Share

Chapter 42

NANATILING nakaupo at tahimik si Zoe. Hindi niya alintana ang babaeng nakaabang sa kaniyang harapan. Wala siyang dapat ikabahala dahil alam niyang hindi na sila pa magkakaayos ni Dylan. Wala na silang dapat pag-usapan ni Reighn.

Alam niyang simula noong nag-usap sila ay alam niyang puro gulo lang ito. At kapag nagpakain na naman siya sa mga sinasabi nito ay baka may mawala na naman sa kaniya. Iyon ang kaniyang kinatatakutan.

"Zoe," muling pagtawag ni Reighn sa dalaga, "can I have your minute? May sasabihin lang sana ako."

Hindi lumingon si Zoe at para bang nagbibingihan sa kaniyang paligid.

"Nak... Zoe," pagtawag ng kaniyang ina. Lumingon ang dalaga kay Abby at nakita niya ang pagtango ng ina na para bang ayos lang sa kaniya na iwanan sila kasama si Dykeil.

"I have nothing to say to her, mom," aniya ni Zoe.

Kinuha ng dalaga ang plato ni Dykeil para sana sandukan ito ng pagkain, pero pinigilan siya ng kaniyang ina. Naramdaman ni Zoe ang paghawak ni Abby sa kaniyang kamay na para bang p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status