LOGIN"Kaya siguro hindi siya nagdalawang isip na pakasalan ako dahil kahawig ko ang babaeng tunay nitong mahal.” Tatlong taon na kasal si Clara kay Adrian Monteverde, umaasang balang araw ay matutunan din siyang mahalin nito. Pero isang gabi, natuklasan niyang may ibang babae si Adrian—buntis ito at higit sa lahat, kamukha niya. Doon niya napagtanto ang masakit na katotohanan: baka pinakasalan lamang siya ni Adrian dahil kahawig niya ang babaeng tunay nitong mahal. Kaya pinili ni Clara na wakasan ang kanilang kasal at humingi ng tulong kay Nathaniel Reyes, isang mahusay na abogado at matagal nang kaibigan ng kanyang kuya. Ngunit habang unti-unting lumalapit si Clara kay Nathaniel, saka naman nagsimulang magselos at maging possessive si Adrian. Akala ni Clara, ayaw lang siyang pakawalan ni Adrian dahil asawa siya nito at malaking pera ang nakataya sa kanilang paghihiwalay. Hanggang sa mabunyag ang katotohanan na matagal na pala siyang mahal ni Adrian. Pinili lamang ni Adrian na ilayo ang sarili kay Clara dahil sa isang lihim ng kanilang mga pamilya na maaaring maglagay sa kanya sa panganib. Ngunit ngayong handa na siyang ipaglaban at bawiin ang asawa, baka huli na ang lahat. Dahil habang abala si Adrian sa pagtatago ng tunay niyang nararamdaman, unti-unti namang nahulog ang loob ni Clara kay Nathaniel. Ngayong desperado nang bawiin ni Adrian si Clara at handa na niyang ipakita ang tunay niyang nararamdaman dito. May puwang pa kaya para sa kanya sa puso nito? O baka huli na ang lahat?
View MoreTahimik ang buong silid, tanging tunog ng tubig mula sa banyo ang naririnig ko habang nakaupo ako sa gilid ng kama.
Tatlong taon na kaming mag asawa ni Adrian Monteverde, tatlong taon na rin akong umaasa na baka isang araw ay matutunan niya rin akong mahalin.
Noon pa man, hindi ko hiniling sa kanya na mahalin niya ako agad. Dahil alam ko naman na kinasal lang kami dahil sa kagustuhan ng pamilya namin. Sa totoo lang, hindi ko inaasahang magiging madali ang pagsasama namin.
Pero ang kinagulat ko ay ang bilis ng pagsang-ayon niya. Ni hindi man lang siya tumutol o nagtanong. Parang napakadali lang para sa kanya na pakasalan ako.
Noong gabing pinag-usapan namin ang kasal, hindi ko napigilang tanungin siya.
“Sigurado ka ba sa akin?”
Gamit ang malamig niyang mga mata tumingin lamang siya sa akin.
“Wala naman akong dahilan para tumanggi.”
Iyon lang ang naging sagot niya at pinili ko na rin na huwag nang magtanong pa. Siguro dahil bata pa ako noon at medyo may pagka-tanga rin. Umasa pa rin ako na baka sa paglipas ng panahon, mamahalin din niya ko.
Walang problema sa buong pagsasama namin, hindi siya naging masama sa akin. Ni minsan ay hindi niya ako sinaktan o sinigawan man lang.
At ang pinakagusto ko sa kanya ay iginagalang niya ako bilang asawa, ang kaso nga lang hindi pa rin talaga niya ko kayang mahalin. Kahit anong gawin kong pag-aalaga at pag-aasikaso sa kanya, hindi pa rin niya kayang suklian ang pagmamahal na binibigay ko.
Ramdam ko iyon sa bawat tahimik na hapunan, sa bawat gabing magkatabi kami pero parang ang layo namin sa isa’t isa. Sa bawat pagkakataong hinahanap ko ang mga mata niya, pero wala roon ang init na gusto kong makita.
Natigil ang aking pag-iisip nang biglang mag-vibrate ang phone ni Adrian.
Bzzztt.
Napatingin ako sa bedside table kung saan nakapatong ang cellphone ni Adrian. Hindi ko ito pinansin dahil wala sa ugali ko ang pakialaman ang mga gamit niya. Ngunit muli itong nag-vibrate, akala ko noon una ay simpleng notification lang.
Dahil nasa banyo pa siya, naisipan kong abutin ang cellphone niya para patayin ang tunog nito. Hindi ko naman sinasadya na tingnan iyon, pero nang mahawakan ko ang cellphone niya. Saktong may bagong message ang dumating.
Biglang lumiwanag ang screen, isang unknown number pala ang kanina pa nagme-message sa kanya. At bago ko pa maibalik ang cellphone sa bedside table, aksidente kong nakita ang message sa notification.
“Pauwi na ko ng bansa, kailan mo ba ko balak pakasalan? I’m pregnant, babe.”
