Home / All / My Role / Chapter 46

Share

Chapter 46

Author: J. Fraley
last update Last Updated: 2021-07-16 18:23:29

Andrea

Mga sigawan nang tao ang narinig namin mula sa labas nang kwarto. Lahat kami sa loob ay yumuko at nagtago sa lugar kung saan kami maaring magtago.

Inalalayan nila ako dahil nga naka dextrous pa ako at kagigising ko lang. Napaka gandang bungad nito sa akin ngayon.

Nang matigil ang pagbabaril nang kung sino man sa labas ay dagling tumakbo sila kuya palabas at iniwan kaming dalawa ni Andrei.

Hindi maaari na tumunganga ako dito. Tinanggal ko ang dextrous na nakakabit sa aking kamay saka tumakbo palabas.

Ang sakit din pala nun. Akala ko ay hindi dahil sa mga pinapanuod ko ay hindi sila nasasaktan. Mga peke talaga at wala man lang kahit kaunting katotohanan ang pinapalabas nila.

"Ate!" Tawag sa akin ni Andrei na sumunod din sa paglabas.

Tumakbo kami sa hagdanan at doon dumaan dahil kung sa elevator kami sasakay ay kailangan pa naming maghintay.

Nasa fourth floor kasi ang kwarto na kinalalagyan ko. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan na nasa isang private room pa ako.

May mga lalaki kaming nakita na tumatakbo pababa nang hagdan. Lahat sila ay naka-itim at may dalang baril.

Inunahan ako ni Andrei sa pagtakbo at may hinugot siya mula sa kaniyang tagiliran. Isang baril. Itinutok niya ito sa isang lalaki at saka niya ito ipinutok.

Asintado! Tinamaan sa binti ang lalaki at nagpagulong gulong sa hagdan. Nagtago kami ni Andrei nang pagbabarilin kami nang mga naka-itim na ito.

Hindi na siya nakipagpalitan pa nang pagbaril dahil may napatamaan na siya.

Gaya nga nang inaasahan namin ay hindi nila tinulungan ang lalaking nabaril ni Andrei. Ang nasa isip nila marahil ay magiging pabigat lamang ito sa kanila.

Nilapitan namin ang walang malay na lalaki at tinignan kung buhay pa. Salamat naman at may pulso at hininga pa siya.

Tumawag kami nang doktor at nurse na maaaring tumulong sa amin at gumamot sa kaniya.

Pinosasan din namin siya ni Andrei para hindi siya makaalis o makatakas sakali mang magising siya agad.

"Saan ba kayo galing?" Bungad ni kuya Andrew sa amin pagkabalik ko sa kwarto ko.

"Hey, are you okay?" Tanong ni hagdan habang naglalakad ako papalapit sa kama ko.

"Hmm." Sagot ko.

"Saan kayo pumunta?" Tanong ni kuya Andrello.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Andrei.

"Ang tigas kasi nang ulo ni ate, gusto na sumunod kami sa inyo." Sagot ni Andrei.

Pinilit ko kaya siya? Hindi naman, tss.

"Anong napala niyo?"

"Wala." Sagot ni Andrei.

"Bakit ba kasi sumunod pa kayo? Tinanggal mo pa ang dextrous na nakakabit sa 'yo. Kagigising mo lang Andrea at hindi pa maayus ang lagay mo." Sermon ni kuya Andrew.

"Gusto ko lang namang malaman kung sino ang punyetang nagpaulan nang bala dito sa kwarto ko." Paliwanag ko.

"Kahit na. Sana ay sa amin mo na lamang inasa 'yon."

"Sorry." Nakayukong sabi ko.

"'Wag mo nang uulitin 'yon." Aniya saka ako niyakap.

Magbabayad ang walanghiyang taong gumawa nito. Ang ganda na nang kwarto ko ngayon. Butas butas ang pinto.

Umalis sila kuya kasama si Jake at iniwan kaming dalawa ni hagdan.

Naupo siya sa tabi ko saka ako niyakap. Niyakap ko siya pabalik at sa ganoong posisyon kami nag-usap.

"Nag-alala ako sa 'yo." Aniya. "Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo."

"Ayus lang ako, hindi pa ako mamamatay. Hindi nang dahil sa paso o sa bala nang baril. Hindi ako mapapatay nang mga 'yon." Saad ko.

