabantayan ko si papa habang si mama ay naghahanap daw ng pagkakakitaan. Kailanman ay hindi ko naisip na aabot kami sa puntong 'to na maging si mama ay maghahanap ng trabaho.Masyado na kaming nagigipit. Hindi ko na alam kung pa'no pa kami aahon. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ngayon.Halos wala na ngang pahinga si mama. Naaawa na ako sa kaniya. Wala akong magawa kung 'di ang maawa nalang.Bakit kasi ganito? Bakit kailangan na umabot sa ganito?Ano bang ginawa ko at pati pamilya ko dinamay nila? Laban ay laban. Bakit kapag natalo sila ay pamilya ko ang pinuntirya nila?"'Pa?" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil bigla nalang nag seizure si papa. "'Pa!""Nurse!" Pagtawag ko sa nurse."Anong nangyayari?" Tanong ng isang bantay."Tumawag kayo ng doctor! Bilis!" Utos ko.
ChanoHiling ni Queen na siya na ang lalaban sa lahat. Ewan nga lang namin kung ano ang nangyari at parang mainit ang ulo niya.Habang nag eensayo siya dito sa gym sa bahay nila Xander ay ang lakas ng pagkakatira niya sa lahat.Lahat ng suntok at sipa niya sa punching bag ay malalakas lahat. Parang may pinaghuhugutan siya ng galit."Ayus lang kaya si Queen?" Tanong ni Xander sa akin."Malay ko ba. May problema yata." Sagot ko.Alam naman namin na may problema talaga siya pero parang nadagdagan pa. Hindi naman kasi siya ganiyan, eh.Ano kayang nangyari sa kaniya at bigla siyang nagkaganiyan? May nangyari kaya kanina sa bahay ng mga Crimson o sa gymnasium?"Baka masira niya 'yung punching bag sa lakas ng pag atake niya." Bulong ni Xander sa akin kaya natawa ako."Kaya mo namang palitan 'yan at sa inyo naman
Andrea"'Ma, kamusta na si papa?" Tanong ko kay mama pagkabalik niya galing ospital.Hindi pa rin kasi nagigising si papa hanggang ngayon at nasa ICU pa rin. Sana nga ay magising na siya ngayon.Wala akong pake sa bills ng ospital ang kailangan ko ay magising si papa. Kahit na gaanong kalaki pa ang bayaran namin."Tulog pa rin, 'nak." Bakas ang lungkot sa boses ni mama habang sinasabi iyon.Hindi ko naman siya masisisi dahil asawa niya iyon. Mas matagal niyang kasama si papa kesa sa amin.Mas nahihirapan si mama kesa sa aming mga anak nila. Alam ko 'yon. Kaya wala akong magawa kung 'di ang yakapin nalang siya."Magiging okay din ang lahat, 'ma."Alam kong tinatatagan lang ni mama ang loob niya para sa amin. Gabi gabi kong naririnig si mama na nanalangin at umiiyak.Na trauma din siya sa nangyari sa kaniya
Alistair"They're here." Blake said looking at the entrance of the gymnasium.Napangiti ako ng makita ang tinutukoy niya. Sila Andrea kasama sila Lexa at Raia."Hi, girsl!" Bati ng teammates ko sa kanila.Kumaway sila Raia at Lexa samantalang si Andrea naman ay ngumiti lang ng bahagya sa kanila."How are you feeling?" I asked."Ayus lang." She replied and smiled at me."Pwedeng akin nalang 'yung isa?" Pabirong sabi ng isa sa mga teammates ko habang nakatingin kay Andrea ng nakangiti.Mabilis kong inilagay si Andrea sa gilid ko saka siya sinamaan ng tingin."Who are you smiling at?" Tanong ko sa kaniya."Syota mo ba 'yan?""Yeah. So get off your from her if you don't want me to take it out from you.""Brutal mo, dre."Nagtawanan lang kami d