Home / Lahat / My Role / Chapter 52

Share

Chapter 52

Author: J. Fraley
last update Huling Na-update: 2021-07-16 18:27:01

Syempre, para umalis siya at umuwi sa bahay para magpahinga ay um-oo ako. 'Yun din naman talaga ang gagawin ko.

Hindi naman ako pupunta sa kwarto ni hagdan dahil ang sabi niya ay siya na daw ang pupunta sa akin  mamayang madaling araw.

Andrew

"Kamusta si Andrea, 'ma?" Tanong ko habang kumakain kami nang hapunan.

Umalis na kami nang ospital dahil 'yun ang gusto ni Andeng. Gusto daw niya na sa bahay kami magpahinga at 'wag doon sa kwarto niya.

Wala naman daw kasi kaming matutulugan doon. Kahit na nagpumilit sila mama ay ayaw niyang pumayag.

Kaya wala na kaming nagawa kung 'di ang umuwi at sa bahay magpalipas nang gabi.

Bumuntong hininga muna si mama bago sumagot. "Ayus naman daw siya." Sabi niya saka bumuntong hininga ulit. "Bakit ba ang tigas nang ulo nang kapatid niyong 'yon?"

"Likas na kay Andrea 'yon, nagtataka ka pa ba?" Tanong ni papa.

"Alam ko naman. Pero ngayong nasa ospital siya, pangalawang sunod na nga, eh. Bakit ayaw niya pa ring makinig sa 'kin?"

"'Ma, nakikinig naman siya sa 'yo, ah?" Wika ko.

"Bakit ayaw niya na doon ako matulog, tayo?"

"'Ma, ang gusto kasi ni ate maging komportable ang pagtulog natin." Sagot ni Andrei.

"Mas magiging komportable ang tulog ko kapag binabantayan ko siya."

"'Ma, nakita niya kasi na naka-upo lang kayo ni papa sa sofa nung nakaraan. Kaya ayaw na niyang pumayag ngayon na doon kayo matulog." Si Andrello naman ang sumagot.

Naubusan na yata nang idadahilan si mama kaya tumahimik nalang at nagpatuloy sa pagkain.

Naiintindihan ko naman ang punto ni Andeng. Ayoko rin naman na makita sila mama na natutulog sa sofa o kung saan man na nakaupo at hindi komportable.

Si mama naman ay naiintindihan ko rin. Gusto niyang alagaan at bantayan ang anak niya pero, pasensyahan nalang dahil ayaw ni Andeng na nakikitang hindi komportable ang mga magulang niya at ang buong pamilya niya.

Sa tigas nang ulo nun na mas matigas pa sa bato at bakal ay hindi mananalo ang kung sinuman, ewan ko lang kung si Alistair ay nananalo sa kaniya.

Andrea

Natahimik ang buong kwarto ko nang umalis sila mama. Si Andrei lang naman ang nagpapa-ingay nito, eh. Nadadamay lang sila mama dahil nagbibiro at nang-aasar si Andrei.

Dapat kasi ay dalawa man lang ang kama dito sa ospital, eh. Para naman 'yung magbabantay ay may tutulugan.

Bobo naman nang naka-isip na gawing isa lang ang kama. Hindi ba nila naisip na may magbabantay din sa pasyente?

Saan nila gustong patulugin? Sa sofa? Paano kung mataba at hindi kasya? Mga bobo talaga.

Natigil ako sa pang-iinsulto sa naka-isip nang konsepto nang ospital nang may isang doktor na pumasok sa kwarto ko.

Oras na siguro para turukan nang gamot ang dextrous na nakakabit sa akin.

Kahinahinala ang doktor na 'to, ah. Bakit nakatakip pa nang facemask ang bibig niya?

Tinignan ko siya nang may mapanuring mga mata. Hindi maganda ang pakiramdam ko dito.

Parang may mali na hindi ko alam. Nang tuturukan na niya ako nang injection ay tinanggal ko ang facemask na nakasuot sa kaniya na kinabigla niya.

Parang pamilyar sa akin ang mokong na 'to. Saan ko ba 'to nakita?

"Oras na po para sa gamot mo, ma'am." Wika niya.

"Bakit kailangan mo pang magsuot nang mask?" Tanong ko sa kaniya.

"May ubo po kasi ako." Sagot niya saka umubo.

Akala mo namang maloloko mo ako. Nang tuturukan na niya ako ay sinipa ko siya saka ko tinanggal ang dextrous na nakakabit sa akin.

"Sinong niloko mo? G*go!" Bulyaw ko saka ko siya sinapak.

Kinuha ko ang injection mula sa kamay niya saka ko iyon itinurok sa kaniya. Namnamin mo ang sarili mong injection.