"Anong tingin mo sa 'yo? Immortal na hindi mamamatay?"

"Hindi naman sa ganun, pero tinitiyak ko sa 'yo na hindi ako mamamatay hangga't hindi ko napagbabayad ang kung sinumang bumaril sa 'yo."

"'Wag mo nang pag-aksayahan nang oras ang taong 'yon. I'm fine now so stop on investigating that and leave the work to the police officers."

"Wala akong tiwala sa mga pulis. Mas magaling pa mag-imbistiga si Andrei sa kanila."

Napabuntong hininga siya dahil alam niya na hindi niya ako mapapahinto sa ginagawa ko.

Kung anuman ang nasimulan ko na ay tinatapos ko. Kaya kahit na mapahamak ako sa pag-iimbistiga ay wala akong pakielam. 'Wag lang magpapahuli sa akin ang punyetang may sala.

"Just be careful, okay?"

Tumango ako sa kaniya.

Nag-usap pa kami nang nag-usap hanggang sa makaramdam ako nang antok.

Hindi ko napigilan ang mga luha sa mga mata ko nang maalala ko ang nangyari sa dati kong kalaro.

"Shhh." Niyakap ako ni mama at pilit na pinatahan.

Nang pakawalan ako ni mama ay hindi ko napigilan ang sarili kong sumigaw.

"Mga hayop!!!" Sigaw ko habang patuloy ang mga luha ko na nag-uunahan sa pag-agos.

"Andrea..." Sambit ni mama na hindi malaman ang gagawin.

Hindi ko pa sila nasisingil sa kahayupang ginawa nila sa kalaro ko noon. Nang dahil sa ginawa nila ay naging mailap ako sa mga taong gustong makipag-kaibigan sa 'kin.

"Hayop!" Sigaw ko at nagbalibag nang kung anumang mahawakan ko.

"Tama na, anak." Sabi ni mama na niyakap akong muli.

Magbabayad kayo sa ginawa niyo kay Cassandra. Papatayin ko kayong lahat.

Muling nanariwa sa ala-ala ko ang mga naganap noong bata pa ako. Ang kaisa-isa kong kaibigan noon na pinatay ng mga hayop na 'yon.

Pagbabayarin ko kayo. Maghintay lang kayo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Role   Epilogue

    Andrea"Oh, Moonlight. Kamusta?" Bati ni Ash."Ayus naman." Sagot ko.We do a fist bump and hug each other afterwards. Ganito kami magbatian, eh.Siya ang nakaisip ng kalokohan na 'to. Cool daw sabi niya eh alam ko namang tyansing lang siya, tss."Napadalaw ka yata?""Bakit kasi hindi ka pumasok?" Asar na tanong ko.Hindi sana ako pupunta dito sa bahay nila kung pumasok lang siya."Si Blaine kasi. Aalis sila mamaya kasama ang lolo at lola niya. Pupunta daw ng States kaya sinusulit namin ang araw hanggang tanghali." Sagot niya.Aalis din sila Blaine. Sana naman ay hindi ko kasabay sa eroplano 'yon. Baka magkaaway pa kami dahil nagpunta 'ko dito. Ayaw mag eskandalo sa loob ng eroplano."Bakit ka nga napadaan?" Tanong niya pa."Magpapaalam sana ako. Aalis na din kami mamaya,

  • My Role   Chapter 81

    AndreaAnniversary namin ni hagdan ngayon. Gusto niya na mag-celebrate kami kaya nagpaalam ako sa trabaho ko na hindi ako makakapasok ngayon.Pinagbigyan ko na si hagdan sa gusto niya dahil hindi na namin na ce-celebrate ang monthsary namin dahil busy ako sa trabaho.Pangbawi ko na rin sa kaniya dahil wala akong oras na naibibigay sa kaniya."Hindi ganiyan." Natatawang aniya."Pa'no ba?" Tanong ko.Naglakagay kasi kami ng icing sa cake na binake niya. Bonding na naming dalawa ito kaya imbes na bumili ng cake ay nagbake nalang siya.Ako ang nakatalaga sa decorations kaso hindi naman ako artistic kaya hindi ko alam kung pa'no ba gagawing decor dito."Ganito oh." Kinuha niya sa akin ang icing.Siya na ang naglagay ng icing sa cake dahil hindi ko talaga alam kung pa'no. Hirap ng walang alam sa arts kung 'di ma