Halos hindi ako makahinga dahil sa aking nabasa, halos mabitawan ko ang kanyang cellphone. Ibabalik na sana ito sa table nang bigla ulit itong nag vibrate, nang tingnan ko ito ay isa itong picture.
Isang picture ng pregnancy test, may dalawa itong malinaw na pulang guhit. Ibig sabihin nito ay positive ang test, kung sino man ang babaeng ito ay buntis nga talaga siya. Nanigas na ako, hindi na ako makahinga. Ilang segundo pa akong nakatitig lamang sa screen.
Umaasa ako ng mali lang ang nakita ko, baka mamaya prank lang ng mga kaibigan niya. Pero hindi eh, totoo talaga ang nakita ko. Parang may biglang sumakal sa lalamunan ko kaya napabuntong-hininga ako nang malalim.
Hindi pwede, hindi ko namalayan na napahigpit na ang pagkakahawak ko sa cellphone. Sino siya? Bakit siya nag send ng pregnancy test sa asawa ko? At bakit niya tinatanong kung kailan siya pakakasalan?
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, tatlong taon na kaming kasal. Sa tatlong taon na iyon, kung may ibang babae siya… bakit ngayon ko lang nalaman?
Napatingin ako sa pintuan ng banyo nang marinig kong tumigil ang shower. Mabilis kong ibinalik ang ang cellphone sa bedside table, ilang segundo lamang ang lumipas nang bumukas ang p***o.
Lumabas si Adrian, nakasuot siya ng puting bathrobe at bahagyang basa pa ang buhok. Agad siyang napatingin sa akin.
“Hindi ka pa natutulog, Clara?”
Umiling ako. “Hindi pa.”
Lumapit siya sa kama at kinuha ang kanyang cellphone, napatingin ako sa kamay niya. Gusto kong magsalita, gusto kong tanungin kung sino yung nag-message or gusto kong itanong kung niloloko niya ba ako.
Ang dami kong gusto itanong, pero hindi ko alam kung meron ba akong lakas ng loob o sadyang hindi ko lang kayang malaman ang sagot.
Sa halip, ang tanging lumabas sa bibig ko ay—
“Adrian.”
“Hm?”
“May gusto ka bang sabihin sa akin?” tanong ko.
Saglit siyang natigilan at tumingin sa akin. Nakita kong walang kahit anong emosyon sa kanyang mukha.
“Anong ibig mong sabihin?”
Napangiti ako nang pilit. “Ah wala lang.”
Hindi na siya nagpilit pang magtanong, at iyon ang mas masakit. Dahil kung wala talaga siyang itinatago, bakit hindi niya man lang ako tinanong kung bakit ko iyon naisip?
Nahiga na siya sa kabilang bahagi ng kama, samantalang ako ay nanatiling nakaupo. Nakatingin sa kawalan at patuloy na iniisip ang mga nabasa ko.
Sa gabing iyon, saka ko lang unang beses na naisip na baka hindi ko talaga kilala ang sarili kong asawa. Hindi na nagtagal ang aking pag-iisip nang dalawin na ko ng antok, dahan-dahan na kong tumabi sa kanya para matulog.
***
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong tumayo si Adrian, noong una ay akala ko iihi lang siya. Pero nagulat ako nang lumabas siya ng banyo na bihis na bihis, pinilit kong ipikit ang aking mga mata para hindi niya malaman na gising ako.
Nang makalabas siya ng kwarto ay agad akong nagbihis, hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi sa akin dahil naisipan ko siyang sundan.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa subdivision na iyon. Basta ang alam ko lang, kailangan ko malaman kung saan siya pupunta ng ganitong oras. Maraming beses na ba niya ito ginagawa?
Nandito ko ngayon, nakaupo sa loob ng aking sasakyan. Tahimik na pinagmamasdan ang nakaparang kotse ng asawa ko. Huminto ito sa isang magandang bahay, ilang minuto ang lumipas bago may huminto na sasakyan sa harap niya.
Nang bumaba ang driver nito, agad na nanlaki ang aking mga mata. Isa itong babae, hindi ko makita nang maayos ang kanyang mukha dahil nakatalikod ito sa akin. Pero malinaw kong nakita na nilagay ni Adrian ang kanyang braso sa balikat nito.
Napahigpit ang hawak ko sa manibela, hindi ko alam kung bakit parang biglang nawala ang init sa katawan ko. Bago sila tuluyang makapasok sa bahay, bahagyang lumingon ang babae.
Tumama sa mukha nito ang liwanag mula sa poste, at sa isang iglap. Parang biglang tumigil ang mundo ko, hindi ako makahinga, hindi ako makagalaw, ni hindi ko maalis ang tingin ko sa mukha niya.
Dahil ang babaeng iyon…
Ay may pagkakahawig sa akin, pareho kami ng hugis ng mukha, maging ang mata namin ay pareho lalo na ang kanyang mga ngiti. Maging ang katawan at anino niya halos katulad ng akin.
