Mag-log inChapter 5
Pumasok ang Maybach sa malawak na lupain ng Vista Estates at huminto sa tapat ng pinakamalaki at pinakamarangyang mansyon sa buong subdivision. Kusang bumukas ang p***o ng sasakyan. Naunang bumaba si Wyatt. Tumayo ito sa tabi ng p***o at binalingan si Ayella. "Come down," malamig nitong utos. Bumaba si Ayella. Ramdam niya pa rin ang kaunting pangangatog ng kanyang mga tuhod kaya napahawak muna siya sa p***o ng kotse para balansehin ang sarili. Tiningnan niya ang mansyon sa harap niya. Ang karangyaan niyon ay lampas sa inaasahan niya. No wonder... ito ang tahanan ng pinakamayamang lalaki sa siyudad. Isang may-edad na babae ang lumabas mula sa mansyon. Maayos ang bihis nito at may mabait na mukha. "Sir," bati nito kay Wyatt. "Hmm." Itinuro ni Wyatt si Ayella gamit ang kanyang baba. "This is Ayella Macaraig. She'll be staying here for a while. Please make the arrangements, Yaya." Bahagyang natigilan ang matanda, ngunit mabilis ding nakabawi at ngumiti. "Sige po, sir." Dahan-dahang tumango si Ayella rito. "Salamat po, pasensya na sa abala." "Naku, ma'am, walang abala. Tawagin niyo na lang akong Aling Mameng," nakangiting sagot nito. "Tuloy po kayo sa loob." Sumunod si Ayella kay Aling Mameng. Pero pagkatapos ng ilang hakbang, bigla siyang huminto. Nilingon niya ang lalaking nakatayo pa rin malapit sa sasakyan. "Mr. Fitzwilliam..." tawag niya rito. "Salamat... salamat sa pagtulong sa akin gabi." Hindi sumagot si Wyatt. Bahagya lang itong tumango, sapat para malaman niyang narinig siya nito. Nagpatuloy si Ayella sa paglakad paitaas sa engkantadang hagdan ng mansyon. Kasabay nito, muling narinig ang boses ng maliit na dumpling sa kanyang tiyan, pero sa pagkakataong ito ay may halong hikab na at antok. “Mommy... ang napapagod po ako... ang dami kong dinaldal ngayong araw...” “Goodnight, mom. Goodnight, dad.” “See you po tomorrow.” Napatigil si Ayella sa mismong baitang ng hagdan. Dahan-dahan niyang inilapat ang kanyang palad sa puson at bumulong sa sarili niyang isip. ‘Goodnight, baby.’ Sa ibaba, nanatiling nakatayo si Wyatt habang pinapanood ang pagsasara ng p***o ng kwartong tinutuluyan ng dalaga. Sa isang saglit, ang mga eksena noong gabing iyon—tatlong buwan na ang nakalipas—ay biglang rumehistro nang malinaw sa kanyang utak. Sa gitna ng dilim ng kwarto, ang babaeng iyon ay parang tubig sa lambot. Ang mga braso nito ay nakapulupot sa kanyang leeg habang ang mga labi nito ay pilit na humahalik sa kanyang Adam's apple. Umiiyak ito noon. Ang boses nito ay paos at basag, paulit-ulit na bumubulong na masakit... Napatigil siya noong gabing iyon dahil doon. Pero mas lalo siyang niyakap ng babae nang mahigpit. Isang manipis at halos hindi mapansing ngiti ang sumilay sa mga labi ni Wyatt—isang reaksyon na maging siya ay hindi niya namamalayang nagagawa niya. Bzzzt. Bzzzt. Biglang nag-vibrate ang cellphone sa kanyang bulsa. Agad niya itong sinagot. "Nahanap mo ba?" diretsong tanong ni Wyatt. "Opo, Mr. Fitzwilliam," sagot ng kanyang tauhan sa kabilang linya, puno ng paggalang. "Tatlong buwan na ang nakakaraan sa Urban Club, may naglagay nga po ng gamot sa inumin ni Miss Ayella Macaraig. Ang stepsister niyang si Dahlia ang mismong gumawa, at si Mateo Mallari ang utak ng plano. Nagpaupa sila ng tatlong lalaki para sirain ang puri ng dalaga, pero nagkamali ng kwarto si Miss Ayella at sa kwarto niyo po siya pumasok." Mas lalong nagdilim ang mga mata ni Wyatt. "Bukod doon, si Miss Ayella po ay nagmamay-ari ng tatlumpung porsyento (30%) ng mga shares sa MC Inc., na ipinamana sa kanya ng lolo niya bago ito mamatay. Iyon po ang totoong rason kung bakit pinipilit siyang pakasalan ni Mateo." Hindi nagsalita si Wyatt. Binalot siya ng malamig na katahimikan. Pagkalipas ng ilang segundong pag-aalinangan, muling nagtanong ang tauhan