LOGINLimang taon na ang nakalilipas mula ng iwanan si Mia ng kanyang boyfriend upang abutin nito ang kanyang pangarap na maging isang matagumpay na business owner. Hindi alam ng kanyang kasintahan na nagbunga ang minsang may mangyari sa kanila. Isang araw napag isip isip ni Mia na mag apply ng trabaho upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak at upang maipagamot na rin ito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay iisa lamang ang kompanyang nais siyang ihire at ito ay ang pinamumunuan ng kanyang ex boyfriend na si Ethan Castillo. Naging successful ang kanyang ex boyfriend at naging CEO ng isang kompanya ang CASTILLO GROUP OF COMPANY.
View MoreLimang taon na ang nakalipas mula nung gabi na iniwan ako ni Ethan Castillo na luhaan at wasak. Limang taon na rin mula nang malaman kong buntis ako. Mag isa, walang pera at walang pamilyang masasandalan.
Pinili kung tumakas at pinili kung buuin ang sarili ko para sa anak namin. Limang taon na siya ngayon. Matangkad, mataba at kamukhang kamukha ng ama na hindi niya nakilala. Ang buong akala ko ay tapos na ang kabanata namin ni Ethan. Ang buong akala ko hindi na muling mag tatagpo ang mga landas namin ngunit nagkamali ako. Sa isang iglap, bumalik siya. Hindi na yung Ethan na minahal ko dati o yung estudyanteng nangangarap lang. Ngayon siya na si Ethan Castillo. CEO ng CASTILLO GROUP. Billionaire, malamig, walang puso at ang pinakamasaklap? siya ang magiging boss ko. Nag apply ako sa kompanya niya dahil wala na akong ibang choice. May sakit si Yumi at kailangang kailangan namin ng pera para sa pagpapagamot niya at tanging Castillo Group lang ang tumanggap sa isang single mom na may limang taong gap sa resume. Sila lang din ang nag offer ng malaki laking sahod at alam kung malaking tulong ito sa amin lalo na kay Yumi. Hindi ko inakala na siya ang mismong mag iinterview sa akin. Hindi ko inakala na makikilala parin niya ako sa isang tingin. "Miss Reyes," malamig niyang bati. Parang hindi kami nagbahagi ng kama. Parang hindi niya ako hinalikan sa ilalim ng buwan at parang hindi niya ako pinangakuan ng forever. "Good morning, Sir Castillo," sagot ko. Pinipigil ang panginginig ng boses. Tanggap ako bilang isang Personal Assistant niya. Katabi ko mismo ang opisina niya. Araw araw ko siyang makikita at araw araw ko siyang paglilingkuran. "Kanino yang batang iyan?" tanong niya isang gabi habang nakatitig sa litrato. "Wala kang paki alam." sagot ko. Kahit na nangangatog ako sa takot na baka magtanong muli at malaman ang tungkol kay Yumi. Pero paano ko itatago ang sikreto na limang taon ko nang iniingatan? Paano ko itatago na ang anak niya ang rason kung bakit ako nabubuhay ngayon? Paano ko itatago na tuwing umiiyak si Yumi sa gabi at nagtatanong ng "Daddy" ako yung nasasaktan ng double. Akala ko kaya ko. Akala ko matibay na ako dahil sa mga pagsubok na naranasan ko. Nagkamali ako. Hanggang sa isang araw, magkakasakit si Yumi at wala na akong ibang matakbuhan kundi siya. "Magkano para itago mo ang bata?" malamig niyang tanong nang malamang niya ang totoo. Napaso ako. Limang taon na ang nakalipas, pero ganun parin siya. Iniisip parin na nabibili ang lahat ng pera. "Hindi pera ang kailangan ko, Ethan," sagot ko na may luha sa mga mata. "Ang kailangan ko ay ang tatay para sa anak ko. Ang kailangan ko ay ang hustisya para sa pusong sinira mo." Galit siya. Nasasaktan at nagsisisi. Pero huli na ba ang lahat? Kaya pa ba naming buuin ang pamilyang winasak namin limang taon na ang nakalipas? O manatili na lamang kaming dalawang taong nagmamahalan pero napipilitang maghiwalay dahil sa mga maling desisyon ng nakaraan?Kinaumagahan, agad kong tinawagan si Yaya upang puntahan si Yumi sa mansion. Nasa bahay kasi siya at hindi na sumama pa sa amin kahapon para naman daw masulit namin ang time namin bilang isang buong pamilya. Pagkatapos