Doon ko lang napagtanto, kaya bang pumayag siyang pakasalan ako dahil kamukha ko ang babaeng tunay niyang mahal?
CLARANang makapasok ako sa law firm ni kuya Erickson, agad akong dumiretso sa office niya. Hindi na ako nag paalam pa sa receptionist, alam kong sinabi na rin niya sa mga staff na parating ako at papasukin na lang ako anumang oras. Nang makita niya ako, agad siyang napakunot-noo.“Naligaw ka ata, Clara, anong ginagawa mo rito?”Umupo ako sa harap ng mesa niya.“Gusto kong mag-file ng annulment.”Nanatili siyang tahimik, matagal niya akong tinitigan na para bang sinusubukan niyang alamin kung seryoso ba talaga ako. “Sigurado ka ba? Pinag isipan mo na ba iyan?”Tumango ako.“Oo kuya, sigurado na ko and hindi na siya dapat pag isipan pa.”Huminga siya nang malalim at sumandal sa kanyang upuan.“Alam mo namang hindi ganun kadali iyon.”Hindi ako nagsalita.“Naalala mo ba noong inayos ng dalawang pamilya ang kasal ninyo?” patuloy niya. “Nagpalitan ng shares ang pamilya natin at ang pamilya ni Adrian bilang bahagi ng kasunduan.”Tumango ako.“Kapag nag-hiwalay kayo, hindi basta-basta mai
CLARABuong gabi ako hindi nakatulog, paulit-ulit lang akong hihiga tapos babangon. Ngunit kahit anong pwesto ang gawin ko, hindi ako mapatahimik ng isip ko. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik sa akin ang lahat. Ang pregnancy test, ang babae niyang kamukha ko at higit sa lahat ang malamig nitong boses nang aminin niya ang totoo. You will always be my wife.Dati, baka iyon ang mga salitang pinakaaasam kong marinig. But now, it was just empty words. Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko namalayan na sumikat na pala ang araw. Kaya naman bumangon na ako mula sa kama. Mugto pa rin ang aking mga mata, pero wala na akong mailuha pa.Marahil ay ubos na ito sa buong gabi kong pag-iyak. Kinuha ko ang bag ko at para lumabas na ng guest room. Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ng isang kasambahay.“Ma'am, pinapatawag na po kayo ni Sir para kumain ng almusal.”Napatingin ako sa kanya.Napangiti ako nang mapait, ngayon pa talaga? Eh kagabi na mismong anniversary namin, hin
CLARAMabilis na nagbago ang ekspresyon ni Adrian. Kanina lamang ay parang wala siyang pakialam sa nangyayari, pero nang marinig niya ang sinabi ko, unti-unting nanlamig ang mukha niya. “Anong ibig mong sabihin?”Matalim ang boses niya, hindi ko alam kung bakit parang may biglang dumagan sa dibdib ko nang marinig ko iyon. Sa halip na sagutin ko siya, napatingin ako sa balikat niya. At doon ko nakita ang isang maliit na marka, isang hickey. Halos hindi iyon mapapansin kung hindi titignang mabuti, ngunit mabilis ko itong nakita. At sapat na iyon para tuluyan kong maintindihan kung saan niya iyon nakuha.Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. Kahit hindi niya pa sabihin ang totoo, nasa harapan ko na mismo ang ebidensya. Ilang oras lang siguro ang nakalipas nang may ibang babaeng dumampi sa balat niya. Habang ako, ang asawa niya, ay naghihintay sa bahay at umaasang maaalala man lang niya ang anniversary namin.Mapait akong napangiti bago ko sinagot ang kanyang tano
CLARAMaliwanag na ang araw nang makauwi ako, ni hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay. Ang tanging alam ko lang, buong biyahe ay para akong robot na walang maramdaman. Walang luha, walang galit o miski kahit anong emosyon. Para bang may malaking bahagi ng puso ko na tuluyang namatay nang makita ko ang asawa kong may kasamang ibang babae. Tahimik ang buong bahay, parang walang nangyari. Parang hindi ko lang nalaman na sa tatlong taon naming pagsasama, isa lamang pala akong pansamantala. Ginawa ko buong araw ang mga daily routines ko, mas pinili ko na libangin ang aking sarili kaysa magmukmok. Sa sobrang gulo ng utak ko dahil sa mga tanong na bumabagabag sa akin, nagawa kong linisin ang buong bahay. Hapon na nang matapos ako sa lahat ng gawain, umupo ako sa sofa at tahimik na naghintay. Hindi ko rin alam kung bakit, siguro dahil gusto kong marinig mula mismo sa bibig niya ang katotohanan. Siguro gusto kong makita kung magsisinungaling pa rin siya sa harap ko. O baka sa kab






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.