LOGINChapter 4
Tinitigan siya ni Wyatt sa loob ng tatlong segundo.
Ang mga mata nito ay walang kahit anong emosyon ang makikita roon. Pero sa sumunod na sandali, isang ikinagulat ng lahat ang ginawa niya.
Dahan-dahang hinubad ni Wyatt ang kanyang mamahaling custom-made suit jacket at isinabit iyon sa mga balikat ni Ayella.
Naramdaman ni Ayella ang natitirang init ng katawan ng lalaki at ang pamilyar na amoy ng cedar tree na bumalot sa kanyang hubad na balikat. Natigilan siya.
"Walk," maikli ngunit makapangyarihang utos nito.
Sinalubong ng malalaking palad ni Wyatt ang kanyang baywang. Hindi iyon marahas, pero may awtoridad na hindi mo pwedeng tanggihan. Bago pa man makakilos si Ayella, inakay na siya ng lalaki palabas.
Sa likod nila, nagwawala at pilit na kumakawala si Mateo sa mga bodyguard.
"Mr. Fitzwilliam! Hindi mo siya pwedeng dalhin paalis! Fiancée ko siya—!"
Hinarangan siya nang tuluyan ng mga tauhan ni Wyatt, walang nagawa si Mateo kundi ang sumigaw sa galit.
Samantala, tuluyan nang nanghina ang mga tuhod ni Romeo. Napaluhod ito sa sahig habang namumutla ang mukha.
"Tapos na... tapos na ang lahat..."
Nalintikan na. Sino ba naman ang mag-aakala na ang suwail niyang anak ay may ganitong alas sa kamay? Paano kung magalit sa kanila ang isang Wyatt Fitzwilliam?
Sa gilid, halos ibaon naman ni Dahlia ang kanyang mga kuko sa sariling palad hanggang sa mag-iwan iyon ng mantsa ng dugo.
Sa anong karapatan? Paanong ang basurang tulad ni Ayella ay mapupunta kay Wyatt?!
Mabilis na hinawakan ni Emilia ang kamay ng anak at bumulong nang gigil.
"Huwag mo na silang tingnan! Umalis na tayo!"
"Mom—"
"Sabi nang umalis na tayo, eh!" Masama ang tingin ni Emilia sa paligid. "Hindi maganda ang sitwasyon para sa atin ngayon. Pero huwag kang mag-alala, hindi rin naman magtatagal ang saya ng babaeng 'yan. Hindi madaling pumasok sa pamilya Fitzwilliam. Parang pumasok siya sa lungga ng tigre. Mag-antay lang tayo!"
Alam ng lahat kung gaano katuso at katindi ang mga Fitzwilliam. Ang yaman ng ganoong pamilya ay may kaakibat na lason. Paano naman makakatagal ang isang Ayella na walang kahit anong laban sa mundong iyon?
Nangilabot si Dahlia at unti-unting natauhan. Tama ang mama niya. Akala ba ng babaeng iyon ay ligtas na siya dahil lang nakakapit siya kay Wyatt? Huh, tingnan natin.
Isang itim na Maybach ang naghihintay sa tapat ng hagdanan ng hotel.
Pagkababa nila, pormal na binuksan ng driver ang p***o.
Binitiwan ni Wyatt ang baywang ni Ayella at naunang sumakay sa backseat. Nanatili itong nakaupo roon habang nakatingin sa kanya sa labas.
The gaze was clear: Sumakay ka.
Huminga nang malalim si Ayella, yumuko, at sumakay sa loob.
Pagkasara ng p***o ng kotse, tila naglaho ang lahat ng ingay at kaguluhan mula sa banquet hall. Mabilis at swabe itong umandar patungo sa madilim na kalsada.
Napakatahimik sa loob ng sasakyan. Sa sobrang tahimik, parang naririnig na nila ang paghinga ng isa't isa.
Nakasandal si Ayella sa upuan, mahigpit ang hawak sa suot na suit jacket ni Wyatt habang nanginginig ang mga dulo ng kanyang daliri. Kanina sa kasal, adrenaline at lakas ng loob lang ang nagdala sa kanya. Pero ngayong tapos na ang eksena, doon lang pumasok ang matinding takot.
Ano ba ang ginawa niya? Sa harap ng maraming tao, inayawan niya si Mateo, ibinunyag niya si Dahlia, at ang malala... pumili siya ng isang makapangyarihang lalaki na hindi niya naman talaga kilala para sabihing buntis siya sa anak nito.
Paano kung hindi ito maniwala? Paano kung itapon siya nito sa kung saan?