May narinig ako na pumasok sa kwarto ko kaya agad ko itong nilingon. Ano ba 'yan? Ano bang security ang meron dito sa ospital na 'to?

"Sumama ka nalang nang hindi ka na mahirapan." Aniya saka lumapit nang kaunti sa akin.

"Bakit ako sasama sa inyo kung kaya ko naman kayong pataying lahat ora mismo?" Tanong ko.

Ngumisi siya sa akin. Isang napakapangit na ngisi bago humakbang ulit nang isa pa papalapit sa akin.

"Hindi ka talaga marunong matakot. Paano kung tuluyan na kita ngayon?" Wika niya saka naglabas nang baril.

Agad ko iyong sinipa saka ko siya sinikmuraan. Umikot ako nang isa upang sipain siya sa mukha.

Ang yabang yabang, 'yun lang pala hindi na kaya, tss.

Ang mga natira pa ay sinamaan ko nang tingin. Pamilyar sila sa akin. Mga punyetang animal! Sila ang taong nagbababaril sa kwarto ko noong unang naospital ako.

"Kami kayang lahat, kaya mo?" Tanong nang isa sa kanila.

Nginisian ko sila saka ako humakbang papalapit. Ako na ang hahakbang. Nahihiya ako sa kanila, eh.

Dinalaw na nga nila ako tapos sila pa ang galaw nang galaw. Ang dapat sa kanila ay nagpapahinga lang.

"Ibahin natin ang tanong. Kaya niyo kaya akong lahat?" Wika ko.

Nagtawanan naman silang lahat.

"Kung 'yan ang tanong, ang sagot namin ay oo. Sa liit mong 'yan, hindi ka namin makakaya?" Sabi nang isa saka sila muling nagtawanan.

Mayayabang. 'Wag lang sana silang lampa gaya nang dalawa. Ako naman ang tatawa kapag ganun sila.

Napatango tango ako. "Naliliitan pa kayo sa 'kin, ah. Baka gaya din kayo nang dalawa niyong kasama na lampa?" Nakangising tanong ko.

Nawala ang ngiti at ngisi sa mga labi nila at napalitan nang pagka-insulto. Mukhang nainsulto sila sa sinabi ko.

"Ang yabang mo, ah. Sino ka ba sa tingin mo?" Naghahamong tanong nang isa.

Ngumisi ako sa kanila bago sumagot. "I'm Lethal. The Queen of Dauntless." Sagot ko na nakapagpatigil sa kanilang lahat.

Ang kaninang mayayabang nilang aura ay nawala at napalitan nang takot.

Ngumusi ulit ako sa kanila. "Bakit parang natigilan kayo?" Tanong ko.

Ang isa sa kanila ay nangangatog na ang mga tuhod.

"Lalaban ba kayo o papatayin ko na kayong lahat ngayon na?" Tanong ko sa kanila.

Agad silang nagsiluhod sa harap ko at pinagkikiskis ang mga kamay habang nakaluhod.

"Patawad po. 'Wag mo po kaming papatayin." Nagmamaka-awang sabi nang isa.

"Ayoko pa pong mamatay." Halos mangiyak-ngiyak na sabi nang isa pa.

"Napag-utusan lang po kami." Ani nang isa pa.

Magsasalita na sana ako nang biglang may isang matigas na bagay na pinukpok ang tao sa likuran ko kaya agad akong nawalan nang malay.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Role   Epilogue

    Andrea"Oh, Moonlight. Kamusta?" Bati ni Ash."Ayus naman." Sagot ko.We do a fist bump and hug each other afterwards. Ganito kami magbatian, eh.Siya ang nakaisip ng kalokohan na 'to. Cool daw sabi niya eh alam ko namang tyansing lang siya, tss."Napadalaw ka yata?""Bakit kasi hindi ka pumasok?" Asar na tanong ko.Hindi sana ako pupunta dito sa bahay nila kung pumasok lang siya."Si Blaine kasi. Aalis sila mamaya kasama ang lolo at lola niya. Pupunta daw ng States kaya sinusulit namin ang araw hanggang tanghali." Sagot niya.Aalis din sila Blaine. Sana naman ay hindi ko kasabay sa eroplano 'yon. Baka magkaaway pa kami dahil nagpunta 'ko dito. Ayaw mag eskandalo sa loob ng eroplano."Bakit ka nga napadaan?" Tanong niya pa."Magpapaalam sana ako. Aalis na din kami mamaya,

