Share

Chapter 1

last update Huling Na-update: 2022-01-26 14:56:38

BREE’S POV

Three days later

When I was younger, isa din naman ako sa mga babaeng nangarap ng magarbong kasal. Having been in a relationship with Aidan for a year—at siya lang din naman kasi ang nag-iisa kong naging nobyo—I started fantasizing about our wedding. Ayun nga lang, ako pa nga ang naging kabit sa relasyon nila ni Ava.

Napailing na lang ako habang nilalagyan ng blush ang aking pisngi. Hindi ko na siya dapat iniisip. Ikakasal na ko ngayong araw at wala nang makakapigil pa dito.

Gusto ko sana ng all white wedding. Para maliwanag. Para magaan. Para malinis. Gusto ko pa nga ay ‘yung sa gubat gaganapin at makakapagpanggap ang lahat na parang mga diwata. Magkakaroon ng mga lamps at mahahabang lamesa. Gusto ko ‘yung rustic feeling ang theme. At syempre, higit sa lahat, gusto ko ikasal ako sa lalaking mahal ko.

Wala ang lahat ng iyon ngayong araw.

Nakasimpleng bestida lang ako na puti at nasa isang kwarto ng hotel na pagmamay-ari ng pakakasalan ko—ang lalaking hindi ko mahal.

“Ate,” sabi sa’kin ni Maeve habang kinakabit ang belo sa ulo ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan at kagustuhang umiyak.“Sigurado ka ba?”

Nanginginig ang aking laman. Gustuhin ko mang lumuha, hindi ko ito magawa. Hindi pwedeng makita ni Maeve ang takot na nararamdaman ko. “It’ll be fine,” sabi ko sa kaniya at hinawi ang kaniyang buhok. “It’s not like he’s going to kill me, right?”

Tumulo ang luha ni Maeve at pinunasan ko ito. “You don’t have to worry so much. I don’t think naman na lugi ako sa kaniya, ‘di ba?” pagbibiro ko.

Natawa naman si Maeve. Noong isang araw kasi hinanap namin kung anong itsura ng lalaking mapapangasawa ko. In fairness naman sa kaniya at may kapogian siyang taglay.

Kinuha ko ang dalawang kamay ni Maeve. “Once I’m settled in my new house, I’ll come get you, okay? Hindi naman kita iiwanan do’n kay daddy at sa mahadera nating step-mom. Just hold tight.”

Tumango lang si Maeve sa’kin. Alam kong puro pangako na ko sa kaniya. Nang matapos akong magkolehiyo, nagtrabaho ako kaagad para magkaroon ng sarili kong pera. Kung aalis na kami sa puder ng tatay namin, alam ko namang hindi niya kami susustentuhan. Kailangan ko ng pangbayad ng bahay at matrikula ni Maeve kaya ipon ang prioridad ko.

Three days ago, a bomb was dropped on us by our father. “May bago tayong business deal. Ang problema nga lang, gusto niya ng insurance na tatapusin natin ang construction ng bago niyang hotel. He’s asking one of you girls to marry him.”

Natameme lang kaming dalawa ni Maeve at nagkatinginan na parang seryoso ba ‘to?!

“If neither of you will volunteer, si Mr. Carnell na lang ang papipiliin natin. Although, I think he prefers you, Mae—“

Humampas ang palad ko sa lamesa kasabay ng aking pagtayo. “AKO NA!”

Umangat ang tingin sa’kin ni daddy. “Very well, Brianna. I like the initiative. Bumawi ka sa pamilyang ‘to dahil sa kahihiyang dinala mo sa’min sa pagiging kabit ng tanga mong ex-boyfriend.”

Hindi ko naman alam, gusto kong sabihin, pero tumayo na si daddy.

“Dinner’s over. You’ll get married in three days.”

And that was it. That was the same day that I found out that I was a mistress. By nighttime, I was already engaged to a man that I don’t even know.

Bumukas ang pinto ngayon at binitawan ko na si Maeve. “Pinapatawag na po kayo ni heneral,” sabi ng sekretarya ng daddy ko.

Pinilit kong maglakad ang mga paa ko. Naunang pumasok sa kwarto kung saan gaganapin ang kasal si Maeve. Hindi ko akalaing kailangan ko pa rin pala ng bridal entrance kahit na ganito ang sitwasyon. Walang ibang bisita kundi kami-kami lang.