"Three months ago, sa Urban Club... sa presidential suite. Paano ka nakapasok doon?"
Bumasag sa katahimikan ang mababa at baritonong boses ni Wyatt, dahilan para magising si Ayella sa kanyang iniisip.
Kinagat niya ang kanyang labi. "May naglagay ng drug sa inumin ko... at nagkamali ako ng kwartong pinasok."
"Drug?" Kunotnoong tanong ng lalaki.
Tumango si Ayella. "Plano iyon ni Mateo. Gusto niyang sirain ang reputasyon ko para maging sunod-sunuran ako sa kanya habambuhay. Pero sa ibang kwarto ako napunta... sa kwarto mo."
Dahan-dahang nilingon siya ni Wyatt. Ang tingin nito ay banayad lang pero tila ba binabasa ang buong pagkatao niya.
"So ang ibig mong sabihin, may naglagay ng gamot sa inumin mo, pumasok ka sa kwarto ko, at pagkatapos—" Hindi na nito tinapos ang sasabihin.
Agad na namula ang buong mukha ni Ayella. Naalala niya bigla ang sinabi ng maliit na boses sa tiyan niya kanina tungkol sa gabing iyon... kung paano raw sila naging parang tuyong kahoy na nasunog sa apoy.
"Hindi ko na masyadong maalala ang nangyari," mahinang sagot ni Ayella habang nakatingin sa sariling kandungan.
Totoo naman. Putol-putol lang talaga ang alaala niya sa gabing iyon… ang init, ang sakit, at ang mabigat na paghinga sa tapat ng tainga niya.
Tinitigan siya ni Wyatt sa loob ng ilang segundo bago biglang nagpakawala ng isang mahinang tawa.
"Hindi mo masyadong maalala... pero natatandaan mo ang birthmark ko sa puwet?"
Natulala siya sa narinig.
Grabe ang kaba sa dibdib ni Ayella. Parang sasabog sa pula ang kanyang mukha, at maging ang mga dulo ng kanyang tainga ay nagbabaga na rin sa sobrang hiya.
Sa tamang-tamang pagkakataon, muling umalingawngaw ang boses-bata mula sa kanyang tiyan, may halong panunukso.
“Mommy, sinusubukan ka lang i-tease ni Daddy! Naniwala naman talaga siya, gusto niya lang makita na nagba-blush ka!”
Pwede ba, manahimik ka muna? panloob na pakiusap niya sa anak.
"Ang birthmark na 'yon..." Pinilit ni Ayella na gawing kalmado at pormal ang kanyang boses, kahit na nanginginig ang kanyang hininga. "Nakita ko lang nang hindi sinasadya."
"Unintentionally?" Wyatt raised an eyebrow, his baritone voice dripping with pure amusement.
"Noong... noong gabi na 'yon..."
Hindi na niya nagawang ituloy ang sasabihin. Naputol ang mga salita sa kanyang lalamunan dahil sa matinding ilang.
Tiningnan ni Wyatt ang mapulang-mapulang tainga ng dalaga. May kung anong emosyon ang mabilis na dumaan sa mga mata nito bago niya binaling ang tingin sa labas ng bintana.
Sumandal ito sa mamahaling upuan ng Maybach, at bumalik ang tipikal nitong malamig at seryosong awra.
"So, anong plano mo?" tanong nito, tila ba napakasimpleng bagay lang ng pinag-uusapan nila.
"Ano?" Natigilan si Ayella.
"The child," Wyatt cleared his throat, his gaze heavy and calculative. "Anong plano mo sa kanya?"
Awtomatikong dinala ni Ayella ang kanyang palad sa kanyang puson. Marahang humaplos doon.
Anong plano?
Sa totoo lang, hindi niya rin alam. Bago magsimula ang gulong ito kaninang umaga, buong akala niya ay kay Mateo ang dinadala niya. Kahit biglaan, handa siyang pangatawanan iyon dahil ikakasal naman na sila. Pero ngayon...
"Itituloy ko ang pagbubuntis," seryosong sagot ni Ayella. May kaunting panginginig pero may paninindigan ang kanyang boses. "Ipapanganak ko siya."
Bahagyang kumunot ang noo ni Wyatt, hinahamon ang kanyang mga mata.
"Anak mo siya," pagpapatuloy ni Ayella, matapang na sinalubong ang titig ng pinakamakapangyarihang lalaki sa Marikina. "Pero hindi ko hinihiling na panagutan mo kami. Humingi lang ako ng tulong sa iyo kanina dahil wala na akong ibang mapupuntahan sa gitna ng gulo. Kapag lumipas na ang gulong ito, hindi na kita kailanman guguluhin pa."