masundo ni Yaya si Yumi ay dumeretso na rin ako sa aking trabaho. Maaga ngayong araw dahil marami akong naiwang trabaho kahapon dahil sa kasal namin ni Ethan. Pag dating ko sa aking mesa bigla akong natigilan dahil sa tatlong pulang rosas na nakapatong sa aking table. Nang tignan ko ito ay may nakalagay na note. "Good morning, Mrs. Castillo from your handsome husband." "Tssk.." napangiti ako ng mabasa ang nakalagay sa note. Ngunit napawi rin agad ng sumingit bigla ang kontratang pinermahan ko kahapon. "Ano ka ba Mia? Kontrata lang ang lahat sa inyo ni Ethan bawal kang mainlove ulit." bulong ng isip ko. Ibinaba ko na ang mga bulaklak sa desk ko at nag umpisa na ako sa aking trabaho. Hindi na rin ako nag lunch para matapos ko ang tambak kong gawain hanggang sa um
VIP room- St. Luke's Hospital- 7: AM Nagising ako sa amoy ng kape at lugaw. Pagdilat ko, Nakita ko agad si Ethan na nakaupo sa sofa. Naka tuxedo parin mula pa kagabi at mukhang hindi natulog. Natuon ang paningin ko sa mesa na may isang tray na puno ng pagkain. Samantala sa kabilang side naman ng bed ni Yumi ay may coloring book at teddy bear na kasing laki niya. "Para kanino ang mga iyan?" mahinang tanong ko. Tumingin siya sa akin at kapansin pansin ang malalaki niyang eyebags. Halatang walang pahinga buong gabi. "Kay Yumi," sagot niya. "Nagising siya kaninang alas singko at naghahanap ng Mommy." dagdag pa niya. Biglang kumirot ang dibdib ko nang marinig ang kanyang sinabi. Pakiramdam ko ay nagkulang nanaman ako sa anak ko. "Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko. "Kasi alam kong pagod kana dahil tatlong araw ka na yatang hindi natutulog ng maayos." Lumapit siya at iniabot yung lugaw. "Kumain ka muna tapos pagnatapos ka saka natin pag usapan to." sabi niya sabay turo sa
Sa hospital ng St. Luke's- ER"Hala, umabot na sa 40°c ang lagnat ni Yumi ma'am." sigaw ni Yaya habang buhat buhat niya ito at nagmamadaling ipasok sa ER.Nanginginig ako sa takot. "Doc! tulungan niyo po ang anak ko!" sigaw ko ng makasalubong namin ang doctor. Mabilis naman itong kumilos kasama ang kanyang mga nurses at pinapasok sa ER. IV, Oxygen. Lahat iyon ay sabay sabay.Nakikita ko ang sobrang paghihirap ng anak ko. At kapag nakikita ko ito ay hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Sobra akong nag aalala para sa kanya. "Mama...tubig.." mahina niyang bulong."Heto anak," pinainom ko siya gamit ang kutsara. "Gagaling na si Yumi ha? Nandito na ang mommy." bilin ko sa kanya.Tumango tango naman si Yumi."Mommy, nasaan po si Daddy?" tanong niya ulit. Tanong na pilit kung iniiwasan sa tuwing magkasama kami. Isang tanong na sumisira sa akin araw araw.Umupo ako sa kanyang tabi at kinuha ang kanyang kamay. "Wala pa siya anak, pangako pag gumaling ka na pupuntahan natin ang daddy mo." pa
Monday, 7:55 AM Nanginginig ang kamay ko habang itinatapat ko ang I'd ko sa scanner ng Castillo Tower. Beep. "Welcome, Ms. Mia Reyes. Personal Assistant to CEO," sabi ng boses sa machine. Personal Assistant? Sa kanya? Kay Ethan Castillo. Hindi parin ako makapaniwala dahil isang interview lang walang tanong about experience at walang background check tanggap agad. Hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang nasisiguro ko. Gusto niya akong pagbayarin.Nang makapasok ako sa kompanya, agad akong dumeretso sa elevator. Nag iisa lang ako at bawat palapag na tumataas, mas humihigpit ang aking dibdib. Makalipas ang ilang minuto ay narating ko ang 50th floor kung saan ang opisina ng aking boss. Bumukas agad ang pinto at sinalubong ako ng malamig na aircon at ng amoy ng kape na ikinalanghap ko."Good morning, Miss Reyes," bati ng secretary na nakita ko nong friday. "Ako nga pala si Ms. Carla. Ako ang mag oorient sa inyo." dagdag pa niya.Ngumiti naman ako at pilit na pinapakalma ang sarili






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.