niya. "Mr. Fitzwilliam... may gusto po ba kayong ipagawa sa kanila?" "No need," malamig na sagot ni Wyatt bago tuluyang pinatay ang tawag. Tumingin siya sa kawalan, ang mga mata ay kasinglamig ng yelo. Mateo. Very good. Kinaumagahan, nagising si Ayella dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Tiningnan niya ang hindi pamilyar na kisame at malawak na kwarto, bahagyang nalito kung nasaan siya. Pero sa isang kurap, ang mga alaala kagabi ay parang malaking alon na bumalik sa kanyang isip. Ang kasal. Ang naudlot na pag-iisang dibdib. Si Wyatt. At... ang sanggol sa kanyang tiyan. Awtomatikong hinawakan ni Ayella ang kanyang puson. Patag pa rin iyon, wala pa siyang maramdamang kahit anong bukol o sipa. Pero alam niyang may isang maliit na buhay doon na tahimik na lumalaki. At napakadaldal pa nito. Naalala ang mga banat ng anak kagabi, hindi niya napigilang mapangiti nang mag-isa. “Mommy, gising ka na po?” Eksaktong-eksakto ang pagsingit ng boses ng maliit na dumpling, bakas ang sigla ng isang bata na nakatulog nang mahimbing. “Good morning, good morning po! Ang ganda ng gising ng Mommy ko ngayon, ah!” ‘Oo, good morning,’ tahimik na sagot ni Ayella sa sariling isip habang dahan-dahang bumabangon mula sa kama. “Mommy, let me tell you, paimbistiga ko si Daddy kagabi!” misteryosong bulong ng maliit na dumpling. “Nasa study room siya buong gabi, may tinatawagan. Parang may pinapa-check!” Natigilan si Ayella. Anong tsine-tsek nito? Siya ba? Iniimbistigahan ba siya ni Wyatt? “Mommy, don't worry!” mabilis na bawi ng bata para pakalmahin siya. “Si scumbag Mateo at ang masamang babaeng 'yan ang pinapahanap ni Daddy! Ipinasuyod niya silang dalawa nang husto!” Ayella: “...” Ibig sabihin, hindi lang pala isip niya ang kayang basahin ng anak niya. Kahit ang ginagawa ni Wyatt sa labas ng kwartong ito, nararamdaman din ng bata. “Yes, yes!” mayabang na hagikhik ng maliit na dumpling. “I knew it! Hehe!” Hindi alam ni Ayella kung ano ang dapat maramdaman. Ang batang ito ba ay ipinanganak para tulungan siya o para takutin siya sa mga kakaiba nitong kakayahan? Bzzzt. Bzzzt. Eksaktong bumasag sa katahimikan ang tunog ng kanyang cellphone. Pagkabasa niya sa caller ID, awtomatikong bumigat ang kanyang dibdib. Si Romeo. Ang kanyang ama. Nag-atubili siya nang ilang segundo bago pinindot ang answer button. "Ayella! Nasaan ka?!" Agad na sumalubong ang galit at pigil na sigaw ni Romeo mula sa kabilang linya. "Umuwi ka rito ngayon din! Kailangan mong magpaliwanag sa mga Mallari sa ginawa mo kahapon!" Inilayo nang kaunti ni Ayella ang telepono sa kanyang tainga. Ang boses niya ay nanatiling kalmado, walang emosyon. "Ano naman ang gusto mong sabihin ko?" "Hiyang-hiya kami! Sinira mo ang kasal sa harap ng maraming tao, tapos nag-imbento ka pa ng kwento na buntis si Dahlia kay Mateo! Alam mo ba ang lagay ng pamilya Mallari ngayon?! Sabi nila, kakanselahin na nila ang kasunduan natin! Babagsak ang proyekto ng MC Inc.!" Bahagyang natawa nang mapait si Ayella. "Dad, kung talagang nag-iimbento lang ako, bakit hindi sumama sa akin si Dahlia sa ospital kahapon para magpa-DNA test?" Natahimik ang kabilang linya. Sandaling nawalan ng salita ang kanyang ama. "Huwag mo akong idaan sa ganyan!" halatang nawalan ng sapat na lakas ng loob si Romeo pero pilit pa ring nagmamatigas. "Umuwi ka rito, pumunta ka sa mga Mallari para humingi ng tawad. Ayusin mo itong gulo!" "Magmakaawa? Humingi ng tawad?" Naging malamig ang tono ni Ayella. "Dad, pinapapunta mo ako para humingi ng tawad sa mga taong sumira ng reputasyon ko?" "Anong sinira ang reputasyon mo?! Gumagawa ka lang ng kwento! Paano magagawa ni Mateo ang bagay na 'yan?" "Itinanong mo ba sa kanya?" Katahimikan uli. Walang sagot. Hawak ang cellphone, naramdaman ni Ayella ang matinding pagod na dumaloy sa buong katawan niya. Ang