Wyatt stared at her, his eyes dark and unreadable.
Nabalot ng ilang segundong katahimikan ang loob ng sasakyan. Ramdam na ramdam ni Ayella ang bigat ng presensya ng lalaki.
"Do you know how many women want to get into my bed, get pregnant with my child, and marry into the Fitzwilliam?" basag ni Wyatt sa katahimikan.
Tumango si Ayella. "Alam ko."
"Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang tungkol sa birthmark ko, o kung totoo ba o hindi ang mga sinasabi mo," malamig na saad ni Wyatt. "Pero ang pumasok sa pamilya ko ay hindi madali. You'd better be prepared."
Sa isip ni Wyatt, kapag naipanganak na ang bata at napatunayang dugo't laman niya ito, gagawin niya itong asawa. Pero kung hindi... sisingilin niya ang babaeng ito sa lahat ng pambabastos na ginawa nito ngayon.
Bahagyang natigilan si Ayella. Tiningnan niya ang mukha ng lalaki na walang kahit anong emosyong ipinapakita.
Huminga siya nang malalim.
"Mr. Fitzwilliam, huwag kang mag-alala. Wala akong balak humingi ng kahit ano."
Bahagyang gumalaw ang mga mata ni Wyatt, tila nagulat sa sagot niya.
"Isang aksidente lang ang batang ito," banayad na haplos ni Ayella sa kanyang tiyan. "Mamahalin ko siya at aalagaan nang buong puso ko. Pero hinding-hindi ko siya gagamitin para ipagpalit sa yaman o kapangyarihan."
Muling natahimik ang Maybach.
Pinagmasdan siya ni Wyatt. Kitang-kita nitong nanginginig ang mga dulo ng daliri ng babae sa sobrang takot at kaba, pero pilit nitong pinaninindigan ang kanyang mga sinasabi.
Pagkalipas ng ilang sandali, isang bahagyang ngiti ang sumilay sa labi ng lalaki. Sobrang manipis.
"Interesting," Wyatt muttered under his breath.
Ibinaba nito ang partition glass sa harap at nag-utos sa driver. "To Vista Estates."
Vista Estates. Ang pinakamahal, pinaka-eksklusibo, at pinakamarangyang subdivision kung saan matatagpuan ang pribadong mansyon ni Wyatt.
Nataranta si Ayella.
"Mr. Fitzwilliam—"
"Kung babalik ka sa inyo ngayon, sa tingin mo ba kaya mong harapin ang mga reporter na nag-aabang sa p***o niyo? O baka gusto mong lapain ka ng mga Mallari sa galit?" malamig na putol ni Wyatt sa kanya. "Doon ka muna magpalipas ng gabi. Bukod doon, bukas na natin pag-usapan ang iba pa."
Nanga-awang ang labi ni Ayella. Gusto niyang tumanggi pero napagtanto niyang tama ang lalaki. Wala na talaga siyang matutuluyan ngayong gabi.
Hindi siya pwedeng bumalik sa mga Macaraig dahil itatakwil lang siya ng ama niya. Hindi siya pwedeng mag-hotel dahil tiyak na hahabulin siya ng mga tauhan ni Mateo. At lalong hindi siya pwedeng makitira sa mga kaibigan niya dahil ayaw niyang mandamay ng ibang tao.
"Salamat," mahinang bulong niya.
Hindi sumagot si Wyatt at muling tumingin sa labas ng bintana.
Sa loob ng kanyang sinapupunan, muling narinig ni Ayella ang boses ng maliit na dumpling, puno ng bilib sa sarili.
“Mommy, nakikita mo na? Hindi naman talaga ganoon katakot si Daddy, 'di ba? Mukha lang siyang matigas pero malambot naman ang puso!”
“Sinasabi ko sa iyo, magiging simp din 'yan sa hinaharap! May malakas akong feeling na kayang-kaya mo siyang paikutin balang araw, mom.”
Napayuko si Ayella, at sa kauna-unahang pagkakataon sa gabing iyon, dahan-dahang umangat ang sulok ng kanyang mga labi.
Ang batang ito... napakadaldal talaga.