  • My Role   Chapter 81

    AndreaAnniversary namin ni hagdan ngayon. Gusto niya na mag-celebrate kami kaya nagpaalam ako sa trabaho ko na hindi ako makakapasok ngayon.Pinagbigyan ko na si hagdan sa gusto niya dahil hindi na namin na ce-celebrate ang monthsary namin dahil busy ako sa trabaho.Pangbawi ko na rin sa kaniya dahil wala akong oras na naibibigay sa kaniya."Hindi ganiyan." Natatawang aniya."Pa'no ba?" Tanong ko.Naglakagay kasi kami ng icing sa cake na binake niya. Bonding na naming dalawa ito kaya imbes na bumili ng cake ay nagbake nalang siya.Ako ang nakatalaga sa decorations kaso hindi naman ako artistic kaya hindi ko alam kung pa'no ba gagawing decor dito."Ganito oh." Kinuha niya sa akin ang icing.Siya na ang naglagay ng icing sa cake dahil hindi ko talaga alam kung pa'no. Hirap ng walang alam sa arts kung 'di ma

  • My Role   Chapter 80

    AndreaBinabantayan ko si papa habang si mama ay naghahanap daw ng pagkakakitaan. Kailanman ay hindi ko naisip na aabot kami sa puntong 'to na maging si mama ay maghahanap ng trabaho.Masyado na kaming nagigipit. Hindi ko na alam kung pa'no pa kami aahon. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ngayon.Halos wala na ngang pahinga si mama. Naaawa na ako sa kaniya. Wala akong magawa kung 'di ang maawa nalang.Bakit kasi ganito? Bakit kailangan na umabot sa ganito?Ano bang ginawa ko at pati pamilya ko dinamay nila? Laban ay laban. Bakit kapag natalo sila ay pamilya ko ang pinuntirya nila?"'Pa?" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil bigla nalang nag seizure si papa. "'Pa!""Nurse!" Pagtawag ko sa nurse."Anong nangyayari?" Tanong ng isang bantay."Tumawag kayo ng doctor! Bilis!" Utos ko.

  • My Role   Chapter 79

    ChanoHiling ni Queen na siya na ang lalaban sa lahat. Ewan nga lang namin kung ano ang nangyari at parang mainit ang ulo niya.Habang nag eensayo siya dito sa gym sa bahay nila Xander ay ang lakas ng pagkakatira niya sa lahat.Lahat ng suntok at sipa niya sa punching bag ay malalakas lahat. Parang may pinaghuhugutan siya ng galit."Ayus lang kaya si Queen?" Tanong ni Xander sa akin."Malay ko ba. May problema yata." Sagot ko.Alam naman namin na may problema talaga siya pero parang nadagdagan pa. Hindi naman kasi siya ganiyan, eh.Ano kayang nangyari sa kaniya at bigla siyang nagkaganiyan? May nangyari kaya kanina sa bahay ng mga Crimson o sa gymnasium?"Baka masira niya 'yung punching bag sa lakas ng pag atake niya." Bulong ni Xander sa akin kaya natawa ako."Kaya mo namang palitan 'yan at sa inyo naman

  • My Role   Chapter 78

    Andrea"'Ma, kamusta na si papa?" Tanong ko kay mama pagkabalik niya galing ospital.Hindi pa rin kasi nagigising si papa hanggang ngayon at nasa ICU pa rin. Sana nga ay magising na siya ngayon.Wala akong pake sa bills ng ospital ang kailangan ko ay magising si papa. Kahit na gaanong kalaki pa ang bayaran namin."Tulog pa rin, 'nak." Bakas ang lungkot sa boses ni mama habang sinasabi iyon.Hindi ko naman siya masisisi dahil asawa niya iyon. Mas matagal niyang kasama si papa kesa sa amin.Mas nahihirapan si mama kesa sa aming mga anak nila. Alam ko 'yon. Kaya wala akong magawa kung 'di ang yakapin nalang siya."Magiging okay din ang lahat, 'ma."Alam kong tinatatagan lang ni mama ang loob niya para sa amin. Gabi gabi kong naririnig si mama na nanalangin at umiiyak.Na trauma din siya sa nangyari sa kaniya

  • My Role   Chapter 77

    Alistair"They're here." Blake said looking at the entrance of the gymnasium.Napangiti ako ng makita ang tinutukoy niya. Sila Andrea kasama sila Lexa at Raia."Hi, girsl!" Bati ng teammates ko sa kanila.Kumaway sila Raia at Lexa samantalang si Andrea naman ay ngumiti lang ng bahagya sa kanila."How are you feeling?" I asked."Ayus lang." She replied and smiled at me."Pwedeng akin nalang 'yung isa?" Pabirong sabi ng isa sa mga teammates ko habang nakatingin kay Andrea ng nakangiti.Mabilis kong inilagay si Andrea sa gilid ko saka siya sinamaan ng tingin."Who are you smiling at?" Tanong ko sa kaniya."Syota mo ba 'yan?""Yeah. So get off your from her if you don't want me to take it out from you.""Brutal mo, dre."Nagtawanan lang kami d

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status