lalaking tinawag niyang "Dad" sa loob ng mahigit dalawampung taon... kahit isang beses, hindi siya pinakinggan. Palagi nitong pinaniniwalaan si Emilia o si Dahlia. Sa mga mata ng sarili niyang ama, ang mga salita niya ay palaging basura at walang kwenta. “Mommy, huwag kang malungkot, andito pa kami ni Daddy!” seryosong amba ng boses ng sanggol sa kanyang tiyan. Sa pagkakataong ito, wala ang mapaglarong tono nito, purong pag-aalala lang ang naramdaman ni Ayella. Huminga nang malalim si Ayella. "Kung para lang dito ang tawag mo, wala na tayong dapat pag-usapan pa." "Ikaw... akala mo ba kung sino ka na? Dahil lang ba nakakapit ka na sa mga Fitzwilliam? Tingnan natin kung hindi ka iwanan niyan—" "Wala ka nang pakialam sa mga buhay ko, Dad," pagputol ni Ayella sa mga susunod pa nitong sasabihin. "Kung bumagsak man ang proyekto dahil dito, hanapin mo ang may kasalanan. Huwag kang pumunta sa akin. Si Mateo ang unang nagtaksil sa relasyon natin, at ang paborito mong madrasta at anak niya ang unang gumawa ng dumi." Toot. Toot. Toot. Agad na ibinaba ni Ayella ang linya. Paulit-ulit pang nag-ring ang telepono niya pagkatapos niyon, pero hindi niya na ito tiningnan pa. “Mommy, ang galing mo! Don't worry, hindi ka pababayaan ni Daddy,” masayang hirit ng maliit na dumpling. Napangiti na lang si Ayella. Sa totoo lang, tanggap niya na. Sa sandaling tinanggihan niya ang kasal na iyon, alam niyang wala na siyang aasahan pa sa pamilya Macaraig. Tapos na ang yugtong iyon ng buhay niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata para magpakawala ng huling buntong-hininga. Isang marahang katok sa p***o ang bumasag sa kanyang pag-iisip.Chapter 28Naglakad si Wyatt patungo sa balkonahe.Medyo malamig na ang simoy ng hangin sa ganitong panahon.Subalit nararamdaman pa rin ni Wyatt ang matinding init sa kanyang katawan. Karagagaling niya lang sa tabi ni Ayella, at ang mabangong amoy ng dalaga ay nakatatak pa rin sa kanyang ilong.She looked especially beautiful today. It was impossible to look away.Pagkatapos uminom ng ilang tegok ng malamig na tubig para pakalmahin ang sarili, mas gumaan ang kanyang pakiramdam.Kinuha ni Wyatt ang kanyang cellphone at tinawagan si Aljon, ang kanyang assistant.Mabilis niyang ipinaliwanag ang pakay."I remember that the Macaraig has recently been vying for Elysian Grand Hotel's bidding projects."Ang Elysian Grand Hotel ang pinakamalaking investment hotel ni Wyatt ngayong taon. Katatapos lang nitong maitayo at kasalukuyang naghahanda para sa iba't ibang interior decorations at furnishings. Ang pamilya Macaraig ang isa sa mga kumpanyang nagbi-bid at napakataas ng tsansang manalo.Napak
Chapter 27Naiilang talaga si Ayella sa sitwasyon.Hindi nagtagal, lumapit si Wyatt dala ang ice pack.The next second, dahan-dahan nitong itinapat ang ice pack sa namumulang pisngi niya. Napakislot si Ayella sa biglaang lamig.Nang makita ito ni Wyatt, lalong naging maingat at mahinhin ang bawat kilos nito. "Does it hurt a lot?""No, ako na lang... I don't like to bother others," naiilang na pigil ni Ayella."I'm not Mateo. I like being bothered," pormal at seryosong tugon ni Wyatt.Sobrang lapit ng kanilang mga mukha.Dahil sa sobrang lapit, amoy na amoy ni Ayella ang mabangong pine scent na nagmumula sa lalaki. Kitang-kita niya ang kurba ng mahahabang pilikmata nito at nararamdaman pa niya ang warm breath nito sa kanyang balat.Her heart skipped a beat.Nagsimulang matunaw ang yelo sa loob ng bag, at ang tubig nito ay pumatak sa ilang hibla ng buhok malapit sa tainga ni Ayella.Kusa itong inabot ni Wyatt para hawiin. Ang manipis na calluses sa mga daliri nito ay nagdulot ng kaunti