Chapter 4Tinitigan siya ni Wyatt sa loob ng tatlong segundo.Ang mga mata nito ay walang kahit anong emosyon ang makikita roon. Pero sa sumunod na sandali, isang ikinagulat ng lahat ang ginawa niya.Dahan-dahang hinubad ni Wyatt ang kanyang mamahaling custom-made suit jacket at isinabit iyon sa mga balikat ni Ayella.Naramdaman ni Ayella ang natitirang init ng katawan ng lalaki at ang pamilyar na amoy ng cedar tree na bumalot sa kanyang hubad na balikat. Natigilan siya."Walk," maikli ngunit makapangyarihang utos nito.Sinalubong ng malalaking palad ni Wyatt ang kanyang baywang. Hindi iyon marahas, pero may awtoridad na hindi mo pwedeng tanggihan. Bago pa man makakilos si Ayella, inakay na siya ng lalaki palabas.Sa likod nila, nagwawala at pilit na kumakawala si Mateo sa mga bodyguard. "Mr. Fitzwilliam! Hindi mo siya pwedeng dalhin paalis! Fiancée ko siya—!"Hinarangan siya nang tuluyan ng mga tauhan ni Wyatt, walang nagawa si Mateo kundi ang sumigaw sa galit.Samantala, tuluyan na
Chapter 3Sa sumunod na segundo ay isang marahas na puwersa ang tumama sa kanya.Kusang naitulak palayo si Ayella. Napahakbang siya paatras nang ilang beses, halos mawalan ng balanse at matumba. Mabuti na lang at mabilis niyang naitukod ang kanyang kamay sa gilid ng mesang katabi niya para mapigilan ang sarili.Nanatiling nakatayo si Wyatt doon, nakatitig sa kanya.Ang mga mata nito ay kasinglamig ng yelo. Tiningnan nito ang bahagi ng suit jacket kung saan siya humawak kanina at ang paraan ng pagtingin nito ay tila ba may duming dumikit sa kanyang mamahaling kasuotan."Get lost. Don't you know I hate women the most?" angil nito.Hindi malakas ang boses nito. Mababa lang, halos pabulong. Pero para kay Ayella, iyon ay parang isang balde ng nagyeyelong tubig na ibinuhos sa kanyang buong katawan mula ulo hanggang paa.Napatigil si Ayella sa kanyang kinatatayuan, parang naestatwa.Muling bumalot ang nakabibinging katahimikan sa buong banquet hall. Ang mga bisita na kanina lang ay walang ti
Chapter 2Nagsimula nang magbulungan ang buong banquet hall. Bawat sulok ay puno ng mga bulong-bulungan na hindi na maitago ng mga bisita.Kilala at mayaman ang pamilya Mallari sa Valenzuela City, kaya naman ang hindi pag-aatubili ni Ayella na tanggihan ang kasal ay ikinagulat ng lahat. Sino ba naman ang hindi nakakaalam sa nakaraan nila? Lahat ay nakasaksi kung paano hinabol at ipinaglaban ni Ayella si Mateo noon. Pero ngayong ikakasal na sila, bigla siyang umaayaw. Hindi ito mapagdugtong ng mga tao."Ayella! Ano bang problema mo? Ano bang ginawang masama sa iyo ni Mateo?!"Galit na sumugod si Romeo sa harap ng altar. Halos lumabas ang mga ugat sa leeg ng kanyang ama habang sumisigaw. "Ngayon sasabihin mong ayaw mo na? Saan mo gustong ilagay ang reputasyon ng pamilya Macaraig?!""Ikaw ang nagpumilit na pakasalan si Mateo noon, tapos ngayon aatras ka? Ginagawa mo namang laro ang kasal na ito! Hindi ka ba pwedeng maging kasing-tino ni Dahlia?!"Tiningnan lang ni Ayella ang kanyang ama
Ang marangyang banquet hall ng hotel ay punong-puno ng mga kilalang tao mula sa elite circles ng Ilocos City. Lahat ay nakabihis nang magarbo, nagtatawanan, at nag-uusap.Ngayong araw ang pinakamahalagang yugto ng buhay ni Ayella Macaraig. Kasal niya ngayon kay Mateo Mallari, ang lalaking limang taon na niyang kasintahan. Rinig na rinig niya ang bulungan ng mga bisita, puno ng inggit dahil nakatagpo siya ng isang mabuting lalaki.Nakatayo si Ayella sa altar, suot ang kanyang puting belo. Bakas ang sigla sa boses ng emcee at nagsimula nang magtanong sa pamamagitan ng mikropono."Ms. Ayella Macaraig, do you take the handsome groom, Mr. Mateo Mallari, to be your husband?"Bahagyang yumuko si Ayella, nakaramdam ng hiya. Lalabas na sana ang salitang I do sa kanyang mga labi nang biglang may isang boses-bata ang umalingawngaw.“My silly mommy, huwag kang pumayag! Mateo is a scumbag. Kaya ka lang niya pakakasalan ay para makuha ang company shares mo. At tsaka, hindi siya ang daddy ko. Iba a