Ni walang background sound nang bumukas na ang mga pinto. Gusto ko pa sanang mapatungo dahil lahat sila ay nakatingin sa’kin habang mabagal akong naglalakad, pero nang makita ko kung sino ang nasa dulo ng lakaran, parang nanglambot na lang ang aking mga tuhod.

Si Heath Carnell. The man who will be legally mine in a few minutes.

Mas gwapo siya sa personal. Pero hindi ‘yung gwapo na inaasahan ko. ‘Yung gwapo niya ay ‘yung tipong gugustuhin mo na lang magtago sa loob ng bahay. His face screams danger. Parang lahat ng stopsign biglang umilaw sa harapan ko. At the same time, ito din ‘yung tipo ng gwapo na ayaw mong makita ng iba dahil aagawin sa’yo.

His face is strong. Mukhang kaya nang pumutol ng marmol ang kaniyang panga. Matangos ang ilong at may kasingkitan ang mga mata. Ang suot niyang suit ay bagay na bagay sa kaniyang tangkad at katawan.

Hindi ako ‘yung babae na gusto ng sobrang machong lalaki. Basta mahal ako ‘yun na. Pero hindi ko din maintindihan kung bakit parang nanghihina ako dahil alam kong kaya niya kong ibalibag sa kama? May hindi mapaliwanag na pananabik sa mga hita ko.

Pagdating ko sa harap ng judge, nagsimula na kaagad ang seremonya. Mahigpit lang ang hawak ko sa tangkay ng mga bulaklak. Nagliyab naman ang aking mga pisngi nang hindi alisin ni Heath ang pagkakatitig niya sa’kin.

Tinaasan ko siya ng kilay. Tumingin ka nga sa iba!

Kumunot naman ang kaniyang noo. Bakit ako titingin sa iba?

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. DALIAN MO!

Thankfully, sumunod naman siya at sumulyap sa kaniyang mga paa. Ayun nga lang, unti-unti ding umangat ang kaniyang tingin. Napanood ko ang mabagal na pag-akyat ng kaniyang mga mata mula sa aking paa, sa suot kong bestida, at tila nag-parking sa aking dibdib.

“Pst,” sabi ko sa kaniya at nagtama ang mga mata namin.

Nginisian lang ako ni loko.

Aba, manyak pala ‘to!

Bago pa ko kabahan, patapos na ang aming kasal. Ito lang ‘yung tipo na three-minute wedding. Nagpalitan na kami ng vow at inabot sa kaniya ang mga singsing.

Sa init ng kamay niya, tsaka ko lang napansin ang sarili kong panglalamig. Pinagmamasdan niya ko habang sinasabi ang katagang:

“Brianna, I give you this ring as a symbol of my love with the pledge: to love you today, tomorrow, always, and forever.”

Biglaang nagkaroon ng mga luha sa’king mga mata. Masyadong matamis at intimate ang msa salita na naiiyak ako dahil sana totoo na lang.

Binalik ko ang pangakong iyon habang sinusuot ang singsing sa kaniyang mahabang daliri. Wala manlang spark. Ang tanging naramdaman ko lang ay ang gaspang na kaniyang palad.

Nagsalita na ang judge at nasarado na ang kapalaran naming dalawa. “By the power vested in me by the state, I now pronounce you husband and wife!”

Walang halik na kailangan at pinwersa kong ngumiti ang aking mga labi habang nagpalakpakan ang iilang tao sa kwarto. Nagkaroon ng saglit na picture taking. Ni wala manlang handaan pagkatapos.

Ang tatay ko may kailangan pang puntahan at mabilis na nagpaalam na para bang hindi niya binenta ang isa sa mga anak niya para lang sa isang business deal.

Okay lang, sabi ko sa aking sarili nang yakapin ko si Maeve bago siya umuwi. Kakayanin ko ang lahat para sa kaniya. Pagtapos nito, magpapakalayo na kami at hindi na nila kami ulit makikita.

