Share

Chapter 22

KASALUKUYANG nasa intensive care unit si Dylan kung saan nakahiga si Zoe. Nakasuot ang binata ng hospital clothing at facemask. Kanina pa siya nasa loob ng silid at kanina pa niya hindi inaalis ang tingin sa dalaga. Kitang-kita ng binata ang mga galos sa katawan ni Zoe at ang nakabalot na benda sa ulo nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang dalaga matapos ang kaniyang operasyon. Hindi rin sigurado si Dylan kung magigising pa ba ito lalo na nang mabalitaan ang detalyadoong aksidente sa kaibigan.

Samantalang sina Abby at Alfred naman ay naiwang nakabantay kay Dykeil sa silid nito dahil isa lang ang pinapayagang pumasok sa intensive care unit. Alam ni Dylan kung ano ang hirap na pinagdadaanan ni Abby kaya naman nag-offer itong magbantay kay Zoe.

Tinitigan ni Dylan ang mukha ni Zoe at nakaramdam ito agad ng awa sa kaniya. Simula noong dumating ang dalaga rito sa Pilipinas ay alam ni Dylan na iba na ang Zoe na nakilala niya. Hindi na ito 'yong dating Zoe na sobrang kulit at na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status