  • My Role   Chapter 80

    AndreaBinabantayan ko si papa habang si mama ay naghahanap daw ng pagkakakitaan. Kailanman ay hindi ko naisip na aabot kami sa puntong 'to na maging si mama ay maghahanap ng trabaho.Masyado na kaming nagigipit. Hindi ko na alam kung pa'no pa kami aahon. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ngayon.Halos wala na ngang pahinga si mama. Naaawa na ako sa kaniya. Wala akong magawa kung 'di ang maawa nalang.Bakit kasi ganito? Bakit kailangan na umabot sa ganito?Ano bang ginawa ko at pati pamilya ko dinamay nila? Laban ay laban. Bakit kapag natalo sila ay pamilya ko ang pinuntirya nila?"'Pa?" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil bigla nalang nag seizure si papa. "'Pa!""Nurse!" Pagtawag ko sa nurse."Anong nangyayari?" Tanong ng isang bantay."Tumawag kayo ng doctor! Bilis!" Utos ko.

  • My Role   Chapter 79

    ChanoHiling ni Queen na siya na ang lalaban sa lahat. Ewan nga lang namin kung ano ang nangyari at parang mainit ang ulo niya.Habang nag eensayo siya dito sa gym sa bahay nila Xander ay ang lakas ng pagkakatira niya sa lahat.Lahat ng suntok at sipa niya sa punching bag ay malalakas lahat. Parang may pinaghuhugutan siya ng galit."Ayus lang kaya si Queen?" Tanong ni Xander sa akin."Malay ko ba. May problema yata." Sagot ko.Alam naman namin na may problema talaga siya pero parang nadagdagan pa. Hindi naman kasi siya ganiyan, eh.Ano kayang nangyari sa kaniya at bigla siyang nagkaganiyan? May nangyari kaya kanina sa bahay ng mga Crimson o sa gymnasium?"Baka masira niya 'yung punching bag sa lakas ng pag atake niya." Bulong ni Xander sa akin kaya natawa ako."Kaya mo namang palitan 'yan at sa inyo naman

  • My Role   Chapter 78

    Andrea"'Ma, kamusta na si papa?" Tanong ko kay mama pagkabalik niya galing ospital.Hindi pa rin kasi nagigising si papa hanggang ngayon at nasa ICU pa rin. Sana nga ay magising na siya ngayon.Wala akong pake sa bills ng ospital ang kailangan ko ay magising si papa. Kahit na gaanong kalaki pa ang bayaran namin."Tulog pa rin, 'nak." Bakas ang lungkot sa boses ni mama habang sinasabi iyon.Hindi ko naman siya masisisi dahil asawa niya iyon. Mas matagal niyang kasama si papa kesa sa amin.Mas nahihirapan si mama kesa sa aming mga anak nila. Alam ko 'yon. Kaya wala akong magawa kung 'di ang yakapin nalang siya."Magiging okay din ang lahat, 'ma."Alam kong tinatatagan lang ni mama ang loob niya para sa amin. Gabi gabi kong naririnig si mama na nanalangin at umiiyak.Na trauma din siya sa nangyari sa kaniya

  • My Role   Chapter 77

    Alistair"They're here." Blake said looking at the entrance of the gymnasium.Napangiti ako ng makita ang tinutukoy niya. Sila Andrea kasama sila Lexa at Raia."Hi, girsl!" Bati ng teammates ko sa kanila.Kumaway sila Raia at Lexa samantalang si Andrea naman ay ngumiti lang ng bahagya sa kanila."How are you feeling?" I asked."Ayus lang." She replied and smiled at me."Pwedeng akin nalang 'yung isa?" Pabirong sabi ng isa sa mga teammates ko habang nakatingin kay Andrea ng nakangiti.Mabilis kong inilagay si Andrea sa gilid ko saka siya sinamaan ng tingin."Who are you smiling at?" Tanong ko sa kaniya."Syota mo ba 'yan?""Yeah. So get off your from her if you don't want me to take it out from you.""Brutal mo, dre."Nagtawanan lang kami d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status