But for now, this is my first day of being Mrs. Carnell.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang bilis naman ng kasalang Bree T Heath
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My Secret Husband Is A Mafia Boss [   Chapter 53

    HEATH’S POV If you’re going to ask me why I’m still managing Anino—the mafia, it’s not because of the money. I have plenty enough of that to last me lifetimes. Pero bakit nga ba? It’s more about the constant thought of getting caught. Of living my life always right on the edge. It enables me to live my life to the fullest, every single second of it. You know, that feeling that makes your heart pounds? I want that everyday. Alam ko namang hindi ako tatanda. Well, I have hopes. Pero hindi na ko umaasa. As I’ve said before, mafia lords tend to die young.

  • My Secret Husband Is A Mafia Boss [   Chapter 52

    BREE’S POV“Bakit ang tagal mong mag-video? Kanina pa tayo nakatayo dito.”Umikot ang mga mata ko sa sinabi ni Rainier. “Sabi ko naman kasi ako na lang mag-grocery eh! Therapy ko kaya ‘to. If you’re so bored, go ahead and wonder around.”“Ano pang silbi ko kung hindi kita sasamahan kung sa’n ka pupunta?”“Fine, just go to the meat aisle. Kitain na lang kita do’n. I know you need your protein.” Masama pa ang tingin sa’kin ni loko bago nagsimulang lumayo. “And get some for Heath, too.”Rainier snorts as he turns his back on me.Finally, some peace. Ayaw kasing umayos ng camera ko ngayong araw para sa vlog. Malapit na kasi akong

  • My Secret Husband Is A Mafia Boss [   Chapter 51

    HEATH’S POVAng weird sabihin na maayos ang buhay namin nang ilang araw. Tina-try pa din naming i-trace kung sino ang mokong na ‘yun na nag-hack sa system namin. Pero masyadong malinis. Hindi ko alam kung paano namin siya mahuhuli.“You suck at this, Rainier!” reklamo ni Maeve pagpasok ko ng salas.“What?!” tugon naman nito.Nasa carpet ang dalawa at parehong may hawak na controller.“You’re supposed to be good at this,” dismayadong sabi ni Maeve. “Akala ko ba militar ka? Why can’t you shoot at this kind of games?!”Natatawang sumagot si Rainier. “Well, it’s di

  • My Secret Husband Is A Mafia Boss [   Chapter 50

    HEATH’S POV“System breach,” bungad sa’kin ni Eli paglabas ko ng elevator. “I think they are trying to get information that they could possibly leak.”“What’s happening now?”Pumasok na kami kaagad sa opisina ko.“No other threats?”“None as of the moment,” sabi ni Eli habang nakatingin pa din sa tablet niya. “Matindi ang IT team nito. Ang nakakapagtaka lang, kung nabuksan nila ang system at kaya nilang pabilisin ang pagkuha ng data natin pero…”“Pero ano?” tanong ko pagkaupo ko.“Pero hindi nila tinutuloy

  • My Secret Husband Is A Mafia Boss [   Chapter 49

    BREE’S POV“I can come with you if you want,” ang sabi sa’kin ni Heath nang sabihin ko sa kaniyang pupunta ako sa bahay ng daddy ko.“It’s fine. I can handle it,” lang ang naging tugon ko. Sinamahan ako ni Rainier.“You’re quiet,” obserba ko sa kaniya. “You’re giving me the feeling that you don’t really agree with what I’m doing.”“Your dad is my boss. I don’t speak against my higher ups. Besides, it’s a family matter. I can’t comment on it.”Some part of me is wishing that he would say something. Na parang ma-comfort ako na tama ‘tong ginagawa ko. I hardly go against my father’s wishes. A

  • My Secret Husband Is A Mafia Boss [   Chapter 48

    BREE’S POVIsang oras din ang tinagal ng byahe namin bago kami nakarating sa presinto. Nang makita ako ni Maeve, ni hindi manlang ako binati nito. Malamlam at antok ang ekspresyon ng mukha.“Where the hell were you?” tanong ni Heath kay Seth. “You were supposed to keep an eye on her.”“Nasa bahay na siya kagabi,” depensa ni Seth na mukhang aligaga din dahil napapagalitan siya ni Heath. “Hindi naman siya nagsabi na lalabas siya.”“Ano ba nangyari?” tanong ko.Ngayon ko lang nakita nang malapitan si Seth. Huli ko siyang nakita may mga dugo pa sa balat niya dahil doon sa palaro sa Anino. Ang laki niya pala talagang bata. ‘Yung tipong gustuhin nga tala

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status