Chapter 26Ang isang sampal na iyon ay sapat na para tuluyang putulin ang ugnayan niya sa kanyang ama.Dahan-dahang umandar ang kotse malayo sa villa ng mga Macaraig. Sumandal si Ayella sa upuan, ipinikit ang kanyang mga mata, at kusa niyang itinapat ang kanyang kamay sa ibabang bahagi ng kanyang tiyan."Mommy, are you alright?" maingat at nag-aalalang tanong ng little dumpling. "That old man went too far! Lakas ng loob niyang agawin ang shares mo, napaka-shameless! And that Dahlia, so pretentious! Hate na hate ko siya tuwing nakikita ko!"Napangiti nang mahina si Ayella sa sarili. "I'm fine.""But Mommy doesn't seem very happy...""I'm just a little tired," mahinang bulong ni Ayella.Pagod na pagod na talaga siya.Hindi dahil sa marahas na inasal ni Romeo, at hindi rin dahil sa mga sarkastikong patama nina Emilia at Dahlia. Matagal na siyang nasanay sa mga ganitong bagay, at kapag sanay ka na, hindi ka na masasaktan pa.Ang totoong nakakapagod para sa kanya ay ang walang katapusang k
Chapter 25Nawala agad ang ngiti sa mukha ni Emilia.Mas lalong nagdilim ang mukha ni Romeo. "Ayella! What nonsense are you spouting?!""I'm speaking like a normal person," sagot ni Ayella habang nakatitig sa kanilang tatlo. "I won't budge on the issue of shares. Kung wala na kayong ibang kailangan, i'll be leaving now."Kinuha ni Ayella ang kanyang bag at naglakad palabas nang hindi man lang lumingon sa kanila.Pagdating niya sa pinto, nagulat siya nang may biglang mabangga.Mateo.He was wearing a dark blue shirt. Matingkad ang kanyang tindig at matangos ang mga tampok ng mukha, ngunit may bakas ng matinding pagod sa kanyang mga mata—na tila matagal na itong hindi nakakakuha ng maayos na tulog.Nang makita nitong lumabas si Ayella, natigil ito sa paglalakad. Mabilis na kumislap ang saya sa mga mata ni Mateo."Ayella," tawag nito sa kanya.Salamat at sa wakas ay nakita rin kita.Bahagyang kumunot ang noo ni Ayella. Why is he here?Totoo nga ang sinasabi nila kung sino pa ang ayaw mon
Chapter 24"Sister, Dad is only doing this for your own good," biglang singit ni Dahlia sa napakalambot at maamong boses, na parang gustong mag-ayos ng gulo. "Nakasama ka na sa mga Fitzwilliam, kaya 'wag mo nang hayaang makaapekto ang maliit na bagay na ito sa pagsasama ninyo ng asawa mo."Sulyap lang ang ibinigay sa kanya ni Ayella.Bata pa lang sila ay umaarte na ang kapatid niyang ito sa labas. Lalo na sa harap ni Romeo, lagi itong nagpapanggap na mabait at maunawain na anak. But Ayella wasn't buying it anymore."You don't need to worry about my marital relationship," malamig niyang iwas-tingin."Ayella!" Malakas na itinampal ni Romeo ang kanyang kamay sa coffee table at mabilis na tumayo. "What kind of attitude is this?! Dahlia is just trying to be kind and concerned about you, tapos umaasta ka nang pabalang sa lahat! Let me tell you, hindi ikaw ang magdedesisyon sa shares na 'yan!"Habang nakatitig sa galit na galit na mukha ng lalaki, kakaibang kalma ang naramdaman ni Ayella.I
Chapter 23"Dad, don't worry. Maiintindihan din ni Ate ang good intentions mo," nakatutuwang sagot ni Dahlia.Pagkatapos magsalita, mabilis na umakyat si Dahlia sa kanyang kwarto. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Mateo."Mateo, are you free? Are you coming over for dinner later? Pauwi na kasi rito si Ate," pacute nitong tanong sa kabilang linya.Napatingin si Mateo sa kanyang cellphone. Nag-iisip pa lang siya kung paano makikita si Ayella kaya agad siyang sumagot, "I have time. Medyo matagal na rin akong hindi nakakabisita kina Uncle at Auntie.""Okay! Ipahahanda ko sa kitchen ang mga paborito mong pagkain," malambing na sabi ni Dahlia bago itinabi ang cellphone.Nang mamatay ang tawag, unti-unting napalitan ng dilim ang kanyang mga mata.Inimbita niya si Mateo para subukan ito. Gusto niyang makita kung talagang nakamove-on na ito sa babaeng 'yon. Gusto rin niyang gisingin si Mateo sa realidad na asawa na ni Wyatt si Ayella at hindi na pwedeng angkinin pa.Lalo na't p







